You are on page 1of 2

Hinilawod (Buod ng Hinilawod - Epiko ng Panay)

Noong unang panahon, may isang Dyosa ng kalangitan na nag ngangalang "Alunsina", sa takot
na di na makapag asawa ay iminungkahi ng hari ng mga Dyos na si "Kaptan" na sya ay mag
asawa na.

Maraming Dyos ang dumating makadaupang palad lamang si Alunsina. Ngunit ang lahat ay bigo
sapagkat ang napili ni Alunsina ay isang mortal na nag ngangalang "Paubari".

Si Paubari ay isang datu na namumuno sa Halawod.

Ang desisyon ni Alunsina ay lubos na ikinagalit ng ilang nabigong dyos. Napagkasunduan ng


ilang dyos sa pangunguna ni "Maklium-sa-t’wan" na magkaroon nang pagpupulong upang
maudlot ang kasal ni Alunsina at Paubari sa pamamagitan ng isang baha sa halawod.

Ngunit si Alunsina at Paubari ay nakaligtas sa kapahamakan sa tulong ni Suklang Malayon, ang


kapatid ni Alunsina. Natunugan ni Malayon ang plano ng ilang dyos kayat sinabi nitong
magpunta sa mataas na lugar sina Paubari at Alunsina.

Pagkatapos humupa ang baha ay palihim na bumalik si Alunsina at Paubari sa halawod.

Matapos ang ilang bwan ay nagsilang si Alunsina ng triplets at pinangalanang Labaw Dongon,
Humadapnon at Dumalapdap.

Pagkatapos isilang ay agad na ipinatawag ni Alunsina ang paring si Bungot-Banwa para gawin
ang ritwal upang maging malakas ang mga kambal. Matapos ang ritwal ay naging malalakas at
makisig sina Labaw Dongon, Humadapnon at Dumalapdap.

Ang tatlong magkakapatid ay kapwa nagkaroon ng kanya kanyang pakikipagsapalaran katulad


na lamang ni Labaw Donggon na nakipaglaban kay Saragnayan ngunit ito''y bigo at ibinilanggo
ni Saragnayan.

Dahil dito ay naghiganti ang anak ni Labaw Donggon at agad na kinalaban si Saragnayon.
Kalauna''y nagtagumpay ang anak ni Labaw Donggon at sila''y parehong bumalik sa kanilang
lugar.

Dahil din sa pagkakabilanggo ni Labaw Donggon ay lubos na nagalit si Humadapnon at


Dumalapdap. Nangako si Humadapnon na ipaghihiganti nya ang kapatid hanggang sa kaapu-
apuhan ni Saragnayan.

Pagkatapos umalis ni Humadapnon upang maghiganti ay umalis din si Dumalapdap upang


makipagpalaran at pakasalan si "Lubay Lubyok Mahanginun si Mahuyokhuyokan".
nakipaglaban si Dumalapdap sa nilalang na may dalawang ulo na kung tawagin ay "Balanakon".
Pagkatapos nito ay nilabanan din ni Dumalapdap ang nilalang na "Uyutang" na kawangis ng
isang paningi na may malaking mga pangil at makamandag na kuko. Nilabanan ni Dumalapdap
ang Uyutang sa loob ng pitong buwan.

Naging matagumpay si Dumalapdap at kasama na nyang umuwi si "Lubay-Lubyok Hanginun si


Mahuyokhuyokan" upang pakasalan.

Nang makabalik na ang magkakapatid ay ipinagdiwang ni Datu Paubari ang tagumpay ng mga
ito.

Ang halimbawa ng epiko ng Visayas na pinamagatang, "Hinilawod" ay mula sa marvicrm.com

You might also like