You are on page 1of 31

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
LEGANES NATIONAL HIGH SCHOOL
Guinobatan, Leganes, Iloilo

GRADE ARALING PANLIPUNAN


10 GAWAING PAMPAGKATUTO
KONTEMPORARYONG ISYU
AT HAMONG PANLIPUNAN IKALAWANG
MARKAHAN
MGA ISYU AT HAMONG PANG-EKONOMIYA
 Nasusuri ang dahilan, dimensyon at epekto ng ng globalisasyonNatatalakay ang kalagayan,
suliranin at pagtugon sa isyungpangkapaligiran ng Pilipinas
 Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng paggawa sa bansa
 Nasusuri ang dahilan at epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon
 Naipahahayag ang saloobin tungkol sa epekto ng globalisasyon

1 |Gawaing Pampagkatuto sa Araling Panlipunan 10 (Ikalawang Markahan)


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
LEGANES NATIONAL HIGH SCHOOL
Guinobatan, Leganes, Iloilo

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Mga Tiyak na Layunin:


 Naipaliliwanag ang konsepto at perkspektibo ng Globalisasyon;
 Naiisa-isa ang mga dahilan at epekto ng Globalisasyon;
 Nailalahad ang kalagayan ng mga manggagawa sa iba’t ibang sector;
 Naipapaliwanag ang mga epekto ng iba’t ibang suliranin sa paggawa;
 Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng migrasyon dulot ng
globalisasyon;
 Nailalarawan ng mga mag-aaral ang kanilang saloobin kung paano
makilahok nang aktibo sa mga programa ng pamahalaan laban sa
epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon.

PANIMULA (MGA SUSING KONSEPTO)

ARALIN I: GLOBALISYON: KONSEPTO AT PERSPEKTIBO

Paksa: Globalisasyon: Konsepto at Perspektibo


Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng
mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na
nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig. (Ritzer, 2011) Sinasalamin
nito ang makabagong mekanismo upang higit na mapabilis ng tao ang
ugnayan sa bawat isa.
Kung ihahambing sa nagdaang panahon, ang globalisasyon sa
kasalukuyan ayon kay Thomas Friedman ay higit na ‘malawak, mabilis,
mura, at malalim’. Ayon sa kanyang aklat na pinamagatang ‘The World is
Flat’ na nailathala noong taong 2006, ‘Any job- blue or white collar- that can
be broken down into a routine and transformed into bits and bytes can now
be exported to other countries where there is a rapidly increasing number
of highly educated knowledge workers who will work for a small fraction of
the salary of a comparable American worker.’
Sa mga kaisipang nabanggit, ang globalisasyon ay tinitingnan bilang
isang pangmalawakang intergrasiyon o pagsasanib ng iba’t ibang
prosesong pandaigdig. Ngunit hindi nangyayari ito sa lahat ng pagkakataon
sapagkat may mga pangyayaring nakapagpapabagal nito.
Perspektibo at Pananaw
2 |Gawaing Pampagkatuto sa Araling Panlipunan 10 (Ikalawang Markahan)
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
LEGANES NATIONAL HIGH SCHOOL
Guinobatan, Leganes, Iloilo

May limang perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at simula


ng globalisasyon.
1. Ang ‘globalisasyon’ ay taal o nakaugat sa bawat isa.
2. Ang globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago.
3. Ang globalisasyon ay naniniwalang may anim na ‘wave’ o epoch o
panahon na siyang binigyang-diin ni Therborn (2005).
Ika-4 hanggang ika-5 siglo (4th-5th Century)
Huling bahagi ng ika-15 siglo (late 15th century)
Huling bahagi ng ika-18 siglo hanggang unang bahagi ng ika-19 na
siglo( late 18th-early 19th century)
Gitnang bahagi ng ika-19 na siglo hanggang 1918
Post-World War II
Post-Cold War
4. Ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring
naganap sa kasaysayan. Sa katunayan, posibleng maraming pinag-ugatan
ang globalisasyon. Ilan dito ang sumusunod:
Pananakop ng mga Romano bago man maipanganak si Kristo
(Gibbon 1998)
Pag-usbong at paglaganap ng Kristyanismo matapos ang pagbagsak
ng Imperyong Roman
Paglaganap ng Islam noong ikapitong siglo
Paglalakbay ng mga Vikings mula Europe patungong Iceland,
Greenland at Hilagang America
Kalakalan sa Mediterranean noong Gitnang Panahon
Pagsisimula ng pagbabangko sa mga siyudad-estado sa Italya noong
ika-12 siglo
5. Ang globalisasyon ay penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20
siglo.
Tatlo sa mga pagbabagong naganap sa panahong ito ang sinasabing
may tuwirang kinalaman sa pag-usbong ng globalisasyon. Ito ay ang:

Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang


Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ipinakita ng Estados Unidos sa daigdig ang kaniyang lakas-militar
nang talunin ang Japan at Germany sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
naungusan ang France at Great Britain sa usaping pang-ekonomiya at
sakupin ang mga Asyanong bansang Korea (taong 1950) at Vietnam
( taong 1960-70).
Paglitaw ng mga multinational at transnational corporations (MNcs
and TNCs)
Bagamat ang mga makapangyarihang korporasyon sa daigdig ay
nagsimula noong ika-18 hanggang ika-19 na siglo mula sa Germany, Great
Britain at United States, marami sa mga ito ay kasalukuyang nagtutuon ng
pansin sa ibang bansa partikular sa mga developing nations.

3 |Gawaing Pampagkatuto sa Araling Panlipunan 10 (Ikalawang Markahan)


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
LEGANES NATIONAL HIGH SCHOOL
Guinobatan, Leganes, Iloilo

Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War


Sinasabing ang pagbagsak ng ‘Iron Curtain’ at ng Soviet Union
noong 1991 ang naghudyat sa pag-usbong ng globalisasyon.

ANYO NG GLOBALISASYON

GLOBALISASYONG EKONOMIKO
Sentro sa isyung globalisasyon ang ekonomiya na umiinog sa
kalakalan ng mga produkto at serbisyo. Mabilis na nagbago ang paran ng
palitan ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa sa daigdig
sa nagdaang siglo. Kinakitaan ito ng pag-usbong ng malalaking
korporasyon na ang operasyon ay nakatuon hindi lamang sa bansang
pinagmulan kundi maging sa ibang bansa.

Multinational at Transnational Companies


Kilala ang mga ito bilang multinational companies (MNCs) at
transnational companies (TNCs). Ayon sa United Nations Commission on
Transnational Corporations and Investment, ang TNC ay tumutukoy sa
mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa.
Samantala, ang MNC ay ang pangkalahatang katawagan na
tumutukoy sa mga namumuhunang kompanya sa ibang bansa ngunit ang
mga produkto o serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa
pangangailangang lokal ng pamilihan.
Ayon sa artikulong pinamagatang Top Filipino firms building Asean
empires ng Philippine Daily Inquirer na nailathala noong Pebrero 9, 2017,
ilan sa mga MNCs at TNCs sa Vietnam, Thailand at Malaysia ay pag-aari
ng mga Pilipino tulad ng Jollibee, URC, Unilab, International Container
Terminal Services Inc. at San Miguel Corporation.
Hindi lamang sa Timog Silangang Asya matatagpuan ang ilang
korporasyong pag-aari ng mga Pilipino. Batay sa artikulo ni John Mangun
ng pahayagang Business Mirror noong Marso 9, 2017, ilang mga
korporasyong Pilipino tulad ng SM, PNB, Metro Bank, Jollibee, Liwayway
Marketing Corporation, ang itinayo sa China at nakararanas ng patuloy na
paglago.
Paano kaya matutugunan ang mga suliraning kaakibat ng
paglakas ng MNCs at TNCs?

Outsourcing
Tumutukoy ang outsourcing sa pagkuha ng isang kompanya ng
serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad. Pangunahing
layunin nito na mapagaan ang gawain ng isang kompanya upang
mapagtuunan nila ng pansin ang sa palagay nila ay higit na mahalaga.

4 |Gawaing Pampagkatuto sa Araling Panlipunan 10 (Ikalawang Markahan)


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
LEGANES NATIONAL HIGH SCHOOL
Guinobatan, Leganes, Iloilo

Kung gagawin namang batayan ang layo o distansya na pagmumulan ng


kompanyang siyang magbibigay ng serbisyo o produkto, maaaring uriin ito
sa mga sumusunod:
1. Offshoring- Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang
bansa na naniningil ng mas mababang bayad. Saksi ang Pilipinas sa
ganitong uri ng outsourcing.
2. Nearshoring- Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa
kalapit na bansa.
3. Onshoring- Tinatawag ding domestic outsourcing na nangangahulugan
ng pagkuha ng serbisyo sa isang kompanyang mula din sa loob ng bansa
na nagbubunga ng higit na mababang gastusin sa operasyon.

OFW Bilang Manipestasyon ng Globalisasyon


Kung mayroon mang isang buhay na manipestasyon ng
globalisasyon sa ating bansa, ito ay ang mga manggagawang Pilipino na
nangingibang-bayan upang magtrabaho o maghanapbuhay.
Sa katunayan, malaking bahagdan ng manggagawang Pilipino ay
matatagpuan sa iba’t ibang panig ng daigdig partikular sa Timog-kanlurang
Asya tulad ng Qatar, Saudi Arabia, United Arab Emirates at Silangang
Asya tulad ng South Korea,Japan, Taiwan, Hongkong at China.
Maging sa kontinente ng Europe at America tulad ng Canada at United
States ay kakikitaan ng mga manggagawang Pilipino.

GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT SOSYO-KULTURAL


Hindi lamang sa ekonomiya makikita ang manipestasyon ng
globalisasyon. Mababanaag din ito sa aspetong teknolohikal at sosyo-
kultural ng mga bansa sa daigdig.
Mabilis na tinangkilik ng mga mamamayan sa developing countries
ang pagggamit ng cellular phones o mobile phone na nagsimula sa
mauunlad na bansa. Partikular dito ang mga bansang tulad ng Pilipinas,
Bangladesh at India.

