You are on page 1of 20

Republika ng Pilipinas

Westmead International School

School of Economis Business and Accountancy

Alangilan Campus

Batangas City, Batangas

ANG KALGAYAN NG WIKANG FILIPINO SA MAKABAGONG

PANAHON

Isang Sulating Pananaliksik na Iniharap kay:

Bb. Teresa Madrigal

Guro sa Pananaliksik

Ng Westmead International School

Bilang Bhagi ng Pagtupad

Sa

Pangangailangan ng Asignaturang:

‘’Filipino 2’’

Ipinasa nina:

Cabangon, Merraquel

Estrada, Ayessa Micci

Padua, NIcole Yndierlyn

Villanueva, Lieryne

1
Republika ng Pilipinas

Westmead International School

School of Economis Business and Accountancy

Alangilan Campus

Batangas City, Batangas

PASASALAMAT

Taos pusong pasasalamat ang aming ipinahahatida sa mga sumusunod na indibidwal, tanggapan at iba pang nagging bahagi ng aming isinagawang pa-

gaaral para sa walang humpay na suporta, tulong at kooperasyon upang maging matagumpay at upang maisagwa ang pananaliksik na ito.

Sa aming mga kamag-aral na tumulong upang mapabilis ang pagproseso ng mga katanungan na makaktulong sa aming pananaliksik.

Sa mga respomdante na naglaan ng oras at panahon upang maki-isa sa aming isinasagawang pananaliksik at nagbigay kasagutan sa aming mga inihandang

katanungan na may kinalaman sa aming pagaaral.

Sa aming minamahal na punong-guro at tagapayo na si Bb. Teresa Madrigal sa Filipino 2, amin pong lubos na ipinaabot ang aming walang sawang

pasasalamat sa pagsuporta, paggabay at pagunawa sa amin habang aming isinasagawa ang naturang pananaliksik at laong lalo na sa inyong pagbabahagi ng inyong mga

kaalaman ukol dito.

Saaming mga magulang, na sumusuporta sa bawat isa sa amin habang isinasagawa ang pananaliksik na ito. Sa tulong pinansyal at pagiging matiyaga sa

oras na kami ay nagiging abala sa iilang pagkakataon.

Sa Poong Maykapal, sa pagbibigay sa amin ng lakas at kaalaman na aming magagamit upang kami ay magpatuloy at hindi sumuko kahit gaano man kahi-

rap ang aming ginagawang pananaliksik. Sa pagdinig ng mga samo at dalangin namin sa oras ng pagsubok at sa oras na kami ay pinahihinaan ng loob na matapos ito sa

takdang panahon

Muli, maraming salamat po sa inyong lahat!

2
Republika ng Pilipinas

Westmead International School

School of Economis Business and Accountancy

Alangilan Campus

Batangas City, Batangas

Table of Contents
PAMAGAT 1

PASASALAMAT 2

KABANATA

I. ANG SULIRANIN

Panimula 5-7

Layunin ng Pagaaral 7-8

Saklaw, Delimitasyon at Limitasyong ng Pagaaral 8-9

Kahalagahan ng Pagaaral 9-10

II. MGA KAUGNAY NA LITERATTURA AT PAGAARAL

Lokal na Literatura 11-12

Dayuhang Literatura 12-13

3
Republika ng Pilipinas

Westmead International School

School of Economis Business and Accountancy

Alangilan Campus

Batangas City, Batangas

III. METODOLOHIYA AT PARAANG NG PANANALIKSIK

Desenyo ng Pananaliksik 14

Paraang ng Pangangangalap ng Datos 14

Mga Kalahok ng Pag-aaral 14

Mga Instrumentong Pananaliksik 15

Tritment ng mga Datos 15-17

IV. PRESENTASYON, ANALYSIS AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS 18-24

V. LAGOM NG KINALABASAM, KONLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom 25-26

Konklusyon 26-27

Rekomendasyon 27-28

KABANATA I

ANG SULIRANIN

PANIMULA

Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika noon at maging ngayon sa kasalukuyan. Nagiging tulay ito tungo sa kapayapaan ng bansan Pilipinas. Mas

nagkaka-intindihan ang bawat mamamayan dahil madali at malayang naipapahatid ng mga Pilipino ang kanilang saloobin at kaisipan. Wikang Filipino rin ang nagiging

susi tungo sa pagkakaisa ng mga Pilipino na siyang kadahilanan ng patuloy na pagunlad ng ekonomiya ng Pilipinas.

