You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

CAVITE STATE UNIVERSTIY


Silang Campus
Biga I, Silang Cavite

PANUNUMPA NG MAG-AARAL NG CvSU

Bilang isang mag-aaral ng Cavite State University, ako si, ___________________


ng kursong ____________ na may student number na ________________ ay nangangako
na susundin ang prinsipyo’t paniniwala ng Katotohanan, Kahusayan, at Paglilingkod ng
Pamantasan.
Ipinapangako ko ang Katotohanan sa pamamagitan ng pagtaguyod sa
pinakamataas na pamantayan ng integridad at katapatan sa lahat ng aking mga pang-
akademikong pangangailangan, sa pamamagitan ng wastong pagkilala sa mga sanggunian
at batis na aking mapagkukunan, at sa pamamagitan ng pag-iwas sa panggagaya o
pandaraya.
Ipinapangako kong ingatan ang lahat ng aking mga pang-akademikong pag-aari ng
may Kahusayan, sa pamamagitan ng pagiging aktibo sa mga aktibidad at gawain ng kurso
sa abot ng aking kakayahan at kaalaman, at sa pamamagitan ng pagdalo sa lahat ng aking
klase ito man ay sa Pamantasan o sa Midya.
Nangangako ako na maglalaan ng Paglilingkod sa mga miyembro ng komunidad ng
CvSU sa pamamagitan ng pagpapatatatag ng ugnayan at pagpapalawak ng unawaan at
pakikipagtulungan sa bawat isa.
Nangangako ako na paninindigan ang Panunumpa na ito at italaga bilang isang
buong responsibilidad para sa anumang mga kahihinatnan kung hindi ko ito
magagampanan.

Kasiyahan nawa ako ng Panginoon.

_____lagda_______
buong pangalan

You might also like