You are on page 1of 33

Modyul sa PE at Health 5

ELEMENTARYA
Ikatlong Markahan
Fourth Quarte

5
PE and HEALTH- Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – PE and HEALTH
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na
ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Development Team of the Module

PE
Writers
Gilbert G. Ampoan, Teacher 1
Manilyn M. Conopio, Teacher 1
Ma. Pamela O. Lopena, Teacher 1
Pulanlupa Elementary School

Health
Writers:
CAA Elementary School
Menche R. Rada
Sheina P. Majadas
Rosemarie M. Espanilla
Gina C. Ebilane

Validators:
Roger Tesorero – Master Teacher I
Alex Corporal - Master Teacher I

EPS in MAPEH: DR. FATIMA T. YUSINGBO

2
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang PE and Health ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa araling Ikatlong Markahan
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito’y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa PE and HEALTH 5 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa PE AND HEALTH)!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

3
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.
Alamin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
Subukin lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa
Balikan naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo


sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin,
Tuklasin tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa


aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan
Suriin ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at
Pagyamanin mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung
Isaisip anong natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
Isagawa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay Gawain na naglalayong matasa o masukat ang


antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
Tayahin kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
Karagdagang
kasanayan sa natutuhang aralin.
Gawain

4
Alamin
Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa mga mag-aaral. Dito
ay nakapaloob ang mga mahahalagang kaalaman, mga aralin na
makakatulong sa higit na pagkatuto at tuluyang pagkakaintindi sa
nilalaman. Ito ay magagamit sa mga susunod pang aralin sapagkat ito ay
nakabase sa mga aralin na may pagkakatugma sa mga susunod pang pag-
aaralan. Ang mga aralin ay may pagkakasunod na mga ideya upang mas
magkaroon ng higit na motibasyon na pag-aralan sa abot ng makakaya. At sa
huli ay magkaroon ng higit na pagkatuto at tuluyang ma master ito ng higit
pa sa kapasidad na hinihingi. Intindihin lamang mabuti at sa kalaunan ay
higit itong maiintindihan.
Ang Modyul na ito ay hinati sa dalawang bahagi:

● Physical Education
● Health

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:

P.E
• Executes the different skills involved in dance
Cariñosa and Polka sa Nayon
• Give the importance of dance

HEALTH
• Explain the concept of gateway drugs
• Identifies products with caffeine
• Describes the general effects of the use and abuse of caffeine, Tabaco
and alcohol
• Analyzes how the use and abuse of caffeine, tobacco and alcohol can
negatively impact the health of the individual, the family and the
community.
• demonstrates life skills in keeping healthy through the non-use of
gateway drugs
• Follows school policies and national laws related to the sale and use
of tobacco and alcohol.

5
PHYSICAL EDUCATION
Ikatlong Markahan

Aralin
Kahalagahan ng Sayaw
1

Balikan

Sa mga nakaraang yunit, napag-aralan ang tungkol sa Philippine


Physical Activity Pyramid o PPAP. Ang pyramid ay ginagamit bilang batayan
sa pagpili ng mga aktibidad na dapat mong gawin at gabay sa dalas ng
pagsasagawa nito, halimbawa ay ang pag-eehersisyo, paglalaro at iba

Tuklasin

Naranasan niyo ba na ang ginagawa ng grupo sa taas?


Gumagalaw kayo sa entablado o sa malaking espasyo.

6
Suriin
Ang larawan na nakita nyo sa tuklasin natin ay isa sa pinakaepektibong
ehersisyo. Nakatutulong itong mapabuti ang mga sangkap ng kaangkupang
may kinalaman sa kalusugan o mga health related fitness components.
Nililinang din ng ng pagsasayaw ang mga mahahalagang kakayahan tulad ng
balance at koordinasyon ng katawan.
Ang pagsasayaw ay isang ritmong paggalaw ng katawan sa saliw ng
musika. Ito rin ay isang epektibong paraan upang malikhaing maipakita,
maipahatid, at maiparamdam ang emosyon, damdamin, at kaisipan.
Napaparating din ng sayaw ang isang makabuluhang mensahe.
MAGANDANG DULOT NG PAGSASAYAW Ang sayaw ang isa sa mga aktibidad
na nirerekomendang gawin nang tatlo hanggang limang beses sa isang lingo.
Ito ay dahil maraming mabuting dulot ang pagsasayaw sa ating kalusugan.
Ilan sa mga mabuting dulot ng pagsasayaw ay ang sumusunod:

- Cardiovascular endurance
- Pagpapabuti ng stamina
- Pagpapanatili ng tamang timbang

Mas maintindihan ang gamit ng iba’t ibang parte ng katawan kapag


ikaw ay sumasayaw. Nakakatulong din sa pagkakaroon ng magandang
postura ang pagsasayaw.
Ang sayaw ay hindi lang nagbibigay ng benepisyong pangkalusugan.
Nagtuturo din ito ng tamang asal at pakikisama sa kapwa. Ang pagsasayaw
ay kadalasang ginagawa kasama ng isang kapareha o isang pangkat.
Matutuhan mo ang teamwork, kooperasyon, at respeto sa ibang tao.
Magkakaroon ka rin ng pagpapahalaga sa pinakitang sipag at tiyaga ng iyong
kapareha o kapangkat. Naisasabuhay din ng mga mananayaw ang mga asal
tulad ng disiplina at sakripisyo. Katulad ng mga atleta, ang mga propesyonal
na mananayaw ay kailangang magensayo nang ilang oras bawat araw upang
maging magaling sa kanilang kasanayan.

