You are on page 1of 1

LAGIM NG LA NIÑA SA PALAYAN

Ang La Niña ay pandaigdigang kaganapan ng hindi pangkaraniwang haba ng panahon ng tag-


ulan. Madalas nararanasan ang malamig na temperatura sa karagatang Pasipiko na nagdudulot ng
maikling panahon ng tag-init, madalas at mapaminsalang bagyo maging ng mas malamig na hagupit ng
hangin.
Bunga ng La Niña ang pinaiksing tag-araw na kalaunan ay nagiging sanhi ng mahinang sinag ng
araw sa mga palayan. Dahil dito, humihina ang proseso ng Photosynthesis o ang natural na paraan ng
paggawa ng pagkain ng mga halaman. Resulta nito, ang kakapiranggot na butil sa mga uhay ng palay.
Idagdag pa ang sobrang tubig sa palayan na tulay sa pagataki ng kuhol at mga peste tulad ng Brown
planthoppers, Stemborer, Leaffolder at iba pa. Bukod pa rito, dahil sa babad at malambot na ang tangkay
ng palay ay madali itong mapawi o madapa sa isang hagupit ng hangin. Higit sa lahat ay ang negatibong
epekto ng La Niña sa panahon ng pag-aani. Mas mahirap ang pag-aani at pagpapatuyo ng palay sa
ganitong kalagayan. Ito ay magdudulot ng mababang kalidad ng palay, dahilan upang bumaba ang presyo
ng palay sa merkado.
Sa kabutihang palad, maaaring ibsan ang pinsalang dala ng La Niña sa pamamagitan ng pagpili
ng barayti ng palay. Isa sa pinakamainam na barayti ng palay ang NSIC Rc68 (Sacobia)at NSIC Rc222
(Submarino 1) na mabubuhay kahit ilang araw na nakababad sa tubig. Mainam din na planohin ang petsa
o panahon ng pagtatanim upang maiwasan ang pag-aani sa panahon ng tag-ulan. Makakatulong din ang
pagkumpuni ng pilapil para sa pagdaloy ng malinis o kaya ay sobrang tubig. Maging ang mga puno
nakatanim sa paligid ng palayan ay nakatutulong panangga sa ihip ng hangin. Makakabuti ang paggamit
ng Mechanical Dryer at huwag iasa ang pagpapatuyo ng palay sa araw.
Ano mang kalamidad pangkapaligiran ay hindi kontrolado ngunit ito ay maaring paghandaan
kung disiplina at kooperasyon ang ipapairal.

You might also like