You are on page 1of 2

CHRISTIAN E.

LUGO

12-PROGRESSIVENESS

PAGSULAT (AKADEMIKONG PAGSULAT)

AKADEMIKONG PAGSULAT

Ang pagsulat ay isang kasanayang pangwika na inihahatid sa mga letra ang mga isipan,

damdamin, impormasyon o ideyang nais iparating ng manunulat sa mambabasa. Ayon kay

Hellen Keller, ang pagsusulat ay pangangailangan at kasiyahan, sa pagsulat maaari natin

maipahayag ang ating mga saloobin ng Malaya. Sa pagsulat nakakalikha ang mga tao ng mga

bagay na maaaring makapagbigay ng kaunlaran sa sarili at sa bansa.

Ang akademikong pagsulat ay isang sulating salaysay na ang layunin na magpahayag ng

impormasyon ng maayos at walang halong kasinungalingan para sa mga mababasa. Ang nais ng

akademikong pagsulat ay mapataas ang kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa larangan

ng pagsusulat. Ang akademikong papel ay may mga sumusunod na katangian una ang

komprehensibong paksa, ito ay nakabatay sa interes ng isang manunulat kadalasan ang mga

paksa ay naiaayon sa napapanahong isyu sa ating bansa. Pangalawa ang ankop ng layunin ang

layunin ng mga manunulat kung bakit sila sumusulat ay upang magbigay ng impormasyon sa

mambabasa, magbigay ng libangan at manghikayat ng mambabasa. Pangatlo, ang gabay na

balangkas ay nagbibigay ng gabay sa mga manunulat na maorganisa ang kanilang mga ideya sa

kanilang sulatin. Ang ika-apat sa katangian ng akademikong papel ay ang halaga ng datos dito

nakasalalay ang ginawang akademikong sulatin mahalaga itong yunit na ito dahil ang mga

datos dahil ito ang pinaka-laman ng sulatin. Ang epektibong pagsusuri dito nakabatay ang

sanhi o sanhi ng paksa at pinapakita ang bungad. Ang panghuling katangian naman ay ang

tugon ng konklusyon ito ay ang pangalahatang paliwanag sa ginawang akademikong sulatin.

Sa kabuuan, ang akademikong papel ay isang sistematikong sulatin kung saan tinatalakay ang

isang saliraning panlipunan at nagbibigay ito ng gabay sa paghubog ng kaisipan sa pagbabasa.


Nagdudulot din ito ng kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na maaari magamit ng mga

studyante sa pananaliksik.

You might also like