You are on page 1of 32

BALIK

ARAL!
PANGKATANG
GAWAIN
Crossword Puzzle
PILOSOPIYA AT ANG
PAGPAPALAGANAP NG
IDEYANG LIBERAL.
SA KALAGITNAANG BAHAGI NG IKA- 18 SIGLO,
ISANG PANGKAT NG MGA TAONG TINATAWAG NA
PHILOSOPHES ( FHIL-UH-SAHFS) ANG NAKILALA
SA FRANCE. PINANINIWALAAN NG PANGKAT NA
ITO NA ANG REASON O KATUWIRAN AY
MAGAGAMIT SA LAHAT NG ASPEKTO NG BUHAY,
TULAD NI ISAAC NEWTON NA GINAMIT ANG
KATUWIRAN SA AGHAM.
LIMANG
MAHAHALAGANG
KAISIPAN NG
MGA PILOSOPO
SA FRANCE
1.NANINIWALA ANG MGA PHILOSOPHES NA
ANG KATOTOHANAN (TRUTH) AY MAAARING
MALAMAN GAMIT ANG KATUWIRAN. PARA
SA KANILA, ANG KATUWIRAN AY ANG
KAWALAN NG PAGKILING AT KAKIKITAAN
NG PAG-UNAWA SA MGA BAGAY-BAGAY
2.MAY PAGGALANG ANG MGA PHILOSOPHES SA
KALIKASAN (NATURE) NG ISANG BAGAY. AYON SA
KANILA ANG LIKAS O NATURAL AY MABUTI.
NANINIWALA RIN SILA NA MAY LIKAS NA BATAS
(NATURAL LAW) ANG LAHAT NG BAGAY. TULAD NG
PISIKAL NA MAY NATURAL NA BATAS NA
SINUSUNOD, ANG EKONOMIYA, AT POLITIKA AY
GAYON DIN.
2.MAY PAGGALANG ANG MGA PHILOSOPHES SA
KALIKASAN (NATURE) NG ISANG BAGAY. AYON SA
KANILA ANG LIKAS O NATURAL AY MABUTI.
NANINIWALA RIN SILA NA MAY LIKAS NA BATAS
(NATURAL LAW) ANG LAHAT NG BAGAY. TULAD NG
PISIKAL NA MAY NATURAL NA BATAS NA
SINUSUNOD, ANG EKONOMIYA, AT POLITIKA AY
GAYON DIN.
3.ANG KALIGAYAHAN PARA SA MG PHILOSOPHES AY
MATATAGPUAN NG MGA TAONG SUMUSUNOD SA
BATAS NG KALIKASAN. NANINIWALA SILA NA ANG
MAGINHAWANG BUHAY AY MAAARING MARANASAN
SA MUNDO. TALIWAS ITO SA PANINIWALANG
MEDIEVAL NA KAILANGANG TANGGAPIN ANG
KAHIRAPAN HABANG NABUBUHAY UPANG MATAMASA
ANG KAGINHAWAAN SA KABILANG BUHAY.
4.ANG PHILOSOPHES ANG UNANG EUROPEONG
NANIWALA NA MAAARING UMUNLAD KUNG GAGAMIT
NG “MAKAAGHAM NA PARAAN”
5.NAGNANAIS NG KALAYAAN ANG MGA
PHILOSOPHES. TULAD NG MGA BRITISH, NINAIS
NILANG MARANASAN ANG KALAYAAN SA
PAGPAPAHAYAG, PAGPILI NG RELIHIYON,
PAKIKIPAGKALAKALAN, AT MAGING SA PAGLALAKBAY.
MANGYAYARI LAMANG ITO KUNG GAGAMITIN ANG
REASON.
ISA SA ITINUTURING NA MAIMPLUWENSIYANG
PHILOSOPHES SI FRANCOIS MARIE AROUET NA MAS
KILALA SA TAWAG NA VOLTAIRE. SIYA AY
NAKAPAGSULAT NG HIGIT SA 70 AKLAT NA MAY
TEMANG KASAYSAYAN, PILOSOPIYA, POLITIKA AT
MAGING DRAMA.
MADALAS GUMAMIT NG SATIRIKO LABAN SA
KANYANG MGA KATUNGGALI TULAD NG MGA PARI,
ARISTOCRATS, AT MAGING NG PAMAHALAAN. DAHIL
SA TAHASANG PAGTULIGSA SA MGA ITO , ILANG
BESES SIYANG NAKULONG. MATAPOS NITO’Y
IPINATAPON SIYA SA ENGLAND NG DALAWANG TAON
AT KANIYANG NASAKSIHAN AT HINANGAAN ANG
PAMAHALAANG INGLES.
NANG MAKABALIK NG PARIS, IPINAGPATULOY NIYA ANG
PAMBABATIKOS SA BATAS AT KAUGALIANG PRANSES AT
MAGING SA RELIHIYONG KRISTIYANISMO. NAGKAROON
MAN SIYA NG MARAMING KAAWAY DAHIL SA KANYANG
OPINYON, HINDI SIYA HUMINTO SA PAKIKIPAGLABAN
UPANG MATAMASA ANG KATUWIRAN, KALAYAAN SA
PAMAMAHAYAG, AT PAGPILI NG RELIHIYON, AT
TOLERANCE.
JEAN JACQUES ROUSSEAU (ROO-SOH)
NAGMULA SA ISANG MAHIRAP NA PAMILYA, SIYA AY
KINILALA DAHIL SA KANYANG KAHUSAYAN SA PAGSULAT
NG MGA SANAYSAY NA TUMATALAKAY SA KAHALAGAHAN
NG KALAYAANG PANG –INDIBIDUWAL (INDIVIDUAL
FREEDOM)
TALIWAS SA NAKARARAMING PHILOSOPHES NA
NAGNANAIS NG KAUNLARAN , SIYA AY
NANINIWALA NA ANG PAG-UNLAD NG LIPUNAN O
SIBILISASYON ANG SIYANG NAGNAKAW SA
KABUTIHAN NG TAO.
AYON SA KANYA LIKAS NA MABUTI ANG TAO, NAGIGING
MASAMA LAMANG ANG TAO DAHIL SA IMPLUWENSIYA NG
LIPUNANG KANIYANG KINABIBILANGAN. MAUUGAT IT NANG
UMUSBONG ANG SIBILISASYON AT SINIRA ANG KALAYAAN AT
PAGKAKAPANTAY-PANTAY NA SIYA NAMANG KATANGIAN NG
SINAUNANG LIPUNAN. BINIGYAN DIIN NIYA NA ANG
KASAMAAN NG LIPUNAN (EVILS OF THE SOCIETY) AY
MAUUGAT SA HINDI PANTAY-PANTAY NA DISTRIBUSYON NG
YAMAN AT LABIS NA KAGUSTUHAN SA PAGKAMAL NITO.
INIHAIN NIYA ANG PANINIWALA TUNGKOL SA
MABUTING PAMAHALAAN SA KANIYANG AKLAT NA
THE SOCIAL CONTRACT. NANINIWALA SIYA NA
MAGKAKAROON LAMANG NG MAAYOS NA
PAMAHALAAN KUNG ITO AY NILIKHA AYON SA
PANGKALAHATANG KAGUSTUHAN (GENERAL WILL).
SA MAKATUWID, ISINUSUKO NG TAO ANG KANIYANG
WILL O KAGUSTUHAN SA PAMAHALAAN.
INIHAIN NIYA ANG PANINIWALA TUNGKOL SA
MABUTING PAMAHALAAN SA KANIYANG AKLAT NA
THE SOCIAL CONTRACT. NANINIWALA SIYA NA
MAGKAKAROON LAMANG NG MAAYOS NA
PAMAHALAAN KUNG ITO AY NILIKHA AYON SA
PANGKALAHATANG KAGUSTUHAN (GENERAL WILL).
SA MAKATUWID, ISINUSUKO NG TAO ANG KANIYANG
WILL O KAGUSTUHAN SA PAMAHALAAN.
PAGPAPA
LAGANAP
NG
IDEYANG
LIBERAL
PINALAGANAP NI DENIS DIDEROT (DEE DROH) ANG
IDEYA NG MGA PHILOSOPHE SA PAMAMAGITAN NG
PAGSULAT AT PAGTIPON NG 28- VOLUME NA
ENCYCLOPEDIA NA TUMATALAKAY SA IBA-IBANG PAKSA.
NAGLAYON SIYA NA BAGUHIN ANG PARAAN NG PAG-
IISIP NG MGA TAO SA PAMAMAGITAN NG PAGBIBIGAY
NG MGA BAGONG KAISIPAN SA MGA USAPING
PAMAMAHALA, PILOSOPIYA AT RELIHIYON.
BINATIKOS NILA ANG KAISIPANG DIVINE RIGHT AT ANG
TRADISYUNAL NA RELIHIYON. BILANG TUGON, PINIGIL
NG PAMAHALAAN AT SIMBAHAN ANG PAGKALAT NG
ENCYCLOPEDIA AT BINANTAAN ANG MGA KATOLIKONG
BIBILI AT MAGBABASA NITO.
SA KABILA NG MGA PAGPIGIL NA ITO, HUMIGIT
KUMULANG NA 20,000 KOPYA ANG NAIMPRINTA SA
MGA TAONG 1751- 1789. NANG ITO AY MAISALIN SA
IBANG WIKA, NAIPALAGANAP ANG IDEYA NG
ENLIGHTENMENT O REBOLUSYONG PANGKAISIPAN HINDI
LAMANG SA KABUUAN NG EUROPE KUNDI MAGING SA
AMERIKA AT KALAUNAN AY SA ASYA AT AFRICA.
NATUTUNAN MO,
IBAHAGI MO!
PANGKATANG
GAWAIN..