MANATILING LIGTAS
Gaya ng ibang pisikal na aktibidad, kailangan sundin ang mga panuntunang
pangkaligtasan habang sumasayaw upang maiwasan ang aksidente.

Tandaan ang sumusunod:


1. Suotin ang tamang kasuotan gaya ng jogging pants, leggings, jazz
pants, at komportableng shirt upang makagalaw nang Malaya.
2. Siguraduhing may suot na tamang sapatos gaya ng rubber shoes o
dancing shoes. May ilang sayaw na tinatanghal nang walang sapin sa paa.
Tiyaking walang kalat ang sahig.
3. Magsimula sa isang warm up at stretching exercise. Nakatutulong
itong ihanda ang iyong katawan at muscle para sa aktibidad.

7
Huwag kalimutang gawin ang cool down exercise pagkatapos
ng aktibidad ma-relax at makalma ang iyong katawan.
4. Siguraduhing ang lugar ng pagtatanghal ay malawak at walang
nakasagabal na bagay na maaaring magdulot ng pahamak sa mga
mananayaw.

Pagyamanin

Panuto: Isulat sa patlang kung ang isinasaad ng pangungusap ay fact at


bluff naman kung hindi.
1. Nililinang ng pagsasayaw ang mga mahahalagang kakayahan tulad
ng balance at koordinasyon ng katawan.
2. Ang pagsasayaw ay hindi epektibong ehersisyo
3. Ang sayaw ay hindi lang nagbibigay ng benepisyong pangkalusugan,
nagtuturo din ito ng tamang asal at pakikisama.

8
Aralin Pangunahing Posisyon
2 sa Pagsasayaw

Balikan
Ang pagsasayaw ang isa sa pinakaepektibong ehersisyo. Ang
pagsasayaw ay isang epektibong paraan upang malikhaing maipakita,
maipahatid, at maiparamdam ang emosyon, damdamin, at kaisipan. Ang
sayaw ay hindi lang nagbibigay ng benepisyong pangkalusugan,
nagtuturo din ito ng tamang asal at pakikisama.

Tuklasin

PAGSASAYAW

Ano napapansin nyo sa larawan sa itaas? Nakikita nyo na ba ang mga


iba’t ibang tindig sa larawan? Saan niyo ito nakikita? Kaya niyo bang gawin
ang mga tindig na gaya ng nasa larawan?

9
Suriin

Ang katutubong sayaw ay maaaring matutunan ng mga batang Pilipino


sa paaralan. Madalas din itanghal ang mga ito tuwing pista sa pamayanan.
Ang katutubong sayaw ay isang uri ng sayaw na nilikha ng isang pangkat
mula sa iisang komunidad, probinsiya, o bansa. Karaniwang nagpapakita ito
ng kultura, tradisyon, paniniwala at maging sa pang-araw-araw na gawain ng
isang partikular na grupo.
Ang katutubong sayaw ay tinatawag ding etnikong sayaw o tradisyonal na
sayaw. Madalas tinatanghal ang mga katutubong sayaw sa mga pagdiriwang sa
lalawigan o probinsiya.
Ang musika, formation, at kasuotan ay nagkakaiba, depende sa
pinanggalingan, kultura, at tradisyon ng mga lumikha ng katutubong sayaw.
Mayroong mga pangunahing posisyon at galaw para sa mga braso at mga
paa na karaniwan sa mga katutubong sayaw.

A. MGA BRASO
Unang Posisyon
a. Isaayos ang mga bisig at kamay sa harap ng dibdib.
b. Ikurba ang mga bisig nang pabilog habang nakalabas ang mga siko.
c. Panatilihing nakaharap sa iyo ang iyong mga palad.

Pangalawang Posisyon
a. Ibuka nang sabay ang mga bisig at kamay sa iyong tagiliran kapantay ng
iyong mga balikat.
b. Ikurba ang iyong mga bisig.
c. Ang iyong mga palad ay nakaharap paitaas.

Pangatlong Posisyon
a. Itaas ang kanang (kaliwang) bisig na ang iyong palad ay nakaharap sa
baba.
b. Panatilihing nasa pangalawang posisyon ang iyong kaliwang (kanang)
bisig.

Pang-apat na Posisyon
a. Panatilihing nasa pangatlong posisyon ang iyong kanang (kaliwang) bisig.
b. Ilagay ang iyong kaliwang(kanang) bisig sa harap, gaya ng sa unang
posisyon.

