You are on page 1of 14

Mga Isyung Kalakip

ng Migrasyon
Araling Panlipunan Ikalawang
Markahan
Modyul 6
Ang migrasyon ay tumutukoy sa pag-alis o paglipat ng
mga tao mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa
ibang lugar maging ito man ay pansamantala o permanente.
Pagkakataon at panganib ang maibibigay ng migrasyon.
Napakalinaw nito sa pagdagsa ng mga migranteng manggagawa
patungong Kanlurang Asya. Ang mga migranteng manggagawa ay
nakapagpadala sa kanilang pamilya ng libo-libong dolyar na
remittance. Ang kanilang ipinapadala ay malaki ang naitutulong
nito sa pag-ahon ng kanilang pamilya sa kahirapan, sa
pagpapagawa ng bahay, pantustos sa pagpapa-aral, at pambayad
sa gastusing pangkalusugan-habang nakatutulong sa ekonomiya
ng bansang pinagtrabahuan.
MGA ISYUNG KALAKIP SA
MIGRASYON
1 forced labor
ito ay isang anyo ng human trafficking. Halimbawa
"puwersadong pinagtatrabaho sa pamamagitan ng dahas
o pananakot o kaya'y sa mas tagong pamamaraan tulad
ng pagbabaon sa utang, pagtatago ng ID at passport, o
pagbabanta ng pagsusuplong sa imigrasyon
2. Uman trafficking
• ito ay ang "pagrerecruit, pagdadala,
paglilipat, pagtatago, o pagtanggap ng
mga tao sa pamamagitan ng di tamang
paraan (katulad ng dahas, pag- kidnap,
pangloloko, o pamumuwersa).
3. Slavery
• Ito ay isang uri ng sapilitang paggawa na kung
saan tinuturing o tinatrato ang isang tao
bilang pagmamay-ari ng iba. Inaari ang mga
alipin na labag sa kanilang kalooban mula
nang sila'y nabihag, nabili, at inaalisan ng
karapatan na magbakasyon, tanggihang
magtrabaho, o tumanggap ng bayad (katulad
ng sahod).
Ayon sa tala ng International
Labor Organization:
• Halos 21 milyong tao ang biktima ng forced
labor, 11.4 milyon dito ay mga kababaihan
at 9.5 milyon naman ay mga kalalakihan.

• Umabot sa 19 na milyon ang biktima ng


eksploytasyon ng pribadong indibiduwal at
mga kompanya at lagpas sa dalawang
milyon naman ng mga rebeldeng grupo.
• Sa mga biktima ng eksplotasyon, may 4.5 milyon ay
biktima ng eksplotasyonu sekswal.

• Nakakalikha ng US$ 150 bilyong illegal na kita ang


forced labor taon-taon.

• Malimit na mga migrant workers at indigenous people


ang nagiging biktima ng forced labor.
Pag-angkop
Sa pamantayang
International
BOLOGNA(bo-LO-nya) ACCORD

• Hango mula sa pangalan ng isang unibersidad sa Italy na University of


Bologna kung saan nilagdaan ng mga Ministro ng Edukasyon mula sa
29 na mga bansa sa Europe ang isang kasunduan na naglalayon na
lakma ang kurikulum ng bawat isa upang ang nakapagtapos ng kurso
sa isang bansa ay madaling matatanggap sa mga bansang nakalagda
rito kung siya man ay nagnanais na lumipat dito.
• Dahil sa kasunduang ito, mabilis na
naiaakma ang kurikulum sa hinihinging
pagbabago ng industriya bukod pa sa
mabilis na paglipat ng mga
manggagawa at propesyunal na siyang
kinakailangan ng iba't ibang kompanya
at negosyo.
WASHINGTON ACCORD

• Nilagdaan noong 1989 ang kasunduang pang-


internasyunal sa pagitan ng mga international
accrediting agencies na naglalayong iayon ang
kurikulum ng engineering degree programs sa iba't
ibang kasaping bansa.

• Bunga nito, ang mga nagtapos ng engineering courses


sa bansang hindi accredited ay hindi
makapagtatrabaho sa mga bansang miyembro nito
tulad ng Australia, Canada, Chinese Taipei, Hongkong,
Ireland, Japan, Korea, Malaysia, New Zealand,
Singapore, South Africa, United Kingdom at USA.
• >Samakatuwid, ang engineering graduates sa Pilipinas ay
hindi itinuring na engineer sa mga bansang nabanggit dahil
sa kakulangan ng bilang ng taon sa basic education kaya
naman second class professionals ang tingin sa maraming
mga Pilipino. At dahil sa mga kasunduang ito, maraming mga
Pilipinong propesyunal sa ibang bansa ang hindi nakakakuha
ng trabaho na akma sa kanilang tinapos.
K to 12 KURIKULUM

• Naglalayong iakma ang Sistema ng


edukasyon sa ibang bansa. Inaasahan
ng repormang ito na maiangat ang
mababang kalidad ng
• Ito ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang
lugar o teritoryong politikal patungo sa ibang lugar maging ito man
ay pansamantala o permanente.
• A. migrasyon
• B. globalisasyon
• C. edukasyon
• D. organisasyon

• 2. Ano ang tawag sa pagrerecruit, pagdadala, paglilipat, pagtatago, o


pagtatanggap ng mga tao sa pamamagitan ng di tamang paraan?
• A. slavery
• C. human trafficking
• B. forced labor
• D. child labor

You might also like