You are on page 1of 3

1. Base sa iyong sariling pananaw, ano ang Edukasyong pangkatawan?

1. Ang Edukasyong Pangkatawan ay isang asignatura na kasama sa kurikulum


mula elementarya hanggang kolehiyo. Isa po itong asignatura na parte ng pag-
aaral ng bawat isang estudyante, dahil sa kahit saan man programa o grade
level ay mayroon nito. Ang edukasyong pangkatawan ay aplikasyon ng mga
itinuturo ng guro, dahil sa asignaturang ito, iba ang ginagawa, hindi tulad ng
nakagisnan ng mga estudyante na nakikinig lang sa guro at nagsusulat,
sumasagot sa recitation, at iba pa pong normal na nakikita sa isang klase.

2. Base sa aking sariling pananaw, ang edukasyong pangkatawan ay binubuo ng


mga ehersisyong pisikal na makakatulong sa ating katawan upang
mapangalagaan ang ating kalusugan. Ang mga ehersisyong ito ay maaaring
magdulot ng positibong epekto tulad ng paglaki ng ating katawan, pagiging
malakas, makaiwas sa sakit at pagkakaron ng tamang hugis.

2. Para sa'yo ano ang importansiya ng edukasyong pangkatawan sa iyong napiling


larangan (Track and Strand in Senior High School)?
1. Bilang isang HUMSS student, mahalaga ang Edukasyong Pangkatawan dahil
karamihan po ng ginagawa namin ay mga essay at iba pa pong uri ng sulatin na
kadalasan o madalas ay ginagawa ng nakaupo. At yung Edukasyong
Pangkatawan ay iba sa mga asignaturang nakagisnan namin, dahil dito ay
nagagamit namin ang aming katawan para matuto ng iba't ibang galaw na
makakatulong sa amin maging "fit".

2. Ang kahalagahan ng edukasyong pangkatawan sa aking napiling larangan na


HUMSS, ay itinataguyod nito hindi lamang ang aking pisikal na pangangatawan
kundi na rin ang panlipunang paglaki ko bilang isang mag aaral. Tumutulong rin
ito upang mapalakas at mapalawak ang aking kaalaman kapag ako ay nasa
labas ng pasilidad ng aking paaralan, tulad ng pakikipag enganyo o sumali sa
rally at anumang kilusang may kabutihang ninanais na kaugnay sa aking
larangan.
3. Ano-ano ang ‘yung mga naging karanasan sa asignaturang pangkatawan?
1. Bilang isang estudyante na naranasan pareho ang face-to-face at online na
pamamaraan ng klase, noong face to face ay naranasan ko nang maglaro ng
iba't ibang sport, mapilayan, at hikain. Ngayon naman pong online class ay tulad
po ng marami, gumagawa po ako ng video na ipinapasa sa aming guro bilang
requirement para sa aming klase.

2. Sa pag aaral ng asignaturang pangkatawan, marami akong naranasan katulad


ng pagsakit ng katawan dahil sa pagkabigla sa mga aktibidad, ngunit
nangingibabaw parin ang masasayang pangyayari dahil dito ko lamang
nailalabas ang aking stress, na tumutulong upang ito ay mabawasan. Dahil sa
mga aktibidad na ibinibigay ay para na rin akong nalilibang habang natututo sa
mga pisikal na ensayo

4. Dumating ba sa puntong nawalan ka ng interest sa asignaturang edukasyong


pangkatawan? Bakit?
1. Opo, lalo na noong panahon na nag-positive ako sa COVID-19 at isa sa
requirement sa amin ang paggawa ng video ng sumasayaw ng cheerdance at ng
sayaw. Para po sa akin ay hindi kami o ako nabigyan ng konsiderasyon para
magpasa nang mas matagal, kaya't naging mahirap po sa akin na gumawa ng
requirement dahil isa po sa lubhang naapektuhan noong ako'y nagka-COVID ay
ang aking paghinga.

2. Opo, dumating na rin ako sa puntong nawalan at tinamad akong mag aral sa
asignaturang edukasyong pangkatawan dahil sa kanilang hindi maayos na
pagtuturo. Tulad ng madalas na pagbigay sa amin ng libreng araw na walang
pasok, madalas na pag papakita ng mga bidyong patungkol sa lektura ngunit
walang pagpapaliwanag, at kawalang pagkamalikhain sa pagturo.

5. Base sa iyong karanasan, ano-ano ang mga pwedeng hakbangin o tunguhin upang
maibalik ang iyong interest sa asignaturang pangkatawan?
1. Para po sa akin, sana po ay mabigyan ng konsiderasyon ang mga estudyante na
mayroon pong medikal na karamdaman, at hindi kayang magawa ang isang
requirement dahil sa iniinda. Isa rin po, ay sana payagan na ulit ang
pagsasagawa ng face-to-face classes, kahit na sa asignaturang ito, para
maibalik na ang sigla ng mga estudyante na pumasok at matutunan ang
aplikasyon ng mga bagay na tinuturo sa PE.

2. Sa tingin ko, upang mabalik ang aking interes sa pag aaral ay mas bigyan nilang
pansin ang kanilang paraan ng pagtuturo. Sa halip na madalas na pagpapanood
ng mga bidyo, maari ring sila ay mag bigay ng kaunting pag papaliwanag upang
sa ganon ay mas lumawak ang aming kaalaman. Maaari ring kami ay paghatiin
sa pangkat na grupo at magbigay ng mga aktibong magpapalakas ng aming
konsentrasyon sa pakikinig. At iba pang pagkamalikhaing nais nilang gawin na
maeenganyo kaming makinig nang mabuti.

You might also like