You are on page 1of 8

Standard Version of WPS Office Suite with PDF Editor - https://www.wps.

com

Tekstong Prosidyural
By Group iv
Standard Version of WPS Office Suite with PDF Editor - https://www.wps.com

Alam mo Ba?
Ang DoItYourself.com ay isa sa mga nangungunang website na tumutulong sa mga
nais magkumpuni at magpaganda ng sariling bahay. Ito ay pinarangalan ng Time
Magazine bilang “One if the Top 50 Sites in the World.”
Mayroon din itong mga forum na nagbibigay-daan upang makipag-ugnayan ang mga
bumibisita sa website upang matutong magkumpuni at magpaganda ng sariling
bahay. Ang site na ito ay sinimulan noong 1995 na naglalayong tumulong sa mga
mamimili ng mga impormasyon sa pagkukumpuni ng bahay. Sa Kasalukuyan, and
DoItYourself ay bumibisita bawat buwan ng limang milyong tao mula sa iba’t-Ibang
bansa. Dito, nakapupulot ng mga prosidyur kung paano gawin ang mga bagay na
kailangan nilang malaman sa pagkukumpuni. Pinadadali nito ang kanilang buhay sa
isang klik lang ay mababasa at kung minsan ay mapapanood pa ang mga paraan kung
paano gawin ang isang bagay.
Standard Version of WPS Office Suite with PDF Editor - https://www.wps.com
Standard Version of WPS Office Suite with PDF Editor - https://www.wps.com
Standard Version of WPS Office Suite with PDF Editor - https://www.wps.com

Isang espesyal na uri ng tekstong ekspositori ang tekstong prosidyural. Inilalahad nito
ang serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan.
Nagpapaliwanag ito kung paano ginagawa ang isang bagay. Layunin nitong
maipabatid ang mga wastong hakbang na dapat isagawa.
Sa pagsulat ng tekstong prosidyural, kailangang malawak ang kaalaman sa paksang
tatalakayin. Nararapat ding malinaw at tama ang pagkasunod-sunod ng mga dapat
gawin upang hindi malito o magkamali ang gumagawa nito. Ang isa pang dapat
tandaan ay ang paggamit ng mga payak ngunit angkop na salitang madaling
maunawaan ng sinumang gagawa. Nakatutulong din ang paglakip ng larawan o
ilustrasyon kasama ng paliwanag upang higit na maging malinaw ang pagsasagawa sa
mga hakbang. Dapat pakaisipang layuninn ng tekstong prosidyural na maipaliwanag
ng mabuti ang isang gawain upang maisagawa ito ng maayos at tama.
Standard Version of WPS Office Suite with PDF Editor - https://www.wps.com

Halimbawa ng Tekstong Prosidyural:

ANG PAGGAWA NG PAROL


Mga kakailanganin:
• 10 patpat ng kawayan, ¼ pulgada ang lapad, at 10
pulgada ang haba.
• 4 patpat ng kawayan, ¼ pulgada lapad at 3 ½ pulgada ang
haba.
• Papel de hapon o cellphane
• tali

UNANG HAKBANG: Bumuo ng dalawang bituin gamit ang mga


patpat ng kawayan.

IKALAWANG HAKBANG: Pagkabitin ang mga dulo ng kawayan


gamit ang mga inihandang tali.
Standard Version of WPS Office Suite with PDF Editor - https://www.wps.com
IKATLONG HAKBANG:
Ilagay sa gitna ng pinagkabit na kawayan ang apat na patpat ng kawayan para lumobo ang balangkas ng iyong parol.
Gayahin ang nasa larawan.

IKAAPAT NA HAKBANG:
Balutin ng papel de hapon o cellophane ang balangkas ng parol. Kung nais mong gumamit ng iba’t-ibang kulay ay
puwede. Maaari mong gamitin ang pagiging malikhain mo.

IKALIMANG HAKBANG:
Maaari moong palamutian ang iyong parol ng mga palara. Maganda rin kung lagyan ito ng buntot na gawa sa papel de
hapon.
Standard Version of WPS Office Suite with PDF Editor - https://www.wps.com

Panandang Pandiskurso

Ito ay nakatutulong sa pagbibigay-linaw at ayos ng


pahayag. Ang mga panandang ito ay maaring
maghudyat ng pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari o kaya’y mga maghimaton tungkol sa
pagkakabuo ng mga diskurso.

You might also like