You are on page 1of 14

Camarines Norte College Inc.

Labo, Camarines Norte


Junior High School Department
S.Y. 2021-2022
Learning Module para sa Araling Panlipunan 10

Ikatlong Kwarter
MGA ISYU SA KARAPATANG PANTAO AT
GENDER

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pang-unawa sa kahalagahan ng karapatang pantao sa
pagsulong ng pagkapantay-pantay at respeto sa tao bilang kasapi ng pamayanan, bansa, at
daigdig; at sa kahalagahan ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang perspektibo na may
kaugnayan sa samu’t saring isyu sa gender.

Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng dokyumentaryo na nagsusulong ng paggalang sa
karapatan ng mga mamamayan sa pagpili ng kasarian at sekswalidad.

ARALING PANLIPUNAN 10// ISYU SA KARAPATANG PANTAO AT GENDER// S.Y. 2021-2022 1


TALAAN NG NILALAMAN
LINGGO MGA GAWAIN PAHINA SA MODYUL
UNANG LINGGO • Pagsasanay 1: ALAMIN MO!
• Pagsasanay 2: ALAMIN MO!
• Gawain 1: MGA KARAPATAN
Pahina 4-6
MO!
• Gawain 2: LARAWAN KO,
ALAMIN MO!
IKALAWANG LINGGO • Gawain 3: EPEKTO NG
Pahina 6
PROSTITUSYON!
IKATLONG LINGGO • Gawain 4: IHAMBING NATIN!
(Scaffold for Transfer 1) Pahina 7-8
• MAIKLING PAGSUSULIT
IKAAPAT NA LINGGO IKATLONG ANTASANG PAGSUSULIT
IKALIMANG LINGGO • Gawain 5: MAHALAGA ‘TO!
• Gawain 6: IPALIWANAG MO! Pahina 9
• Gawain 7: IPAHAYAG MO!
IKAANIM NA LINGGO • Gawain 8: POSITIBO vs
NEGATIBO
• Gawain 9: SUBUKAN MO!
Pahina 10
(Scaffold for Transfer 2)
• Mapa ng Konseptong
Pagbabago
IKAPITONG LINGGO • Gawain 10: Pahina 11-12
PERFORMANCE TASK
IKAWALONG LINGGO IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

UNANG LINGGO
Panimula
Tinatamasa ng mga tao ang tiyak, di maihihiwalay, buo, at di maitatangging mga karapatan ng tao na
mananatili sa kanya mula sa pagsilang hanggang kamatayan.
Pangunahin sa karapatan ng tao ang mabuhay nang malaya sa anumang paninikil ng kahit na sino, kapwa man
niya tao, grupo ng tao, o institusyon sa lipunan. Kakabit ng “pagiging buhay” ang karapatang matugunan ang lahat
ng mga pangangailangan upang “manatiling buhay” at mabuhay nang may dignidad at puno ng pagpapahalaga sa
sariling kapakanang bilang tao. Tandaan na walang kinalaman dito ang pagiging makasarili dahil kailangang mabuhay
nang matiwasay ang isang tao upang siya ay makatulong sa ibang tao na maging ganap ang kanilang pagiging tao. Sa
pamamagitan ng yunit na ito, makabubuo ka ng isang makabuluhang tugon sa tanong na Bakit mahalagang
maunawaan ang mga anyo ng paglabag sa karapatang pantao at ang epekto nito sa buhay ng tao, pamayanan
at bansa?
SAKLAW NG MODYUL
Sa modyul na ito, matututuhan mo ang mga sumusunod:
Mga Aralin Magagawa mong…
• Mga Isyu sa ✓ mauunawaan ang kahalagahan ng karapatang pantao sa pagsusulong ng
Karapatang pagkapantay-pantay at pagbibigay ng respeto sa tao bilang kasapi ng
Pantao pamayanan, bansa, at daigdig.
✓ masusuri ang epekto ng paglabag sa karapatang pantao
✓ masusuri ang mga halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao sa
pamayanan, bansa, at daigdig.
✓ makapagmungkahi ng mga pamamaraan sa pangangalaga ng karapatang
pantao
• Kasarian at ✓ makabuo ng dokumentaryo na nagsusulong ng paggalang sa karapatan ng
Seksuwalidad bawat mamamayan sa pagpili ng kasarian at seksuwalidad
✓ masuri ang ibat’t ibang salik ng naging dahilan ng pagkakaroon ng
diskriminasyon sa kasarian

ARALING PANLIPUNAN 10// ISYU SA KARAPATANG PANTAO AT GENDER// S.Y. 2021-2022 2


✓ mataya ang bahaging ginagampanan ng kasarian (gender roles) sa iba’t ibang
larangan at institustong panlipunan (trabaho, edukasyon, pamilya, pamahalaan
at relihiyon).
✓ mapaghambing ang katayuan ng kababaihan, lesbians, gays, bisexuals, at
transgenders sa iba’t ibang bansa sa rehiyon.
✓ maipahayag ang pananaw sa pagpapahintulot sa same-sex marriage sa bansa.
• Reproductive ✓ maipaliwanag ang mahahalagang probisyon ng Reproductive Health Law.
health Law ✓ maipahayag ang sariling saloobin tungkol sa Reproductive Health Law.
• Prostitusyon at ✓ matalakay ang dahilan ng prostitusyon at pang-aabuso.
Pang-aabuso ✓ masuri ang epekto ng prostitusyon at pang-aabuso sa buhay ng tao sa
pamayanan at bansa.
✓ makapagmungkahi ng mga paraan tungo sa ikalulutas ng suliranin ng
prostitusyon at pang-aabuso sa sariling pamayanan at bansa.