Ang wikang Filipino sa makabagong panahon ay patuloy na umuunlad at nagbabago. Gumagamit na din tayo ng ibat-ibang paraan upang mas mapaikli

ang pagbigkas o paggamit ng ating wika, ilang halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng mga letra na

nagprepresenta sa isangs alita o tumatayo bilang kapalit ng salita. Sumunod na halimbawa ay ang pagpapalit ng mga arkayk na salita, sa pamamagitan nito pinapalitan

4
Republika ng Pilipinas

Westmead International School

School of Economis Business and Accountancy

Alangilan Campus

Batangas City, Batangas

ng mga makabagong salita ang mga salita na ginagamit noong unang panahon upang mas madaling gamitin at mas magandang bigkasin at

pakinggan. At ang pinakauso sa panahon ngayon ay ang paggamit ng mga balbal na salita, ito ang pinakamababang antas ng wika nakaraniwang ginagamit ng mga

kabataan at mga bakla. Ang mga mag-aaral sa urban ay gumagamit ng ibat-ibang pagpapalawak ng bokabularyo na nakakaapekto din sa kanilang pamumuhay maging

sa lipunan at ekonomiya

Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa Ang Kalagayan ng wikang Filipino sa makabagong panahon sa pag-aaral ng mga estudyante ng Westmead

International School. Ang mga mananaliksik ay humantong sa paksang ito sa kadahilanang maraming kabataan o estudyante sa panahon ngayon na ginugugol ang

kanilang oras sa pagbababad sa paggamit ng teknolohiya. At napuna din ng mga mananaliksik na dahil sa teknolohiya na ito ay tila ba maraming bagong salita ang

lumilitaw na siyang maaring nagbubunsod ng pagbabago ng wikang Filipino. Nais din nilang malaman kung indikasyon ba ito na patuloy ang pagyabong ng wikang

Filipino. Ngunit sa kabilang dako naman natapunan din nila ng pansin na tila ba unti-unting naglalaho ang ibang mga kinagisnang salita.

Sa pag-usbong ng makabagong henerasyon at pagyabong ng ating teknolohiya, unti-unti naring nagbabago ang nakasanayang wika ng mga Pilipino. Dahil

sa impluwensya ng social media, hindi nabago sa mga tainga ng karamihan ang mga salitangselfie,hashtag,emojiat marami pang iba dahil angmga ito ang karaniwang

ginagamit ng mga Pilipino sa panahon ngayon. Dahil maraming Pilipino angnakagagamit ng internet, nagkaroon ng malawakang kalayaan sa pagpapahayag ng

damdamin at kaisipan,at kasabay nito ay ang pag-usbong ng mga salitang bago sa ilan at tanging naiintindihan lamang ng mgaaktibo sa social media. Sa panahon

ngayon, umusbong na rin ang tinatawaag nilang gay lingo o ang mgasalita na madalas na ginagamit ng mga bakla at ang Taglish o ang paghalo ng wikang Filipino at

Inglessa pakikipag-usap. Isa pang halimbawa ng pagbabago ng wika ay ang paggamit ng ibat-ibang paraan upangmas mapaikli ang pagbigkas ng mga ilang salita ng

wikang Filipino at ang pagpapalit ng mga salita naginagamit noong unang panahon upang mas madaling intindihin.

Ang wikang Filipino ay ginagamit nating linggwahe para magkaroon tayo ng komunikasyon bawat isa. na ang wikang filipino ay pa bago-bago dahil sa mga na

ipundar na bagong linggwahe ng ibang bansa gaya ng Ingles, Tsinese, Japanese at iba pang dayuhang linggwahe. Ayon sa isa sa aming na pag interview na ang iba ring

salik na nakakapag pa bago ng wikang filipino ay ang Teknolohiya. Dahil sa teknolohiya ay hindi na naka tuon ang mga kabataan mgayon sa pag-aaral ng wikang

filipino sa halip ay nag-aaral nga naman ang mga kabataan ngayon ngunit ang dayuhang linggwahe naman ang kanilang pinag-aaralan.