10
Panlimang Posisyon
a. Itaas ang iyong mga bisig.
b. Ikurba ang iyong mga bisig at panatilihing nakaharap sa ibaba ang iyong
palad.
B. MGA PAA
Unang Posisyon
a. Tumayo nang magkadikit ang iyong mga sakong (heel).
b. Iposisyon sa labas ang iyong mga daliri sa paa upang magporma itong
letrang V.

Pangalawang Posisyon
a. Ihakbang sa gilid ang iyong kanang (kaliwang) paa habang pinapanatiling
nakaposisyon sa labas ang iyong mga daliri sa paa. Ang iyong mga paa ay
kapantay ng iyong mga balikat.

Pangatlong Posisyon
a. Panatilihin sa dating posisyon ang iyong kanang (kaliwang) paa.
b. Ilagay ang iyong kaliwang (kanang) paa sa arko ng talampakan (instep) ng
iyong kanang (kaliwang) paa.

Pang-apat na Posisyon
a. Panatilihin sa dating posisyon ang iyong kanang (kaliwang) paa.
b. Ihakbang ang iyong kaliwang (kanang) paa pa-diagonal sa harap.
c. Panatilihing nakaposisyon sa labas ang iyong mga daliri sa paa.

Panlimang Posisyon
a. Ilagay ang iyong kanang (kaliwang) paa sa harap ng iyong kaliwang (kanang)
paa.
b. Hayaang nakadikit ang sakong ng iyong kanang (kaliwang) paa sa mga daliri
ng iyong kaliwang (kanang) paa.

Pagyamanin
Hanapin ang sagot sa loob ng kahon.
Pangkat katutubong sayaw lalawigan o probinsiya
1. Ito ay tinatawag ding etnikong sayaw o tradisyonal na sayaw.
2. Tinatanghal ang mga katutubong sayaw sa mga pagdiriwang sa
.
3. Ang katutubong sayaw ay isang uri ng sayaw na nilikha ng isang
mula sa iisang komunidad, probinsiya, o bansa.

11
Aralin
3 Pagsayaw ng Cariñosa

Balikan
Ang pagsasayaw ay isa sa pinakaepektibong ehersisyo. Nakatutulong
ito na mapabuti ang kalusugan. Nililinang din ng pagsasayaw ang mga
mahahalagang kakayahan tulad ng balance at koordinasyon ng katawan. Ang
katutubong sayaw ay isang uri ng sayaw na nilikha ng isang pangkat mula sa
iisang komunidad, probinsiya, o bansa. Karaniwang nagpapakita ito ng kultura,
tradisyon, paniniwala, at maging sa pang araw-araw na gawain ng isang
partikular na grupo.

Tuklasin

CARIÑOSA

Naranasan niyo ba na makapanood ng ganitong sayaw? Naranasan niyo


na bang sayawin ang sayaw na ito? Natalakay niyo na ba ang sayaw na ito sa
Araling Panlipunan?

Suriin
Ang Pilipinas ay may mga pambansang sagisag na nagpapakita ng ating
kultura, tradisyon, paniniwala, at idea. Isa rito ang Cariñosa na tinuturing na ating
pambansang sayaw.

12
Ang salitang “Cariñosa” ay tumutukoy sa pagiging mapagmahal at
malambing. Ang mga ito ang ilan sa mga katangiang Pilipino. Isang courtship
dance ang Cariñosa na nagmula sa Visayas. Gamit ang pamaypay at panyo,
ilan sa mga galaw na makikita sa mananayaw ay ang kanilang taguan sa isa’t
isa at iba pa na nagpapakita ng lambing sa isa’t isa.
Ang kasuotan ng mga babae ay nakasuot ng Balintawak/patadyong o
Maria Clara costume.

Ang kasuotan ng mga lalake ay nakasuot ng Barong Tagalog at pantalong


may kulay.
Ang mga props na gamit sa sayaw ay pamaypay para sa babae at panyo
para sa lalake.
Ang musika ay binubuo ng dalawang parte, A at B. Isa, dalawa, tatlo kada
isang measure ang bilang.
Ang magkapareha ay nakatayong magkaharap sa isa’t isa at magkalayo
nang anim na metro. Ang mga babae nasa kanan ng mga lalaki.

Mga Hakbang sa Pagsayaw ng Cariñosa


Introduksiyon ng Musika
Magkaharap ang magkapareha. Gawin ang isang three-step turn papuntang
kanan upang yumuko sa isa’t isa. Hawak ng mga babae ang kanilang palda
habang nasa baywang ang mga kamay ng mga lalaki.

I. Tatlong Hakbang at Ituro ang Kabilang Paa (Three-step with a Point)


Musika A
II. Pagturo (Pointing) Musika B
III. Magkatalikod (Back-to-Back) Musika A
IV. Taguan sa Pamaypay (Fanning) Musika B
V. Pagluhod at Pagpaypay (Kneeling and Fanning) Musika A
VI. Taguan sa Panyo (Hide and Seek with Handkerchief) Musika B
VII. Lambingan Gamit ang Panyo (Flirting with Handkerchief) Musika A
VIII. Lambingan (Flirting) Musika A

13
Saludo
Gawin ang isang three-step turn pakanan sa iyong puwesto at yumuko sa
isa’t isa. Hawak ng babae ang kaniyang palda habang nasa baywang naman
ang mga kamay ng lalaki.