SLOGAN
BATAY SA ATING PAKSANG TINALAKAY ANO
ULI ANG MGA PANINIWALA NG MGA
POLOSOPO NA NAG UDYOK O NAGING MITSA
NG PAG USBONG NG REBOLUSYONG
PANGKAISIPAN O ENLIGHTENMENT AT
PAANO ITO KUMALAT SA IBANG PANIG NG
DAIGDIG?
PANUTO:
ISULAT ANG SALITANG
TAMA KUNG TAMA NG
PANGUNGUSAP AT MALI
NAMAN KUNG ITO AY
MALI.
QUESTION NO.1
Pinalaganap ni Denis
Diderot (dee DROH) ang
ideya ng mga Philosophe sa
pamamagitan ng pagsulat at
pagtipon ng 28- volume na
Encyclopedia na tumatalakay
sa iba-ibang paksa.
QUESTION NO.2
Isa sa itinuturing na
maimpluwensiyang
Philosophes si Francois
Marie Arouet na mas
kilala sa tawag na
Valentine
QUESTION NO.3
Si Jean Jacques Rousseau
ay nagmula sa isang
mayamang pamilya, siya
ay kinilala dahil sa
kanyang kahusayan sa
pagsulat ng mga sanaysay
QUESTION NO.4

May paggalang ang mga


Philosophes sa kalikasan
(nature) ng isang bagay.
QUESTION NO.5

Ang Philosophes ang


unang Europeong naniwala
na maaaring umunlad
kung gagamit ng
“makaagham na paraan”

You might also like