Grapikong Pantulong sa Aralin:


Mga Isyu Sa
Karapatang Pantao
at Gender

Karapatang pantao mula


Protitusyon at Pang-
pagkabata hanggang
aabuso
kamatayan.

Paggalang sa karapatan ng bawat mamamayan


Reproductive Health Law sa pagpili ng kasarian at seksuwalidad.

INAASAHANG KASANAYAN:
Bilang patunay ng pagtatagumpay mo sa modyul na ito, inaasahang matutupad mo ang sumusunod na
mga gawain pampagkatuto;
• naiisa-isa ang mga halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao sa pamayanan, bansa, at daigdig.
• natutukoy ang iba’t ibang salik na nagiging dahilan ng pagkakaroon ng diskriminasyon sa kasarian.
• nailalahad ang epekto ng prostitusyon at pang-aabuso sa buhay ng tao sa pamayanan at bansa.
• naipaghahambing ang katayuan ng kababaihan, lesbians, gays, bisexuals, at transgender sa iba’t ibang
bansa at rehiyon.
• naipaliliwanag ang kahalagahan ng Reproductive Health Law.
• natataya ang bahaging ginagampanan ng kasarian (gender roles) sa iba’t ibang larangan at institusyong
panlipunan (panlipunan, edukasyon, pamilya, pamahalaan, at relihiyon)
• natatalakay ang dahilan ng prostitusyon at pang-aabuso.
PANIMULANG PAGTATAYA

Alamin natin ngayon kung may kaalaman ka sa araling tatalakayin sa pamamagitan ng pagsagot sa
panimulang pagtataya. Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang sa tingin mong
tamang sagot. Sagot na lamang ang isulat sa iyong sagutang papel. Hindi ito ipapasa. Pagkatapos
mong sagutin ang lahat ng tanong, ikumpara mo ang iyong mga napiling sagot sa susi sa
pagwawasto na matatagpuan sa huling pahina ng modyul.
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ang mga karapatang kaloob at pinangangalagaan o binibigyang-proteksiyon ng konstitusyon ng
bansa.
a. constitutional rights c. karapatang sibil
b. statutory rights d. karapatang pangkultura
2. Ito ang karapatang magkaroon ng matiwasay at tahimik na pamumuhay, kalayaan sa pagsasalita, pag-
iisip, pag-oorganisa, pamamahayag at karapatang laban sa diskriminasyon
a. karapatang pang-ekonomiya c. karapatang kultural
b. karapatang sibil o panlipunan d. statutory rights
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa ipinaglalaban ng homosekswal?
a. karapatang malayang ipahayag ang kanilang kalooban
b. karapatang maikasal ng sibil
c. karapatang mabuhay nang malaya at walang diskriminasyon
d. karapatang magkaroon ng sariling pamahalaan
4. Bakit nararanasan ng mga LGBT ang diskriminasyon?
ARALING PANLIPUNAN 10// ISYU SA KARAPATANG PANTAO AT GENDER// S.Y. 2021-2022 3
a. bahagi na ito ng ating kasaysayan
b. maraming makapangyarihang pamilya sa ating bansa
c. hindi nila nauunawaan ang pagkakaiba ng sekswalidad ng bawat tao sa lipunan
d. hindi pantay-pantay ang pagtingin ng ating lipunan sa iba’t ibang kasarian
5. Alin sa mga sumusunod ang pinaglalaban ng homosexual na hindi pa nakakamit?
a. pagsali sa hukbong military c. pagpapabago ng pisikal na katangian o pagpaparetoke
b. pag-aampon ng bata d. proteksiyon ng batas laban sa diskriminasyon sa ibang larangan
6. Ano ang pangunahing dahilan sa pagkamatay ng mga kababaihan sa panganganak?
a. namamatay dahil sa di tamang pagbubuntis
b. namamatay dahil sa pagpapalaglag at pangnganak o maternal mortality
c. pagkabuntis nang maagap
d. kahirapan sa buhay at pagkabuntis ng wala pa sa tamang gulang.
7. Siya ang pangulo na may programa na “sistematikong pamamahagi ng mga kontraseptibo sa buong bansa.
a. Pangulong Ferdinad Marcos c. Pangulong Benigno Aquino III
b. Pangulong Fidel V. Ramos d. Pangulong Joseph Estrada
8. Ano ang dahilan kung bakit may mga babaeng sumasabak sa prostitusyon?
a. dahil sa gusto lamang
b. dahil sa tukso ng laman
c. dahil sa mabilis kumita ng malaking pera sa ganitong gawain
d. dahil sa wala nang maisip na ibang pagkukunan ng pagkakakitaan
9. Alin sa mga sumusunod ang malaking dahilan ng paglaganap ng prostitusyon sa Pilipinas?
a. unemployment o kakulangan ng mga pagkakataong makapagtrabaho
b. impluwensiya ng mga kaibigan
c. pagkakalulong sa ipinagbabawal na gamot at iba pang bisyo
d. kahirapan
10. Ano ang ginawang paraan ng pamahalaan upang mapigilan ang lumalaganap na prostitusyon sa bansa?
a. pagbibigay ng trabaho
b. pagsasagawa ng mga programang nakatutulong upang hikayating itigil na ang ganitong gawain
c. pagpapatupad ng batas para sa prostitusyon
d. pagpapasara ng mga establisyemento para sa naturang gawain
Binabati kita! Naniniwala akong madali mong nasagot ang bawat tanong.
Marahil ikaw ay nasasabik na malaman ang mga bagay na iyong matutuklasan sa araling ito.
Ngayon ay maaari mo nang simulan ang iyong masigasig na pag-aaral sa nilalaman ng modyul na ito. Subukin
mo ang iyong sarili sa panimulang gawain na inihanda para sa iyo.
Alam kong handa ka na para sa mga matatamo mong mga pagkatuto.