GLOBALISASYONG POLITIKAL
Kasabay ng paglaganap ng globalisasyong ekonomikal at sosyo-
kultural ay ang paglakas ng globalisasyong politikal. Globalisasyong
politikal na maituturing ang mabilisang ugnayan sa pagitan ng mga bansa,
samahang rehiyunal at maging ng pandaigdigang organisasyon na
kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan.

PAGHARAP SA HAMON NG GLOBALISASYON

Guarded Globalization
Pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong
hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at bigyang- proteksiyon ang

5 |Gawaing Pampagkatuto sa Araling Panlipunan 10 (Ikalawang Markahan)


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
LEGANES NATIONAL HIGH SCHOOL
Guinobatan, Leganes, Iloilo

mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking dayuhang


negosyante.
Patas o Pantay na Kalakalan (Fair Trade)
Ayon sa International Fair Trade Association (IFTA), ito ay tumutukoy
sa pangangalaga sa panlipunan, pang-ekonomiko at pampolitikal na
kalagayan ng maliliit na namumuhunan. Para naman sa pananaw ng neo-
liberalismo, ang fair trade ay nangangahulugan ng higit na moral at patas
na pang-ekonomiyang sistema sa daigdig.
Isa sa mga nakinabang sa pantay na kalakalan (fair trade) ay mga
magsasaka ng kape. Humigit-kumulang pitong milyong katao mula sa
umuunlad na bansa (developing nations) kasama ang Brazil ang
nakinabang sa patakarang ito dahil sa mas mataas na halaga nila naibenta
ang kanilang coffee bean na nagkakahalaga ng $1.29 per pound kung
ihahambing sa $1.25 sa pamilihan.
Pagtulong sa ‘Bottom Billion’
Binigyang-diin ni Paul Collier (2007) na kung mayroon mang dapat
bigyang-pansin sa suliraning pang-ekonomiyang kinahaharap ang daigdig,
ito ay ang isang bilyong pinakamahihirap mula sa mga bansa sa Asya lalo’t
higit sa Africa.

ARALIN 2: MGA ISYU SA PAGGAWA

Paksa: Ang Globalisasyon at ang mga Isyu sa Paggawa


Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo
ng suliranin at hamon sa paggawa tulad ng mababang pasahod, kawalan
ng seguridad sa pinapasukang kompanya, ‘job-mismatch’ bunga ng mga
‘job-skills mismatch,’ iba’t ibang anyo ng kontraktuwalisasyon sa paggawa,
at ang mura at flexible labor. Isang hamon din sa paggawa ay ang mabilis
na pagdating at paglabas ng mga puhunan ng mga dayuhang
namumuhunan na mas nagpatingkad naman ng kompetisyon sa hanay ng
mga dayuhang kompanya at korporasyon sa bansa. Dahil dito mas
nahikayat ang mga namumuhunan na pumasok sa bansa na nagdulot ng
iba’t ibang isyu sa paggawa.
Ilan sa maraming naidulot ng globalisasyon sa paggawa ay ang mga
sumusunod:
A. una, demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa
paggawa na globally standard;
B. pangalawa, mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na
makilala sa pandaigidigan pamilihan;
C. pangatlo, binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng
produksiyon tulad ng pagpasok ng iba’t ibang gadget, computer/IT
programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa
paggawa; at

6 |Gawaing Pampagkatuto sa Araling Panlipunan 10 (Ikalawang Markahan)


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
LEGANES NATIONAL HIGH SCHOOL
Guinobatan, Leganes, Iloilo

D. pang-apat, dahil sa mura at mababa ang labor o pasahod sa mga


manggagawa kaya’t madali lang sa mga namumuhunan na magpresyo ng
mura o mababa laban sa mga dayuhang produkto o mahal na serbisyo at
pareho ang kalidad sa mga produktong lokal.

KAKAYAHAN NA MAKAANGKOP SA GLOBALLY STANDARD NA


PAGGAWA
Hamon ng globalisasyon ang pagpasok ng Pilipinas sa mga
kasunduan sa mga dayuhang kompanya, integrasyon ng ASEAN 2015 sa
paggawa at mga bilateral at multi-lateral agreement sa mga miyembro ng
World Trade Organization o WTO. Bunga nito ay binuksan ang pamilihan
ng bansa sa kalakalan sa daigdig. Isa sa pagtugon na isinagawa ng bansa
ay iangkop ang kasanayan ng lilinangin sa mga mag-aaral na Pilipino.
Natalakay sa unang aralin ng modyul na ito na patuloy ang pag-angat
ng Pilipinas sa larangan ng Business Process Outsourcing dahil sa mataas
na English Proficiency ng mga manggagawang Pilipino.

APAT NA HALIGI PARA SA ISANG DISENTE AT MARANGAL NA


PAGGAWA (DOLE, 2016)
Employment Pillar - Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho,
malaya at pantay na oportunidad sa paggawa, at maayos na workplace
para sa mga manggawa.
Worker’s Rights Pillar - Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha
ng mga batas para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga
karapatan ng mga manggagawa.
Social Protection Pillar - Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at
mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa
proteksyon ng manggagawa, katanggap-tanggap na pasahod, at
oportunidad.
Social Dialogue Pillar - Palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa
pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya sa pamamagitan
ng paglikha ng mga collective bargaining unit.

KALAGAYAN NG MGA MANGGAGAWA SA IBA’T IBANG SEKTOR


A. Sektor ng Agrikultura
Isa rin sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang patuloy na
pagdami ng mga lokal na produkto na iniluluwas sa ibang bansa at ang
pagdagsa ng mga dayuhang produkto sa pamilihang lokal.
Ang pagpasok ng bansa at ng mga nakalipas na administrasyon sa
mga usapin at kasunduan sa GATT, WTO, IMF-WB, at iba pang
pandaigdigang institusyong pinansyal ay lalong nagpalumpo sa mga lokal
na magsasaka bunsod ng pagpasok ng mga lokal na produkto na
naibebenta sa lokal na pamilihan ng mas mura kumpara sa mga lokal na
produktong agricultural.

7 |Gawaing Pampagkatuto sa Araling Panlipunan 10 (Ikalawang Markahan)


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
LEGANES NATIONAL HIGH SCHOOL
Guinobatan, Leganes, Iloilo

B. SEKTOR NG INDUSTRIYA
Lubusan ding naaapektuhan ng pagpasok ng mga TNCs at iba pang
dayuhang kompanya ay setor ng industriya bunsod din ng mga naging
kasunduan ng Pilipinas sa iba’t ibang pandaigdigang institusyong
pinansyal. Katulad ng mga imposisyon ng IMF-WB bilang isa sa mga
kondisyon ng pagpapautang nila sa bansa. Pagbubukas ng pamilihan ng
bansa, import liberalizations, tax incentives sa mga TNCs,
deregularisasyon sa mga polisiya ng estado, at pagsasapribado ng mga
pampublikong serbisyo.
C. SEKTOR NG SERBISYO
Matutunghayan sa Talahanayan 2.2 na ang sektor ng serbisyo ay
masasabing may pinakamalaking bahagdan na maraming naempleyong
manggagawa sa loob ng nakalipas na sampung taon (DOLE, 2006-2016).
Ang paglaki ng porsyento o bilang ng mga manggagawa sa sektor na ito ay
malaking tulong sa mga manggagawang Pilpino. Saklaw ng sektor na ito
ang sektor ng pananalapi, komersiyo, insurance, kalakalang pakyawan at
pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, libangan, medikal,
turismo, business processing outsourcing (BPO), at edukasyon.
Ayon sa datos ng National Economic Development Authority (NEDA)
sa taong 2016 mahigit 56.3 bahagdan ng bilang ng mga manggagawa sa
bansa ay kabilang sa sektor ng serbisyo, kaya’t iminumungkahi ng
kagawarang ito ang paglalaan ng pamahalaan ng higit na prioridad sa
pagpapalago ng sektor sa pamamagitan ng patuloy na pag-eenganyo sa
mga dayuhang kompanya na magpasok ng mga negosyo sa bansa dahil
ayon na rin sa pagtataya sa 2016 Asia-Pacific Economic Cooperation
Summit na naganap sa bansa na ang mga manggagawang Pilipino sa
sektor ng serbisyo ang patuloy na tumutulong sa pag-angat ng ekonomiya
ng bansa.

ISKEMANG SUBCONTRACTING
Ang iskemang subcontracting ay tumutukoy sa kaayusan sa
paggawa kung saan ang kompanya (principal) ay komukontrata ng isang
ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o
serbisyo sa isang takdang panahon. May dalawang umiiral na anyo ng
subcontracting ito ay ang:
Ang Labor-only Contracting na kung saan ang subcontractor ay
walang sapat na puhunan upang gawin ang trabaho o serbisyo at ang
pinasok niyang manggagawa ay may direktang kinalaman sa mga gawain
ng kompaya;
Ang job-contracting naman ang subcontrator ay may sapat na
puhunan para maisagawa ang trabaho at mga gawain ng mga
manggagawang ipinasok ng subcontractor. Wala silang direktang
kinalaman sa mga gawain ng kompanya. Hindi pinapayagan sa batas ang

8 |Gawaing Pampagkatuto sa Araling Panlipunan 10 (Ikalawang Markahan)


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
LEGANES NATIONAL HIGH SCHOOL
Guinobatan, Leganes, Iloilo

job-contracting dahil naaapektuhan nito ang seguridad ng mga


manggagawa sa trabaho.