Pagyamanin

Panuto: Unawain at ibigay ang hinahanap ng pangungusap.


1. Ito ay itinuturing na pambansang sayaw.
2. Ano ang props na ginagamit ng mga babae sa pagsasayaw ng Cariñosa?
3. Ano ang tinutukoy ng salitang Cariñosa?

Aralin Kasanayan sa Pagsayaw ng


4 Polka sa Nayon

Balikan
Ang salitang “Cariñosa” ay tumutukoy sa pagiging mapagmahal at
malambing. Ang mga ito ang ilan sa mga katangiang Pilipino. Isang
courtship dance ang Cariñosa na nagmula sa Visayas. Gamit ang pamaypay
at panyo, ilan sa mga galaw na makikita sa mananayaw ay ang kanilang
taguan sa isa’t isa at iba pa na nagpapakita ng lambing sa isa’t isa.

14
Tuklasin

POLKA SA NAYON

Kung titingnan niyo yung larawan sa ibaba, ano ang napansin niyo?
Ano ang tawag sa kanilang kasuotan? Ano ang kanilang sinasayaw?
Naranasan niyo na bang sayawin ang katulad ng nasa ibabang larawan?

Suriin

Ang Polka sa Nayon ay isang halimbawa ng social dance. Ito ay kilala


bilang isang ballroom polka na nanggaling sa probinsya ng Batangas noong
panahon ng Kastila. Nagpapakita ito ng tamang pakikitungo ng lalaki at
babae sa isa’t isa.
Ang Kasuotan ng babae ay Maria Clara/ Balintawak o Patadyong.
Samantala ang lalaki naman ay Barong Tagalog/ Camisa de chino at itim
o puting pantalon.

15
MARIA CLARA BARONG TAGALOG

Ang musika ay nasa 2/4-time signature at binubuo ng tatlong bahagi: A,


B, at C.
Formation
Ang mga mananayaw ay nakapangkat ng apat na magkakapares sa isang
pormasyong parisukat o maaaring pormasyong nanaisin, sang ayon sa bilang
ng pares o mananayaw.
Karaniwang Termino ng Sayaw
Libreng kamay - ang kamay na walang hawak o hindi ginagalaw
Paa/Kamay na nasa loob - ang paa/kamay na pinakamalapit sa iyong
kapareha
Paa/Kamay na nasa labas- ang paa/kamay na malayo sa iyong kapareha
Close ballroom- magkaharap ang magkapareha; ang kaliwang kamay ng
babae ay nasa kanang balikat ng lalaki; ang kanang kamay ng babae ay
nakapatong sa kaliwang kamay ng lalaki. Hawak ng lalaki ang baywang ng
babae sa kaniyang kanang kamay.
Jaleo- iikot ang magkapareha clockwise (na ang (R) siko ay magkalapit) o
counter-clockwise (na ang (L) siko ay magkalapit) habang naglalakad o
ginagawa ang kahit anong dance step
Karaniwang Dance Step (Step Patterns)

Polka Step-step, close, step, pause


1 at 2 at

16
Heel and toe polka-
heel-place, toe-point, step, close,
1 2 1 1
step, pause
at 2 at
Gallop step- step, cut, step, cut
1 at 2 at

Pagyamanin

Panuto: Basahing mabuti ang talata at ilagay ang tamang sagot sa patlang.
Ang 1. ay isang halimbawa ng social dance. Ito ay kilala
bilang isang ballroom polka na nanggaling sa probinsya ng 2.
noong panahon ng Kastila. Nagpapakita ito ng tamang pakikitungo ng 3.
sa isa’t isa.

Sanggunian:
• Masigla at Malusog na Katawan at Isipan Grade 5
(Aklat ng Mag-aaral)
Photos:

• http://bit.ly/2ZRfLimPolka
• http://bit.ly/35XB59Mpolka
• http://bit.ly/2EgA7drcostume
• http://bit.ly/3ccjYm1barong
Inihanda nina:

• Manilyn M. Conopio (Teacher 1), Ma. Pamela O. Lopena (Teacher 1) at


Gilbert G. Ampoan (Editor - Teacher 1)

17
HEALTH
Ikatlong Markahan

Aralin Pag-iwas sa Gateway


1 Drugs
Competency: Explain the concept of gateway drugs.

Balikan

Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba.

18
Tuklasin
Ang gateway drugs o drogang gateway ay nakahahalina at nakaaakit
gamitin kung kaya’t paulit-ulit na ginagamit o tinitikman hanggang maging
bahagi na sila ng pang-araw-araw na buhay ng isang tao. May mga
substansiyang tinatawag na gateway drug dahil ang paggamit ng mga ito ay
madalas nauuwi sa paggamit ng mas malalakas at ipinagbabawal na droga o
gamot.