5
Republika ng Pilipinas

Westmead International School

School of Economis Business and Accountancy

Alangilan Campus

Batangas City, Batangas

Habang tumatagal ay napapansing unti- unting nagkakaroon ng pagbabago sa wikang ating nakagisnan. Bawat henerasyon ay

nagbubuhat ng ibat ibang resulta na nakakapekto sa pagbabago ng wika. Nagsisilabasan ang mga wikang mas pinadali at mas mauunawaan ng mga mamamayan,

nakadepense din ito sa kung sino ang tatanggap ng wika. Kung titingnan ang kalagayan ng wika sakasalukuyang panahon ay napakarami ng nabago at nadagdag

kumpara noong mga nagdaang taon.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang maipakita ang pananaw ng mga mag-aaral ng Westmead International School sa kalagayan ng wikang Filipino sa

makabagong panahon. Ito ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na tanong:

I.Nakakaapekto ba ang makabagong teknolohiya sa pag-unlad ng wikang filipino?

II.Ang makabagong teknolohiya ba ay isa sa mga salik na naka apekto sa pag babago ng wikang filipino?

III.Mahalaga ba ang pag-unlad ng Wika?

IV.Ang paglipas ba ng panahon ay isa din sa mga naging dahilan sa pag-unlad ng wika?

V.Mahalaga pa ba ang wikang Filipino sa kasalukuyan?

SAKLAW, DELIMITASYON AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang layunin ng pag-aaral at pananaliksik na ito ay upang malaman ang kasalukuyang estado ng wikang Filipino ngayon at sa mga sususnod pang

henerasyon. Saklaw ng pananaliksik na ito mga epekto ng teknolohiya sa pagbabago ng wikang Filipino sa kasalukuyang panahon. Madaming mga makabagong

teknolohiya ang ginagamitan ng wika at malaki ang nagiging epekto nito sa pagsasalin-salin ng wika at imposrmasyon na nagiging sanhi ng pagbabago sa istraktura ng

wika. Nakapaloob rin sa pananaliksik na ito ang impluwensya ng teknolohiya sa pagunlad ng wika at pagpapayabong pa nito sa mga dadating na henerasyon. Isa sa

dulot ng teknolohiya ay ang ibat-ibang social media platform na madalas pinaggagamitan ng wika, na nagpapaloob ng ibat ibang imposrmasyon, saloobin, opinion, at

ibat iba pang nialalaman na ginagamitan ng wika.

6
Republika ng Pilipinas

Westmead International School

School of Economis Business and Accountancy

Alangilan Campus

Batangas City, Batangas

Kasabay ng pagunlad ng wika maitatanong din kung ito bang pag-unlad na ito ay mahalaga, matatalakay sa pananaliksik na ito ang kahalagahan ng

pag-unlad ng wika at kung paano ginagamit ang umunlad na wika sa kasalukuyang panahon. Saklaw ng pagaaral na ito kung ano ang mga ispisipikong panibagong

wika ang umunlad sa panahon ngayon at kung sino din ang mga ispisipikong taong patuloy na nagpapaunlad at nagpapalago ng wikang Filipino. Kagaya na lamang

halimbawa ng mga salitang balbal na karaniwang giangamit ng mga kabataan at mga bakla sa kasalukuyang panahon na natitiyak na patuloy paring lalago sa mga

susunod na henerasyon.

Saklaw din ng pananaliksik na ito ang ang ibat ibang wikang nagdaan buhat ng ibat ibang henerasyon. Noon ay ang wikang ginagamit ng mga Filipino ay

malalalim at lubos na mahirap maunawaan dahil hindi pamilyar lalo na sa mga kabataan ngayon. Maraming salita ang hindi na nagagamit ng mga tao sa kasalukuyan

dahil nga sa patuloy na pagbabago nito buhat ng ibat ibang henrasyon or habang lumilipas ang panahon.

