You are on page 1of 6

ANG EPIKO NG NALANDANGAN

-ANG PAGHAHANAP NI MATABAGKA SA DIYOS NG HANGIN

Mga tagapagganap:

Mika Macanlalay bilang Matabagka

Audrey Mendoza bilang Agyu

Aaron Pidlaoan bilang Imbununga

Hana Kim bilang Tumanod at Sundalo ni Agyu

Noah Sandoval bilang Pari at Sundalo ni Agyu

James Andrei Samson bilang Sundalo ni Imbununga

Sofonal Reys bilang manggamot at Sundalo ni Imbununga

At Ako , Ma. Veronica Lopez bilang tagapagsalaysay/script writer ng ikaapat na grupo

Sa isang malayong syudad matatagpuan ang isang kaharian na tinatawag na NALANDANGAN na


pinagmulan ng magkapatid na Agyu at Matabagka . Sa di kalayuan ay mayroon ding isang kaharian na
pinagmumunuhan ng Diyos ng Hangin .

Isang araw habang naglalakad lakad si Agyu sa paligid ng kanilang hardin ay may lumapit sa’kanya na
isang estranghera na kilala bilang Tumanod .

[ ] ACTING

Agyu – Anong sadya ng tumanod sakin?

Tumanod - Andito ako para sa isang babala

Agyu – Ano ang babalang ito

Tumanod - Meron akong babala para sayo at sainyong kaharian , naghahanda si imbununga na lusubin.
Pwede itong ikawasak ng Nalandangan at madamay ang mga naninirahan dahil siya ang may hawak ng
makapangyarihang taklubu na may kakayahang lumikha ng malaking ipo-ipo at baklaw na kung saan
nakatira ang mga marahas na bagyo. Walang pinipiling oras ang pagsugod ni Imbununga kaya kayo ay
maghanda at magsanay dahil maaring marami sainyo ang masawi sa magaganap na sagupaan ng inyong
mga hukbo.

[ ] NARRATE

Labis ang pag – aalala ni Agyu ukol sa sinabi ng tumanod napanasin ito ng kanyang kapatid na si
Matabagka kaya ito ay kanyang nilapitan upang kausapin

[ ] ACTING

Matabagka -Agyu ano ba ang sinabi sayo ng tumanod at tila hindi ka mapakali . ano ang babalang
minungkahi ng tumanod nais ko itong malaman.

Agyu- Nang nakaraang araw ay nilapitan at kinausap ako ng tumanod naglalaman ito ng babala susugod
ang diyos ng hangin sa nalandangan sinabi rin nito na tayo ay maghanda sa paglusob ng hukbo nila . Ano
ang nararapat nating gawin upang maghanda?
Maaring mawasak ang nalandangan hawak nya ang taklubo at baklaw ang taklubo nakayang lumikha ng
ipo-ipo at baklaw na pinaninirahan ng pinakamarahas na bagyo ako ay labis na nag aalala para sa
kaligtasan

Ng iba kung ipagkukumpara wala tayong binatbat sa kapangyarihan na mayron siya.

Matabagka- HA HA HA HA HA wala kang dapat ipag-alala aking kapatid.

[ ] NARRATE

Pagkatapos nilang mag usap ay pumunta si Matabagka sa’kanyang silid upang maghanda sa’kanyang pag
alis . Dala niya sa pag alis ang libon o sisidlan ng nganga at kung ano ano pa . Tahimik siyang umalis sakay
ng lumilipad na suliday.

Kalaunan ay nalaman ni Agyu ang mga sundalo na harangin ito ay ibalik sa Nalandangan .

[ ] ACTING

Agyu-Umalis ang aking kapatid at papunta siya sa kuta ni imbununga siya ay inyong habulin at ibalik dito
dahil hindi niya alam ang kanyang ginagawa ay lubos na mapanganib

Sundalo (Noah)Masusunod kamahalan.

[ ] NARRATE :

Nang makarating si Matabagka sa silid ni Imbununga ay bumaba ito kung saan nakaupo ang
namamahinga na si Imbunga at ganun nalang ang gulat nito ng makakita ng isang binibini na sing ganda
ng sikat ng araw.

[ ] ACTING :

Imbununga-Anong ginagawa dito ng isang binibini na kasingganda ng sikat ng Araw.

[ ] NARRATE:

Nagpanggap si Matabagka na Naliligaw lamang patungong Nalandangan kung kaya tinanong niya si
Imbununga sa pag aakalang idedetalye ni Imbununga ang kanyang plano na pag lusob sa Nalandangan.

[ ] ACTING :

Matabagka-Ako ay naliligaw patungong Nalandangan maari mo ba akong tulungan kung paano


makarating doon?