PAGSASANAY 1: ALAMIN MO!

Simulan natin ang gawaing ito sa pamamagitan ng pagsagot mo sa nakalaang gawain sa ibaba.
Handa kana ba?

Panuto: Gamitin ang i-chart sa ibaba, Panuto: Ilista ang mga isyung karapatang pantao at gender sa ibaba.

ARALING PANLIPUNAN 10// ISYU SA KARAPATANG PANTAO AT GENDER// S.Y. 2021-2022 4


Pagsasanay 2: Mapa ng konsepto ng Pagbabago

Sa ibaba ay makikita mo ang mapa ng konsepto ng pagbabago IRF. Ito ay magsisilbi mong gabay upang
masubaybayan mo ang pag-unlad ng iyong pagkatuto. Sagutin mo ang mahalagang tanong sa ibaba. Hindi mo muna
ito ipapasa ngunit mahalagang mapag-isipan mo bilang panimula ng aralin.

Mahalagang Tanong: Bakit mahalagang maunawaan ang mga anyo


ng paglabag sa karapatang pantao at ang epekto nito sa buhay ng tao,
pamayanan at bansa?
INITIAL O PAUNANG PAG-UNAWA:
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________.

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGTUKLAS


Magaling! Naibigay mo ang iyong inisyal na pag-unawa sa paksa ng pag-aaralan mo para sa kwarter na ito.
Hinihikayat kita na basahin, unawain, at sagutin ang lahat ng gawain sa modyul na ito para sa iyo. Ang lahat ng
gawain ay sadyang inilaan upang maihanda ka sa pagtupad mo sa mga inaasahang kasanayang malilinang mo.
Ngayon ay ihanda mo ang iyong sarili para sa mga susunod na gawain.

Ang mga kaalaman mong matatamo rito ay siyang magbibigay sa iyo ng isang makabuluhang sagot sa iyong pokus na
tanong na “Bakit mahalagang maunawaan ang mga anyo ng paglabag sa karapatang pantao at ang epekto
nito sa buhay ng tao, pamayanan at bansa?
Marahil ay handa ka na sa iyong mga matutuhan. Simulan na natin!

GAWAIN 1: MGA KARAPATAN MO!


Nilalaman:Kayamanan Mga Kontemporaryong Isyu (Kayamanan Pahina 203-220)
Panuto: Piliin mula sa kahon ang halimbawa ng mga karapatan ayon sa nakatala sa bilang 1 at 2. Tingnan
sa iyong batayang aklat pahina 203-220.

• Mabuhay ng puspos
• Ang paunlarin ang iba’t ibang aspekto ng pagiging tao gaya ng pisikal, mental
at espiritwal
• Statutory Rights
• Magkaroon ng sariling pangalan, identidad o pagkakakilanlan, at dignidad
• Constitutional Rights
URI NG KARAPATAN
1. Karapatang Likas o Natural_



2. Karapatang Ayon sa Batas

GAWAIN 2: LARAWAN KO, ALAMIN MO!

