You are on page 1of 2

ANG IBA’T IBANG ACCOUNTS NG PAMBANSANG PRODUKTO AT PAMBANSANG KITA

NATIONAL ACOUNTS – ang isa pang tawag para sa iba’t iban accounts ng pambansang kita at
pambansang produkto.

PANGUNAHING NATIONAL ACCOUNTS


- ginagamit ito na panukat sa paglago ng pambansang ekonomiya.

GROSS DOMESTIC EXPENDITURES – Ito ay unang hakbang sa pagsukat ng pambansang produkto. Ang
GDE ay ang kabuoang halaga ng lahat ng pinal na produkto sa pamilihan na binili ng mga sector ng
consumer, pamahalaan, at negosyo sa loob ng isang taon. Ang GDE ng Pilipinas, ay ang kabuoang
paggugol para sa lahat ng mga pinal na produktong gawa sa loob ng bansa.

Pormula sa pagkompyut ng GDE

GDE = C + G + I
C – Personal Consumption Expenditures
G – Government Consumption Expenditures
I – Capital Formation Expenditures

- Ang Gross Domestic Expenditures (GDE) ay pinakamalaking national product account ng isang
saradong ekonomiya. Ito ang bansang hindi nakikipagkalakalan sa alinmang bansa.
REAL GDP PER CAPITA: SUKATAN NG KAPAKANANG PANG-EKONOMIYA

Angreal GDP ay ang panukat sa panandaliang paglago ng ekonomiya. Hindi ito magandang
indikasyon ng pangmatagalang pag-unlad ng ekonomiya sapagkat patuloy ang paglaki ng populasyon.
Minsa ay mas mataas pa ang antas ng paglago ng populasyon kaysa sa paglago ng ekonomiya. Dahil dito,
ginamit ng mga ekonomista ang real GDP per capita bilang panukat sap ag-unlad ng ekonomiya sa loob
ng mahabang panahon.

Kinukwenta ng real GDP per capita sa pamamagitan ng pag-divide sa real GDP sa populasyon

Real GDP per capita = Real DGP / Population

Ipagpalagay:
Noong taon 2020 ang real GDP ng Pilipinas ay Php 18.44 trilyon at ang populasyon ng bansa ay
humigit kumulang sa 110 milyon. Samaktwid ang real GDP per capita ng bansa sa taong nabanggit ay
Php 167.60 libo. Ito ang average na pagkokonsumo ng bawat Pilipino noong 2020.

Kapag ang paglaki ng populasyon ay mas mabilis kaysa sa paglaki ng real GDP, ang real GDP per
capita ay bumabagsak. Sa kabilang banda, kapag ang paglaki ng populasyon ay mas mabagal kaysa sa
paglaki ng real GDP, ang real GDP per capita ay umaangat.

Ang real GDP per capita ay mas karapat-dapat na sukatan ng kapakanang pang-ekonomiya kaysa
sa real GDP.

Halimbawa:

Ang 10% nap ag-angat ng real GDP ng Pilipinas ay hindi nangangahulugan na amg kita at
pagkokonsumo ng bawat Pilipino ay lumalaki ng parehong antas. Ang 10% bap ag-angat sa real GDP per
capita ay ang tunay na indikasyon ng pag-angat ng kabuhayan ng bawat Pilipino sa naturang taon.

You might also like