You are on page 1of 5

DETAILED LESSON PLAN IN MATHEMATICS 1-3

I. LAYUNIN

A. Natutukoy ang place value at value ng isang digit sa numeral.

B. Nalulutas ang mga word problem na may kinalaman sa place value.

C. Pinapahalagahan ang kahalagahan ng pag-alam sa place value ng isang digit sa numeral

II. Paksang-Aralin

Meterials

References

TEACHER’S ACTIVITY PUPILS ACTIVITY

Panalangin:

Magsitayo muna ang lahat para sa ating


panalangin. Iyuko ang mga ulo at damhin ang
presensya ng ating Panginoon

Amen!

Pagbati:

Magandang Umaga mga bata! Nagagalak akong


makita kayo sa aking Klase.Kumusta naman Magandang Umaga naman po ma’am.
kayong lahat? Mabuti po.

Pagtatala ng Liban:

Sekretarya ng klase, mayroon bang mga lumiban Ikinagagalak ko po sabihin na wala pong lumiban
sa klase para sa araw na ito? sa klase ngayong araw na ito ma’am

Mabuti naman kung ganun!

III. A. 1. Balik-aral

2. Mag-Drill

Hanapin ang mga nawawalang numero.

1. 39, 40, _____ 41


2. _____, 19, _____ 18,20
3. 28, 29, _____, _____ 30,31
4. 24, 25, _____, _____ 26,27
5. 97, _____, 99, _____ 98,100

B.1. Pagganyak

Narinig nyo ba iyon? Opo


Teka! Mukhang may bisita tayo
Uy! Isang sulat mula sa ating kaibigan.
Buksan nga natin mga bata

(Nilalaman ng liham)
Masaya akong ibalita sainyo na nanalo kami ng
aking mga kaibigan sa isang patimpalak na
ginanap noong fiesta sa aming bayan. Si Guia ay
nanalo sa larong palosebo at nakatanggap ng 50
pesos samantalang si Cesca naman ay nanalo sa
larong hampas palayok at nakatanggap ng 120
pesos. Si Hannah at Mary ay kasali naman sa
hatakang lubid at nakatanggap sila ng 1,000 at sa
huli Ako ay nanalo sa hulihang biik at nakatanggap
ng biik at binenta ko ito sa halagang 12,129 kay
Manong Rex.
Kung susumahin ang aming napanalunan ay
13,299.

Wow! Ang laki naman ng napanalunan ng aking


mga kaibigan.

Pero alam nyo ba kung gaano kalaki ang halaga ng Hindi po


13,299?

Mahusay mga bata!

Malalaman nyo yan sa ating aralin sa araw na ito.

Ngayon ay pag-aaralan natin ang place value at


value ng bilang hanggang 10,000.

2. Presentasyon

Ano kaya ang ibig sabihin ng place value?


Mayroon ba kayong ideya kung ano ang place Iyon po ba ang ones, tens, hundreds ma’am?
value?

Magaling Zhyka!

E yung value kaya? Hindi po


Malalaman nyo yan sa ating aralin ngayon.

3. Talakayan
Tignan natin ang place value chart
(ipapakita ng guro gamit ang powerpoint)

Gamit ang place value chart, ano ang nakikita Mga numbers po ma’am
niyo?

Makikita sa chart na ang bawat numero ay may


pinaglalagyan. May hanay para sa isahan, may
hanay para sa sampuan, may hanap para sa
sandaanan, may hanay para sa libuhan, at may
hanay para sa sampung libuhan.

May ideya ba kayo sa kung anong tawag sa Wala po


kanila?

Ang tawag sa mga salitang iyan ay Place Value.

Place Value, ang salitang ingles na place sa filipino


ay lugar. Kung ang bawat isa satin ay nasa kanya-
kanyang lugar yung iba nasa Luzon, yung iba nasa
Visayas at yung iba nasa Mindanao, ang numero
rin ay may kanya- kanyang lugar.

