You are on page 1of 1

UNDAS

November 1 ipinagdiriwang ang undas na nangyayari lamang ng isang beses sa isang


taon. Sa pagkakataong ito ay muli nating nasaksihan ang kultura ng mga Pilipino na
nagbibigay ng napakataas na pagpapahalaga sa mga yumaong mahal sa nuhay (mga
pamilya, kamag-anak, kaibigan at iba pa), at sa espisyal na okasyon na ito ay nag-
aalay tayo ng taimtim na panalangin para sa kanila. Lubhang nakakalungkot na
mawala sa ating piling ang mga tao na nakasama na natin sa kasiyahan,
pakikipagsapalaran, kasama sa lahat ng kalokohan at kadamayan ng problema sa
buhay. Napakasarap isip at balik- balikan ang mga masasayang ala-ala ng bawat isa
ang kanilang masasarap ng ngiti, tawa at mga bagay na o aral na natutunan mo sa
bawat isa na kaylan may hindi malilimutan at laging maaalala.
Ang pag panaw ng ating mga mahal sa buhay ay napaka madamdamin ang pag
alalaat pagdarasal dahil hustisya, krimen at sakuna na marami ay hindi pa rin
nakakamit ang katarungan at katiwasayan ng kaluluwa hanggang ngayon. Ngunit sa
ibang sulok naman ay may mga magagandang kabuuan parin dahil sa pumanaw na
anjan yung makakapagpahinga na sila at hindi na muling makakaranas ng hirap at
sakit na kanilang dinadamdam ng pa unti- unti hanggang sa mawalan na sila ng
buhay. Naging masaya dahil nasa piling na sila ng panginoon.
Naging bahagi na rin ng ating kultura ang sama- samang pag-aalay ng dasal para sa
mga yumao, kaya itinuturing na rin ang Undas bilang panahon ng “reunion” ng mga
magkakamag-anak at magkakaibigan lalunat may mga kamag anak o kapamiya tayo
na matagal na nating hindi nakakausap o nakikita. Nagiging isa tong paraan upang
mapagbuklod buklod ang lahat.
Ang undas ay maaaring para sa nga namayapa na, pero pwede rin itong magsilbing
isang paalala upang pahalagahan, mahalin at alagaan natin ang ating mga minamahal
habang sila ay nabubuhay pa.

You might also like