UNEMPLOYMENT AND UNDEREMPLOYMENT


Isa pa sa isyung kinakaharap ng bansa sa paggawa na kaugnay sa
paglaki ng unemployment at underemployment ay ang paglaki ng bilang ng
mga job-mismatch dahil sa hindi nakakasabay ang mga college graduate
sa demand na kasanayan at kakayahan na entry requirement ng mga
kompanya sa bansa. Ipinapahiwatig nito na maraming kurso sa mga Higher
Education Institutions (HEIs) at mga kolehiyo sa bansa ang hindi na
tumutugon sa pangangailangan ng mga pribadong kompanya na
nagtatakda ng mga pamantayan sa pagpili ng mga manggagawa.
Isang malaking bahagi ng nasa kategorya ng Self-employed without
any paid employee ang tumutukoy sa trabahong para-paraan o sa
sinasabing vulnerable employment ng Labor Force Survey (2016) na
makikita sa Talahanayan 2.3. Ayon sa ulat ng DOLE, NEDA, at iba pang
sangay ng pamahalaan na may kaugnayan sa paggawa sa bansa na
bumuo ng Philippine Labor and Employment Plan (PLEP, 2016), ang
pinakamalaki bahaghan ng mga manggagawa na sinasabing vulnerable ay
nasa sektor ng agrikultura. Samantala, ang isang malaking bahagi pa nito
ay ang mga mala-manggagawa sa kalunsuran na ang hanapbuhay ay
para-paraan gaya ng paglalako o ambulant vendor at sidewalk vendor na
sangkot sa pagbebenta ng iba’t ibang kalakal tulad ng kendi, sigarilyo,
bote-dyaryo, bakal at kung ano ano pa. Pagtitinda ng mga street food gaya
ng fishball, kwek kwek, banana cue, barbecue, prutas at iba pa.
Pinapahiwatig ng ulat ng Labor Force Survey ng PSA (2016), ang
underemployment sa bansa ay laganap sa mahihirap na rehiyon o sa mga
rehiyon na ang pangunahing hanapbuhay ay agrikultural. Tinataya na
maraming nagtatrabaho na underemployed. Sila ang manggagawa na
nangangailangan pa ng karagdagang oras sa pagtatrabaho o dagdag pang
hanapbuhay o bagong hanapbuhay na may mahabang oras na
pagtatrabaho.

“MURA AT FLEXIBLE LABOR”


Isang matinding hamon ang kinakaharap ng mga manggagawa mula
nang ipatupad ang patuloy na paglala ng “mura at flexible labor” sa bansa
(IBON, 2006). Ito ay isang paraan ng mga kapitalista o mamumuhunan
upang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng
pagpapatupad ng mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng
paggawa ng mga manggagawa. Isang paraan ito upang sila ay makaiwas
sa patuloy na krisis dulot ng labis na produksiyon at kapital na nararanasan
ng iba’t ibang mga bansa.

9 |Gawaing Pampagkatuto sa Araling Panlipunan 10 (Ikalawang Markahan)


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
LEGANES NATIONAL HIGH SCHOOL
Guinobatan, Leganes, Iloilo

EPEKTO NG KONTRAKTUWALISASYON SA MGA MANGGAGAWA


Noong taong 1992, wala pa ang Department Order No. 10 at 18-02
ng DOLE, may 73% nang pagawaan sa bansa ang nagpapatupad o
gumagawa ng iba’t ibang flexible working arrangements, ayon sa
International Labor Organization o ILO (1992). Samantala sa pagitan ng
1992 at 1997, sa sektor ng industriya pa lamang - sa bawat isang
manggagawang regular na nakaempleyo, lima ang kontraktuwal/kaswal.
Noong 1999, 90% sa mga kompanyang elektroniks ang nag-eempleyo ng
mga temporaryong manggagawa/kaswal dahil nagbabago-bago ang mga
job orders o purchase orders ng kanilang kalakal; at bumababa ang halaga
ng kanilang produkto sa pandaigdigang pamilihan. May 83% ng mga
kompanya ang nag-empleyo ng mga kaswal at kontraktuwal upang
maiwasan ang pagkakaroon ng unyon sa mga manggagawa noon. Ayon sa
ulat ng DOLE (2016), patuloy pa ring umiiral ang ganitong sistema ng
kontraktuwalisasyon sa paggawa. Bunsod nito ay iminumungkahi ng iba’t
ibang mambabatas, ahensiya sa paggawa, at mga grupo ng manggagawa
na tuluyan ng ibasura ang sistemang kontraktuwalisasyon o kilala rin
ngayon na ’endo.’

PAGBANGON NG MGA MANGGAGAWA AT ANG KILUSANG


MANGGAGAWA
Kailangan din ng mga manggagawa ng isang makauring pagkakaisa
at determinasyon upang isulong ang kanilang mga karapatan (tunghayan
ang Pigura 2.2). Kung ang mga kapitalista ay mulat sa kalakaran na
maging dating bawal na kontraktuwalisasyon ay ligal na. Kailangan maging
mulat bilang uri at maging alerto ang mga manggagawa para magapi ang
patakarang mura at flexible labor.
Kailangan ng pagkakaisa ng hanay ng mga manggagawa tungo sa isang
marangal na trabaho para sa lahat. Pag-oorganisa ng hanay ng mga
manggagawa nang walang itinatangi – regular man o hindi, kasapi man ng
unyon o hindi at may trabaho man o wala, dapat isulong ang mga isyung
magiging kapaki-pakinabang sa uring manggagawa.

ARALIN 3: MIGRASYON

PAKSA: MIGRASYON: KONSEPTO AT KONTEKSTO


Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa
isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay
pansamantala o permanente. Ang dahilan ng pag-alis o paglipat ay
kalimitang mauugat sa sumusunod:
hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang
maghahatid ng masaganang pamumuhay;
paghahanap ng ligtas na tirahan;

10 |Gawaing Pampagkatuto sa Araling Panlipunan 10 (Ikalawang Markahan)


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
LEGANES NATIONAL HIGH SCHOOL
Guinobatan, Leganes, Iloilo

panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na matagal nang


naninirahan sa ibang bansa;
pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman partikular sa mga
bansang industriyalisado.
Sa pag-aaral ng migrasyon partikular ng international migration ay
mahalagang maunawaan ang ilang termino o salitang madalas gamitin sa
disiplinang ito. Una na rito ay ang pagkakaiba ng flow at stockfigures.
Ang flow ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang
pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay
kada taon. Madalas ditong gamitin ang mga salitang inflow, entries or
immigration. Kasama din dito ang bilang ng mga taong umaalis o
lumalabas ng bansa na madalas tukuyin bilang emigration, departures or
outflows. Kapag ibinawas ang bilang ng umalis sa bilang ng pumasok
nakukuha ang tinatawag na net migration.
Samantala, ang stock ay ang bilang ng nandayuhan na naninirahan o
nananatili sa bansang nilipatan. Mahalaga ang flow sa pag-unawa sa trend
o daloy ng paglipat o mobility ng mga tao habang ang stock naman ay
makatutulong sa pagsusuri sa matagalang epekto ng migrasyon sa isang
populasyon.

Pag-aralan ang mga datos at impormasyon na nailahad tungkol sa


naging pandarayuhan ng mga manggagawa sa buong mundo.
Tinatayang 232 milyong katao ang nandarayuhan sa buong mundo
sa kabuuang 3.1 porsiyento ng populasyon sa buong mundo.
Ang 48 porsiyento ng mga imigrante ay kababaihan na halos
dumarami pa para maghanapbuhay. • Karamihan ng mga
nandarayuhan ay maghanap ng trabaho. Mahigit pa sa 90 porsiyento
ay mga manggagawa kasama ang kanilang mga pamilya.
Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinaka malaking bilang ng
mga imigrante na lumabas ng kanilang bansa.
Tinatayang isa sa walong imigrante ay nasa edad 15 - 24.

PAKSA: MIGRASYON: PERSPEKTIBO AT PANANAW


Hindi na bago ang migrasyon o pandarayuhan. Simula pa lamang ng
pagsibol ng kabihasnan ay malimit na ang pagdayo ng tao tungo sa mga
lugar na magbibigay sa kaniya ng pangangailangan maging ito man ay sa
usaping pangkabuhayan (ekonomiko), seguridad (politikal) o maging
personal.
Ipagpatuloy ang pag-aaral sa isyu ng migrasyon sa bansa. Suriin ang iba’t
ibang pananaw at perspektibo na makatutulong sa lubusang pag-unawa sa
paksa.
Lamang, higit na naging mabilis ang pandarayuhan sa kasalukuyan
kung ihahambing sa nagdaang mga panahon. Sa katunayan, ang
paggalaw ng mga tao sa loob at labas ng bansa ay masalimuot kung

11 |Gawaing Pampagkatuto sa Araling Panlipunan 10 (Ikalawang Markahan)


