ibang bansa na hindi dokumentado, walang permit para magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan. TEMPORARY MIGRANTS
2. Ano naman ang tawag sa mga
mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho at manirahan nang may takdang panahon? PERMANENT MIGRANTS
3. Ito ay mga overseas Filipinos
na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang trabaho kundi ang permanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya naman kalakip dito ang pagpapalit ng pagkamamamayan o citizenship. FORCED LABOR, HUMAN TRAFFICKING AND SLAVERY Pagkakataon at panganib ang maibibigay ng migrasyon. Napakalinaw nito sa pagdagsa ng mga migranteng mangagagawa patungong Kanlurang Asya. Sa isang banda, ang mga migranteng manggagawa ay nakapagdadala sa kanilang pamilya ng libo-libong dolyar na remittance. Malaki ang naitutulong nito sa pag-ahon ng kanilang pamilya sa kahirapan, sa pagpapagawa ng bahay, pantustos sa pagpapaaral, at pambayad sa gastusing pangkalusugan-habang nakakatulong sa ekonomiya ng bansang pinagtrabahuhan. Ayon sa tala ng International Labor Organization: - Halos 21 milyong tao ang biktima ng forced labor, 11.4 milyon dito ay mga kababaihan at 9.5 milyonnaman ay mga kalalakihan - Umabot sa 19 na milyon ang biktima ng eksploytasyon ng pribadong indibiduwal at mga kompanya at lagpas sa dalawang milyon naman ng mga rebeldeng grupo - Sa mga biktima ng eksploytasyon, 4.5 milyon ay biktima ng eksploytasyong sekswal - Nakalilikha ng US$ 150 bilyong illegal na kita ang forced labor taon-taon - Malimit na mga migrant workers atindigenous peoples ang nagiging biktima ng forced labor Ang Bologna (bo-LO-nya) Accord ay hango mula sa pangalan ng isang unibersidad sa Italy na University of Bologna kung saan nilagdaan ng mga Ministro ng Edukasyon mula sa 29 na mga bansa sa Europe ang isang kasunduan na naglalayon na iakma ang kurikulum ng bawat isa upang ang nakapagtapos ng kurso sa isang bansa ay madaling matatanggap sa mga bansang nakalagda rito kung siya man ay nagnanais na lumipat dito. Dahil sa kasunduang ito, mabilis na naiaakma ang kurikulum sa hinihinging pagbabago ng industriya bukod pa sa mabilis na paglipat ngmga manggagawa at propesyunal na siyang kinakailangan ng iba’t ibang kompanya at negosyo.