You are on page 1of 4

A.P.

10
Module 6

● Hindi na bago ang migrasyon o pandarayuhan. Simula pa lamang ng pagsibol ng


kabihasnan ay malimit na ang pagdayo ng tao tungo sa mga lugar na magbibigay
sa kaniya ng pangangailangan maging ito man ay sa usaping pangkabuhayan
(ekonomiko), seguridad (politikal) o maging personal
● Lamang, higit na naging mabilis ang pandarayuhan sa kasalukuyan kung
ihahambing sa nagdaang mga panahon. Sa katunayan, ang paggalaw ng mga tao
sa loob at labas ng bansa ay masalimuot kung pagtutuunan ng pansin ang
dahilan, patterns at epekto nito sa lugar na iniiwan, pinupuntahan at binabalikan.
Ang paggalaw o daloy ng migrasyon ay makikita sa ibaʼt ibang anyo.
Nandarayuhan ang mga tao bilang manggagawang manwal, highly qualified
specialists, entrepreneur, refugees o bilang isang miyembro ng pamilya.
● Binigyang-diin sa pag-aaral ni Stephen Castles at Mark Miller sa kanilang akdang
The Age of Migration na sa buong mundo, ibaʼt ibang anyo at daloy ng migrasyon
ang nakapangyayari bilang tugon sa pagbabagong pangkabuhayan, pampolitikal,
kultural at marahas na tunggalian sa pagitan ng mga bansa.

6 na Persoektibo sa Migrasyon
!. Globalisasyon ng Migrasyon - tumataas ang bilang ng mga bansang nakararanas
at naapektuhan ng migrasyon
#. Mabilisang paglaki ng Migrasyon - kapal o dami ng mga nandarayuhan ay oatuloy
ang pagtaas sa ibaʼt ibang rehiyon sa daigdig.
$. Pagkakaiba-iba ng uri ng Migrasyon - ibaʼt ibang uri ng migrasyon ang
nararanasan ng halos lahat ng mga bansang nakapaloob sa usaping ito
%. Pagtuturing sa Migrasyon bilang isyung Politikal - ang usaping pambansa,
pakikipag-ugnayang bilateral at rehiyunal at maging ang polisiya tungkol sa
pambansang seguridad ay naaapektuhan ng isyu ng migrasyon
&. Paglaganao ng ‘Migration Transitionʼ - kapag ang nakasanayang bansang
pinagmulan ng mga nandarayuhan ay nagiging destinasyon na rin ng mga
manggagawa at refugees mula sa ibaʼt ibang bansa
'. Peminisasyon sa Migrasyon - Malaki ang ginagampanan ng kababaihan sa
usaping migrasyon sa kasalukuyan. Sa nagdaang panahon, ang labour migration
at refugees ay binubuo halos ng mga lalaki. Nang sumapit ang 1960, naging
kritikal ang ginampanan ng kababaihan sa labour migration. Sa kasalukuyan ang
mga manggagawang kababaihan ng Cape Verdians sa Italy, Pilipina sa Timog-
Kanlurang Asya at Thais sa Japan ay nagpapatunay rito.

