You are on page 1of 1

MIGRASYON

Migrasyon -ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa
maging ito man ay pansamantala o permanente
Ang dahilan ng pag-alis o paglipat ay kalimitang mauugat sa sumusunod
- hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang maghahatid ng masaganang pamumuhay
- paghahanap ng ligtas na tirahan
- panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na matagal nang naninirahan sa ibang bansa
- pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman partikular sa mga bansang industriyalisado
Flow -ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon na
kadalasan ay kada taon
Stock -ay ang bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan
Irregular migrants - ay ang mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado, walang permit para
magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan
Temporary migrants - ang tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles
upang magtrabaho at manirahan nang may takdang panahon
Permanent migrants- ay mga overseas Filipinos na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang trabaho
kundi ang permanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya naman kalakip dito ang pagpapalit ng
pagkamamamayan o citizenship
Migration transition- ay nagaganap kapag ang nakasanayang bansang pinagmumulan ng mga nandarayuhan ay nagiging
destinasyon na rin ng mga manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa
“House husband” kung saan inaako na ng lalaki ang lahat ng responsibilidad sa tahanan pati ang gawain ng isang ina
(kung ang ina ang nangibang bayan o bansa) upang mapangalagaan ang buong pamilya lalo na ang mga anak
Mga Isyung Kalakip ng Migrasyon
Ayon sa tala ng International Labor Organization:
- Halos 21 milyong tao ang biktima ng forced labor, 11.4 milyon dito ay mga kababaihan at 9.5 milyonnaman ay mga
kalalakihan
- Umabot sa 19 na milyon ang biktima ng eksploytasyon ng pribadong indibiduwal at mga kompanya at lagpas sa
dalawang milyon naman ng mga rebeldeng grupo
- Sa mga biktima ng eksploytasyon, 4.5 milyon ay biktima ng eksploytasyong sekswal
- Nakalilikha ng US$ 150 bilyong illegal na kita ang forced labor taon-taon - Malimit na mga migrant workers
atindigenous peoples ang nagiging biktima ng forced labor
HUMAN TRAFFICKING – Ayon sa UN Office of Drugs and Crimes ito ay pag recruit, pagdadala, pagtatago,o pagtanggap
ng mga tao sa pamamagitan ng hindi tamang paraan (dahas, pamumuwersa para sa hindi magandang dahilan
tuladngforced labor at sex exploitation)
FORCED LABOR – isang anyong human trafficking. Ayon sa ILO ang forced labor (forced labour) ay konektado sa mga
sitwasyon kung saan kung saan ang mga tao ay pwersadong pinagtatrabaho sa pamamagitanng dahas o pananakot o
kaya’y sa mas tagong pamamaraan tuladng pagbabaon sa utang, pagtatago ng ID at passport at pagbabantaba ng
pagsusuplong sa immigration
SLAVERY – isang uri ng sapilitang paggawa kung saan itinuturing o tinatrato ang isang tao bilang pagmamay-aring iba.
Inaari ang alipin na labag sa kanilang kaloooban mula ng sila ay nabihag, nabili, at inalisan ng Karapatan na
magbakasyon, tanggihanmagtrabaho o tumanggapng bayad/sahod.
Pag-angkop sa pamantayang internasyunal

BOLOGNA (BO-LO-NYA) ACCORD- ay hango mula sa pangalan ng isang unibersidad sa Italy na University of Bologna kung
saan nilagdaan ng mga Ministro ng Edukasyon mula sa 29 na mga bansa sa Europe ang isang kasunduan na naglalayon
na iakma ang kurikulum ng bawat isa upang ang nakapagtapos ng kurso sa isang bansa ay madaling matatanggap sa mga
bansang nakalagda rito kung siya man ay nagnanais na lumipat dito

WASHINGTON ACCORD - a nilagdaan noong 1989 ay kasunduang pang-internasyunal sa pagitan ng mga international
accrediting agencies na naglalayong iayon ang kurikulum ng engineering degree programs sa iba’t ibang kasaping bansa

- Ang mga nagtapos ng engineering courses sa mga bansanghindi acrredited ay hindi makapagtatrabaho sa mga
bansang miyembro nito tulad ng Australia, Canada, Chinese Taipei, Hongkong, Ireland, Japan, Korea, Malaysia,
New Zealand, Singapore, South Africa, United Kingdom, USA

K-12 CURRICULUM - ipinatupad ang K to12 Kurikulum na naglalayong iakma ang sistema ng edukasyon sa ibang bansa.
Inaasahan ng repormang ito na maiangat ang mababang kalidad ng edukasyon sa bansa at matugunan ang suliranin sa
kawalan ng trabaho sa bansa

You might also like