You are on page 1of 2

Rainier D.

Yanos Filipino
10 – SSC Archimedes Enero 04, 2023

Bakit marami sa mga kabataan ang ayaw ng magsulat sa kwaderno ng mga

lectures?

Ngayong nagbalik-eskwela na ang lahat, karamihan sa mga mag-aaral

ngayon ay nasa loob na ng mga silid-aralan. Nagbalik na ang mga powerpoint

presentation o ‘di kaya nama’y mga Manila Paper na may mga leksiyon. Sa

tradisyunal o digital man na pamamaraan, malaking bahagi ng pag-aaral ang

pagsusulat ng mga lectures sa kwaderno. Ngunit sa kasalukuyang panahon,

lumalayo na ang mga kabataan sa pagsusulat ng leksyon sa kanilang kwaderno.

Tinatalikdan na ang nakagawian para sa mga makabagong pagkuha ng leksyon.

Minsan, hinihingi na lamang mula sa mga guro ang powerpoint presentation. May

iba namang kinukuhanan ng litrato ang mga gamit pangturo ng mga guro.

Kakarampot na lamang ang nagpapakahirap na gamitin ang abang ballpen at

kwaderno.

Naniniwala akong ang pag-usbong ng makabagong teknolohiya ang

nagpapabago sa pamamaraan ng mga mag-aaral na lumakip ng impormasyon.

Gaya ng pagka-imbento ng papel, ang pagka-imbento ng mga cellphone na may

kamera, mga laptop na kayang maglaman nang libu-libong files, at mga search

engines na maaaring sagutin ang mga katanungan sa loob ng ilang segundo ay

nagpadali sa pagkalap at pag-iipon ng impormasyon. Ang mas pinadaling prosesong

ito ay mas nakahihikayat para sa mga kabataan na lumayo sa tradisyunal na ballpen

at kwaderno at gamitin ang makabagong teknolohiya.


Kung tutuusin, ang pagsusulat sa kwaderno’y may mabuting dulot. Nagiging

bahagi ang mga mag-aaral sa klase kung sila’y nagsusulat sa kwaderno ‘pagkat

aktibo silang nakikinig sa leksiyon. Mas naaalala din ng mga mag-aaral ang paksa

dahil nakikibahagi ng buo ang kanilang isip at katawan. Ngunit, mas nanaisin ngayon

ng mga kabataan na basahin na lamang ang buong leksiyon nang wala ang

nakapapagod na pagsusulat. Siya nga naman, masakit sa kamay ang mag-sulat

buong araw, ako nga’y nagkaroon na ng kalyo. Sa paningin ng marami sa mga

kabataan ngayon, mas matimbang ang mga benepisyo ng makabagong teknolohiya

kaysa sa benepisyo ng pagsusulat sa kwaderno. Lumalabas tuloy na wala nang silbi

ang mga kwaderno at ballpen ng mga mag-aaral.

Sa dakong huli, ang mga kabataan pa rin ang may desisyon kung gagamitin

ba nila ang kanilang ballpen at kwaderno upang isulat ang kanilang mga lectures.

Ngunit, upang sagutin ang inyong tanong, ang pag-usbong ng teknolohiya at ang

pagpapadali nito sa proseso ng pag-aaral ay ang dahilan ng mga mag-aaral kung

bakit ayaw na nilang magsulat ng lectures sa kanilang kwaderno. Hindi natin

masasabing masama ito, ngunit maaari natin itong tingnan bilang pagsabay ng

sistema ng edukasyon sa daloy ng panahon.

You might also like