Suriin

Ano ang Alcohol?

Ang alcohol ay isang inuming may ethanol. Napabibilang dito ang beer,
alak, tuba, basi, at lambanog. Madalas nagsisimulang uminom ng alcohol ang
tao dahil sa tulak nang nakapaligid sa lipunan Ang iba naman ay
sinusubukang uminom upang panandalian makalimutan ang mga problema.
1.) Ang caffeine ay nakapagdudulot ng kargadong enerhiya subalit kung labis
ang paggamit nito ay makasasama sa kalusugan. Ilang produktong may
sangkap na caffeine ay ang mga sumusunod:
1. Kape 4. Tsokolate
2. Tsaa
3. Energy drink

2.) Ang nikotina ay matatagpuan sa sigarilyo at iba pang produktong tabako.


Ang paulit-ulit na pagsisindi ng sigarilyo ay ginagawa ng ilang kabataan at
matatanda dahil sa epekto ng nikotina na tumatagal ng ilang minuto.
3.) Ang alcohol ay isang inuming may ethanol. Napabibilang ditto ang beer,
alak, tuba, basi at lambanog.
Ano-ano ang mangyayari sa iyo kapag mahilig kang uminom ng kape, tsaa,
at softdrinks?
Ang madalas na pag-inom ng kape, tsokolate, tsaa o softdrinks bagaman
nakapagbibigay ng enerhiya, kapag labis ang pag-inom ay masama sa ating
kalusugan at isipan.

19
Ano-ano ang maidudulot sa ating katawan at isipan ng pag-inom ng mga
inuming may alcohol?
Ang labis ng pag-inom ng inuming may alcohol ay nakasasama hindi
lamang sa sarili, maging sa pamilya at sa komuidad na kinabibilangan.
Ano ang epekto ng nikotina sa taong naninigarilyo?
Ito ay maihahalintulad sa heroin at cocaine o iba pang mapanganib na
droga sapagkat hahanap-hanapin na ng isang tao kapag nasubukan niya itong
gamitin hanggang sa hindi niya namamalayan ang pagkalulong sa bisyo ng
paninigarilyo. Kapag pumaosk ang nikotina sa utak, binabago nito ang natural
na pagproseso ng dopamine. Ang dopamine ay isang neutransmitter na
nagbibigay kaluguran o kasiyahan.

Suriin

Panuto: Ayusin ang letra sa loob ng panaklong upang makabuo ng salita ayon
sa inilalarawan ng parirala. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

1. (icenfaef) ay nakapagdudulot ng karagdagang enerhiya subalit


kung labis ang paggamit nito ay nakasasama sa kalusugan.
2. Ang sigarilyo ay may _ (ktiionan) na nakapagdudulot ng
panandaliang kasiyahan
3. Ang alcohol ay inuming may (eahntlo).
4. Ang (aepk) ay may mataas na sangkap ng caffeine.
5. Ang nikotina ay isang alkaloid na matatagpuan sa halamang
(akaobt)

20
Aralin Mga Substansiyang
2 Ginagamit at Inaabuso
Competency: Identifies products with caffeine

Balikan

Nakikita, nabibili at nagagamit mo ba ang mga produktong ito? Ano ang


pangunahing sangkap ng mga produktong nasa larawan?

Tuklasin

Ano ang Caffeine?

Ang Caffeine ay isang substansiya na nagdudulot ng karagdagang


enerhiya subulit kung labis ang paggamit nito ay nakakasama sa katawan.Ito
ay madaling malagom o matanggap n gating katawan.Mabilis at derikta ang
epekto nito sa utak,pag-iisip at hindi naiipon sa dugo o naitatago sa katawan
ng tao.

21
Suriin
Ang labis na paggamit ng mga produktong may caffeine ay nakapagdudulot
ng iba”t ibang karamdaman at panganib sa ating katawan.

Gumamit lamang sa moderasyong paraan ng mga produktong may caffeine


kung hindi ito maiiwasan.

Maging maingat at mapanuri sa mga produktong ginagamit.

Mga produkto nagtataglay ng caffeine, kape, softdrinks, tsaa, energy


drinks, kendi, cereal syrup, at chewing gum

.
Pagyamanin

A. Kilalanin ang mga produktong


Nagtataglay ng caffeine na nasa
larawan.
Isulat ang inyong sagot sa
extrang papel.

22
Epekto ng Sobrang
Aralin Paggamit ng mga
Drogang Gateway
3 Competency: Analyzes how the use and abuse of
caffeine, tobacco and alcohol can negatively impact
the health of the individual, the family and the
community.

Balikan
Sa araling ito, ay tatalakayin ang masamang epekto ng paggamit ng
mga gateway drugs, katulad ng mga produktong may sangkap ng caffeine,
paninigarilyo at pag-inom ng alak.

Tuklasin

Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba.