Sa kabilang dako hindi saklaw ng pagaaral ang pagiisa-isa ng mga klase ng wikang nagbago sa kasalukuyang panahon sapagkat ang pinakapagtutuunang

pansin ng pananaliksik na ito ay ang kalagayan mismo ng wika at kung paano ang daloy nito at gamit sa kasalukuyang panahon.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang wika ay may malaking ginagampanan sa pagkakabuklod-buklod at pagkakaisa ng mga taosa mamamayan sa pamamagitan ng paggamit nito sa

pakikipagkomunikasyon at pakikipagpalitan ng saloobin at impormasyon. Mahalaga din na malaman ang kalagayan ng wika, kung kaya ang pananaliksik na ito ay

magiging kapakinabangan sa mga sumusunod:

1. Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa kanila upang kanilang malaman kung paano umuunlad ang wika at ang mga tamang paraan

o salita na kanilang kailangang gamitin na makakatulong din sa pagtatagumpay ng kanilang pag-aaral.

2. Sa mamamayan. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay sa kanila ng kaalaman ukol sa kahalagahan ng wika at kung paano ito makakatulong sa pag-unlad

ng bayan.

3. Sa mga susunod pang henerasyon. Ang pag-aaral na ito ay ay maaari nilang balikan at ito ay magbibigay sa kanila ng ideya tungkol sa wika sa

sinaunang panahon at kung paano ito nagbago.

7
Republika ng Pilipinas

Westmead International School

School of Economis Business and Accountancy

Alangilan Campus

Batangas City, Batangas


4. Sa mga kabataan. Ang pagaaral na ito ay maaring magbigay impormasyon sa mga kabataan kung anong kalagayan ng wika sa ibat ibang

henerasyon at kung paano pa ito patuloy na uunlad sa mga susunod na papasahan nilang henerasyon.

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

LOKAL NA LITERATURA

Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mgak aisipan, damdamin at mihiin.

Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting

paglilinang sa loob ng maraming dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit, sa aisang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran

ng gawi na pinag-aaralan o natutuhan at ginagamit sa ibat ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.

Ayon kay Dr. Pamela Constantino sa artikulo niyang tagalog Pilipino/Filipino: Do they Differ sa bias ng Executive Order no. 134 na nilagdaan ni

Pangulong Quezon noong ika-30 ng Disyembre, 1937 ay kinilala ang Tagalog bilang basehan ng pagbubuo ng Wikang Pambansa.

8
Republika ng Pilipinas

Westmead International School

School of Economis Business and Accountancy

Alangilan Campus

Batangas City, Batangas

Ayon kay Dr. Aurora Batnag (Kabayan, 2001) sapagkat ang Pilipinas ay multilinggwal at multicultural, nabubuklod an gating mga

watak-watak na isla n g iisang mithiin na ipinapahayag hinidl amang sa maraming tinig ng ibat-ibang rehiyon kundi gayon di nsa isahang midyum na Wikang Filipino.

Samakatuwid hindi matutumbasan ang papel ng wika sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa.

DAYUHANG LITERATURA

Aram Noam Chomsky (1928), lahat ng tao ay may Language Acquisition Device (LAD). Idinagdag niya na everyone is born with some sort of universal

grammar in their brains----- basic rules which are similar across all languages.

Antonio Piafetta noong 1525, mas maaga pa daw napormalisa ang wikang Filipino ngayon kaysa sa kasaysayan ng bansa. May mga pamilyar na salita ang

lugar nanaiintindihan sa kahit saang dako ng Pilipinas. Katulad na lang ng mga salitang buhok at ngipin. Ibig sabihin nito ay nagkakaisa na tayo noon pa man sa usapin

tungkol sa wika.

Ayon din kay Archibald A. Hill sa kanyang papel na What is Language? Ang wika raw ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong

gawaing pantao. Ang simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isanasaayos sa mga klase at pattern ng lumilikha sa isang

komplikado at simetrikal na istruktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitraryo at kontroladong lipunan.

