You are on page 1of 2

Name: Rachelle Jade C. Cordova Teacher: Ms.

Grace Zaratan

Gr & Sec: 9-Luna FILIPINO

ANG PANGAKO NI LOLO KARDING

Sa isang sulok ng bukid nakatira si Lolo Karding (Pagong). Kilalang-kilala si Lolo Karding ng lahat ng hayop
doon dahil siya ang pinakamatanda sakanila. Isang araw, natandaan ni Lolo Karding na malapit na ang
unang kaarawan ng kanyang inaanak na si Kuting. Nagpangako siya na dadalo sa pagtitipon na
gaganapin.

Si Kuting ay anak ng kaibigan niya na si Muning. Napalapit sa puso ni Lolo Karding si Kuting dahil madalas
siyang binibisita ng pusa sa kanyang sulok sa bukid. Matagal na silang nagkukwentuhan tungkol
sakanilang mga karanasan sa bukid.

Mahilig maghanap ng kung ano-anong abubot si Kuting. Sa kanyang paglalaro at paglilibot sa bukid,
nakahanap siya ng sari-saring bagay--- tansan, butones, holen, imperdible, sipit, lastiko at kung ano-ano
pa.

Itinatago ni Kuting ang lahat ng ito sa isang koleksiyon. Ang mga bagay na ito ay itinuturing niyang mga
munting kayamanan. Ang pagkakaroon ng koleksiyon ay nagbibigay sakanya ng kasiyahan. Bukod pa rito,
laging isinasalaysay ni Kuting kay Lolo Karding ang kuwento tungkol sa bawat kayamanan na kanyang
natuklasan.

“Tamang-tama para kay Kuting ang regalo ko sakanya. Tiyak na magugustuhan niya ito at gagawing
bahagi ng kanyang koleksiyon.” Isip ni Lolo Karding tungkol sa bagay na napulot niya noong pumunta siya
ng ilog.

Isa itong berdeng piraso ng bote na walong matutulis na bahagi. Ang piraso ng bite ay matagal nang
ipinakinis ng dalot ng tubig sa ilog. Ito’y kumikinang kapag tinatamaan ng sinag ng araw. “Isang munting
kayamanan” sabi ni Lolo Karding habang minamasdan niya ito.

Dumating ang araw ng kaarawan ni Kuting. Bago pa magbukang-liwayway, sinimulan ni Lolo Karding ang
kanyang paglalakbay. Patungo siya sa bahay kubo ng magsasaka sa kabilang sulok ng bukid. Sa ilalim ng
bahay kubo kasi nakatira ang pamilyang Kuting.

“Tik-ti-la-ok! Tik-ti-la-ok!, Lolo Kuting, ikaw pala yan” sabi ni Tasha Tandang (Manok) nong napansin niya
ang matanda. “Hindi pa po sumisikat ang araw, eh, saan po ba kayo pupunta?” tanong ni Tasha Tandang.

“Ay, Tasha, magandang umaga sa iyo. Pupunta ako sa pagtitipon para sa kaarawan ni Kuting” sagot ni
Lolo Karding.

“hindi ba dapat hapon pa ang pagtitipon?” usisa ni Tasha Tandang. “Masyadong maaga pa po”

“Oo nga kaibigan, tama ang sinabi mo. Ngunit ako’y nagpangako na dadalo. Ang pangako ay pangako.
Ito’y dapat tuparin. Kaya’t sinisikap ko na ako’y makarating.”
“Mawalang galang na po, ngunit may edad na kayo. Mabagal na po ang paglalakad niyo. Gusto ba Ninyo
ng tulong ko?” wika ni Tasha Tandang na nagmamalasakit sa matanda.

“Ayos lang kung mabagal, bastat’t gumagalaw. Ang mahalaga ay ako’y makarating. Ang mahalaga ay
mabatin ko si Kuting” sagot ni Lolo Karding na nagpatuloy sa kanyang mabagal na paglalakbay.

“Sige po Lolo Karding! Magkita na lang tayo mamaya!” sabi ni Tasha Tandang na nagpatuloy sakanyang
tungkulin sa pagtitilaok.

Lumipas ang ilang oras at habang naglalakbay sa may gulayan, nakasalubong ni Lolo Karding si Ash (Aso)

“Aw! Aw-waw, Lolo Karding, ikaw pala ‘yan” sabi ni Ash nong nakasalubong niya ang matanda. “Malapit na
po ang tanghali at malakas sikat ng araw. Eh saan po ba kayo pupunta?” tanong ni Ash.

“Ay, Ash, magandang tanghali sayo. Pupunta ako sa pagtitipon para sa kaawarawan ni Kuting” sagot ni
Lolo Karding.

“Hindi po ba’t dapat hapon po ang pagtitipon?” usisa ni Ash. “Masyadong maaga pa po.”

“Oo nga kaibigan, tama ang sinabi mo. Ngunit ako’y nag nagpangako na dadalo. Ang pangako ay pangako.
Ito’y dapat tuparin. Kaya’t sinisikap ko na ako’y makarating.”

‘Mawalang galang na po, ngunit may edad na kayo. Mabagal na po ang paglakad niyo. Gusto niyo ba ng
tulong ko?” wika ni Ash na nagmamalasakit sa matanda.

“Ayos lang kung mabagal, basta’t gumagalaw. Ang mahalaga ay ako’y makarating. Ang mahala ay mabati
ko si Kuting.” Sagot ni Lolo Karding na patuloy sakanyang mabagal na paglalakbay.

“Sige po Lolo Karding! Magkita nalang tayo mamaya!” sabi ni Ash na nagpatuloy sa kanyang tungkulin na
bantayan ang bukitin.

ARAL SA KWENTO
Pag ika’y nangako ay dapat tuparin. Huwag mangangako kung hindi kayang tuparin. Dahil ang pangako ay
pangako.

You might also like