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
LEGANES NATIONAL HIGH SCHOOL
Guinobatan, Leganes, Iloilo

pagtutuunan ng pansin ang dahilan, patterns at epekto nito sa lugar na


iniiwan, pinupuntahan at binabalikan.
Sa kabila ng masalimuot na daloy ng migrasyon ay nakapagtala sila
ng mga ‘pangkalahatang obserbasyon’ tungkol sa usaping ito na
mababasa sa mga sumusunod na ideya.
1. GLOBALISASYON NG MIGRASYON
Tumataas ang bilang ng mga bansang nakararanas at naaapektuhan
ng migrasyon. Ang mga bansang madalas puntahan o dayuhin tulad ng
Australia, New Zealand, Canada at United States ay patuloy pa ring
dinadagsa at sa katunayan ay nadadagdagan pa ang bilang ng mga
bansang pinagmumulan nito.
Malaking bilang ng mga migrante ay mula sa mga bansa sa Asya, Latin
America at Aprika.
Sa iyong pananaw, bakit kaya madalas dayuhin ang mga bansang
nabanggit sa binasang teksto? Ipahayag ang iyong saloobin.
2. MABILISANG PAGLAKI NG MIGRASYON
Ang kapal o dami ng mga nandarayuhan ay patuloy ang pagtaas sa
iba’t ibang rehiyon ng daigdig. Malaki ang implikasiyon nito sa mga batas at
polisiya na ipinatutupad sa mga destinasyong bansa.
3. PAGKAKAIBA-IBA NG URI NG MIGRASYON
Hindi lamang iisang uri ng migrasyon ang nararanasan ng halos lahat
ng mga bansang nakapaloob sa usaping ito. May mga bansang
nakararanas ng labour migration, refugees migration at maging ng
permanenteng migrasyon nang sabay-sabay.
Bukod sa nabanggit, mayroon pang tinatawag na irregular, temporary at
permanent migrants.
Ang irregular migrants ay ang mga mamamayan na nagtungo sa ibang
bansa na hindi dokumentado, walang permit para magtrabaho at
sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.
Temporary migrants naman ang tawag sa mga mamamayan na
nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles upang
magtrabaho at manirahan nang may takdang panahon.. Ang ilan sa
halimbawa nito ay mga foreign students na nag aaral sa bansa at mga
negosyante na maaari lamang manirahan pansamantala ng anim (6) na
buwan.
Samantala, ang permanent migrants ay mga overseas Filipinos na
ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang trabaho kundi
ang permanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya naman kalakip dito
ang pagpapalit ng pagkamamamayan o citizenship.
4. PAGTURING SA MIGRASYON BILANG ISYUNG POLITIKAL
Malaki ang naging implikasyong politikal ng migrasyon sa mga
bansang nakararanas nito. Ang usaping pambansa, pakikipag-ugnayang
bilateral at rehiyunal at maging ang polisiya tungkol sa pambansang
seguridad ay naaapektuhan ng isyu ng migrasyon. Kaya naman, higit

12 |Gawaing Pampagkatuto sa Araling Panlipunan 10 (Ikalawang Markahan)


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
LEGANES NATIONAL HIGH SCHOOL
Guinobatan, Leganes, Iloilo

kailanman kinakailangan ang higit na kooperasyon at ugnayan sa pagitan


ng mga bansang kasangkot sa usaping ito.
5. PAGLAGANAP NG ‘MIGRATION TRANSITION’
Ang migration transition ay nagaganap kapag ang nakasanayang
bansang pinagmumulan ng mga nandarayuhan ay nagiging destinasyon na
rin ng mga manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa. Partikular
dito ang nararanasan ng South Korea, Poland, Spain, Morocco, Mexico,
Dominican Republic at Turkey.
6. PEMINISASYON NG MIGRASYON
Malaki ang ginagampanan ng kababaihan sa usaping migrasyon sa
kasalukuyan. Sa nagdaang panahon, ang labour migration at refugeesay
binubuo halos ng mga lalaki. Nang sumapit ang 1960, naging kritikal ang
ginampanan ng kababaihan sa labour migration. Sa kasalukuyan ang mga
manggagawang kababaihan ng Cape Verdians sa Italy, Pilipina sa Timog-
Kanlurang Asya at Thais sa Japan ay nagpapatunay rito.

IMPLIKASYON NG PEMINISASYON NG MIGRASYON


Kaakibat ng migrasyon ang pagbabago ng gampaning pangkasarian
sa isang pamilya. Sinasabing kapag ang lalaki ang nangibang bansa ang
asawang babae ang mas higit na umaako ng lahat ng gawaing
pantahanan. Sa kalagayan sa Pilipinas kapag ang asawang babae ang
nangibang bansa pangkaraniwan na na kumuha ng tagapag-alaga ang
lalaki sa kanyang mga anak o ipagkatiwala ang ibang pangtahanang
gawain sa kapatid na babae, sa magulang o di kaya ay sa mga kamag-
anak.

PAKSA: MGA ISYUNG KALAKIP NG MIGRASYON

FORCED LABOR, HUMAN TRAFFICKING AND SLAVERY


Pagkakataon at panganib ang maibibigay ng migrasyon.
Napakalinaw nito sa pagdagsa ng mga migranteng mangagagawa
patungong Kanlurang Asya. Sa isang banda, ang mga migranteng
manggagawa ay nakapagdadala sa kanilang pamilya ng libo-libong dolyar
na remittance. Malaki ang naitutulong nito sa pag-ahon ng kanilang
pamilya sa kahirapan, sa pagpapagawa ng bahay, pantustos sa
pagpapaaral, at pambayad sa gastusing pangkalusugan-habang
nakakatulong sa ekonomiya ng bansang pinagtrabahuhan.
Sa kabilang banda naman ay may mga migranteng namamatay,
nasasadlak sa sapilitang pagtatrabaho, at nagiging biktima ng trafficking.
Ang mga karanasan ng karamihan sa mga migrante ay nasa gitna ng
dalawang mukhang ito ng migrasyon.

PAG-ANGKOP SA PAMANTAYANG INTERNASYUNAL

13 |Gawaing Pampagkatuto sa Araling Panlipunan 10 (Ikalawang Markahan)


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
LEGANES NATIONAL HIGH SCHOOL
Guinobatan, Leganes, Iloilo

Hindi mapasusubalian ang pagbabagong pamantayang internasyunal


dala ng globalisasyon. Ilan sa mga ito ay mga kasunduan ng iba’t ibang
bansa at samahang internasyunal. Ilan dito ang Bologna at Washington
Accord.
Ang Bologna (bo-LO-nya) Accord ay hango mula sa pangalan ng
isang unibersidad sa Italy na University of Bologna kung saan nilagdaan ng
mga Ministro ng Edukasyon mula sa 29 na mga bansa sa Europe ang
isang kasunduan na naglalayon na iakma ang kurikulum ng bawat isa
upang ang nakapagtapos ng kurso sa isang bansa ay madaling
matatanggap sa mga bansang nakalagda rito kung siya man ay nagnanais
na lumipat dito.
Samantala, ang Washington Accord na nilagdaan noong 1989 ay
kasunduang pang-internasyunal sa pagitan ng mga international
accrediting agencies na naglalayong iayon ang kurikulum ng engineering
degree programs sa iba’t ibang kasaping bansa.

MGA SANGGUNIAN

Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan: Modyul Para sa Mag-


aaral. Department of Education. pp. 261-340

Batayang Aklat ng DepEd at Education Sites – posibleng mga material


para sa mga eskperimento/Gawain/pagsasanay)

MGA GAWAIN

GAWAIN 1: LOGO QUIZ


Panuto: Subukan mong tukuyin ang mga multinational at
transnational corporations gamit ang sumusunod na logo. Isulat ang inyong
sagot sa sagutang papel.
A. B. C. D. E.

14 |Gawaing Pampagkatuto sa Araling Panlipunan 10 (Ikalawang Markahan)


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
LEGANES NATIONAL HIGH SCHOOL
Guinobatan, Leganes, Iloilo

GAWAIN 2: PRODUKTO KO, SURIIN KO!


Panuto: Maglista ng mga produktong makikita sa iyong tahanan. Pumili ng
lima (5) sa mga produkto at tingnan ang LABEL kung saan ginawa at kung
anong kompanya ang gumawa nito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel
gamit ang talahanayan sa ibaba at sagutin ang mga pamprosesong tanong:
PRODUKTO LABEL KOMPANYA NA GUMAWA NG
PRODUKTO
1.
2.
3.
4.
5.

Pamprosesong Tanong:
1. Paano lumaganap ang mga produktong ito sa iba’t ibang panig ng
daigdig?
2. Sa iyong palagay, nakatutulong ba ang mga produktong ito sa atin?
Pangatwiranan.

GAWAIN 3: DUGTUNGAN MO
Panuto: Buuin ang konsepto ng sumusunod na pahayag tungkol sa
Globalisasyon sa pamamagitan ng paglalagay ng angkop na salita o
parirala. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel. (5 puntos bawat isa)
1. Ang globalisasyon ay proseso
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

2. May tatlong anyo ng globalisasyon. Kinabibilangan ito ng:


____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

3. Ang globalisasyon ang pinakamalaking pangyayari sa ekonomiya sa


ating kapanahunan. Nakikita ang kahalagahan nito sa
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
4. Ang pinakamalaking ikinababahala tungkol sa globalisasyon ay
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

15 |Gawaing Pampagkatuto sa Araling Panlipunan 10 (Ikalawang Markahan)


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
LEGANES NATIONAL HIGH SCHOOL
Guinobatan, Leganes, Iloilo

GAWAIN 4. LARAWAN - SURI


Panuto: Batay sa larawang makikita sa ibaba, sagutin ang mga
sumusunod na pamprosesong tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

SANGGUNIAN: http://likhangsiningnisylk.blogspot.com/2012/06/kontraktwalisasyon.html?m=1

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mensahe ng larawan?
2. Sa iyong palagay, ano ang mga dahilan ng suliraning ito sa paggawa?
3. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong magagawa upang makatulong sa
pagsugpo ng inilalarawang suliranin sa paggawa?
4. Paano ka makatutulong sa pag-angat ng kalidad ng paggawa sa ating
bansa?

GAWAIN 5. SLOGAN PARA SA KAUNLARAN!


Panuto: Gumawa ng isang slogan na maglalarawan ng iyong
mungkahi upang masolusyunan ang mga suliraning kinakaharap ng ating
mga manggagawang Pilipino. Isulat ito sa isang short-sized bandpaper.
Gamitin ang rubrik sa ibaba bilang pamantayan ng inyong paggawa.

