You are on page 1of 4

REBOLUSYONG SIYENTIPIKO

ANG POLISH NA SI NICOLAS COPERNICUS AY NAGPASIMULA NG KANYANG PROPESYONG


SIYENTIPIKO SA PAMANTASAN NG KRAKOW , POLANG NOONG 1492. KAALINSABAY NITO
ANG PANHAON NG PAGKAKATUKLAS NI CHRISTOPHER COLUMBUS SA AMERIKA. SA
PANAHONG ITO AY NAPAGSIMULA NA SI COPERNICUS NG MGA PAGTATANONG TUNGKOL SA
PANGUNAHING PANINIWALA AT TRADISYON NG MGA TAO.

BATAY SA KANIYANG GINAWANG PANANALIKSIK NALAMAN NIYA NA ANG MGA IDEYANG


ITINUTURO AT PINANINIWALAAN NG MGA TAO NOONG PANAHON NA IYON UKOL SA
SANSINUKUBAN AY MAY MGA PAGKAKAMALI. BINIGYAN DIIN NYA ANG MUNDO AY BILOG
NA TALIWAS SA NAUNANG PANINIWALA NA ITO AY PATAG AT KAPAG NARATING NA NG ISANG
MANLALAKBAY ANG DULO NITO AY POSSIBLE SIYANG MAHULOG.

ISA PA SA KANYANG INIHALAD AY UKOL SA PAG IKOT NG MUNDO SA SARILI NITONG AKSIS
HABANG ITOY UMIIKOT SA ARAW. IDINAGDAG PA NIYA NA ANG ARAW ANG SIYANG SENTRO
NG SANSINUKUBAN NA TALIWAS SA ITINUTURO NG SIMBAHAN NA ANG MUNDO ANG
SENTRO NG SANSINUKUBAN . ANG TEORYANG ITO AY NAKILALA BILANG TEORYANG
HELIOCENTRIC.

ANG KAISIPANG ITO NI COPERNICUS AY DI NIYA KAAGAD INILATHALA SA DAHILANG


POSIBLENG ITO ANG MAGING DAAN SA MGA PUNA MULA SA SIMBAHAN AT
NANGANGAHULUGAN NG PERSEKYUSIYON, EKSKOMUNIKASYON, O PAGSUNOG NG BAHAY
SA PAMAMAGITAN NG INSTIQUISITION .

MGA BAGONG TEORYA UKOL SA


SANSINUKUBAN
SI JOHANNES KEPLER, ISANG ALEMAN NA ASTRONOMER, NATURAL SCIENTIST , AT
MAHUSAY NA MATEMATISIYAN, SIYA AY NAG BUO NG ISANG PORMULA SA PAMAMAGITAN
NG MATEMATIKA NA TUNGKOL SA POSIBLENG PAG IKOT SA ISANG PARABILOG SA GITNA NG
KALAWAKAN. ITO AY TINATAWAG NIYANG ELLIPSE.

DINAGDAGAN PA NIYA NA ANG MGA PLANETA AY DI PAREPAREHO SA BILIS NG KANILANG


PAGGALAW NGUNIT BUMIBILIS ITO KUNG PAPALIT SA ARAW AT BUMABAGAL KUNG ITOY
PAPALAYO.

NAGKAROON NG MGA PAGTATANONG SI KEPLER SA MGA PINUNO SA ACADEMICS AT


SIMBAHAN NG PANAHON NA IYON. HINDI SIYA NAG KAROON NG PAG AALINLANGAN SA
KANIYANG MGA HINUHA AT PAGSUSURI AT MAGING SA PAGTATANONG SA SIIMBAHAN DAHIL
SIYAY KABILANG SA KILUSANG NAG PROTESTA TUNGKOL SA SIMBAHAN SA PANAHONG
IYON. NGUNIT ANG KANYANG KONTEMPORARYO NA SI GALILEO GALILIE NA ISANG
ITALYANO AT KATOLIKO AY NAGKAROON NG MALAKING OPOSISYON SA SIMBAHAN.

TAONG 1609 NANG NABUO NI GALILEO ANG KANIYANG IMBENSYONG TELESKOPYO AT


NAGING DAHILANG NG KANIYANG PAGDISKUBRE SA KALAWAKAN. ANG KANYANG
PAGTANGGAP SA TEORYANG ITINURO NI COPERNICUS AY GINAGAMIT NA DAHILAN UPANG
SIYAY MAPAILALIM SA ISANG IMBESTIGASYON NG MGA PINUNO NG SIMBAHAN AY NAGING
DAAN UPANG BAWIIN NIYA ANG IBANG RESULTA NG KANIYANG GINAGAWANG MGA PAG
AARAL AT UPANG DI ITO MAGING DAAN NG PAGTITIWALA SA KANIYA NG SIMBAHAN.

