You are on page 1of 1

Lihim na Pagtingin

Isinulat ni: Jazzten Grace L. Bermudez

Narito ako ngayon,


Lihim kang pinagmamasdan
Umaasang isang araw
Ako na ang tibok ng iyong puso

Ngunit, sino ng aba ako para ‘yo?


Kaibigan? Kaklase?
Kaibigan lang kapag
Kailangan nang kausap?

Sige, ayos lang.


Basta‘t Masaya ka,
Masaya na rin ako.
Hayaan mo nalang akong
Mahalin ka mula sa malayo.

You might also like