RUBRIK SA PAGMAMARKA NG SLOGAN


PAMANTAYAN DESKRIPSYON PUNTOS
NILALAMAN Wasto at makatotohanan ang impormasyon. 10
Ang mensahe ay mabisang naipakita.
PAGKAMALIKHAIN Maganda at malinaw ng pagkakasulat ng mga 10
titik.
KAANGKUPAN May malaking kaugnayan sa paksa ang 5
islogan.
KALINISAN Malinis na malinis ang pagkakabuo. 5
KABUUAN 30

16 |Gawaing Pampagkatuto sa Araling Panlipunan 10 (Ikalawang Markahan)


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
LEGANES NATIONAL HIGH SCHOOL
Guinobatan, Leganes, Iloilo

GAWAIN 6. CASE ANALYSIS


Panuto: Suriin ang sumusunod na artikulo. Punan ang diagram na nasa
ibaba ng mga alternatibong solusyon sa mga suliraning kaakibat na
nakatala sa artikulo. Sagutin ang mga pamprosesong tanong at isulat ang
sagot sa sagutang papel.
KONTRATA NG MGA MIGRANTENG MANGGAGAWA
SA GITNANG SILANGAN
Noong 1973, ang migrasyon ng mga manggagawa mula sa iba’t ibang
bansa sa Asya patungong Gitnang Silangan ay mabilis na umunlad dahil sa
pagtaas ng presyo ng langis. Ang pag-angkat ng mga manggagawa ng
bansang mayaman sa langis ay mula pa sa bansang India at Pakistan,
sinundan ito ng mga manggagawang galing sa Pilipinas, Indonesia, Thailand
at Korea, at sa huli ay ang mga taga-Bangladesh at Sri Lanka. Noong dekada
70, karaniwang mga kalalakihan ang mga tinatanggap na magtrabaho ng
manwal sa mga proyektong konstruksyon. Ang pamahalaan ng mga bansa
tulad ng India, Pakistan at Pilipinas ay aktibo sa pagpapadala ng mga
manggagawa at bumuo ng mga kasunduan sa bansang nasa Gitnang
Silangan. Hinimok din ang mga kompanyang konstruksyon ng Korea na
makipagsundo na may kontrata sa mga bansang Arab, kasama na ang mga
probisyon nito para sa mga manggagawa. Ang mga pribadong ahensiya ay
pinayagan ng mga bansang nagpapadala ng mga manggagawa upang
maorganisa nga pag-recruit (Abella, 1995). Bandang 1985, may 3.2 milyong
manggagawang Asyano sa mga estadong nasa Golpo, subalit naganap ang
pananakop ng Iraq sa Kuwait at Digmaang Golpo noong 1990-1991 na siyang
dahilan ng pagpapauwi ng mga nasa 450,000 na manggagawa sa kani-
kanilang sariling bansa.
Sa 1985 pa rin, pansamantalang nanghina ang sektor ng konstruksyon
ngunit hinimok ang iba’t ibang kontraktuwal na manggagawa na magtrabaho,
partikular na sa sektor ng serbisyo. Tumaas ang demand para mga domestic
worker, nars, mga sales staff, at iba pang nasa sektor ng serbisyo, dahil dito
nagsimula ang peminisasyon ng mga manggagawa, at ang mga karaniwang
kinukuha ay mula sa Sri Lanka at Indonesia. Pagkaraan ng ilang taon, ang iba
pang bansa sa Gitnang Silangan tulad ng Lebanon, Jordan at Israel ay
nagbukas na din sa pag-angkat ng mga manggagawa (Asis, 2008).
Ang mga mangagawang kababaihan ay lubos na pinagsasamantalahan
sa pamamagitan ng eksploytasyon at sekswal na pang-aabuso, at nahihirap
ang kani-kanilang bansa na bigyan sila ng proteksyon (Gamburd, 2005). Ang
migrasyong Asyano sa Gitnang Asya sa nagiging iba na sa paglipas ng
panahon. Samantala, ang ibang migrante ay nanatili bilang mga
manggagawang may mababang kasanayan, ang iba naman ay may kaunting
kasanayan tulad ng mga drayber, mekaniko, at iba pa. Ang iba naman ay mga
propesyonal tulad ng mga inhinyero, nars at mga may kasanayang medikal.
Karamihan din sa mga nangangasiwa at teknikal na posisyon ay nakukuha ng
mga Asyano ngunit tinuturing pa rin silang pangalawa dahil sa pangunguna ng
mga tauhan ng mga kompanya na galing ng Europa at Hilagang Amerika.
17 |Gawaing Pampagkatuto sa Araling Panlipunan 10 (Ikalawang Markahan)
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
LEGANES NATIONAL HIGH SCHOOL
Guinobatan, Leganes, Iloilo

Sa kabilang banda naman, may mga migranteng manggagawang


Asyano na hindi bahagi ng walang trabaho sa mga pook rural at urban sa
kanilang bansa, ngunit sila ay may sapat na pinag-aralan, na sa paglisan nila
sa kanilang bansa ay magkakaroon ng masamang epekto sa kanilang
ekonomiya (Skeldon, 1992).
Ang mga Asyano naman sa bansang Arab ay nagkakaroon ng mahirap
na kondisyon sa kadahilanang walang sapat na karapatan ng mga
manggagawa at pagkakaiba ng kinalakihang kultura. Ang mga manggagawa
ito ay hindi pinapayagan na tumira at dalhin ang kanilang mga kapamilya, at
kinakailangan pang hiwalay ang titirhan. Ang iba pa nga kanila ay hindi na
nahahawakan ang kanilang pasaporte dahil hawak na ito ng kanilang mga
amo at minsan pa ay ikinakalakal na sila sa mga illegal na aktibidad. Dahil
dito, maaaring silang ipatapon sa kanilang maling nagawa, kahit na labis-labis
na ang kanilang pagtatrabaho. Marami pa sa kanila ang pinagsasamantalahan
ng mga ahensiya na kumukuha ng mataas na bayad (umaabot ng 25
bahagdan ng kanilang sahod) at kadalasan ay nabibigo sa mga pinangako sa
kanila na pagbibigay ng tapat na trabaho (The Age of Migration, page 130-
132).

Halaw sa Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 10 ng DepEd (2017)


Isinalin sa Filipino ni Bb. Kiara Kate A. dela Cruz

SULIRANIN SOLUSYON

1.
2.
3.
4.
5.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang nagiging masamang bunga ng pag-alis ng mga ‘skilled workers’
sa mga bansang pinagmumulan nito?
2. Bakit sa kabila ng mga nararanasang pang-aabuso ng mga
manggagawa ay ninanais pa rin ng mga ito na magtrabaho sa Kanlurang
Asya? Ipaliwanag ang iyong sagot.
3. Paano tinutugunan ng pamahalaan ang pang-aabusong nararanasan ng
mga manggagawa nito sa ibang bansa?

18 |Gawaing Pampagkatuto sa Araling Panlipunan 10 (Ikalawang Markahan)


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
LEGANES NATIONAL HIGH SCHOOL
Guinobatan, Leganes, Iloilo

GAWAIN 7. KROSALITA
Panuto: Hanapin sa anumang direksiyon, ang mga salita na tumutukoy sa
bawat pahayag na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel kung
ano ang siyang tinutukoy nito.

F Q U E R T Y G E E H
A O B U H X T A I R U
R S R E F U G E E I M
O I A C I C F J V L A
P T I S E E B A O U N
Z H N A R L Z I P P T
S G D N K I A M U E R
E B R A L D Q B T N A
H I A O V A W E O P F
P F I L A H E D F R F
H A N A P B U H A Y I
U M A B E U T O R D C
M I P U T T N S T A K
A P O R W W A L Y E I
M O W Y X A K O F N N
B T Z M P Y G R I E G
1. Isang anyo ng human trafficking kung saan ang mga tao ay
puwersadong pinagtatrabaho.
2. Ang paglikas sa sariling bayan upang umiwas sa mga labanan,
karahasan at gutom sanhi ng kalamidad.
3. Nakapagbibigay ng malaking kita na hatid ay masaganang pamilya.
4. Ang mga nakapagtapos sa Pilipinas ay mas piniling mangibang bansa
para sa mas magandang oportunidad.
5. Ang “pagre-recruit, pagdadala, paglilipat, pagtatago o pagtanggap ng
mga tao sa pamamagitan ng di tamang paraan para sa hindi magandang
dahilan tulad ng forced labor o sexual exploitation.

GAWAIN 8. HANDOG KO SA MGA MIGRANTENG PILIPINO


Panuto: Kumuha ng litrato ng mga bagay mula sa mga lumang dyaryo,
magazines, aklat at iba pang materyales sa pagbasa na kung saan ang
mga bagay na ito ay siyang magsisilbing simbolo sa saloobin mo tungkol
sa epekto ng migrasyon na dulot ng globalisasyon sa inyong pamilya at
pamilyang may kamag-anak na OFW.
Pagkatapos, gumawa ng PICTURE-COLLAGE sa pamamagitan ng
pagdikit-dikit ng mga nakuhang litrato. Ilagay ito sa isang short-sized bond
paper na kung saan ang unang bahagi, buuin ang picture collage na
maaring lagyan mo ng kulay at disenyo at sa ikalawang bahagi, isulat mo
ang iyong saloobin tungkol sa sitwasyon ng iyong pamilya o ilagay ang
sarili sa sitwasyon ng isang pamilya na may kamag-anak na OFW. Iugnay
19 |Gawaing Pampagkatuto sa Araling Panlipunan 10 (Ikalawang Markahan)
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
LEGANES NATIONAL HIGH SCHOOL
Guinobatan, Leganes, Iloilo

ito sa nagpag-aralan mo sa buong paksa. Gamitin ang rubrik sa ibaba


bilang pamantayan ng inyong paggawa.

RUBRIK SA PAGMAMARKA NG COLLAGE


PAMANTAYAN DESKRIPSYON PUNTOS
NILALAMAN Nakagawa ng isang collage na binubuo ng 10
mga simbolo base sa pinapagawa sa Gawain.
Naiugnay ang collage sa napag-aralang
paksa.
PAGKAMALIKHAIN Pumili ng mga akmang bagay para sa collage. 10
Gumawa ng sariling estilo sa paggawa.
CRAFTMANSHIP Malinis ang pagkagawa. Gumamit ng kulay at 10
disensyo upang maging maganda at kaaya-
aya.
KABUUAN 30

REPLEKSYON

SOLUSYON MO, KAILANGAN KO!