Nilalaman: Mga Kontemporaryong Isyu (Kayamanan 9, pahina 231-236)


ARALING PANLIPUNAN 10// ISYU SA KARAPATANG PANTAO AT GENDER// S.Y. 2021-2022 5
Panuto: Tukuyin mo ang iba’t ibang salik nakaiimpluwensiya sa diskriminasyon. Piliin ang sagot sa
kahon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

1.__________ 2.___________ 3.____________ 4.____________


a. Iniiwasan ng mga grupo ng mga kababaihan ang isang miyembro ng LGBT sapagkat ang tingin nila ay
hindi ito gagawa ng mabuti dahil sa pisikal nitong kilos.
b. Madalas nagagalit ang asawang lalaki sa kanyang may-bahay sapagkat akala niya ay wala itong ginagawa at
ipinamumukha niya na siya ang kumikita sa loob ng kanilang tahanan.
c. Laging pinagtatawanan ng kanyang mga kamag-aral si June dahil malambot itong kumilos.
d. Sumikat ang isang transgender sa facebook sapagkat naibunyag ang kanyang tunay na kasarian bago pa
man lang siya ikasal.

IKALAWANG LINGGO
Nilalaman: Prostitusyon at Pang-aabus
Ang prostitusyon ayon sa Merriam-Webster Dictionary ay ang simpleng paggamit ng katawan ng isang
tao upang kumita ng pera. Isa ito sa mga tanggap na negosyo sa mga estado sa America tulad ng ilang lugar sa
Nevada maging sa mga bansang tulad sa Japan at nangangailangan ito ng estriktong regulasyon sa pamamagitan
ng batas para sa mga taong kasali sa negosyong ito. Ito ay tinaguriang pinakamatandang uri ng propesyon sa buong
mundo dahil maaaring iugat ang simula nito sa panahon ng sibilisasyon ng Mesopotamia, Greece, Rome maging
sa China at Japan. Dahil sa ilang mga insidenteng may kaugnayan sa diskriminasyon at pang-aabuso sa mga
karapatang pantao ng kababaihan at kabataan, sinasabing ang prostitusyon ay isa sa mga nagpapatuloy na isyu na
nakaaapekto sa ekonomiya at lipunan ng ating bansa.

GAWAIN 3: EPEKTO NG PROSTITUSYON!

Panuto: Ilahad mo ang mga epekto ng prostitusyon at pang-aabuso sa biktima, pamayanan, at bansa. Punan ng
paliwanag sa binigay na espasyo. Tingnan ang iyong batayang aklat, pahina 276-277.

Biktima
• (paliwanag)

Pamayanan
• (paliwanag)

Bansa
• (paliwanag)
Self Assessment
Panuto: Maaari mong kulayan ng berde, kahel at pula ang bawat kahon batay sa iyong pagkatuto sa modyul na ito.

ARALING PANLIPUNAN 10// ISYU SA KARAPATANG PANTAO AT GENDER// S.Y. 2021-2022 6


Kaya ko ito mag-isa. Kailangan ko ng tulong
Hindi ko ito magagawa
Magagawa ko ito kaya upang magawa ito
Magagawa kong … kong maibahagi ito sa gayumpaman maaari
nang mag-isa at hindi ko
ito maibabahagi sa iba
iba. ko ito ibahagi sa iba.

maisa-isa ang mga uri ng


karapatan at halimbawa ng
paglabag sa karapatang pantao
sa pamayanan, bansa, at
daigdig
matukoy ang iba’t ibang salik
na nagiging dahilan ng
pagkakaroon ng diskriminayon
sa kasarian
magbigay ng maikling
paliwanag sa apat na salik na
nakaiimpluwensiya sa
diskriminasyon
mailahad ang epekto ng
prostitusyon at pang-aabuso sa
buhay ng tao sa pamayanan at
bansa

IKATLONG LINGGO
Nilalaman: Kasarian at Seksuwalidad
Ang sex o sekswalidad ay tumutukoy sa natural o biyolohikal na katangian bilang lalaki o babae. Ang ating
sekswalidad ay natatalaga sa pamamagitan ng ating genetic inheritance o ang pinagmulan ng ating lahi. Maaari itong
mapalitan, ngunit may kahirapan, sa pamamagitan ng operasyon, pag-inom ng iba’t ibang gamot, at iba pang mga
pisikal na pamamaraan. Ang ating genes ay nagtataglay ng ating mga biyolohikal na katangian ay ating namamana
at naipapasa sa mga salinlahi sa pamamagitan ng pagsusupling. Ayon sa isang pagsasaliksik, ang tao ay maaaring
magkaroon ng mahigit sa isang sex, depende sa kombinasyon ng kanyang mga chromosome, isang yunit na
biyolohikal. Subalit ito ay itinuturing na rare case lamang.
Kung seksuwalidad ang tutukuyin, pinapangkat ang mga tao bilang “babae” at “lalaki”. Kung kasarian
naman ang usapan, ang ginagamit na termino ay “pambabae” at “panlalaki”. Ang pagtatalaga ng kung ano ang
pambabae at panlalaki ay pagbago-bago sa paglipas ng panahon. Sa ating kasaysayan.

Scaffold for Transfer 1


GAWAIN 4: IHAMBING NATIN!

