You are on page 1of 1

Our Yesterdays Scape

Ako si Valeria Agatha, dalawampu’t tatlong taong gulang na simula


pagkabata na hanggang ngayon ay sa probinsya ng Batangas nakatira, at
oo kilala nila ako bilang isang “Batangena” sa aming lugar ay payapa’t
tahimik ngunit hindi maalis sa aming isipan ang bakas ng digmaang
aming naranasan noong nagdaang mga taon lamang. Kung iniisip Ninyo
na ang sanhi nito ay ang mga dayuhan ay,oo, tama ang hinala nyo na
simula noon na pumasok hanggang ngayon na nagpupumilit pumasok sa
ating bansa, sa kabutihang lagay ngayon ang Batangas ay nasa kalmado
at payapang pakiramdam sa lahat, yun nga lang hindi pa rin maalis sa
aming isipan na baka ngayon, bukas, makalawa ay posibilidad na kami
ay kanilang gambalain muli at magdulot na naman ng panibagong
pagkakagulo sa aming lugar. Upang kami ay makaiwas sa ganitong
pangyayari ay nagtulungan at nagkooperasyon ang lahat sa amin upang
mapatigil ang labanang ito.

Lumipas ang ilang taon, ay nakapagpatahimik naman ito ng aming


kalooban at panatag na ang aming isipan na hindi na muling mauulit ang
sakit at paghihinagpis na naging epekto ng pagkakagulong iyon.

You might also like