Panuto: Upang lubos na makatulong sa pagharap sa hamon sa mga
isyung pang-ekonomiya ay sumulat ng iyong solusyon upang mawakasan
ang isyu na may kinalaman sa isa sa mga ito: globalisasyon, paggawa, at
migrasyon na umiiral sa inyong komunidad.
Ang suliranin o hamong pang-ekonomiyang susuriin batay sa paksa,
kaya naman inaasahan na ang mga suliraning susuriin ay batay sa iyong
karanasan. Siguruhing makapagmumungkahi ng mga posibleng solusyon
sa suliraning sinuri.Isulat ang sagot sa sagutang papel.
SULIRANIN SA ISYUNG SOLUSYON
PANG-EKONOMIYA

MAHABANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 10

20 |Gawaing Pampagkatuto sa Araling Panlipunan 10 (Ikalawang Markahan)


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
LEGANES NATIONAL HIGH SCHOOL
Guinobatan, Leganes, Iloilo

(IKALAWANG MARKAHAN – MGA ISYU AT HAMONG PANG-


EKONOMIYA)

I. MARAMING PAGPIPILI : Basahin at unawaing mabuti ang mga


katanungan. Isulat ang TITIK ng pinakatamang sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang pinaka-angkop na kahulugan ng globalisasyon?


A. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo.
B. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong politikal at
ekonomikal ng mga bansa sa mundo.
C. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa
sistema ng pamumuhay ng mga mamamayan sa buong mundo.
D. Proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay,
impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon na nararanasan sa iba’t
ibang panig ng daigdig.

2. Mula paggising, pagpasok sa paaralan, panonood ng telebisyon at


maging sa hapag-kainan ay makikita ang pagbabagong ito. Ano ang tawag
sa konseptong ito na lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa
kasalukuyan?
A. paggawa B. migrasyon C. ekonomiya D. globalisasyon

3. Bakit maituturing na isyung panlipunan ang globalisasyon?


A. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga
mamamayan.
B. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal, at politikal
na aspekto.
C. Naaapektuhan nito ang maliit na industriya at pinauunlad ang mga
malalaking industriya.
D. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga
“perennial” na institusyon sa lipunan.

4. Suriin ang diyagram. Alin sa sumusunod na pahayag ang pinakaangkop


na interpretasyon ng globalisasyon?

A. Globalisasyon ang susi sa suliranin sa lipunan.


B. Globalisasyon ang sentro ng pamumuhay ng tao.

21 |Gawaing Pampagkatuto sa Araling Panlipunan 10 (Ikalawang Markahan)


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
LEGANES NATIONAL HIGH SCHOOL
Guinobatan, Leganes, Iloilo

C. Saklaw ng globalisasyon ang aspektong ekonomikal, politikal, at sosyo-


kultural.
D. Magkakaugnay ang ekonomiya, politika at sosyo-kultural sa
pamumuhay ng tao.

5. Kasalukuyang pinag-aaralan ng gobyerno ng Espanya ang higit na


pagpapalakas ng ugnayan nito sa Pilipinas, maging ang posibleng
pabibigay nito ng tulong-pinansyal sa bansa mula 2018 hanggang 2022.
Ayon kay Spanish Ambassador to the Philippines Luis Antonio Calvo,
umabot ng €50 milyon ang naitulong ng Espanya sa bansa mula taong
2014 hanggang 2017. Batay sa mga pahayag, paano nakapagpapabilis sa
integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?
A. Makikita ang masalimuot na ugnayan ng mga bansa.
B. Makikita ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.
C. Dahilan ito ng mabilis na pagtugon ng mga bansa sa mga banta na
nagdudulot ng kapinsalaan.
D. Dahilan ito ng pagkaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at
kolaborasyon ng mga bansa.

6. Gawi ng globalisasyon ang pagdadala ng puhunan at negosyo mula sa


pamilihang lokal patungo
sa ibang bansa na siyang nag-uugnay sa iba’t ibang pamilihan ng daigdig.
Alin sa sumusunod na pahayag ang HIGIT na nagpapatunay ng
magandang dulot ng globalisasyon sa ekonomiya ng mga bansa?
I. Nakatutulong ito sa mga papaunlad na bansa na makahabol sa pag-
angat ng ekonomiya dahil sa pagdami ng bilang ng trabahong naibibigay
nito bukod pa sa teknolohiyang dala nito.
II. Hindi maipagkakaila ang pagtaas ng antas ng pamumuhay ng mga
mamamayan sa papaunlad na mga bansa dala ng industriyalisasyon
(teknolohiya) na dala ng mga korporasyon at kompanya mula sa
mayayamang bansa.
III. Ang pag-usbong ng coffee shops at big-box retailers sa mga lungsod ng
maraming bansa ay ‘lumilikha’ ng iisang mukha ng pagkakakilanlang
kultural.
IV. May nagsasabing pinahihina ng globalisasyon ang pambansang
soberanya ng mga maliliit na bansa dahil sa malakas na impluwensyang
dulot ng mayayamang bansa kung saan
nagmumula ang mga nasabing puhunan at trabaho.
A. I at III B. I,II at III C. II at IV D. II,III at IV

7. Sa Pilipinas, talamak ang paggamit ng mobile phones at iba pang


gadgets. Sa katunayan, ang pagte-text ay naging bahagi na ng pang-araw-
araw na pamumuhay ng maraming Pilipino. Ano ang higit na pakinabang
ng paggamit ng mga gadgets na ito?

22 |Gawaing Pampagkatuto sa Araling Panlipunan 10 (Ikalawang Markahan)


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
LEGANES NATIONAL HIGH SCHOOL
Guinobatan, Leganes, Iloilo

A. Magdamagang pakikipag-usap sa mga kaibigan na nagpapasaya sa iyo.


B. Nakakapukaw ng interes sa iyo ang mga music videos o iba pa kaya
malimit kang nakababad dito.
C. Nagsisilbing ekstensiyon ng iyong sarili dahil dito mo nakakausap ang
mga mahal sa buhay kaya naman hindi madaling maihiwalay ito sa sarili.
D. Ginagamit ng ilang mga terorista at masasamang loob ang internet
bilang kasangkapan sa pagpapalaganap ng takot at karahasan sa mga
target nito.

8. Ito ay tumutukoy sa pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas


na naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at bigyang-
proteksiyon ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa
malalaking dayuhang negosyante. Ano ito?
A. guarded globalization C. pagtulong sa “bottom billion”
B. world trade organization D. patas o pantay na kalakalan (fair trade)

9. Sa pagbabago sa workplace ng mga manggagawa, binago rin nito ang


sistema ng pagpili sa mga manggagawa. Alin sa sumusunod na pahayag
ang nagpapatunay ng pagbabagong ito?
A. Humigpit ang pagproseso sa pagpasok ng mga dayuhang kompanya,
produkto at serbisyo sa bansa kaya’t kinailangan ng mga world class
workers.
B. Humirap ang kalagayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpasok sa
bansa kaya’t kinailangang pababain ang sweldo ng mga lokal na
manggagawa.
C. Naging malaya ang pagpasok ng mga dayuhang kompanya sa bansa
dahil sa mababang pagpapasweldo at pangungontrata lamang sa mga
lokal na manggagawa.
D. Tumaas ang kalidad ng mga lokal na produkto sa pandaigdaigang
pamilihan kaya’t kinakailangang mag-angkat ng mga eksperto sa ibang
bansa para sanayin ang mga local na manggagawa.

10. Maraming namumuhunan ang gumagamit ng iskemang


kontraktuwalisasyon. Ang mga truck drivers, construction workers, service
crew at salesmen ay iilan lamang sa mga halimbawa nito.
Bakit maituturing na isyu sa paggawa ang kontraktuwalisasyon?
A. Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit hindi naging produktibo ang mga
manggagawa.
B. Ito ay dahilan sa pagkakaroon ng malawakang welga na nagdudulot ng
matinding abala.
C. Nagbibigay ito ng pagkakataon na makapagtrabaho ang isang
manggagawa sa isang
limitadong panahon.

23 |Gawaing Pampagkatuto sa Araling Panlipunan 10 (Ikalawang Markahan)


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
LEGANES NATIONAL HIGH SCHOOL
Guinobatan, Leganes, Iloilo

D. Isang iskema ito upang higit na pababain ang sahod tanggalan ng


benepisyo at seguridad sa trabaho ang mga manggagawa.

11. Mahalaga sa isang manggagawa ang seguridad sa paggawa sa


kanilang pinapasukang kompanya o trabaho. Subalit, patuloy ang
paglaganap ng iskemang subcontracting sa ating bansa. Ano ang
iskemang subcontracting?
A. Pag-eempleyo sa isang manggagawa upang gawin ang isang trabaho o
serbisyo sa loob ng 6 na buwan.
B. Pagkuha sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor sa isang
manggagawa sa loob ng mas mahabang panahon.
C. Iskema ng pagkuha ng ahensiya o indibiduwal ng isang kompanya para
sa pagsagawa ng isang trabaho o serbisyo.
D. Sistema ng pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o
indibiduwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa
isang takdang panahon.

12. Isa sa suliranin sa paggawa na kinakaharap natin sa kasalukuyan ay


ang job mismatch. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI naging ugat
ng naturang suliranin?
A. Ang mga manggagawa ay masyadong mapili sa paghahanap ng
trabaho.
B. Ang mga manggagawa ay naghahanap ng trabahong may malaking
sahod.
C. Hindi sinasamantala ng mga manggagawa ang mga nagbubukas na
oportunidad
D. Hindi tugma sa pinag-aralan ang mga trabaho na nakalatag at sa mga
pangangailangan ng mga negosyo dito sa ating bansa.

13. Ayon sa International Labor Organization may mga karapatan ang mga
manggagawa. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang dito?
A. Bawal ang lahat ng mga anyo ng diskrimasyon sa trabaho.
B. Karapatang makipagkasundo bilang bahagi ng grupo sa halip na mag-
isa.
C. Maaaring magtrabaho ang mga kabataan ng mabibigat na trabaho basta
kaya nila.
D. Karapatang sumali sa mga unyon na malaya mula sa panghihimasok ng
pamahalaan at tagapangasiwa.