Suriin
Mga Epekto ng Caffeine sa Katawan ng Tao
1. insomia o hirap sa pagtulog
2. pagiging nerbyoso
3. hindi mapakali
4. pagiging irritable o madaling mainis
5. paghilab ng tiyan
6. mabilis na pagtibok ng puso
7. panginginig ng kalamnan
8. sobrang sakit ng ulo
9. madalas ng pag-ihi
Ang Pag-inom ng cola o soft drinks at pagkain ng tsokolate sa dakong gabi ay
nakapagdudulot ng insomnia o hindi pagkatulog.

23
Mga Epekto ng Paninigarilyo sa Katawan ng Tao
1. sakit sa baga tulad ng bronchitis at emphysema
2. matinding ubo at sipon
3. kanser sa baga , bibig at lalamunan
4. atake sa puso , stroke at altapresyon
5. pagkalagas ng buhok
6. pangungulubot ng balat dahil sa pagkawala ng protina
7. pagakawala ng pandinig
8. katarata {cataracts}
9. Pagkabulok ng ngipin
Ayon sa pag-aaral ang mga taong maagang nagsimula sa paninigarilyo ay mas
maikli ang buhay kaysa sa mga taong hindi sinubukan at hindi natutong
manigarilyo.

Epekto ng Alkohol sa Katawan ng Tao


Panandalian
❖ Nahihirapang umunawa at Magpasya
❖ Nahihirapang magsalita
❖ Nawawalan ng balance sa katawan
❖ Pananakit ng ulo at katawan
❖ Pagkakaroon ng aksedinte sa lansangan
Pangmatagalan
❖ Pagkakaroon ng sakit sa atay (liver- failure)
❖ Pagkasira ng brain cells
❖ Pagkakaroon ng maraming asido na sanhi ng pagkasugat sa loob
ng tiyan na maaaring mauwi sa pagdurugo
❖ Nagdudulot ng highblood at sakit sa puso
❖ Nagdudulot ng high epilepsy, obesity at sakit sa balat

Pagyamanin
A. Isulat sa nakalaang patlang ang EPP kung ito ay epekto ng paninigariyo at
EPC kung epekto ng caffeine.

1. Insomnia o hirap sa pagtulog

2. Kanser sa baga, bibig, at lalamunan

3. pangungulubot ng balat dahil sa pagkawala ng protina

4. paghilab ng tiyan

5. Pagkawala ng pandinig

24
B. Isulat sa sagutang papel amg maaring maging epekto ng mga sumusunod na
sitwasyon.

1. Lasing si Mark dahil galing siya sa kaarawan ng kaibigan niya ngunit


pinilit pa rin niya ang kanyang sarili na magmaneho ng kanyang sasakyan
2. Mahilig uminom ng beer ang kuya ni Marie. Umaga pa lang ay umiinom na
ito at halos araw-araw ay lasing.
3. Nagkaroon ng sakit sa atay si Dennis dahil malakas uminom ng alak. Ang
kapatid din niya ay malakas din uminom.
4. Mahilig mag-inuman at manigarilyo ang mga magulang at nakakatandang
kapatid ni Leo sa kanilang bahay sa harap at sa isa pang batang kapatid.

Epekto ng Sobrang
Aralin Paggamit ng mga
Drogang Gateway
4 Competency: Analyzes how the use and abuse of
caffeine, tobacco and alcohol can negatively impact
the health of the individual, the family and the
community

Balikan
Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba.

Madalas nating marinig at mapanood ang masasamang epekto ng paninigarilyo at


pag inom ng mga inuming may alcohol. Gayunpaman, bakit maraming tao ang
patuloy na gumagamit nito? Bakit maraming kabataan ang natutuksong subukan
ito upang kalauna’y malulong sa masamang bisyong ito?

25
Tuklasin
Ang caffeine, tabako, at alcohol ay naglalaman ng mga sangkap na nakahahalina
kaya’t maraming nalululong sa paggamit ng mga ito. Ang pag-aabuso o labis na
paggamit ang kalusugan.

Suriin

MGA EPEKTO NG GATEWAY DRUG

1. CAFFEINE- Ayon sa mga eksperto, ang katamtamang konsumo ng kape (200


hanggang 300 milligrams, mga dalawa hanggang apat na tasa) ay hindi
nakakaapekto sa kalusugan ngunit ang malakas na pagkonsumo
nito (400 milligrams at mas mataas pa, mga apat pataas na tasa) ay
nagdudulot ng hindi kanaisnais na mga sintomas tulad ng mga sumusunod:
● Insomnia o kahirapan sa o kakulangan ng tulog
● Nerbyos
● Pagkabagabag
● Pagkairita
● Pangangasim ng sikmura o gastroenteritis
● Mabilis na pagtibok ng puso
● Pangangatog ng kalamnan o muscle tremors
● Depression
● Nausea o pagkaduwal
● Madalas na pag-ihi
● Pagsusuka

