You are on page 1of 1

ERICA A.

RELAMPAGOS BSIT – IV

KAKAIBANG PANAGINIP

Si Ernesto ay isang masayahing bata, madalang lapitan at palakaibigan. Isang gabi


may napulot na isang papel si Ernesto na nagsasabing may matatagpuan siyang bagong
kaibigan. Bago niya ito makita kinakailangan niya munag sumakay. Siyay umuwi kaagad
nagbabasakaling naroon ang tinutukoy na kaibigan sa papel. May Nakita itong kabayo at
sumakay dito pero wala siyang nakitang kaibigan. Binuksan niya ang bintana at nakita niya
ang kanilang hardin, halaman at mga insekto ang kaniyang mga nakita doon. Silay masayang
naglalro at ito’y hindi niya maintindihan. Siya’y lumabas sa bahay at nagpunta sa dagat,
sumakay ng bangka upang kaniyang hanapin ang kaibigan ngunit wlang ibang tao sa dagat
kundi siya lamang. May naisaip siyang ideya, siya’y sumisid sa dagat, sumakay sa likod ng
dolphin at doon niya nakita ang ibat’-ibang hayop at halaman, ngunit hindi siya mabubuhay
doon, kung kaya’t siya ay bumalik sa kanila.
Gabi na nang siya’y makauwi sa kanilang bahay. Mula sa kaniyang silid ay may
natanaw siyang maliwanang sa langit. Isang nituin na ubod ng laki. Si Ernesto ay kumapit sa
lobo at ito ay kaniyang pinuntahan, pero walang tao doon. Mula sa itaas tanaw niya ang
buong daigdig na bilog at nagliliwanag, magagandang kulay, na parang bulang umiilaw.
Nang maisip niya bumalik na, nakita niya ang mga ulap at siya’y nagpalundag-lundag at
nagpapadulas. Subalit na isip niyang wla parin siyang kalaro kaya’t ginamit niya ang
kaniyang malaking payong at ginawang parachute. Napunta si Ernesto sa kagubatan, nakita
niya ang mga hayop na nagpupulong, kaniya’y hindi sila maintindihan kung kaya’t bumalik
siya sa kanila sakay-sakay ng isang elepante. Kung maya’t – maya si Ernesto ay kinalabit ng
kaniyang ina at ginising, “ Ernesto gising na may pasok kapa”. Doon na pagtanto ni Ernesto
na ang kaniyang naranasan ay isang Kakaibang Panaginip pala.

You might also like