You are on page 1of 3

Proseso sa Pagtanggap ng Konserbatibong Kristiyanong Ama sa Tunay na

Oryentasyon ng Anak na Bading 

Ang Suliranin At Kaligiran ng Pag-aaral


Mula noon hanggang sa kasalukuyang panahon nagmimistulang kontrobersiya parin ang

pagkakaroon ng anak na bading. Ang panahon ng pagpapakakatotoo alinsunod sa tunay na

pagkatao o paglantad ay maituturing na mabigat na karanasan hindi lamang sa panig ng anak

kundi pati rin sa kanilang magulang.

Ang mapanghusgang lipunan at mapanuring mata ng tao ay talagang problema ng isang

bading. Ang komunidad na kinabibilangan ng mga bading ay maisalalarawan bilang isang lugar

kung saan sila ay lubos na pinupuna at nababansagan ng iba't ibang maling interpritasyon.

Karamihan sa kanila ay hindi tinatanggap at isa sa mga dahilan dito ay ang kakulangan ng

tamang kaalaman na may kaugnayan sa tunay na personalidad, ugali at katauhan ng isang

bading.

Ang pamilya ang isa sa inaasahan nilang tatanggap sa kanilang tunay na katauhan. May

mga bading na maswerte at nagsasabing masaya sila sa buhay sa kabila ng kanilang kaibahan,

sapagkat sila ay malayang nakapaglalabas ng saloobin. Gayunman, ang ilan sa mga magulang ay

nagiging emosyonal at ang mga kapatid at kamag-anak nila ay kinahihiya sila sa umpisa ng

kanilang pag-amin. Sa panig ng ama may parehong positibo at negatibong paunang mga tugon sa

mga pagkakakilanlang bading ang kanilang anak. Sa kabuuan, ang mga ama, lalo na ang isang

konserbatibong kristiyanong ama ay nakakaranas ng iba't ibang mga tugon sa mga sekswal na

pagkakakilanlan ng kanilang mga anak.


Paglalahad ng Suliranin 
Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, hinahangad ng mga mananaliksik na magbigay kaalaman sa

mga mag-aaral kung paano pinroseso ng isang konserbatibong Kristiyanong ama ang pagtanggap

sakanilang anak na bading base sa tunay nilang oryentasyon. Ang pananaliksi na ito ay

sumasagot sa mga katanungang: 

1. Ano ang naging proseso sa pagtanggap ng ama sa anak? 

1.1. Ano ang unang naging reaksiyon niya nang malaman ang tunay na oryentasiyon ng

anak? 

1.2. Gaano kabilis o katagal nila itong natanggap? 

1.3. Anu-ano ang mga dahilan nila kung bakit naging ganon ang reaksiyon nila? 

2. Ano ang naging dulot nito sakanila? 

2.1. Bilang isang lalaki 

2.2. Bilang isang ama 

2.3. Bilang isang Kristiyano 

2.4. Ano ang mga nakatulong sa pag tanggap ng konserbatibong kristiyanong ama sa

kanyang anak na bading?

3. Ano ang mga hamon na hinarap o kasalukuyang hinaharap sa pagkakaroon ng anak na

bading? 

3.1. Sa relasyon sa anak 


3.2. Sa pamilya o kamag-anak 

3.3. Sa mga kaibigan 

3.4. Sa simbahan 

3.5. Sa sariling paniniwala 

You might also like