2. NICOTINE SA TABAKO- Ang nicotine ay matatagpuan sa sigarilyo at iba


pang produktong tabako. Ang bawat piraso ng sigarilyo ay tinatayang may 1
mg nicotine.
Sakit na dulot ng paninigarilyo ay ang mga sumusunod:
● Sakit sa baga tulad ng bronchitis at emphysema
● Matinding ubo at sipon
● Kanser sa baga, bibig, at lalamunan
● Atake sa puso, stroke, at altapresyon
● Pagkalagas ng buhok
● Katarata
● Pagkabulok ng ngipin
● Pagkawala ng pandinig

3. Alkohol – isang inuming may ethanol. Napapabilang ditto ang beer, alak,
tuba, basi at lambanog.

26
Epekto ng sobrang pagamit ng alcohol:
● Pagkakaroon ng sakit sa atay (liver-failure)
● Pagkasira ng brain cells
● Nagdudulot ng highblood at sa sakit sa puso
● Pagkasira sa lapay
● Nagdudulot ng epilepsy, obesity, at sakit sa balat.
● Pagkakaroon ng aksidente sa lansangan

Pagyamanin
PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano ang epekto ng pag-inom ng alak sa katawan?

2. Ano ang pangunahing gawain ng atay sa ating buong katawan?

Pagsasanay 2:
Isulat ang C kung ang tinutukoy ay epekto ng caffeine, A kung alcohol, at N kung
epekto ng nikotina.

1. Pagkakaroon ng bukbok na ngipin dahil sa sobrang plaka (plaque)


2. Sakit sa atay (liver failure).
3. Pangungulubot ng balat dahil sa pagkawala ng protina.
4. Pagkawala ng balance sa katawan.
5. Pagiging nerbiyoso.

27
Pagpigil at Pag-iwas sa
Aralin Pang-aabuso ng Drogang
5 Gateway
Competency: Demonstrates life skills in keeping
healthy through the non-use of gateway drugs

Balikan
Pag-aralan ang larawan sa ibaba.
Saan ka man pumunta -sa mall, sa sari-sari store, o sa palengke
–makakabili ka ng makakabili ka ng softdrinks, tsokolate, kape,
sigarilyo, at alak. Sa Pilipinas, ipinagbabawal ng batas ang
pagbebenta ng sigarilyo at alak s mall, sa sari-sari store, o sa
palengke – maa mga batang wala pang 18-taong gulang. Kaya
naman may mga bataang madaling nakabibili ng mga
produktong may sangkap na nakalululong lalo na at nabibili ang
mga ito sa murang halaga.

Tuklasin
May mga kasanayan sa ating buhay na dapat nating paunlarin upang
mapaglabanan natin ang mga mapang-akit at nakalulong na droga sa ating
kapaligiran. Ano-ano ang mga ito?

Suriin
1. Pag-iwas o Pagtanggi sa mga Masamang impluwensiya (Resisting Temptations
and Bad Influences)
Makakamit moa ng iyong pangarap kapag marunong kang tumanggi sa mga
nakasisira sa iyong kalusugan at sagabal sa pagtupad ng iyong pangarap. Hindi
lahat ng ng inaalok o ibinibigay sa iyo ng iyong kaibigan ay makabubuti sa iyo.
2. Mabuting Pagpapasya o Paggawa ng Matitinong Desisyon (Sound Decision-
making)
Ang paggawa ng desisyon ay pinag-iisapang mabuti upang magkaroon ng
matalinong pagpapasya na makabubuti sa ating sarili, kapamilya, at sa ating
kapwa.
3. Komunikayon o Pakikipag-usap (Communication)
Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapadala o pagtatanggap ng
mensahe na maaaring pasalita o pakilos sa mga taong kausap.
28
Ang pagkakaroon ng epektibong pakikipag-usap ay nangangailangan ng
karanasang pagkatuto sa pamamagitan ng pagmamasaid, pagsasanay at
pagbibigay o paghingi ng puna sa iba. Ang epektibong pakikipag-usap ang
nagiging solusyon upang mabawasan ang mga taong nahuhumaling sa paggamit
ng drogang gateway sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng masamang idudulot
sa kanila ng mga ito.

4. Paggigiit (Assertiveness)
Ito ay pagpapahayag ng sariling karapatan, ninanais sa buhay at
pagpapahalaga sa karapatan o pananaw sa buhay ng kapwa. Ito rin ay pakikinig
sa pahayag ng iba at pagsasabi ng pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon hinggil sa
napakinggan.

May mga iba’t ibang batas ang ating bansa upang pangalagaan an gating
mga karapatan bilang mamamayan. Isa na rito ang Btas Republika 9211, higit na
kilalal sa taguriang Tobacco Regulation Act of 2003. Ito ay batas ukol sa pagkontrol
sa paggamit ng mga produktong tobako na ipinagtibay upang isulong ang
pagkakaroon ng isang kapaligirang nakabubuti sa kalusugan, palaganapin ang
impormasyon tungkol sa masasamang epekto ng paninigarilyo, ilayo ang kabataan
sa bisyo ng paninigarilyo at iba pa.