Nilalaman: Mga Kontemporaryong Isyu, Pahina 203-239,


Panuto: Ipakita ang pagkakaparehas at pagkakaiba ng lalaki/babae at LGBT sa aspektong karapatang pantao,
pakikisalamuha at ang ginagamit na wika.

LALAKI/BABAE
LGBT

PAGKAKAIBA PAGKAKAPAREHAS SA:


a. a. KARAPATAN
b. b. PAKIKISALAMUHA
c. WIKA
c.

ARALING PANLIPUNAN 10// ISYU SA KARAPATANG PANTAO AT GENDER// S.Y. 2021-2022 7


MAIKLING PAGSUSULIT
Panuto: Ibigay ang mga salitang tinutukoy sa bawat pahayag. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.
• homoseksuwal • prostitusyon
• AIDS • Reproductive Health Law
• social media • Population Commission
• same sex marriage • constitutional rights
• gender • statutory rights
________1. Ito ang mga karapatang kaloob ng mga batas na pinagtibay ng kongreso o mambabatas.
________2. Ito ang mga karapatang kaloob at pinangangalagaan ang konstitusyon ng bansa.
________3. Bukod sa pagiging babae o lalaki, may mga tao ring tinatawag na kabilang sa third sex o ikatlong
kasarian. Sila ang tinatawag na __________.
________4. Ito ay sakit na lumaganap sa mga pangkat ng mga LGBT at ilang indibidwal noong unang bahagi ng
dekada ’80.
________5. Ito ay ginagamit ng mga sikat na personalidad upang ipahayag ang kanilang opinyon, pananaw at
nakatulong sa pagkilala sa mga LGBT.
________6. Ito ay legal na pagpapakasal ng parehong kasarian sa ibang bansa na ipinaglalaban ng mga pangkat
ng LGBT dito sa Pilipinas.
________7. Ito ay tumutukoy sa isang aspektong kultural na natutuhan hinggil sa sex.
________8. Ito ay tinatawag ding Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012.
________9. Ito ay itinatag upang ganyakin ang mga mamamayan na pigilin ang paglaki ng mga pamilya.
________10. Ito ang simpleng paggamit ng katawan ng isang tao upang kumita ng pera.

Mapa ng Konseptong Pagbabago

Sagutin muli ang mahalagang tanong sa ibaba. Gamitin sa gawaing ito ang kaparehong papel na ginamit
mo sa Pagsasanay 2. Hindi mo muna ito ipapasa ngunit kailangan mo itong gawin.

Mahalagang Tanong: Bakit mahalagang maunawaan ang


mga anyo ng paglabag sa karapatang pantao at ang epekto
nito sa buhay ng tao, pamayanan at bansa?”
NI-REBISANG PAG-UNAWA:
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
____

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGLINANG


Binabati kita dahil natapos mo ang mga gawain sa bahaging ito. Sa pagpapatuloy mo sa module na ito,
magagawa mong mapalalim pa ang iyong pag-unawa sa aralin sa mga susunod na lingo.

IKALIMANG LINGGO

Sa bahaging ito tutulungan kitang palalimin ang iyong pag-unawa sa mga konsepto at katuturan ng mga
napagdaanan mong aralin. Dito ay maglalahad ka ng iyong saloobin o katwiran kaugnay ng mga mahahalagang
paksang tinalakay. Inaasahan din na mapalalalim mo pa ang iyong kasagutan sa tanong na “Bakit mahalagang
maunawaan ang mga anyo ng paglabag sa karapatang pantao at ang epekto nito sa buhay ng tao, pamayanan
at bansa? Alam kong kayang-kaya mo ang mga gawaing inihanda sa bahaging ito. Magsimula na tayo.

ARALING PANLIPUNAN 10// ISYU SA KARAPATANG PANTAO AT GENDER// S.Y. 2021-2022 8


GAWAIN 5: MAHALAGA ‘TO!

Panuto: Ipaliwanag mo ang kahalagahan ng Reproductive Health Law sa ating bansa. Ilagay sa binigay na
espasyo ang nahanap na sagot mula sa artikulo.
. Artikulo 1: Kahalagahan ng Reproductive Health Law
https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2019/04/17/1910687/editoryal-kahalagahan-ng-reproductive-health-law
EDITORYAL - Kahalagahan ng Reproductive Health Law

