You are on page 1of 1

Case study about “The impact of Violence an Sex in Television” : Abstrak

Isa sa mga pinaka-libangan ng lahat ng tao ngayon ay ang panonood ng

telebisyon, na itinuturing din na isa sa mga may malaking pakinabang na gamit

ngayon. Hindi lamang ito ginagamit para sa libangan kundi sa maraming aspeto rin.

Tulad ng pang-edukasyon, kasaysayan, pagtuklas, palakasan at marami pa.

Gayunpaman, hindi lahat ng nakikita natin sa telebisyon ay kaakit-akit o mabuti para

sa madla, lalo na para sa mga batang may edad na 10-15 taong gulang pababa na

hindi pa gaano mulat ang kanilang isipan tungkol sa mga bagay na sekswal, at ang

karahasan. Ang sekswal ay ang pinakanakakalason na makikita natin ngayon sa

telebisyon. Sa araling ito binigyan ng pokus ang proseso ng globalisasyon,

conglomeration at integration sa telebisyon ay nagpapadali sa pagpapataw ng mga

alamat sa milyun-milyong manonood pero ito din ay nagiging dahilan ng

pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip sa mga tao. Sapagkat aminin man natin o hindi

malaki ang epektong ng telebisyon sa ating buhay lalo na sabi ng karamihan ito ay

kanila ng buhay. Ngunit ang mga tao ay binabago na nito ang ating panlipunan,

pangkabuhayan at panlahi na batayan; ang mga bayani ay nahubaran ng kanilang

lokal na kultura at pagkakakilanlan sapagkat masyado ng malikot at magulo ang

pangkaisipan at inaayon na nito sa gusto ng nakararami, at ang pinaka malungkot na

kasaysayan ay nawawala na ang natatanging halaga nito.

Nawawala na rin sa mga manonood ang malalim na kahulugan ng isang

kuwento. Sapagkat ang pokus na lamang ay ang maling palabas na kanilang

napanood na labis na nakakalungkot sapagkat hindi lang isa o dalawa ang taong

nababago ang buhay sa maling palabas na ito kundi madaming tao na karamihan ay

mga bata pa na dapat ay bigyan kaagad ng solusyon ng kinauukulan. Upang sa

gayon ay hindi ito lumala at maging dahilan ng karahasan at matinding adiksyong

sekswal.

You might also like