MATAPOS ANG RETRAKSIYON AY NAGPATULOY PA RIN SIYA SA MGA SIYENTIPIKONG


PAGTUKLAS NA NAGING BASEHAN NG PAGBUO NG MGA UNIBERSAL NA BATAS.

ANG PANAHON NG
ENLIGHTENMENT
ISA SA BUNGA NG PAMAMARAANG MAKAAGHAM ANG EPEKTO NG REBOLUSYON SA IBA
IBANG ASPEKTO NG BUHAY. MARAMI ANG NAGMUNGKAHI NA GAMITIN ANG PAMAMARAAN
ITO UPANG MAPAUNLAD ANG BUHAY NG TAO SA LARANGAN NG PANGKABUHAYAN,
PAMPOLITIKA, PANRELIHIYON, AT MAGING SA EDUKASYON. TINATAWAG DIN ITONG
PANAHAON NG KALIWANAGAN [ ENLIGHTMENT ].

NAGSIMULA ITO SA BATAYANG KAISIPANG IMINUMUNGKAHI NG MGA PILOSOPO. BAGAMAT


ANG PANAHONG ENLIGHTMENT AY TUMUTUKOY SA PILOSOPIYANG UMUNLAD SA EUROPE
NOONG IKA 18 NA SIGLO, MAARI DING SABIHING ITO AY ISANG KILUSANG INTELEKTUWAL.

ANG ENLIGHTMENT AY BINUBUO NG MGA ISKOLAR NA NAGTANGKANG IAHON NG MGA


EUROPEO MULA SA MAHABANG PANAHON NG KAWALN NG KATUWIRANG AT PAMAYANI NG
PAMIIN AT BULAG NA PANINIWALA NOONG MIDDLE AGES.

ANG AMBAG NG MGA INTELEKTUWAL NA ITO ANG NAGSILBING PUNDASYON NG MGA


MORDENONG IDEYANG MAY KINALAMAN SA PAMAMAHALAAN,EDUKASYON,DEMOKRASYA,
AT MAGING SINING. ANG MGA INTELETUWAL NA ITO AY NAKILALA BILANG MGA
PHILOSOPHER O PANGANGKAT NG MGA INTELEKTUWAL NA HUMIKAYAT SA PAGGAMIT NG
KATUWIRANG, KAALAMAN AT EDUKASYON SA PAGSUGPO SA PAMAHIIN AT
KAMANGMANGAN.

ANG MAKABAGONG IDEYANG


PAMPOLITIKA
NAGING DAAN ANG MGA PAGBABAGO SA SIYENSIYA UPANG MAPAG ISIPAN NG MGA
PILOSOPO AT MARUNONG NA KUNG ANG MGA SISTEMATIKONG BATAS AY MAARING MAGING
KASAGUTAN SA PAGLIKHA NG SANSINUKOB AT KAPALIGIRAN, MAARI DING MAGING GABAY
ANG MGA ITO SA MGA UGNAYANG POLITIKAL, PANGKABUHAYAN , AT PANLIPUNAN.

INAAKALA NILANG MAIPALIWANAG ANG MGA BAGAY BAGAY SA TULONG NG ANALITIKONG


PANGANGATWIRAN. TUNAY NA MALAKI ANG IMPLUWENSYA NG SIYENTIPIKONG PAG IISIP SA
TEORYANG PAMPOLITIKA.

ANG PAGPAPALIWANAG NI
HOBBES TUNGKOLS SA
PAMAHALAAN
GINAMIT NI THOMAS HOBBES ANG IDEYA NG NATURAL LAW UPANG ISULONG ANG
PANINIWALA NA ANG ABSOLUTONG MONARKIYA ANG PINAKAMAHUSAY NA URI NG
PAMAHALAAN. PINANINIWALAAN NIYA NA ANG PAGKAKAROON NG KAUGALIAN AY LIKAS SA
TAO KAYA DITO AY KAILANGAN NG ISANG ABSOLUTONG PINUNO UPANG SUPILIN ANG
GANITONG MGA PANGYAYARI.

SA KANIYANG PAGPAPALIMBAG NG ISINULAT NIYANG AKLAT NA "LEVIATHAN" NOONG 1651


AY INILARAWAN NIYA ANG ISANG LIPUNAN NA WALANG PINUNO AT ANG POSSIBLENG
MAGING DIREKSYON NITO TUNGO SA MAGULONG LIPUNAN.