Lubhang mataas ang bilang ng mga kababaihan na edad 15 hanggang 19 ang nabubuntis na wala sa panahon. Biglaan ang
pakikipagrelasyon. Napasubo sa maagang pakikipagtalik at ang resulta ay ang pagbubuntis. Iglap lang ang nadamang
kaligayahan sa pagsasanib nang nagbabagang katawan at ang kasunod ay ang pagpasan sa responsibilidad na hindi nila
lubusang napaghandaan. Sila rin ang kawawa sa dakong huli at damay rin ang kanilang mga isisilang. Sa ulat ng Population
Commission noong 2017, nagkaroon ng 47 live birth sa bawat 1,000 kababaihan na nasa edad 15 pataas. Ayon pa sa report,
karamihan sa mga nabuntis ay pawang nasa mahihirap na komunidad sa rural areas. Inalis na ng Supreme Court ang
Temporary Restraining Order (TRO) sa Responsible Parenthood and Reproductive Health Law noong 2017. Una nang
pinigil ng SC ang pagpapatupad ng RH Bill sapagkat hindi masagot kung ligtas ang mga gamot para sa birth control. Isa sa
mga pinangako ni President Duterte noong nangangampanya pa lamang noong 2016 ay ang family planning program. Nang
mahalal sa puwesto, hindi pa rin nagbabago ang paninindigan niya sa reproductive health at dapat itong malaman ng mga
kabataan. Kaya magandang pagkakataon ito para sa kasalukuyang gobyerno na maisulong ang RH at maituro rin ang
kagandahan ng pagtuturo ng sex education sa mga bata. May mga kabataan ngayon na inilalagay ang buhay nila sa peligro.
Dahil hindi pa handa sa pagbubuntis may mga nagpapa-abort. Kagaya ng nangyari sa isang babae sa isang motel sa Sta.
Cruz, Maynila na ini-abort ang kanyang pinagbubuntis. Naubusan umano ng dugo ang biktima at patay na nang matagpuan
ng room boy. Nakita sa kuwarto ang mga gamot na ininom ng biktima para i-abort ang pinagbubuntis. Masakit ang nangyari
sapagkat kasama siyang namatay. Ngayong inalis na ang TRO sa RH Law, dapat magsumikap pa ang pamahalaan para
maikampanya sa mga “nene” at “totoy” ang kahalagahan ng RH Law. Nararapat na maiplano ang pamilya at mailigtas sa
kapahamakan dulot nang maagang pagbubuntis.
Bakit mahalagang maunawaan ang kahalagahan ng RH Law sa bansa?
Sagot:
Ano ang patunay sa iyong sagot?
Paano mo masasabing ito ay magpapatunay sa iyong sagot?
Natutuhan ko na…
GAWAIN 6: IPALIWANAG MO!

Panuto: Ipaliwanag mo sa loob ng talahanayan ang mga ginagampanan ng bawat kasarian o gender sa bawat
institusyon tulad ng panlipunan, edukasyon, pamilya, pamahalaan, at relihiyon.
. KASARIAN PANLIPUNAN EDUKASYON PAMILYA PAMAHALAAN RELIHIYON
.BABAE • • • • •
LALAKI • • • • •
THIRD SEX O • • • • •
IKATLONG
KASARIAN

GAWAIN 7: IPAHAYAG MO!

Panuto: Ipahayag ang dahilan kung bakit may pang-aabuso at prostitusyon sa ating lipunan. Ipakita kung paano
ito mapipigilan o maiiwasan. Isulat sa iyong papel.
.
PANG-AABUSO PROSTITUSYON
Mga
. sanhi Mga sanhi
1. 1.
2.
. 2.
3. 3.
Paano mapipigilan? Paano mapipigilan?
1. 1.
2. 2.

ARALING PANLIPUNAN 10// ISYU SA KARAPATANG PANTAO AT GENDER// S.Y. 2021-2022 9


IKAANIM NA LINGGO
GAWAIN 8: POSITIBO vs NEGATIBO!

Panuto: Itala at ipaliwanag mo ang mga positibong epekto at negatibong epekto ng Reproductive Health Law sa
Pilipinas. Gamitin ang grapikong pantulong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa papel.

GAWAIN 9: SUBUKIN MO! (Scaffold for Transfer 2)

Panuto: Upang magawa mo ang hinihingi sa panghuling gawain, subukin mong gawin ang mga pangunahing hakbang
upang makabuo ng isang maikli at makabuluhang dokumentaryo. Para matagumpay mong maisagawa ang panghuling
gawain, sundin ang mga gabay sa ibabang bahagi.

1. Magsaliksik ng mga babasahin o artikulo tungkol sa mga nagaganap na isyu na nagpapakita ng paglabag
sa karapatang pantao at diskriminasyon sa katayuan ng iba’t ibang gender o sekswalidad sa ating lipunan.
2. Kumuha ng litrato sa google o sa inyong lugar na nagpapakita ng paglabag sa karapatang pantao at sa
responsibilidad sa karapatan ng bawat mamamayan.
3. Itala ang mga bagay na nakapukaw sa iyong damdamin na maaaring maging paksa ng iyong gagawing
malikhaing dokumentaryo.
4. Itala muli ang mga pamamaraan na nais mong maibahagi upang malunasan ang ganitong uri ng isyu na
nakakaapekto sa buhay ng tao, pamayanan at bansa.
Ingatan mong mabuti ang iyong ginawang gabay dahil magagamit mo ito sa pagsasakatuparan ng panghuling
gawain. Ito ay kasama sa ipapasa mong gawain.
Ngayon, bago ka dumako sa katapusang bahagi ng module na ito, tingnan natin ang naging
kaibahan sa iyong sagot mula sa “Paunang pag-unawa, ni-rebisang pag-unawa, at final na pag-unawa”
ng mapa ng konseptob ng pagbabago. At sagutin din ang self assessment tool na nasa ibaba.