Ayon kina Barker at Barker (1993), ikinukunekta ng wika ang nakaraan, ang kasalukuyan at ang hinaharap. Iniingatan din nito ang ating kultura at mga

tradisyon. Maari raw mawala ang matatandang henerasyon, subalit sa pamamagitan ng wika, naipapabatid pa rin nila ang kanilang mga ideya, tagumpay, kabiguan, at

maging ang kanilang mga plano o adhikain sa hinaharap. Sa pamamagitan nito, ang mga sumusunod at sumusunod pang henerasyon ay natututo o maaaring

matuto sa nakalipas na karanasan at sa gayoy maiiwasan ang muling pagkakamali o di naman kaya ay naitutuwid o matutuwid ang mga dating pagkakamali. Masasabi

kung gayon na sa pamamagitan ng wika ay umuunlad tayo sa mga aspektong intelektwal, sikolohikal at kultural. Ganito rin kaya ang mangyayari sa inyo kung

babalikan natin at susuriin ang kasaysayan ng ating wikang Filipino?

9
Republika ng Pilipinas

Westmead International School

School of Economis Business and Accountancy

Alangilan Campus

Batangas City, Batangas

KABANATA III

METODOLOHIYA AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito ay ipinakita ang disenyo ng pananaliksik, paraan ng pangangalap ng datos, mga kalahok ng pag-aaral, instrument ng pananaliksik at

tritment ng mga datos.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskripto-analitik na pamamaraan. Aming tatangkaing ilarawan at suriin ang

kaalaman ng mga mag-aaral sa unang antas ng BS Accountancy at BS Customs Administration ng Westmead International School tungkol sa aming paksa.

10
Republika ng Pilipinas

Westmead International School

School of Economis Business and Accountancy

Alangilan Campus

Batangas City, Batangas

PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay maghahanda ng sarbey kwestyuner na naglalayong

makahanap ng mga datos upang malaman ang mga salik sa pag-unlad ng Wikang Filipino o ang kalagayan nito sa makabagong panahon. Magsasagawa din ng

pangangalap ng mga ialng impormasyon sa internet.

MGA KALAHOK NG PAG-AARAL

Ang aming pipiliing respondante ay ang mga mag-aaral sa unang taon ng kursong BSA at BSCA ng Westmead International School. Sila ang aming napili

spagkat nais naming malaman ang kanilang kaalaman tungkol sa kalagayan ng Wikang Filipino sa makabagong panahon. Ang bilang ng respondante ay Dalawangpu’t

isa (21).

MGA INSTRUMENTONG PANANALIKSIK

Ang sarbey ng talatanungan ay ginagamit upang maipakita ang mga datos na kinakailangan sa pag-aaral. Ang mga katanungan ay ipapasagot sa mga mag-

aaral sa unang taon ng kursong BSA at BSCA ng Westmead International School.

Para aming lalong malaman at masukat ang kaalaman ng aming kapwa mag-aaral sa Westmead International School. Sa parang paghahanap at

pagpapasagot sa aming gagawing sarbey ng talatanungan.

TRITMENT NG MGA DATOS

Ang pagtatala ng mga sagot ang kinakailangang gawin ng mga mananaliksik upang maibuod ang mga datos ng pag-aaral.

