You are on page 1of 5

Banghay Aralin

sa
EPP 1
Alexandra G. Dela Cruz
BEED 3B
I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

• Nalalaman ang tamang pag-aalaga ng isda

• Napapahalagahan ang wastong pag-aalaga ng isda

• Naihihiwalay ang mga bagay na dapat isaalang alang sa pag-aalaga ng isda sa


mga bagay na hindi dapat gawin

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Wastong Pag-aalaga ng Isda

Kagamitan: Laptop, Larawan, Speaker

Sanggunian: https://youtu.be/vilOdCWXy30

https://youtu.be/DGJlfsE13u0

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

• Pagbati

• Panalangin

• Pagtatala ng lumiban

• Pampasiglang gawain

- Baby shark dance ( https://youtu.be/f-Wypwi9UBc )

• Pagsasa-ayos ng silid aralan


B. Pagganyak

Magkakaroon ng palaro ang guro at ito ay tatawaging

" Buntot ko, hulihin mo" magkakaroon ng dalawang grupo sa klase. Ang
magkakagrupo ay magdudugtong dugtong at may roong naka ipit na panyo sa
likuran ng nasa huling miyembro. Bawat grupo ay may gaganap bilang lider na
syang pupwesto sa unahan upang manghuli ng buntot ng kalaban at ang
miyembro naman na nasa hulihan ang mag iiwas ng buntot sa kanilang kalaban.
Bawat puntos ay maykatumbas na isang piraso ng larawan na kanilang bubuoin at
ang una na unang makakabuo ay siyang mananalo.

C. Pagtatalakay

• Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral kung ano ang kanilang paboritong ulam.

• Magpapakita ng iba't ibang larawan ng isda.

• Ipapaliwanag ang kahalagahan ng isda at ang magandang dulot nito sa ating


katawan.

• Ipapaliwanag ang kahalagahan ng wastong pag-aalaga ng isda.

• Itatanong kung saan nakikita ang mga isda.

• Ituturo ng mga mag-aaral ang larawan ng Bangus, Tilapia, Gurami, Hito at Karpa.

• Tatanungin ng guro kung ano ang isda na madalas nilang nakikita.

• Ipapaliwanag ng guro ang pagkakaiba iba ng mga isda.

D. Paglalahat

Itatanong ng guro ang mga sumusunod:

• Saan nabubuhay ang mga isda?


• Bakit mahalaga na alam natin ang wastong pag-aalaga ng isda?

• Bakit maganda sa katawan ang isda?

• Ano ang pambansang isda sa pilipinas?

• Magbigay ng halimbawa ng isda

• Magbigay ng bagay na ginagamit sa pag-aalaga ng isda

E. Paglalapat

Panuto: Ikunek ang larawan ng isda sa pangalan nito.

• • Gurami
• • Karpa
• • Tilapia

• • Hito

• • Bangus
IV.PAGTATAYA

Panuto: Lagyan ng ❤️kung ito ay isa sa mga dapat isaalang-alang sa pag-aalaga


ng isda at ❌
️ naman kung hindi. Ilagay ang sagot sa tapat ng bilang.

_____1. Binhi

_____2. Malaking Isda

_____3. Fishnet

_____4. Lokasyon

_____5. Pagkain

V. Takdang Aralin

Gumuhit ng larawan ng isang isda at bigyan ito ng sariling pangalan. Ito ay


gagawin sa isang malinis na papel.

You might also like