You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

North Eastern Mindanao State University


Formerly Surigao del Sur State University
Tandag City, Surigao del Sur
Telefax No. 086-214-4221
086- 214-2723
www.sdssu.edu.ph

Pangalan: Jessa T. Estelloso


Kurso at Taon: BEED 3A
Gawain 3
1. Suriin at isulat ang mga bagong kaalamang natuklasan mula sa video at sa
pagbabasa ng gabay pangkurikulum sa Filipino.
Sagot:
Ang Kurikulum sa Filipino ay nagsisilbing gabay ng isang guro sa pagturo at
upang maunawaan ang mga angkop na paraan sa pagtuturo, na naayon sa lebel
ng mag-aaral na tuturuan. Dito rin nakabatay ang lahat ng dapat ituro sa klase.
Mula sa video na aking napanood, dapat na ituro ang wikang Filipino bilang inang
wika bago matutunan ng mga mag-aaral ang kanilang pangalawang wika. Sa
kurikulum, nakapaloob na ang Konseptuwal na Balangkas sa Pagtuturo ng
Filipino sa K-12 kung saan mayroong limang makrong kasanayan na dapat
maipakita o maipalabas sa mga mag-aaral; ito ay ang Pakikinig, Pagsasalita,
Pagbasa, Pagsulat, at Panonood. Kaakibat nito, layunin ng pagtuturo ng Filipino
na malinang ang (1) kakayahang komunikatibo, (2) replektibo / mapanuring pag-
iisip at, (3) pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral. Batay din sa aking
napanood, ang kurikulum daw ay “spiral” ibig sabihin nagsisimula sa pinaka
spesiko hanggang sa pinaka general o palawak ng palawak ang kaalaman ng
isang mag-aaral sa asignaturang Filipino.
2. Bakit kinakailangang pag-aralan ng isang mag-aaral ang asignaturang Filipino?
Sagot:
Nakasaad sa Saligangang Batas 1987 Artikulo XIV Seksyon 6 na: “Ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay Filipino”. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pnag
mga wika.” Kaya ito’y dapat pag-aralan at ituro sa mga mag-aaral sa mataas at
mababang pamantasan ng edukasyon. Alam natin na iba ang pananaw ng mga
mag-aaral sa elementarya sapagkat nakikita nila ang asignaturang Filipino bilang
kabagot-bagot na asignatura, nangyayari ito dahil hindi wasto ang pagpiprisenta
ng guro dito. Kinakailangan rin na mapag-aralan ito upang maipakita ng mag-
aaral ang kanilang pagmamahal sa sariling wika. Nakatulog rin ito upang mas
mapayaman at mapayabong pa ang kaalaman ng mag-aaral sa wikang
Pambansa

You might also like