Pangalan:___________________ Seksyon:__________

Edad:_____ Kasarian:_______

Panuto: Sa bawat bilang ay pumili lamang ng isang kasagutan

11
Republika ng Pilipinas

Westmead International School

School of Economis Business and Accountancy

Alangilan Campus

Batangas City, Batangas


1. Sang-ayon ka ba na ang wikang Filipino ay umunlad?

A. Sumasang-ayon

B. Hindi sumasang-ayon

2. Para saiyo, nakakaapekto ba ang makabagong teknolohiya sa pag-unlad ng wikang Filipino?

A. Sumasang-ayon

B. Hindi sumasang-ayon

3. Mahalaga ba ang pag-unlad ng Wika?

A. Sumasang-ayon

B. Hindi sumasang-ayon

4. Ang paglipas ba ng panahon ay isa din sa mga naging dahilan sa pag-unlad ng wika?

A. Sumasang-ayon

B. Hindi sumasang-ayon

5. Mahalaga pa ba ang wikang Filipino sa kasalukuyan?

A. Sumasang-ayon

B. Hindi sumasang-ayon

6. Sa iyong palagay, ang wikang Filipino ba ay patuloy pang magkakaroon ng pagbabago sa mga sususnod na henerasyon?

A. Sumasang-ayon

B. Hindi sumasang-ayon

7. Sang-ayon ka ba na hinahaluan ng ibang wika ang wikang Filipino gaya ng wikang Inglis o Taglish?

12
Republika ng Pilipinas

Westmead International School

School of Economis Business and Accountancy

Alangilan Campus

Batangas City, Batangas


A. Sumasang-ayon

B. Hindi sumasang-ayon

8. Nakakaimpluwensya ba sa ating pakikipag komunikasyon ang mga dayuhang nakakasalamuha natin?

A. Sumasang-ayon

B. Hindi sumasang-ayon

9. Dapat na ba nating kalimutan ang mga lumang salita na ating minana mula sa ating mga ninuno?

A. Sumasang-ayon

B. Hindi sumasang-ayon

10. Bilang mag-aaral, may maitutulong ka ba sapag-unlad ng wika?

A. Sumasang-ayon

B. Hindi sumasang-ayon

KABANATA IV

13
Republika ng Pilipinas

Westmead International School

School of Economis Business and Accountancy

Alangilan Campus

Batangas City, Batangas

PRESENTASYON, ANALISIS AT INTERPRETASYON NG DATOS

Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga datos na nakalap mula sa mga mag-aaral sa unang taon sa kolehiyo na nagaaral sa Westmead International School

tungkol sa pagbabago at pag-unlad ng wikang Filipino sa makabagong panahon at ang kahalagahan nito sa pag-unlad ng ekonomiya.

1. Sumasang-ayon ka ba na ang wikang Filipino ay umunlad?

Ipinapakita sa graph 1 na umunlad ang wikang Filipino para sa respondante sa unang antas ng kursong BS Accountancy at BS Customs Administration na may

20 respondante o 95.2% nang kabuuan ng repondante at mayroon lamang na 1 respondante ang hindi sumang-ayon na umunlad ang ating wika.

2. Para sa iyo, nakakaapekto ba ang makabagong teknolohiya sa pag-unlad ng wikang Filipino?

Ipinapakita ng graph 2 na marami ang higit na sumasang-ayon na nakakaapekto ang makabagong teknolohiya sa pag-unlad ng wikang Filipino. Ito ay sinang-

ayunan ng 19 respondante o 90.5% nang kabuuan ng repondante. Mayroon lamang na 2 respondante o 9.5% nang kabuuang repondante ang hind sinang-ayunan ang

katanungang ito.

3. Mahalaga ba ang pag-unlad ng Wika?

14
Republika ng Pilipinas

Westmead International School

School of Economis Business and Accountancy

Alangilan Campus

Batangas City, Batangas

Ipinapakita sa graph 3 na lahat ng mga nagsagot ng katanungang ito ay malinaw na sumasang-ayon na mahalaga ang pag-unlad ng wika. Ito ay sinang-ayunan

ng 21 respondante o 100% nang kabuuang pursyento ng repondante.

4. Ang paglipas ba ng panahon ay isa din sa mga naging dahilan sa pag-unlad ng wika?

Sa graph 4 ay ipinapakita na karamihan ay sumasang-ayon na ang paglipas ng panahon ay isa din sa mga naging dahilan sap ag-unlad ng wika. Ito ay sinang-

ayunan ng 19 respondante o 90.5% nang kabuuan respondante samantalang mayroon namang 2 respondante o 9.5% nang kabuuan ang hindi ito sinang-ayunan.

5. Mahalaga pa ba ang wikang Filipino sa kasalukuyan?

15
Republika ng Pilipinas

Westmead International School

School of Economis Business and Accountancy

Alangilan Campus

Batangas City, Batangas

Ayon sa graph 5, lahat sa kanila ang sumasang-ayon na mahalaga pa ang wikang Filipono sa kasalukuyan. Ito ay sinang-ayunan ng 21

respondante o 100% nang kabuuang pursyento ng respondante.