BINIGYAN NIYA NG PAGDIDIIN NA ANG TAO AY KINAKAILANGAN PUMASOK SA ISANG


KASUNDUAN SA PAMAHALAAN NA KAILANGAN IWANAN NIYANG LAHAT NG KANIYANG
KALAYAAN AT MAGING MASUNURIN SA PUNO NG PAMAHALAAN. DAHIL SA KASUNDUANG
ITO, PANGANGALAGAAN AT PROTEKTAHAN NG PINUNO ANG KANYANG NASASAKUPAN. DI
NA BIBIGYAN PA NG KARAPATANG MAGREBELDE ANG MGA TAO, KAHIT PA HINDI
MAKATUWIRANG ANG PAMAMALAKAD.

PAGPAPAHAYAG NG BAGONG
PANANAW NI LOCKE
ISA PA SA KINIKILALANG PILOSOPO SA ENGLAND AY JOHN LOCKE NA MAY PANINIWALA
KAGAYA NG KAY HOBBES NA KINAKAILANGAN MAGKAROON NG KASUNDUAN SA PAGITAN
NG MGA TAO AT NG KANILANG PINUNO.

NGUNIT NAIIBA SIYA SA PANINIWALA NA ANG TAO SA KANIYANG NATURAL NA KALIKASAN AY


MAY KARAPATANG MANGATWIRAN, MAY MATAAS NA MORAL, AT MAYROONG MGA NATURAL
NA KARAPATAN UKOL SA BUHAY, KALAYAAN, AT PAG AARI. SINASABI NIYA NA ANG TAO AY
MAAARING SUMIRA SA KANIYANG KASUNDUAN SA PINUNO KUNG ANG PAMAHALAAN AY DI
NIYA KAYANG PANGANGALAGAAN AT IBIGAY ANG KANIYANG MGA NATURAL NA KARAPATAN.
BINIGYAN DIIN DIN NIYA NA KUNG ANG TAO AY GUMAGAMIT NG PANGANGATUWIRAN SILA
AY MAKARATING SA PAGBUO NG ISANG PAMAHALAAN MAY MABISANG PAKIKIPAG UGNAYAN
NA MAKAKATULONG SA KANILA NG PINUNO.

ANG KANIYANG MGA IDEYA AY ISINULAT NIYA NOONG 1689 SA PAMAMAGITAN NG


LATHALAING "TWO TREATISES OF GOVERNMENT". ANG KANIYANG SULATIN AY NAGING
POPULAR AT NAKA IMPLUWENSYA SA KABUUAN NG EUROPE AT MAGING SA KOLONYA NG
ENGLAND, ANG KOLONYANG AMERKANO. ANG IDEYA NIYA ANG NAGING BASEHAN NG MGA
AMERIKANO NA LUMAYA SA PAMUMUNO NG GREAT BRITIAN. ANG DEKLARASYON NG
KALAYAAN NA ISINULAT NI THOMAS JEFFERSON AY NAGING MAHALAGANG SULATIN SA
PAGLAYA NG AMERIKA SA MGA INGLES.

ITO AY HALAW SA MGA IDEYA NI LOCKE UKOL SA KASUNDUAN SA PAGITAN NG MGA TAO AT
NG PAMAHALAAN. ISA PA SA KINIKILALANG PILOSOPO SA LARANGAN NG POLITIKA AY ANG
PRANSES NA SI BARON DE MONTESQUIEU NA NANINIWALA SA IDEY NG PAGHAHATI NG
KAPANGYARIHAN SA ISANG PAMAHALAAN: ANG LEHISLATURA NA ANG PANGUNAHING
GAWAIN AY ANG PAGBUBUO SA BATAS; ANG EPEKTIBO NA NAGPAPATUPAD NG BATAS, AT
ANG HUKUMAN NA TUMATAYONG TAGAHATOL.

SI VOLTAIRE O FRANCOIS MARIE AROUET, SA TUNAY NA BUHAY AT SA ISA RING PRANSES AY


SUMULAT NG ILANG MGA LATHALAIN LABAN SA SIMBAHAN AT KORTENG ROYAL NG
FRANCE. ITO ANG NAGING DAHILAN NG KANIYANG DALAWANG BESES NA
PAGKAKABILANGGO AT NANG LUMAON SIYA PINATAPON SA ENGLAND. PINAGPATULOY NIYA
ANG PAGSUSULAT SA ENGLAND AT BINIGYAN NIYA NG PAGPAPAHALAGA ANG PILOSPIYA NI
FRANCIS BACON AT SINYENSIYA NI ISAAC NEWTON.

You might also like