Balikan natin ang place value chart, sa pagtukoy


ng lugar o place value ng apat hanggang limang
digit, kailangan mong tandan o isaulo ang
pagkakasunod-sunod ng mga lugar o place value
ng mga digits mula kanan pakaliwa. Magsisimula
sa isahan, sampuan, sandaanan, libuhan at
sampung libuhan.

Halimbawa, sa limampu’t apat na libo, pitongdaan


at dalawapu’t siyam, ang place value o lugar ng
siyam ay nasa isahan, ang place value o lugar ng
dalawa ay nasa sampuan, ang place value o lugar
ng pito ay nasa sandaanan, ang place value o
lugar ng apat ay nasa libuhan at ang place value o
lugar ng lima ay nasa sampung libuhan.

Naiintindihan ba? Opo ma’am

Ngayon, ano naman ang ibig sabihin ng value?


Tingnan natin ang halimbawa kanina. Sa bilang na
limampu’t apat na libo, pitongdaan at
dalawampu’t siyam, ano kaya ang value o ang
halaga nito.

Ang digit siyam ay may halaga o value na siyam,


ang digit na dalawa ay may halaga o value na
dalawampu, ang digit na pito ay may halaga o
value na pitongdaan, ang digit na apat ay may
halaga o value na apat na libo at ang digit lima ay
may halaga o value na limampung libo.

Dahil ang digit na siyam ay nasa isahan, imultiply


ang siyam sa isa. Ibig sabihin bibilangin ng siyam
na beses ang isa. Isang isa, dalawang isa, tatlong
isa, apat na isa, limang isa, anim na isa, pitong isa,
walong isa at siyam na isa, ito ay may kabuoang
halaga o value na siyam.

Dahil ang digit na dalawa ay nasa sampuan,


imultiply and dalawa sa sampu. Ibig sabihin,
bibilangin ng dalawang beses ang sampu. Isang
sampu at dalawang sampu, ito ay may kabuoang
halaga o value na dalawampu.

Dahil ang digit na pito ay nasa sandaanan,


imultiply ang pito sa isandaan. Ibig sabihin,
bibilangin ng pitong beses ang isandaan. Isang
isandaan, dalawang isandaan, tatlong isandaan,
apat na isandaan, limang isandaan, anim na
isandaan at pitong isandaan. Ito ay may kabuoang
halaga o value na pitong daan.

Dahil ang digit na apat ay nasa libuhan, imultiply


ang apat sa isanlibo. Ibig sabihin, bibilangin ng
apat na beses ang isanlibo. Isang isanlibo,
dalawang isanlibo, tatlong isanlibo at apat na
isanlibo. Ito ay may kabuoang halaga o value na
apat na libo.

Dahil ang digit na lima ay nasa sampung libuhan,


imultiply ang lima sa sampung libo. Ibig sabihin,
bibilangin ng limang beses ang sampung libo.
Isang sampung libo, dalawang sampung libo,
tatlong sampung libo, apat na sampung libo at
limang sampung libo. Ito ay may kabuoang halaga
o value na limampung libo.

Kaya naman ang halaga o value ay nagsasabi kung


ilan lahat ang kabuoang halaga ng digit sa lugar na
kinalalagyan ng numero. Ngayon naman, tingnan
natin ang iba pang halimbawa.

Pansinin ang mga sagot sa hanay ng lugar o place


value at halaga o value. Ikumpara natin ang mga Halaga po ma’am
ito. Ano ang pagkakaiba nila?

Tama, maaari rin. Ang sagot sa hanay ng lugar o


place value ay lahat salita. Samantala, sa hanay ng
halaga o value ay puro bilang.

Sa hanay ng halaga anong digit ang palagi ninyong


nakikita? Zero po

Tama! Ilang zero ang meron sa sampuan? Isa po

Sa sandaanan? Dalawa po

Sa libuhan? Tatlo po

Sa sampung libuhan? Apat po

Tama! Mahusay mga bata!

Ano klas, alam niyo na ba ang tamang pagsagot Opo


kapag tinatanong ay lugar o place value at halaga
o value?

Upang mas malaman ko kung talagang


naintindihan nyo ang ating aralin ngayon.
Mayroon ako sainyong ipapagawang activity.

You might also like