Imbununga-Tama ba ang narinig ko nalandangan?

Matabagka- Oo , alam mo ba kung paano ako makakarating roon?

Imbununga - pasensya na ngunit hindi libre ang impormasyong hinihingi mo may kondisyon ito.

Matabagka- Kung ganun ano ang iyong kondisyon.

Imbununga- Ang pakasalan ako.

Matabagka- Paumanhin ginoo ngunit hindi ako sumasang ayon sa iyong kondisyon . Ako ay aalis na dahil
nakakatiyak ako na may iba pang makakapagsabi kung paano ako makakakating doon.

Imbununga- Yung ay makakaalis ka.

Matabagka- Bakit tila hindi gumagalaw ang aking Sulinday. Itigil mo ang iyong ginagawa

Imbununga - Maari ko itong itigil kung papayag ka sa kondisyon ko.

[ ] NARRATE :
Gustuhin man na tumanggi ni Matabagka ay hindi maari kung kaya kahit labag sa kanyang loob ay
sumang ayon ito upang maisagawa ang kanyang binabalak at maligtas ang Nalandangan .

Matabagka - Sumasang ayon na ako sa kondisyon mo.

Imbununga - Ngayon din ay magpapakasal tayo.

[ ] NARRATE:

Walang ganang nag aayos si Matabagka para sa'kanyang kasal .

Di nagtagal ay dumating na ang pari at sinimulan na ang seremonya.

[ ] ACTING :

Pari (Noah) - Matabagka tinatanggap mo ba si Imbununga bilang iyong Asawa at nangangako ka ba na


sasamahan mo siya sa Hirap at Ginhawa?

Matabagka - Lubos ko pong tinatanggap Padre.

Pari (Noah) - Kung ganun inaanunsyo ko na kayo ay legal na mag asawa na.

[ ] NARRATE :

Naging mabuting asawa si Matabagka. Ngunit hindi niya nakalimutan ang kanyang misyon . Nang makita
niya kung saan nakatago ang Taklubu at Baklaw , nag - isip si Matabagka isang plano.

[ ] ACTING :

Imbununga - Matabagka , maari mo ba akong igawa ng maiinom dahil ako'y uhaw na uhaw na.
Matabagka- Sandali lamang at igagawa na kita.

[ ] NARRATE:

Habang ginagawa ni Mabagka ang inumin ni Imbununga ay dito niya na isinagawa ang kanyang plano ,
nilagyan ni matabagka ng isang nganga na may halong pampatulog ang inumin ni Imbununga.

[ ] ACTING:

Matabagka- ito na ang iyong inumin.


Imbununga - Salamat . Napakaswerte ko talaga at naging asawa kita.

[ ] NARRATE :

Habang abala si Imbununga sa paghigop ng kanyang inumin sinamantala na ito ni Matabagka upang
ilagay ang taklubu at baklaw sa Sulinday .

Tatakas na sana ito ng marinig nito na Tinawag ni Imbununga at kanyang Ngalan.

[ ] ACTING :

Imbununga - Matabagka , Matabagka! Tulong-

[ ] NARRATE:
Pinanuod ni Matabagka si Imbununga unto unting bumagsak at mahimatay.

[ ] ACTING :

Matabagka - Paumanhin ngunit kinakailangan ko itong gawin .....


[ ] NARRATE :

Nang magising si Imbununga napansin niya na nawawala ang kanyang asawa at ang kanyang Taklubu at
Baklaw. Agad niyang pinatawag ang mga Kawal upang habulin ang tumatakas si Matabagka.

[ ] ACTING :

Imbununga- Mga kawal habulin niyo ang aking asawa nakakatiyak akong hindi pa siya nakakalayo.
Ngunit wag na wag niyo siyang sasaktan.

Kawal (James) - Ngayon din po ay hahanapin namin siya Kamahalan.

[ ] NARRATE :

Gamit ang kapangyarihan ni Imbununga ay pinatigil niya sa paglipad ang Sulinday tuluyan itong
bumagsak sa Dalampasigan kasama ng kanyang Asawa , kung kaya naging dahilan ito upang mahabol
siya ng mga sundalo ni Imbununga.
Subalit mahusay sa pakikipaglaban si Matabagka kaya nahirapan ang mga sundalo ni Imbununga lalo na't
may ipinag utos si Imbununga na wag nila itong sasaktan .
Nakarating ang ingay ang ingay ng labanan sa mga sundalo ni Agyu na napadaan sa dalampasigan.
Sumugod ang mga ito upang tulungan si Matabagka .
Natuwa si Agyu ng makita si Matabagka . Sa labis na pagkapagod ay hindi na halos makapaglakad
pabalik sa'kanilang bahay.