6. Sa iyong palagay, ang wikang Filipino ba ay patuloy pang magkakaroon ng pagbabago sa mga sususnod na henerasyon?

Ipiniprisinta ng Graph 6 na sa palagay ng mga respondante, ang wikang Filipino ay patuloy pang magkakaroon ng pagbabago sa mga susunod na henerasyon.

Makikita na lahat ito ay sinang-ayunan ng 21 respondante o 100% nang kabuuang respondante

7. Sang-ayon ka ba na hinahaluan ng ibang wika ang wikang Filipino gaya ng wikang Inglis o Taglish?

Ayon sa graph 7 karamihan ang sumasang-ayon na hinahaluan ng ibang wika ang wikang Filipino gaya ng Taglish. Ito ay sinang-ayunan ng 14 respondante o

66.7% nang kabuuang pursyento ng rerspondante. Sinundan naman ito ng hindi pagsang-ayon ng 7 respondante o 33.3% nang kabuuang pursyento ng mga

respondante.

16
Republika ng Pilipinas

Westmead International School

School of Economis Business and Accountancy

Alangilan Campus

Batangas City, Batangas


8. Nakaka-impluwensya ba sa ating pakikipag-komunikasyon ang mga dayuhang nakakasalamuha natin?

Sa graph 8 ay nagpapakita na halos lahat ay sumasang-ayon na nakaka-impluwensya sa ating pakikipag-komunikasyon ang mga dayuhang nakakasalumaha

natin. Sinang-ayunan ito ng 20 respondante o 95.2% nang kabuuang pursyento ng repondante samantalang mayroon namang 1 respondante ang hindi sumasang-ayon sa

pahayag na ito.

9. Dapat na ba nating kalimutan ang mga lumang salita na ating minana mula sa ating mga ninuno?

Ipinapakita sa graph 9 na mas nakararami ang hindi sumasang-ayon na dapat na nating kalimutan ang mga lumang salita na ating minana mula sa ating

mga ninuno. Sinang-ayunan naman ito ng 7 respondante o 33.3% nang kabuuang respondante samantalang karamhihan naman ang hindi sumasang-ayon na

may 14 respondante o 66.7% nang kabuuang rerspondante.

10. Bilang mag-aaral, may maitutulong ka ba sa pag-unlad ng wika?

17
Republika ng Pilipinas

Westmead International School

School of Economis Business and Accountancy

Alangilan Campus

Batangas City, Batangas

Ayon sa graph 10 lubos nating makikita na mayroong maitutulong sa pag-unlad ng wika ang mga mag-aaral sa unang antas ng BS

Accountancy at BS Customs Administration. Sinang-ayunan ito ng lahat na 21 respondante o 100% nang kabuuang pursyento ng respondante.

KABANATA V

LAGOM NG KINALABASAN, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng lagom ng kinalabasan, konklusyon at rekomendasyon para sa solusyon sa problemang naitala sa pag-aaral na ito ay

maibigay.

LAGOM

Ang paglalathala ng pag-aaral na ito tungkol sa kalagayan ng Wikang Filipino sa makabagong panahon para sa mga BS Accountancy at BS Customs

Administration ay naganap. Dalawampu’t isang respondante ang sumagot hinggil sa mga katanungang aming ibinahagi at ang resulta ay ang mga sumusunod:

1. Ang lahat ng respondante ay naniniwala sa kahalagahan ng pag-unlad ng wika, pagkakaroon ng importansya ng wikang Filipino sa kasalukuyan,

pagpapatuloy ng pagkakaroon ng mga pagbabago sa wikang Filipino sa mga sususnod pang henerasyon , at ang maaari pang maitulong ng mga mag-aaral

ng BS Accountancy at BS Customs Administration sa paghayag ng pag-unlad ng wika.

2. Ang wikang Filipino ay umunlad at higit na nakaka-impluwensya sa ating pakikipag talastasan o pakikipag-komunikasyon ang mga dayuhang ating

nakakasalamuha.

