You are on page 1of 3

LESSON PLAN IN ARALING PANLIPUNAN 6

QUARTER 4, Week 3

I. Layunin:
Naiisa-isa ang mga pangyayaring nagbigay wakas sa Diktatoryang Marcos.

II. Paksang- Aralin:


Paksa: Mga Pangyayaring Nagbigay Wakas sa Diktatoryang Marcos
Sanggunian: MELCS, AP6 Module, Quarter 4, Week 3, Pilipinas ang Ating Bansa
5, 2000 pp 215-227
Kagamitan: Powerpoint Presentation, Mga Larawan, Video clips, Activity cards
Balyu: Pagmamahal sa Kalayaan at Pagkakaisa

III. Mga Gawain sa Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
1. Pambungad:
Picture Puzzle
Sinong larawan ang ipinakita ng puzzle?
2. Balik- Aral
( Tri-Question Approach)
Ano ang ideneklara ni Pangulong Marcos noong Setyembre 21, 1972?
May Karapatan ba ang Pangulong Marcos sa pagdeklara ng Batas
Militar?
Ano ang epekto nito sa bansa?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Awit: Handog ng Pilipino sa Mundo (Video)
Tanong: Ano ang iyong nararamdaman habang nanonood at nakikinig sa
awit?
Ano ang binibigyang halaga ng awit?
2. Paglalahad
A. Pagpapakita ng larawan sa panahon ng pamamahala ni Marcos
Ano ang masasabi ninyo sa mga larawan?
May Kalayaan pa bang umiiral sa panahon ng Diktatoryang Marcos?
Ngayong umaga ay pag aralan natin ang ang mga pangyayaring
nagbigay wakas sa Diktatoryang Marcos.
B. Pangkatang Gawain
1. Pagpapangkat ng mga Bata
2. Pagbibigay ng Pamantayan
3. Pagbibigay ng Activity Card
3.Pagtatalakay
( Gamit ang Concept Mapping)
1. Ano-anong pangyayari ang nagbigay wakas sa diktatoryang
Marcos?
2. Bakit ito nangyari?
3. Ano ang kinahinatnan ng mga pangyayari?

Mga
Pangyay

Pagbagsak Reformed Asasinasyo 1986 Snap EDSA


ng the n ni Election Revolution
Ekonomiya Armed Senador o People
ng Forces Ninoy Power 1
Pilipinas Movement Aquino

C. Pangwakas na Gawain
1. Pagbuo ng Kaisipan
May mga pangyayari na nagbigay wakas sa Diktatoryang Marcos.
Ano-ano ang mga ito?
2. Pagpapahalaga
Ngayon ay nalalapit na naman ang Pambansang
Halalan at dito mismo sa ating paaralan magaganap ito. Ano
ang magiging papel mo sa darating na halalan upang hindi na
mangyari ang katulad ng 1986 Snap Election?
Ano ang binibigyan halaga mo bilang isang batang
Pilipino?

3. Karagdagang Pagsasanay
Panuto: Alin sa sumusunod ang mga pangyayaring nagbigay
wakas sa Diktatoryang Marcos? Markahan ng tsek ang titik ng
tamang sagot’
A. Paghalal ky Pangulong Marcos
B. Pagbagsak ng Ekonomiya ng Pilipinas
C. Armed Forces of the Philippines o AFP
D. Reformed the Armed Forces Movement o RAM
E. Asasinasyon ni Ninoy Aquino
F. 1986 Snap Election
G. EDSA Revolution o People Power 1
H. EDSA Revolution o People Power 2

IV. Pagtataya
Panuto: Isulat sa inyong sagutang papel ang mga pangyayaring nagbigay wakas
sa Diktatoryang Marcos.
1.
2.
3.
4.
5.

V. Kasunduan
Gumawa ng poster tungkol sa pangyayaring nagbigay wakas sa Diktatoryang
Marcos.

Prepared by:

MARILOU P. FLOJEMON
AP Teacher

You might also like