Implikasyon ng peminisasyon ng migrasyon


● Kaakibat ng migrasyon ang pagbabago ng gampaning pangkasarian sa isang
pamilya. Sinasabing kapag ang lalaki ang nangibang bansa ang asawang babae
ang mas higit na umaako ng lahat ng gawaing pantahanan. Sa kalagayan sa
Pilipinas kapag ang asawang babae ang nangibang bansa pangkaraniwan na na
kumuha ng tagapag- alaga ang lalaki sa kanyang mga anak o ipagkatiwala ang
ibang pangtahanang gawain sa kapatid na babae, sa magulang o di kaya ay sa
mga kamag-anak.
● Sa pag-aaral na ginawa ni Raharto (2013) kapag ang lalaki ang nangibang bansa
hindi ito masyadong nakakaapekto sa pamilya kapag responsibilidad ang pag
uusapan sa dahilan na patuloy na ginagawa ng babae ang kanyang
responsibilidad bilang asawa at nananatiling “breadwinner” ang lalaki.
● Subalit sa kaso ng Pilipinas at Thailand, napag alaman at lumabas sa pag-aaral na
malaki ang epekto kapag ang isa sa magulang o pamilya ang nangibang bansa
dahilan ito sa tradisyunal na kaisipan ng nasabing bansa lalo na kung babae ang
umalis upang magtrabaho malayo sa pamilya dahil mas higit na nararamdaman ng
mga anak ang kawalan ng isang miyembro kahit pa ito ay nakakatulong ng malaki
sa pagpuno ng gastusin sa kanilang pamumuhay.
● Sa kaso sa Pilipinas tila nagkaroon na ng konseptong “house husband” kung saan
inaako na ng lalaki ang lahat ng responsibilidad sa tahanan pati ang gawain ng
isang ina (kung ang ina ang nangibang bayan o bansa) upang mapangalagaan ang
buong pamilya lalo na ang mga anak. Hindi ito marahil nakakaapekto sa
kalagayang panlipunan ng mga lalaki at unti unti nang natanggap ng lipunan sa
kadahilanan na mas tinatanggap na dahilan ay upang mapaunlad at maiangat ang
katayuan ng kani-kanilang pamilya.
● Mahalagang banggitin na maraming bansa ang nagpanukala na mabigyan ng
proteksyon ang mga kababaihan na imigrante lalo na sa kondisyon ng bansa na
nais nilang puntahan. Halimbawa na lang ang bansang Bangladesh na
nagpanukala ng tamang edad ng mga babaing manggagawa, pagbabawal sa
pagpasok ng mga domestic workers. Ito ay upang maiwasan ang mga
undocumented workers na laganap sa ibat ibang panig ng mundo. Sa bansang
Nepal nagkaroon din ng panukala na ang lahat ng employer o recruitment agency
ay dapat na magkaroon ng approval permit mula sa kanilang embahada bago
kumuha ng mga Nepalese worker upang maprotektahan ang kanilang mga
mamamayan at maiwasan ang mga illegal na pagpasok sa ibang bansa.
Suliraning Kalakip ng Migrasyon
!. Human Trafficking - Ang human trafficking ay ang pagrerecruit, pagdadala,
paglilipat pagtatago, o pagtanggap ng mga tao sa pamamagitan ng di tamang
paraan (tulad ng dahas, pag-kidnap, pangloloko, o pamumuwersa) para sa hindi
magandang dahilan tulad ng forced labor o sexual exploitation.
#. Forced Labor - Ang forced labor ay isang anyo ng human trafficking. Ayon sa
Internatinal Labour Organization ang forced labor ay konektado sa mga sitwasyon
kung saan ang mga tao ay puwersadong pinagtatrabaho sa pamamagitan ng
dahas o pananakot o kayaʼy sa mas tagong paraan tulad ng pagbabaon sa utang,
pagtatago ng ID at passport, o pagbabanta ng pagsusuplong sa.
$. Slavery - Ang slavery o pang-aalipin ay isang uri ng sapilitang paggawa na kung
saan tinuturing o tinatrato ang isang tao bilang pagmamay-ari ng iba. Inaari ang
mga alipin na labag sa kanilang kalooban mula nang silaʼy nabihag, nabili o
sinilang, at inaalisan ng mga karapatan.

Pag-angkop sa pamantayang internasyunal


● Hindi mapasusubalian ang pagbabagong pamantayang internasyunal dala ng
globalisasyon. Ilan sa mga ito ay mga kasunduan ng ibaʼt ibang bansa at
samahang internasyunal. Ilan dito ang Bologna at Washington Accord.
● Ang Bologna (bo-LO-nya) Accord ay hango mula sa pangalan ng isang
unibersidad sa Italy na University of Bologna kung saan nilagdaan ng mga
Ministro ng Edukasyon mula sa 29 na mga bansa sa Europe ang isang kasunduan
na naglalayon na iakma ang kurikulum ng bawat isa upang ang nakapagtapos ng
kurso sa isang bansa ay madaling matatanggap sa mga bansang nakalagda rito
kung siya man ay nagnanais na lumipat dito.
● Dahil sa kasunduang ito, mabilis na naiaakma ang kurikulum sa hinihinging
pagbabago ng industriya bukod pa sa mabilis na paglipat ng mga manggagawa at
propesyunal na siyang kinakailangan ng ibaʼt ibang kompanya at negosyo.
● Samantala, ang Washington Accord na nilagdaan noong 1989 ay kasunduang
pang-internasyunal sa pagitan ng mga international accrediting agencies na
naglalayong iayon ang kurikulum ng engineering degree programs sa ibaʼt ibang
kasaping bansa.
● Bunga nito, ang mga nagtapos ng engineering courses sa bansang hindi
accredited ay hindi makapagtatrabaho sa mga bansang miyembro nito tulad ng
Australia, Canada, Chinese Taipei, Hongkong, Ireland, Japan, Korea, Malaysia,
New Zealand, Singapore, South Africa, United Kingdom at USA.
● Samakatuwid, ang engineering graduates sa Pilipinas ay hindi itinuring na
engineer sa mga bansang nabanggit. Dahil sa mga kasunduaang ito, maraming
mga Pilipinong propesyunal sa ibang bansa ay hindi nakakukuha ng trabaho na
akma sa kanilang tinapos.
● Isa pang dahilan dito ay ang kakulangan ng bilang ng taon sa basic education
kaya naman second class professionals ang tingin sa maraming mga Pilipino.
Kung ihahambing sa maraming bansa, isa na lang ang Pilipinas sa may
pinakamaikling bilang ng taon ng basic education.
● Bilang tugon ng pamahalaan ay ipinatupad ang K to12 Kurikulum na naglalayong
iakma ang sistema ng edukasyon sa ibang bansa. Inaasahan ng repormang ito na
maiangat ang mababang kalidad ng edukasyon sa bansa at matugunan ang
suliranin sa kawalan ng trabaho sa bansa.

You might also like