Mapa ng Konseptong Pagbabago

PANUTO: Sagutin muli sa huling pagkakataon ang mahalagang tanong sa ibaba. Gamitin sa bahaging ito ang
papel na ginamit mo sa pagsagot mo sa inisyal at ni-rebisang mapa ng konsepto ng pagbabago.

Mahalagang Tanong: Bakit mahalagang maunawaan ang


mga anyo ng paglabag sa karapatang pantao at ang epekto
nito sa buhay ng tao, pamayanan at bansa?”
PINAL NA PAG-UNAWA:
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
_____________.

ARALING PANLIPUNAN 10// ISYU SA KARAPATANG PANTAO AT GENDER// S.Y. 2021-2022 10


SELF ASSESSMENT TOOL
Panuto: Maaari mong kulayan ng berde, kahel at pula ang bawat kahon na nasa ibaba batay sa iyong
napagdaanan at natutuhan sa modyul na ito
Kailangan ko ng tulong
Kaya ko ito mag-isa. Hindi ko ito magagawa nang
upang magawa ito
Magagawa kong… Magagawa ko ito kaya
gayumpaman maaari
mag-isa at hindi ko ito
kong maibahagi ito sa iba. maibabahagi sa iba
ko ito ibahagi sa iba.

maipaliwanag ang
kahalagahan ng
Reproductive Health
Law
mapunan ng mga
paraan ng pagtuklas sa
mga paglabag ng
karapatang pantao
mailahad ang dahilan
ng prostitusyon at
pang-aabuso
makapagmungkahi ng
mga paraan ng
pagtuklas sa mga
paglabag ng mga
karapatang pantao
maipaliwanag ang
mahahalagang
probisyon ng
Reproductive Health
Law

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGPAPALALIM


Inaasahang nagawa mong mapalalim ang iyong pag-unawa tungkol sa karapatang pantao na nagiging
suliranin sa pamumuhay ng bawat indibidwal. Ang sunod na bahagi ay ang katapusang bahagi ng
modyul na ito kung saan inaasahang matupad mo ang huling gawain na tatalakay sa karapatang pantao
Muli tayong magkikita sa huling lingo.

IKAPITONG LINGGO

Sa bahaging ito, maililipat mo na ang lahat ng naging paghahanda at pagkatuto mo sa mga nagdaang gawain
at aralin.

PERFORMANCE TASK: MALIKHAING DOKUMENTARY


Madalas na isinisigaw at inilalagay ng ilang mga nagpoprotesta sa kanilang mga banner ang mga salitang
“Igalang ang Karapatang Pantao.” Naging mainit na isyu ang ganito bilang panawagan sa pamahalaan
pangangalaga sa karapatang pantao. Bilang isang mapanuring Pilipino, hinihikayat kang makalikha ng isang
malikhaing dokumentaryo na tumatalakay sa mga nabanggit na isyu para sa Karapatang Pantao upang
magdulot ng kabatiran at kamalayan sa sambayanang Pilipino. Ang iyong lilikhaing dokumentaryo ay dapat
kakitaan ng husay sa nilalalan, organisasyon at pagkamalikhain.

Panuto: Gumawa ng isang maikli at mabuluhang dokumentaryo na tumatalakay sa mga usaping panlipunan tulad ng
diskriminasyon at pagpapahalaga sa karapatang pantao. Tingnan ang gabay sa ibaba.

ARALING PANLIPUNAN 10// ISYU SA KARAPATANG PANTAO AT GENDER// S.Y. 2021-2022 11


Gabay sa paggawa ng malikhaing dokumentaryo:
➢ Dapat ay naipamamalas nang malinaw ang paksa.
➢ Magpakita ng mga ebidensya (Halimbawa: Maaaring magsagawa ng panayam sa mga
nakatatandang kaanak at kunin ang kanilang opinion tungkol sa paksang pag-uusapan. Kunan ng
litrato habang nag-uusap)
➢ Gawin ito sa isang long bond paper.
➢ Maaaring gamitin ang mga nakalap mong impormasyon sa Scaffold for Transfer 2.

SUSI SA PAGWAWASTO
Panimulang Pagtataya
1. A 6. B
2. B 7. A
3. D 8.C
4. D 9. D
5. C 10. C

