Professional Documents
Culture Documents
Sanaysay Avenido Julio Morales Christian
Sanaysay Avenido Julio Morales Christian
SANAYSAY AT TALUMPATI
GAWAING PANDALAWAHAN
Ramdam natin ang paglipas ng panahon, nakikibagay ang mga tao sa unti-
unting pagbabago nito, may mga kulturang namamatay at may mga kulturang
isinisilang, sa panahon ngayon kapansin-pansin ang mga kabataang hindi na alam ang
depinisyon at importansya ng mga mahahalagang araw katulad na lamang na ngayo’y
ginugunita ang mahal na araw, nakalulungkot isipin na bakas sa bawat isa na hindi na
kamahal-mahal ang mahal na araw, mahal ka niya ang tanong mahal mo ba?
“Tay! Nay! Kuya! Ate! Lo! at La! Ano po ba ang mahal na araw”, tanong ng mga
kabataang napagkaitan ng mga kaalaman ukol sa kultura at tradisyong ating
nakagisnan, kulturang pamilyar ngunit hindi na isinasagawa at isinasabuhay ng
karamihan. Parang alaala na tuluyan nang nalimot o tila isang pintura na unti-unti nang
kumukupas, masakit mang isipin pero kailangang tanggapin na nawawala na ang
dating gawi sa tuwing sasapit ang mahal na araw.
Sariwa pa sa aking isipan ang mga pangyayari noon, mga panahong sa tuwing
sasapit ang mahal na araw, hindi nagagalaw ang telebisyon, ‘di dahil sa wala kaming
kuryente o wala pang ‘blackbox’ noon, kundi dahil sa walang palabas sa mga
telebisyon, bagamat oo meron pero limitado. Tanda ko rin na kapag sasapit ang mahal
na araw, bawal kaming maglaro, lagi kaming binilinan at pinagagalitan, nagiging
sirang plaka ang aming mga magulang sa walang humpay na sinasabing “kapag
nasugatan ka matagal gumaling, kaya wag kang magkulit d’yaan”. Para sakin boring
ang mahal na araw, nililimitahan nito ang kilos ko, at pinipigilan ang mga kagustuhan
ko.
Pero teka, akala ko lang pala yun, hindi pala boring ang mahal na araw, isa pala
itong kamahal-mahal na araw, araw kung saan inaalala ng bawat isa ang paghihirap ni
kristo, pagalala sa matinding sakripisyo n’ya para tubusin tayo sa mga kasalanang
ating ginawa, mga kasalanan sa isip, sa salita at sa gawa, hindi pala ako nililimitahan
Republika ng Pilipinas
EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZ
INSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Nagtahan, Sampaloc, Manila
COLLEGE OF EDUCATION
sa aking kilos o pinagbabawalan sa mga gusto ko, isa pala itong paggalang at
pagpapahalaga sa pagod, sakit at hirap na sinapit niya.
May nais akong ibahagi, isang karanasan na hindi lang ako panigurado ang
nakaranas nito dahil ikaw, oo ikaw mismo alam ko na nasaksihan mo ito. “Hoy, maligo
na kayo at mag-a-alas tres na” “Puro gulay tayo ngayon ahh bawas muna sa karne”
“Huwag kang pukpok nang pukpok diyan”, ilan lamang ito sa mga madalas kong
naririnig sa tahanan. Pamahiin at paniniwala ng mga matatandang kristiyanong
katoliko, hindi naman ito mahirap gawin at wala naman mawawala kung susundin ito.
Sa paraan ng pagsunod ay naipakikita ko sa loob ng tahanan ang pagrespeto at
pagpapahalaga.
araw lang dapat natin ginugunita ang pag-ibig at sakripisyo ni Hesus, subalit isabuhay
natin ito sa bawat araw na dumaraan. Manalangin sa tuwing tayo ay nakararamdam ng
kasiyahan, kalungkutan, o galit man iyan. Ang paggawa ng kabutihan sa kapwa, ang
sabi nga ay mahalin mo ang kaaway mo. Pairalin natin ang pag-ibig sa bawat isa at
ihanda natin ang ating sarili na tanggapin ng buo ang pagmamahal na ibibigay sa atin
ng iba.
Ngayon alam ko, nawa’y ngayon alam n’yo rin na may isang nagbuwis ng buhay
para sa atin, ginawa n’ya iyon dahil sa matinding pagmamahal, mahal ka niya, ikaw ba
mahal mo siya?