Sa ilalim ng Seksiyon 5 ipinagbabawal ng batas na ito ang paninigarilyo sa


mga pampublikong lugar gaya ng:
a. Sentro ng aktibidad ng mga kabataan kagaya ng playschool, preparatory
school, mababa at mataas na paaralan, kolehiyo at unibersidad, youth
hostel, at mga lugar na pinaglilibingan;
b. elevator at stairwell;
c. mga pook na maaaring maging sanhi ng sunog ang sigarilyo tulad ng gas
station at tindahan ng mga flammable liquid;
d. pampubliko at pampribadong osiptal, medikal, dental, at optical clinic,
health center, nursing home, dispensary, at mga laboratoryo.
e. airport, terminal ng barko, istasyon ng bus at tren, restaurant at
conference hall, maliban sa mga lugar para sa paninigarilyo; at
f. lugar na pinaghahandaan ng pagkain.

Sa ilalim ng Seksiyon 6 isinasaad ang ibang lugar na bukas para sa publiko


gaya ng mga gusali at pook paggawa ay nararapat na magkaroon ng non-smoking
at smoking area. Ang smoking at non-smoking aeas ay dapat magkaroon ng mga
simbolo na Smoking Area at Non-smoking Area o No Smoking.

Sa ilalim ng Seksiyon 10 nakapaloob ang pgbabawal ng pagtitinda ng


sigarilyo sa mga lugar na malapit sa paaralan at pampublikong palaruan.
Kailangang ito ay nasa layong 100 metro o higit pa sa mga nasabing lugar.

29
Pagyamanin
Sagutin:
1. Ano-ano ang mga dapat nating paunlarin upang mapaglabanan natin ang
mga mapang-akit at nakalulong na droga sa ating kapaligiran?

Pagpigil at Pag-iwas sa
Aralin Pang-aabuso ng drogang
Gateway
6 Competency: Follows school policies and national
laws related to the sale and use of tabacco and
alcohol.

Balikan
Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba.

1. Saan ka man pumunta -sa mall, sa sari-sari store o sa palengke makakabili ka


ng kape, sigarilyo at alak.
2. Paano maiiwasan ang paggamit ng drogang gateway? Paano ka makatutulong
sa pagpigil sa pag aabuso ng mga nakalululong na droga?

30
Tuklasin

Sa Pilipinas, ipinagbabawal ng batas ang pagbebenta ng sigarilyo at alak sa


mga batang wala pang 18-taong gulang. Subalit, hindi ganap na naipatutupad lalo
na sa maliliit na tindahan o mga naglalako sa kalye. Kaya naman may mga batang
madaling nakakabili ng mga produktong may sangkap nakalululong lalo na at
nabibili ang mga ito sa murang halaga.

Suriin

May iba’t-ibang batas ang ating bansa upang pangalagaan ang ating mga
karapatan bilang mamamayan. Isa na ditto ang Batas Republika 9211, higit na
kilaa sa taguring Tabacco Regulation Act of 2003. Ito ay ang batas ukol sa
pagkontrol sa paggamit ng mga produktong tabako na ipinagtibay upang isulong
ang pagkakaroon ng isang kapaligirang nakabubuti sa kalusugugan, ilayo ang
kabataan sa bisyo ng paninigarilyo at iba pa.
Seksyon 5- ipinagbabawal ng batas na ito ang paninigarilyo sa mga pampublikong
lugar gaya ng:
a. Sentro ng aktibidad ng mga kabataan kagaya ng playschool, preparatory
school, mababa at mataas ng paaralan, kolehiyo at unibersidad.
b. Elevator at stairwell
c. Gas station at tindahan ng mga flammable liquid
d. Pampubliko at pampribadong ospital, medical, dental at optical clinic, health
center, nursing home, dispensary, at mga laboratoryo
e. Airport, terminal ng barko, istasyon ng bus at tren, restaurant at conference
hall
f. Lugar na pinaghahandaan ng pagkain

Seksyon 6- isinasaad ang ibang lugar na bukas para sa publiko gaya ng mga gusali
at pook paggawa ay nararapat na magkaroon ng non-smoking at smoking area. Ang
smoking at non-smoking areas ay dapat magkaroon ng mga simbolo na smoking
at non-smoking o no smoking.
Seksyon 10- nakapaloob ang pagbabawal ng pagtitinda ng sigarilyo sa mga lugar
na malapit sa paaralan at pampublikong palaruan. Kailangang ito ay nasa layong
100 metro o higit pa sa mga nasabing lugar. Nakasaad din sa batas ang
pagbabawal sa mga menor de edad o mga indibidwal edad 18 pababa, sa pgbili,
paghithit ng sigarilyo at iba pang produktong tabako.

31
Pagyamanin

Pagsasanay 1:
PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Bakit nailikha at naisabatas ang Batas Republika 9211

2. Ano ang nakasaad sa Batas Republika 9211?

Pagsasanay 2

1. Bilang isang mag -aaral, paano mo maiiwasan ang paggamit ng drogang


gateway?

2. Paano ka makatutulong sa pagpigil sa pag aabuso ng mga nakalululong na


droga?

32

You might also like