PAGTUKLAS
Karapatang mabuhay, pumili ng kasarian, at ipahayag ang sariling kultura.
Karapatang magkaroon ng matiwasay at tahimik na pamumuhay
Karapatang magkaroon ng kalayaan sa pagsasalita
Karapatang makapag-aral, karapatang magkaroon ng pagkakakilanlan
Karapatang maging malaya at makapaglakbay
Karapatang makilahok sa pagtatakda at pagdedesisyon sa pamumuno at proseso ng pamahala sa bansa gaya
ng pagboto, pagkandidato sa eleksiyon, at pagiging kasapi ng anomang partidong politikal
GAWAIN 1: MGA KARAPATAN MO!
URI NG KARAPATAN
Karapatang Likas o Natural
• Mabuhay ng puspos
• Magkaroon ng sariling pangalan, identidad o pagkakakilanlan, at dignidad
• Ang paunlarin ang iba’t ibang aspekto ng pagiging tao gaya ng pisikal, mental at espiritwal
_ Karapatang Ayon sa Batas _
• Constitutional Rights
• Statutory Rights
GAWAIN 2: LARAWAN KO, ALAMIN MO!
1. C
2. B
3. D
4. A
GAWAIN 3: EPEKTO NG PROSTITUSYON
BIKTIMA:
• Karahasang seksuwal at pang-aabusong pisikal.
• Naga suliraning pangkalusugan tulad ng labis na pagkapagod, mga sakit na viral, sexually transmitted
diseases (STDs), vaginal infestions, pananakit ng likuran, hirap sa pagtulog, sakit sa ulo, sakit sa tiyan,
at mga eating disorder.
• Mga sikolohikal at mental na karamdaman tulad ng post-traumatic stress disorder at mga mood disorder
kagaya ng dissociation at depresyon
• Mas mataas sa panganib na mapatay (higher risk of being murdered)
Pamayanan:

ARALING PANLIPUNAN 10// ISYU SA KARAPATANG PANTAO AT GENDER// S.Y. 2021-2022 12


• Naapektuhan nito ang kababaihan ngunit maging kalalakihan at kabataan ay nasasama rin sa gawaing
prostitusyon. Mas-malaking pinsala kung mga bata ang napipilitang pumasok sa ganitong uri ng
sitwasyon
• Maraming mga prostitute ang nabubuntis at naaanakan ng kanilang mga kliyente. Ang resulta,
maraming mga bata ang lumalaking walang ama at may inang nagbebenta ng aliw.
• Walang magulang ang nagsisilbing magandang ehemplo sa mga anak.
• Mababa ang tingin ng mga Pilipino sa mga prostitute at maging sa kanilang mga anak.

Bansa:
• Nagbibigay ng negatibong imahe sa bansa tulad sa Pilipinas. Kagaya ng pagsusuri sa Pilipinas ayon sa
US Ambassador, 40% ng mga turistang banyaga ay pumupunta sa Pilipinas para lamang sa
panandaliang aliw.
Gawain 4: IHAMBING NATIN!

PAGKAKAIBA BABAE/LALAKI PAGKAKAPARE LGBT PAGKAKAIBA


HAS
• Karapatang • Karapatang • Dahil iba’t iba ang
magplano ng makaboto. pananaw ng mga
pamilya. • Karapatang bansa at lipunan sa
• Karapatang manatiling homoseksuwalidad,
pangalanan ang mamamayan ng may mga pagkakaiba
mga anak. Pilipinas. rin sa mga karapatang
• Karapatang • Karapatang
ipinagkakaloob sa
maikasal sa sibil. makapagtrabaho.
kanila. Ang ilan sa
• Karapatang
mga karapatang
makapag-aral
ipinaglalaban ng mga
homoseksuwal sa
buong mundo ay:
- Karapatang
KARAPATAN KARAPATAN malayang ipahayag
ang kanilang kalooban
- Karapatang maikasal
ng sibil at
mapagkalooban ng
mga benepisyong
ibinibigay ng
pamahalaan sa mga
kasal na
heteroseksuwal at sa
kanilang mga anak; at
- Karapatang mabuhay
ng malaya at walang
diskriminasyon
• Karapatang • Karapatang • Pagtago ng sariling
makisalamuha sa PAKIKISALAMU mabuhay sa lipunan PAKIKISALA kalooban sa lipunan.
iba’t ibang lahi, HA ng walang MUHA
katangian at grupo diskriminayon.
ng mga tao.
ARALING PANLIPUNAN 10// ISYU SA KARAPATANG PANTAO AT GENDER// S.Y. 2021-2022 13
• Karapatang • Pagpili ng lipunan
makapagtrabaho at kung saan tanggap ang
makihalubilo sa mga kanilang katauhan
kapwa manggagawa
ng walang
diskriminasyon.
• Wikang • Wikang • Pagpili ng mga
kinamulatan at kinamulatan at mga salitang gagamitin sa
mga iba’t ibang iba’t ibang wika na pakikipag-usap,
wika na maaaring maaaring magamit pagpipigil sa sariling
magamit sa sa pakikipag-usap. ipakita ang sariling
pakikipag-usap kalooban.
WIKA • Pagpili nga mga WIKA • Paggamit ng Gay
maliban lang sa
salitang gagamitin sa linggo at wikang
Gay linggo.
pakikipag-usap. kinamulatan at mga
iba’t ibang wika na
maaaring magamit sa
pakikipag usap.

ARALING PANLIPUNAN 10// ISYU SA KARAPATANG PANTAO AT GENDER// S.Y. 2021-2022 14

You might also like