[ ] ACTING :

Agyu- Bakit mo iyon ginawa labis mo akong pinag alala .

Matabagka- Paumanhin ang gusto ko lamang ay ang ika bubuti ng Nalandangan.

Agyu- Kahit na muntikan ka ng mapahamak. Halika na at kailangan mo pang magpahinga.

[ ] NARRATE:

Lumabas muna si Agyu upang magamot si Matabagka.

Agad siyang inasikaso at binigyan ng lunas ang kanyang mga galos gamit ang nganga na may kakayahang
magbalik ng lakas at buhay.

[ ] ACTING :

Manggagamot (Sofonal)- Maayos na ang kanyang kalagayan , Pinuno.

Agyu- Maraming salamat , pupuntahan ko muna siya.

.....pinuntahan

[ ] NARRATE :

Ikwenento ni Agyu lahat ng nangyari lalo na ang pag aalala ni Imbununga sa'kanya.

[ ] ACTING :

Agyu- Kamusta ang iyong pakiramdam? Alam mo ba na Pinag alala mo si Imbununga ?


Matabagka- Bakit naman siya mag aalala sa'kin? Pinahabol nga niya ako sa mga Sundalo niya.
Agyu- Nagkakamali ka . Inutusan niya ang kanyang mga sundalo na habulin ka ngunit inutusan niya rin
ang mga ito na wag na wag kang sasaktan.
Matabagka - Nagawa niya iyon?
Agyu- Oo. Magpahinga ka muna dyan at magtutungo muna ako sa Dalampasigan.
[ ] NARRATE:

Naisip ni Agyu na tapusin na ang digmaan kung kaya ay nagtungo ito sa Dalampasigan at Payapang
hinarap si Imbununga.

[ ] ACTING :

Agyu- Pupwede ba kitang kausapin?

Imbununga- Kinakausa mo na ako.

Agyu- Masyado ng mahaba ang digmaan marami na ring sugatan maari mo ba itong wakasan?

Imbununga- Maari , kung malalaman ko kung sino ang nagnakaw ng aking Taklubu at Baklaw.

Agyu- Hayaan mo akong ikwento ang buong pangyayari sayo.

[ ] NARRATE :

Ikuwento ni Agyu lahat mula sa babalang natanggap niya hanggang sa pagnanakaw ni Matabagka.

[ ] ACTING :

Agyu- Nagsimula ito ng kinausap ako ng tumanod upang magbigay babala sa inyong planong pagsugod .
Pinilit ako ng aking kapatid na si Matabagka na Ikwento ang babalang minungkahi ng Tumanod . At nung
nalaman niya ito ay nag alala siya sa kaligtasan ng mga nakatira sa Nalandangan kung kaya nagplano siya
ng wala ni isang nakakaalam . Kinuha niya ang iyong Taklubu at Baklaw upang mapilayan ka at humina
ang iyong kapangyarihan nang sa ganun ay hindi niyo na maituloy ang plano niyo na pagsugod.

Imbununga- Lubos kong hinahangaan ang katapangan ng iyong kapatid....ngunit marami na ang nasawi.

Agyu- Wala kang dapat ipag alala sa mga nasawi , May kakayahan na magbalik ng lakas at buhay.
[ ] NARRATE

Agad na ipinatawag ang ating bayaning babae , at inutos na dalhin ang taklubu at baklaw .
Nang makarating sa dalampasigan ay ibinalik ni Matabagka ang Taklubu at Baklaw kay Imbununga.
Iwinasiwas ni Imbununga ang taklubu at umihip ang napakalakas na ipo ipo sa mga naglalabang sundalo
dahilan upang manghina sila at matigil ang digmaan. Nang tuluyan silang nawalan ng malay ay isa isa
silang nilapitan ni matabagka upang subuan ng nganga na may kakayahang magbigay buhay , ilang saglit
pa ay lahat ng nasawi ay nagkaroon muli ng malay.

Pumunta ang mga sundalo ni Agyu sa'kanya ganun din ang Kay Imbununga.

Inanyayahan ni Agyu sa munting salo salo ang Hukbo ni Imbununga.

[ ] ACTING :

Agyu- Magdadaos kami ng isang malaking piging inaasahan namin ni Matabagka na kayo ay
makakadalo.

Imbununga- Asahan niyo ang aming pagdalo.

Matabagka- Aasahan namin yan.

Imbununga - Maasahan mo na tutupad ako sa aking pangako MATABAGKA.

[ ] NARRATE:

Ipinagdiwang nila ang pagsasanib pwersa ng bayani ng Bukidnon at diyos ng hangin .... na hindi magiging
posible kung hindi dahil sa katapangan ng ating babaeng bayani na si Matabagka.
-Wakas.

You might also like