You are on page 1of 11

Mga Isyung Kalakip ng

Migrasyon
Mga Isyung Kalakip ng Migrasyon
• Pagkakataon at panganib ang maibibigay ng migrasyon.
• Sa isang banda,ang mga migranteng manggagawa ay
nakapagdadala sa kanilang pamilya ng libo-libong dolyar na
remittance.Malaki ang naitututulong nito sa pag-ahon ng
kanilang pamilya sa kahirapan,sa pagpapagawa ng
buhay,pantustos sa pagpapaaral,at pambayad sa gastusing
pangkalusugan-habang nakakatulong sa ekonomiya ng bansang
pinagtrabahuhan.
• Sa kabilang banda naman ay may mga migranteng namamatay,
nasasadlak sa sapilitang pagtatrabaho, at nagiging biktima ng
trafficking. Ang mga karanasan ng karamihan sa mga migrante
ay nasa gitna ng dalawang mukhang ito ng migrasyon.
Tatlong Isyu na Kalakip ng Migrasyon

•Forced Labor
•Human Trafficking
•Slavery
Forced Labor
• Ang forced labor ay isang anyo ng
human trafficking. Ayon sa International
Labour Organization ang Forced Labor
(o Forced Labour) ay konektado sa “mga
sitwasyon kung saan ang mga tao ay
puwerasadong pinagtratrabaho sa
pamamagitan ng dahas o pananakot o
kaya’y sa mas tagong pamamaraan tulad
ng pagbabaon sa utang, pagtatago ng ID
at passport, or pagbabanta ng
pagsusuplong sa immigration.”
Human Trafficking
• Ayon sa United Nations Office of
Drugs and Crime, ang human
trafficking ay ang “pagrerecruit,
pagdadala, paglilipat, pagtatago, o
pagtanggap ng mga tao sa
pamamagitan ng di tamang paraan
(katulad ng dahas, pag-kidnap,
pangloloko, o pamumuwersa) para
sa hindi magandang dahilan tulad
ng forced labor o sexual
exploitation.”
Slavery
• Ang slavery o pang-aalipin ay isang uri ng
sapilitang paggawa na kung saan tinuturing o
tintratro ang isang tao bilang pagmamay-ari
ng iba. Inaari ang mga alipin na labag sa
kanilang kalooban mula nang sila'y nabihag,
nabili o sinilang, at inaalisan ng karapatan na
magbakasyon, tanggihang magtrabaho, o
tumanggap ng bayad (katulad ng sahod).
Maaaring bumilang sa kamakailan lamang
gamit ng mga katawagang "pang-aalipin" o
"alipin" ang metaporikal at analogong mga
gamit na nailalapat sa mga mababang anyo
ng sapilitang trabaho.
Ayon sa tala ng International Labor
Organization:
• Halos 21 milyong tao ang biktima ng forced labor, 11.4 milyon
dito ay mga kababaihan at 9.5 milyonnaman ay mga
kalalakihan.
• Umabot sa 19 na milyon ang biktima ng eksploytasyon ng
pribadong indibiduwal at mga kompanya at lagpas sa
dalawang milyon naman ng mga rebeldeng grupo.
• Sa mga biktima ng eksploytasyon, 4.5 milyon ay biktima ng
eksploytasyong sekswal.
• Nakalilikha ng US$ 150 bilyong illegal na kita ang forced labor
taon-taon.
• Malimit na mga migrant workers indigenous peoples ang
nagiging biktima ng forced labor.
Pag-angkop sa pamantayang internasyunal

•Bologna Accord (Europa)


•Washington Accord (U.S.)
•K to 12 (Pilipinas)
Bologna Accord

• Ang Bologna (bo-LO-nya) Accord ay hango mula sa pangalan ng


isang unibersidad sa Italy na University of Bologna kung saan
nilagdaan ng mga Ministro ng Edukasyon mula sa 29 na mga bansa
sa Europe ang isang kasunduan na naglalayon na iakma ang
kurikulum ng bawat isa upang ang nakapagtapos ng kurso sa isang
bansa ay madaling matatanggap sa mga bansang nakalagda rito
kung siya man ay nagnanais na lumipat dito.
• Dahil sa kasunduang ito, mabilis na naiaakma ang kurikulum sa
hinihinging pagbabago ng industriya bukod pa sa mabilis na
paglipat ng 235 mga manggagawa at propesyunal na siyang
kinakailangan ng iba’t ibang kompanya at negosyo.
Washington Accord

• Ang Washington Accord na nilagdaan noong 1989 ay kasunduang


pang-internasyunal sa pagitan ng mga international accrediting
agencies na naglalayong iayon ang kurikulum ng engineering
degree programs sa iba’t ibang kasaping bansa.
• Bunga nito, ang mga nagtapos ng engineering courses sa bansang
hindi accredited ay hindi makapagtatrabaho sa mga bansang
miyembro nito tulad ng Australia, Canada, Chinese Taipei,
Hongkong, Ireland, Japan, Korea, Malaysia, New Zealand,
Singapore, South Africa, United Kingdom at USA.
K to 12 Kurikulum

• Bilang tugon ng pamahalaan ay ipinatupad ang K to12 Kurikulum


na naglalayong iakma ang sistema ng edukasyon sa ibang bansa.
Inaasahan ng repormang ito na maiangat ang mababang kalidad
ng edukasyon sa bansa at matugunan ang suliranin sa kawalan ng
trabaho sa bansa.

You might also like