14. Isa sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang pagbabago sa


workplace at sa sistema ng pagpili sa manggawa. Alin sa sumusunod na
pahayag ang magiging tugon ng ating pamahalaan ukol dito?
A. Pagpayag ng pamahalaan sa mga dayuhang kompanya na pababain
ang sweldo ng mga lokal na manggagawa sa bansa.

24 |Gawaing Pampagkatuto sa Araling Panlipunan 10 (Ikalawang Markahan)


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
LEGANES NATIONAL HIGH SCHOOL
Guinobatan, Leganes, Iloilo

B. Pagbibigay ng kalayaan ng pamahalaan sa mga dayuhang kompanya


na magpatupad ng kontraktwalisasyon sa mga lokal na manggagawa sa
bansa.
C. Hihigpitan ang pagproseso sa pagpasok ng mga dayuhang kompanya,
produkto at serbisyo sa bansa kaya’t kinailangan ng mga world class
workers.
D. Itataas ang kalidad ng mga lokal na produkto sa pandaigdigang
pamilihan kaya’t kinailangang mag-angkat ng mga eksperto sa ibang bansa
para sanayin ang mga local na manggagawa.

15. Malaki ang naging papel ng globalisasyon sa pagdagsa ng mga


dayuhang kompanya, produkto at paggawa sa bansa. Ayon sa ulat ng
Department of Trade and Industry (DTI) noong 2010 may pinakamalaking
paglago dito ay sa sektor ng serbisyo na kung saan ang nanguna ay ang
industriya ng Business Process Outsourcing (BPO). Sa kabilang dako
patuloy naming bumababa ang paglago ng sektor ng agrikultura. Anong
konklusyon ang mahihinuha sa pahayag na ito?
A. Magaling ang mga Pilipino sa larangan ng teknolohiya at impormasyon.
B. Karamihan sa mga kabataang Pilipino ay kumukuha ng kurso na may
kinalaman sa Business Process Outsourcing (BPO).
C. Malaki ang naitulong ng pagdagsa ng makabagong gadget sa bansa
kaya madaling makasabay ang mga Pilipino sa mga serbisyong online.
D. Mababa ang pagpapasweldo, pabagu-bago ang paggawa sa bansa at
ang lengguwaheng English ang isa sa pangunahing wika na madali sa mga
Pilipino.

16. Isa pa sa isyung kinakaharap ng bansa sa paggawa na kaugnay sa


paglaki ng unemployment at underemployment ay ang paglaki ng bilang ng
mga job mismatch. Alin sa sumusunod na pahayag ang higit na dahilan ng
pagkakaroon ng job mismatch sa bansa?
A. Ang mga subcontractor ay walang sapat na puhunan upang gawin ang
trabaho o serbisyo.
B. Hindi nakakasabay ang mga college graduate sa demand na kasanayan
at kakayahan na entry requirement ng mga kompanya sa bansa
C. Malayang naipatutupad ng mga kapitalista o mamumuhunan ang
iskemang kontraktwalisasyon para ibaba ang gastos sa paggawa.
D. Ang pagpasok ng bansa sa mga dayuhang kasunduan na binubuksan
ng malaya ang kalakalan ng bansa sa mga dayuhang kompanya o
transnational companies.

17. Isa pa sa malaking hamon na kinakaharap ng bansa dulot ng


globalisasyon ang mga isyu tungkol sa migrasyon. Ano ang migrasyon?
A. Proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar.
B. Proseso ng pag-alis o paglipat sa kaguluhan ng mga mamamayan.

25 |Gawaing Pampagkatuto sa Araling Panlipunan 10 (Ikalawang Markahan)


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
LEGANES NATIONAL HIGH SCHOOL
Guinobatan, Leganes, Iloilo

C. Proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang


pangyayari sa lugar na pinagmulan.
D. Proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal
patungo sa isang lugar pansamantala man o permanente.

18. Ilan sa mga dahilan ng permanenteng migrasyon ay ang mga


sumusunod. Alin and HINDI kabilang dito?
A. Tirahan B. Turismo C. Edukasyon D. Hanapbuhay

19. Alin sa mga sumusunod ang HINDI mabuting epekto ng migrasyon sa


mga taong nagsisiksikang naninirahan sa mga barung-barong at estero?
A. Magkakaroon sila ng mas maraming kaibigan.
B. Magkakaroon na ng kalinisan sa kanilang lugar.
C. Madadagdagan ang polusyon sa kanilang lugar.
D. Uunlad at magkakaroon ng katahimikan sa kanilang lugar.

20. Ang kapal o dami ng mga nandarayuhan ay patuloy na tumataas sa


iba’t-ibang rehiyon ng daigdig. Malaki ang implikasyon nito sa mga batas at
polisiya na ipinatutupad sa mga destinasyong bansa. Alin sa sumusunod
ang HINDI naging dahilan ng pandarayuhan ng mga mamamayang
Pilipino?
A. paghahanap ng pagmamahal o pagpapakasal
B. panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak
C. pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman partikular sa mga
bansang industriyalisado.
D. hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang
maghahatid ng masaganang pamumuhay

21. Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinakamalaking bilang ng


mga imigrante na lumabas ng kanilang bansa. Ano ang mahihinuha dito?
A. Mas malaki ang oportunidad sa labas ng Asya.
B. Kakaunti ang oportunidad na makukuha ng mga mamamayan sa Asya.
C. Kahirapan ang mas namamayani sa Asya at hindi kaginhawaan ng
pamumuhay.
D. Mas kinakakitaan ng malaking oportunidad ng mga Asyano ang ibang
lugar bunga ng iba’t ibang hanapbuhay na mapapasukan na angkop sa
kanilang natapos o kakayahan.

22. Alin sa sumusunod na pahayag ang naging masamang bunga ng pag-


alis ng mga “skilled workers” sa ating bansa?
A. Humihina ang labor force ng bansa.
B. Bababa ang Gross National Product ng bansa.
C. Maraming pamilya ang nasisira dahil sa matagal na pagkawalay.

26 |Gawaing Pampagkatuto sa Araling Panlipunan 10 (Ikalawang Markahan)


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
LEGANES NATIONAL HIGH SCHOOL
Guinobatan, Leganes, Iloilo

D. Nababawasan ang mga manggagawang may kakayahang


makapagpaangat sa kalagayan ng ekonomiya ng ating bansa.

23. Si Aidan ay nakatira sa bayan ng Banate na isang rural area. Katatapos


lang niya mag-aral ng kolehiyo at pupunta siya sa lungsod ng Iloilo para
makapaghanap ng maayos na trabaho. Ano ang magiging epekto nito sa
lungsod?
A. Maraming naglalakihang gusali ang makikita sa lungsod.
B. Magiging mabilis ang pag-angat ng antas ng pamumuhay sa lungsod.
C. Madadagdagan ang bilang ng mga tao na naninirahan sa lungsod.
D. Magiging mainam ang pamumuhay sa lungsod kaysa sa kanayunan.

24. Maraming mga Pilipino ang nandarayuhan sa ibang pook bunsod ng


iba’t ibang dahilan na tumutulak sa kanila upang mangibang bansa. Alin sa
sumusunod na pahayag ang HINDI dahilan ng pangingibang bansa?
A. Payapa at tahimik sa lugar kaya nangibang bansa ang isang pamilya.
B. Laganap ang krimen sa ibang lugar kaya nagpasya silang mangibang
bansa.
C. Maraming tao ang naakit sa mataas na kita sa ibang bansa kaya sila
naglipat pook
D. Magpasya ang pamilya na mangibang bansa dahil sa ganda at tanawin
ng isang lugar.

25. Ano kaya ang maaaring gawing hakbang ng pamahalaan upang


mabawasan ang bilang ng mga Pilipino na gustong magtrabaho sa ibang
bansa?
A. Magtayo ng mga murang pabahay.
B. Magdagdag ng sahod ng mga manggagawa.
C. Magbigay ng maraming trabaho na angkop sa kanilang kakayahan.
D. Magbigay ng mga programang magiging iskolar ang kanilang mga anak.

26. Ang ama ni Deyan ay nagtatrabaho sa Saudi Arabia samantalang ang


kanyang ina ay nagtatrabaho naman sa Hong Kong. Siya ay naiwan sa
pangangalaga ng kanyang Lola Liza. Alin sa sumusunod na pahayag ang
HIGIT na magiging bunga ng sitwasyon?
A. Magbubulakbol siya sapagkat wala naman ang kanyang mga magulang.
B. Mas magiging malapit siya sa kanyang Lola Liza kaysa sa kanyang mga
magulang.
C. Hihingi siya ng pera sa kanyang mga magulang upang bilhin ang lahat
ng gusto niya.
D. Mag-aaral siyang mabuti upang masuklian ang paghihirap ng kanyang
mga magulang.