18
Republika ng Pilipinas

Westmead International School

School of Economis Business and Accountancy

Alangilan Campus

Batangas City, Batangas


3. Malinaw ring natuklasan sa pag-aaral na ito na isa sa mga salik na nakakaapekto sa pag-unlad ng wikang Filipino ay ang pagkakaroon

o ang patuloy na paglawak ng mga makabagong teknolohiya at ayon rin sa mga respondante na ang paglipas ng panahon ang isa sa mga dahilan sa pag-

unlad ng wika.

4. Hinahahaluan ng ibang wika ang wikang Filipino na naging bunga ng pagkakaroon ng mga pinaghalong linggwahe kagaya na lamang ng Tagalog at Ingles

o Taglish at iba pang linggwaheng nauusong pagsamahin sa panahon ngayon.

5. Hindi dapat kalimutan ang mga lumang salitang minana mula sa ating mga ninuno ayon sa karamihang respondante.

KONKLUSYON

Batay sa naging kinalabasang resulta ng mga nakalap na datos, narito ang mga konklusyon sa isinagawang pag-aaral:

1. Sa paglipas ng panahon, umunlad/nagbago at umuunlad/nagbabago ang Wikang Filipino na kailangan nating tanggapin at gawin itong benepisyal para sa

ekonomiya at sa pagiging Pilipino.

2. Sa pagtapos ng pananaliksik, masasabing ang teknolohiya ay isa sa mga salik kung bakit nagbago at nakaligtaan ng karamihan lalo’t higit ng mga kabataan

ang wikang Filipono sa kasalukuyan.

3. Kalimitang ginagamitan o hinahaluan ng iba pang linggwahe ang ating Wika kasabay nito ang patuloy na paglawak ng bokabularyo ng iba o ang

pagkahumaling sa ibang linggwahe na syang maaaring maging daan upang makaligtaan ang nakagisnang Wika.

4. Ang mga pangunahing kaalaman tungkol sa ating Wika ay dapat pang pagyabungin at linangin upang mas maunawaan pa at mahalin ang Wikang Filipino.

5. Mahalaga na isabuhay ang importansya ng wikang Filipino lalo na sa mga mag-aaral sapagkat sila ang pag-asa ng bayan at ang wikang Filipino ang isa sa

magiging tulay natin upang mas mapalago ang ekonomiya ng isang bansa.

REKOMENDASYON

Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos, nabuo ng mananaliksik ang mga rekomendasyong ito:

19
Republika ng Pilipinas

Westmead International School

School of Economis Business and Accountancy

Alangilan Campus

Batangas City, Batangas


1. Sa pag-unlad ng wika, marapat lamang na huwag kalimutan ang mga minana o nakagisnang wika sapagkat ito ang ating pinagmulan.

Mga salitang tatak Pilipino na kailangang protektahan, pagyabungin, mahalin, respetuhin, at higit sa lahat ay huwag ikahiya ang Wikang Filipino.

2. Ang kalagayan ng Wikang Filipino sa kasalukuyang panahon ay mahalagang pagtuunang pansin sapagkat hindi lingid sa kaalaman ng iba ang kahalagahan

nito sa ating bansa.

3. Ang mga kabataan ang may malaking responsibilidad sa pagpapa-unlad ng ating wikang pambansa mula sa kinasasadlakan nito sa kasalukuyan kaya’t

marapat lamang na ating pag-ibayuhin ang pinagmulang kailanma’y hindi dapat makaligtaan sa mga susunod pang henerasyon.

4. Maaaring mapa-unlad ang wika ngunit dapat nating iwasan ang mga hindi kanaisa-nais na mga salita na sa kalaunay maaaring maging sanhi ng hindi

pagkaka-unawaan at kahinatnan ng hindi paggalang o kawalang respeto para sa mga nakakatanda at higit sa lahat sa ating pinakamamahal na wikang

Filipino.

5. Kahit nasaang dako man tayo, dapat nating ipagmalaki at mahalin an gating sariling wika dahil bukod sa ito’y ating nakagisnan, ito din ang magiging daan

para sa ating tagumpay sa hinaharap. Katulad nga ng sinabi ni Dr. Jose Rizal “ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang

isda”.

20

You might also like