27 |Gawaing Pampagkatuto sa Araling Panlipunan 10 (Ikalawang Markahan)


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
LEGANES NATIONAL HIGH SCHOOL
Guinobatan, Leganes, Iloilo

27. May mahalagang papel ang mauunlad na bansa tulad ng Germany,


Japan, France at Italy sa pag-alalay sa tinaguriang bottom billion. Alin sa
sumusunod na pahayag ang nagpapatunay na HINDI sapat ang tulong
pinansyal ng mga nabanggit na bansa?
A. patuloy na magiging tradisyunal ang pamamaraan ng pagsasaka.
B. maraming mga lokal na mamamayan ang hindi tanggap ang tulong
pinansyal.
C. maraming mga dayuhang namumuhunan ang nagsara ng kanilang mga
negosyo.
D. hindi magkakaroon ng mga programa at batas na tutugon sa mga
suliraning ito lalung- lalo na ang pagbabago ng sistema ng pamamahala

28. Ang pagsulpot ng iba’t ibang outsourcing companies na pagmamay-ari


ng mga lokal at dayuhang namumuhunan ay isang manipestasyon ng
globalisasyon. Ilan sa mga epekto nito ay ang sumusunod:
I. Nagkaroon ng karagdagang trabaho ang mga Pilipino.
II. Nabago ang dinamiko (oras, sistema, istruktura) ng paggawa sa
maraming kompanya.
III. Naapektuhan ang kalusugan ng maraming manggagawang
namamasukan partikular
ang mga call center agents.
IV. Binago ng globalisasyon ang lifestyle ng maraming Pilipino.
Mula sa mga kaisipang nabanggit, ano ang mabubuong konklusyon dito?
A. Nakatulong ang globalisasyon sa pamumuhay ng tao.
B. Tumugon ang globalisasyon sa pangangailangan ng marami.
C. Suliranin lamang ang idinulot ng globalisasyon sa pamumuhay ng tao.
D. Mayroong mabuti at di-mabuting epekto ang globalisasyon sa
pamumuhay ng tao.

29. Isa sa mabuting naidulot ng globalisasyon ay ang mabilisang pagdaloy


ng tao sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Subalit, sinasabing ito rin ay isa sa
mga dahilan kung bakit nagkakaroon ngayon ng pandemya sa coronavirus
disease (Covid-19) na isang nakakahawang sakit. Bilang isang mag-aaral,
alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI dapat gawin ng isang
mamamayan upang malabanan ang hamon na dala ng globalisayon?
A. Hugasan ng madalas ang iyong mga kamay.
B. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad.
C. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong
may lagnat o ubo.
D. Isisi lahat sa gobyerno ang mga pandemyang nangyayari sa bansa at
isawalang bahala ang mga kaganapan sa paligid.

28 |Gawaing Pampagkatuto sa Araling Panlipunan 10 (Ikalawang Markahan)


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
LEGANES NATIONAL HIGH SCHOOL
Guinobatan, Leganes, Iloilo

30. Sila ay mga taong may edad 15 pataas na may kakayahan nang
magtrabaho ngunit hindi pa aktuwal na lumalahok sa produksiyon o hindi
pa bahagi ng Labor Force Participation Rate, MALIBAN SA ISA. Sino ito?
A. Discouraged Workers
B. Estudyante
C. Full time Mother
D. Job-Skills Mismatch Workers

II. TIMBANGIN MO: Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang Titk
A kung tama ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag; Titik B kung
tama ang nilalaman ng unang pahayag at mali ang ikalawa; Titik C kung
mali ang nilalaman ng unang pahayag at tama ang ikalawa; Titik D kung
mali ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag. Isulat ang TITIK ng
pinakatamang sagot sa sagutang papel.

31. UNANG PAHAYAG: Ang pangingibang-bayan ng manggagawang


Pilipino ay nagsimula sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos
bilang panandaliang tugon sa budget deficit ng kaniyang administrasyon.
IKALAWANG PAHAYAG: Ang mga OFW ay tinaguriang na mga bagong
bayani dahil sa malaking kita na naidulot nito sa bansa na naging dahilan
upang hindi bumagsak ang ekonomiya ng bansa sa kabila ng mga krisis
pang ekonomiya at pampolitika.
32. UNA: Ayon sa pag-aaral ni Dr. Collier, marami sa mga cellphone users
ay hindi lamang itinuturing ang cellphone bilang isang communication
gadget, ito ay nagsisilbi ring ekstensiyon ng kanilang sarili kaya naman
hindi madaling maihiwalay ito sa kanila.
IKALAWA: Ang pag-imbento ng Cellphone ay nakakatulong sa pag-unlad
ng pamumuhay ng mga mangingisda ng New Delhi sa India.
33. UNA: Ang pagpataw ng buwis o taripa sa lahat ng produkto at
pagbibigay ng subsidiya sa mga namumuhunang lokal ay halimbawa ng
mga polisiya sa ilalim ng patakarang Patas o Pantay na Kalakalan.
IKALAWA: Binigyang-diin ni Paul Smith na kung mayroon mang dapat
bigyang-pansin sa suliraning pang-ekonomiyang kinahaharap ang daigdig,
ito ay ang isang bilyong pinakamahihirap mula sa mga bansa sa Asya lalo’t
higit sa Africa o mas tawag na Bottom Billion Countries.
34. UNA: Ang unang perspektibo ng globalisasyon ay pinaniniwalaang ito
ay taal o nakaugat sa bawat isa.
IKALAWA: Ang pangalawang perspektibo naman ay pinaniniwalaang ito
ay may anim na wave o epoch o panahon na siyang binigyang diin ni
Therborn.
35. UNA: Pumasok ang Asia sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong
Disyembre 7, 1941 noong binomba ng Japan ang Pearl Harbor sa Hawaii.

29 |Gawaing Pampagkatuto sa Araling Panlipunan 10 (Ikalawang Markahan)


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
LEGANES NATIONAL HIGH SCHOOL
Guinobatan, Leganes, Iloilo

IKALAWA: Naging opisyal ang pagtatapos ng Ikalawang Digmaang


Pandaigdig ng nilagdaan ng Hapon ang dokumento ng pagsusuko noong
Sityembre 2, 1946.
36. UNA: Ang unang naidulot ng globalisasyon sa paggawa ay mabibigyan
ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigidigan
pamilihan.
IKALAWA: Ang pangalawang naidulot ng globalisasyon sa paggawa
naman ay ang demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o
kasanayan sa paggawa na globally standard.
37. UNA: Ang China ang nangungunang bansa sa rehiyon ng Asya sa
larangan ng non-IT BPO.
IKALAWA: Ayon sa ulat ng DOLE upang matiyak ang kaunlarang pang-
ekonomiya ng bansa kailangang iangat ang antas ng kalagayan ng mga
manggagawang Pilipino tungo sa isang disenteng pagggwa.
38. UNA: Sa ilalim ng Labor-only Contracting, ang subcontractor ay walang
sapat na puhunan upang gawin ang trabaho o serbisyo at ito ay
pinagbabawal ng batas.
IKALAWA: Sa ilalim ng job – contracting, ang mga manggagawa naman
ay walang direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya.
39. UNA: Batay sa klasipikasyon ng gobyerno, ang 20 milyon na hindi
bahagi ng Labor Force Participation Rate o LFPR ay ang mga taong may
edad 15 pataas na may kakayahan nang magtrabaho ngunit hindi pa
aktuwal na lumalahok sa produksiyon o naghahanap ng trabaho.
IKALAWA: Ang mga full time mother ay maituturing na unpaid family labor
na inihanay ng pamahalaan sa mga may trabaho ayon sa klasipikasyon ng
LFPR.
40. UNA: Sa panahon ng rehimeng Aruino, pinagtibay ang Presidential
Decree (PD) 442 o Labor Code bilang patakarang pinaghanguan ng
flexible labor.
IKALAWA: Ang RA 6715 ay ang batas na tumutukoy sa pagpapahayag ng
patakaran ng pamahalaan laban sa pagpapakontrata.

III. TAMA O MALI: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay wasto at
MALI naman kung hindi wasto. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
41. Si Carlos P. Garcia ay nagging pangulo ng Pilipinas na kung saan
nagkaroon ng programa na Pilipino Muna na nagsasaad ng pagtangkilik ng
sariling produkto.
42. Ang RA 2715 ay isang batas ng pamahalaan na nakatuon sa
paglulunsad ng mura at flexible labor o kontraktiwalisasyon.
43. Ang Pilipinas ay ang bansa sa timog – silangang asya na tinaguriang
emerging at developing nation dahil sa mabilis na pag-unlad ng ekonomiya.
44. Ang sektor ng Industriya ay labis na naapektuhan ng globalisasyon
dahil sa kakulangan para sa patubig, suporta ng pamahalaan sa
pagbibigay na ayuda sa magsasaka sa panahon ng kalamidad at tagtuyot .

30 |Gawaing Pampagkatuto sa Araling Panlipunan 10 (Ikalawang Markahan)


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
LEGANES NATIONAL HIGH SCHOOL
Guinobatan, Leganes, Iloilo

45. Ang DENR ay ahensya ng pamahalaan na nakatuon sa pagbibigay ng


trabaho sa mga Pilipino at magkaroon ng isang marangal at disenteng
paggawa.
46. Ang pagsabog ng Twin Tower sa New York ay isa sa mga pangyayari
sa kasaysayan na kung saan gumising sa marami na kinakailangan ang
higit na pag-aaral sa isang global na daigdig.
47. Ang Ghana ay isang bansa sa Aprika na tinaguriang Land of the Gold.
48. Ang taripa na pinapadala ng mga migranteng manggagawa sa Pilipinas
ay isa sa mga dahilan kung bakit lumalago ang ekonomiya ng bansa.
49. Ang pag-alis ng mga propesyonal na Pilipino sa ibang bansa upang
magtrabaho dahil sa maganda ang sahod at benepisyo ay tinatawag na
brain drain.
50. Ang ASEAN Integration ay pinangambahan ng mga bansa sa timog
silangang asya na may layunin na mapaunlad ang pamumuhunan,
kalakalan at pagtutulungang politikal.

***MAHABANG PAGSUSULIT SA IKALAWANG MARKAHAN AY


NAGTATAPOS DITO***

“LAGING MONG TANDAAN NA HANGGA’T ANG IYONG KASIPAN,


PUSO, AT KALULUWA AY NASA TAMANG DIREKSIYON, HUWAG
KANG MALIGALIG AT GAWIN ANG TAMA DAHIL ITO AY TUNGO SA
MAGANDANG KINABUKASAN AT MABUTING PAGDEDESISYON” -
Sir Jes 

31 |Gawaing Pampagkatuto sa Araling Panlipunan 10 (Ikalawang Markahan)

You might also like