You are on page 1of 20

1

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 5:
Naisasagawa ang mga Gawaing
Nakapagdulot ng Kasiyahan at
Pagkakabuklod sa Pamilya Tulad ng
Pagsama-sama sa Pagkain at
Pagdarasal
Edukasyon sa Pagpapakato – Unang Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan 1 – Modyul 5: Pagkakaisa sa Aking Pamilya, Sa Hapag-kainan at
Pagdarasal!
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Felisa B. Fernanadez, Charity Vera O. San


Editors: Alejandro A. Corre, Joene O. Dela Cruz, Lyme S. Arellano, Bernadette M. Angel
Tagasuri: Yusof A. Aliudin, Agabai S. Kandalayang, Mary Joy D. Bautista,
Mary Anne A. Barrientos
Tagaguhit: Felisa B. Fernanadez, Charity Vera O. San
Tagalapat: Maria Fe C. Linao, John Clyde A. Cagaanan
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Tagapamahala: Allan G. Farnazo – Regional Director
Fiel Y. Almendra – Assistant Regional Director
Isagani S. Dela Cruz - Schools Division Superintendent
Natividad G. Ocon - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Cynthia G. Diaz - REPS – Edukasyon sa Pagpapakatao
Elpidio B. Daquipil - CID Chief
Juvy B. Nitura – Division EPS in Charge of LRMS
Marcelo B. Bocatera - Division ADM Coordinator
Edmund A. Rosete Sr. - EPS – Edukasyon sa Pagpapakatao

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of


Telefax: Koronadal (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi
na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang
mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag- aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon
ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang
mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit
ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paara

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyong


kaalaman at pagkatuto sa mga aralin upang umunlad
at lumago ang iyong natatanging kakayahan o
potensyal na maisagawa nang may pagmamahal at
pagmamalasakit ang anumang kilos at gawain na
magpapasaya at magpapatibay sa ugnayan ng mga
kasapi ng pamilya.
Ang mga gawaing nasa modyul ay pinadali para
lubos mong maunawaan ang iyong leksyon.

Most Essential Learning Competencies

1. Nakakikilala ng mga gawaing nagpaapkita ng


pagkakabuklod ng pamilya tulad ng:

- pagsasama-sama sa pagkain.
- pagdarasal
(EsP1PKP-Ig-6)

Sa araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang:


1. Naisasagawa ang mga gawaing nakapagdulot
ng kasiyahan at pagkakabuklod sa pamilya
tulad ng:
o pagsama-sama sa pagkain
o pagdarasal

1
Subukin

Panuto: Tingnan at suriin nang mabuti ang larawan.


Sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik ng iyong sagot
sa kuwadernong panggawain.

1.Anong magandang asal ang ipinakita ng mag-anak


sa larawan?
A. nag-aaway sa hapag-kainan
B. naglalaro sa harap ng pagkain
C. sabay-sabay na kumakain

2. Alin sa mga sumusunod ang mabuting gawain


ang ipinakita ng pamilya?
A. nagmamahalan
B. nagkakatampuhan
C. nagkakanya-kanya sa pagkain

3. Anong kaaya-ayang kilos ang ipinakita ng bawat


kasapi ng mag-anak sa hapag-kainan?
A. hindi kakain dahil hindi nagustuhan ang ulam
B. masayang pinagsasaluhan ang pagkain
C. hindi nagkikibuan sa harap ng pagkain

2
4. Alin ang magandang maidulot ng sama-sama sa
hapag-kainan ng buong pamilya?
A. hindi pagkakaunawaan ng pamilya
B. pagkakahiwalay ng pamilya
C. pagkakabuklod ng pamilya

5. Ano ang gagawin bago kumain?


A. Magdasal
B. magkwentuhan
c. makipagsabunutan

Balikan

Panuto: Suriin ang bawat larawan, isulat ang tama kung


ito ay nagpapakita ng tamang asal sa tahanan at
isulat ang mali kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa
kuwadernong panggawain.
1.

2.

3
3.

4.

5.

4
Tuklasin

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang tula dahil


sasagutin mo ang mga tanong kasunod nito.

Sa Hapag-kainan
ni: Felisa B. Fernandez

Huwaran ang pamilyang nanalangin


Bago at pagkatapos kumain
Iniiwasan nilang papaghintayin
Sa mesa ang biyayang nakahain

Ang mag-anak na salu-salo sa pagkain


Uliran ng mabuting pagtingin
Pagmamahal at pagkakaisa
Ipinadarama sa tuwina

1.Anong magandang gawain ang ipinakita ng mag-


anak sa tuwing nakahain na ang pagkain sa mesa?

2.Anong ang magandang ugali ang kanilang


ipinapakita bago at pagkatapos kumain?

3.Paano naipakita ang pagkakabuklod-buklod ng


pamilya sa gitna ng hapag-kainan?

5
Suriin

Panuto: Isulat ang tsek (/) kung tamang asal ang


ipinapakita sa harap ng hapag-kainan na nagpapasaya
sa pamilya ekis (x) kung ito ay hindi. Isulat ang iyong
sagot sa kuwadernong panggawain sa EsP.

1.

2.

3.

4.

6
5.

Tandaan

Ang pagsabay-sabay na pagkain ng buong pamilya


ay nagpapatibay ng relasyon ng bawat isa. Kasiyahan
ang nadarama ng mga magulang kapag kompleto
ang buong mag-anak sa harap ng hapag kainan.
May mga gawain na dapat ipagpatuloy at iwasan sa
tuwing nakahanda na ang pagkain sa mesa.
Ito ay mga sumusunod:
1. Sama-samang manalangin bago kumain.
2.Sabay-sabay na kumain.
3.Iwasang papaghintayin ang pagkain sa mesa.
4.Iwasan ang pakikipag-away o pagbabangayan sa
harap ng pagkain.

7
Pagyamanin

Gawain 1: Iguhit mo!

Panuto: Gumuhit ng pagkatapos ng bilang kung sa


palagay mo ito ay tama at kung sa palagay mo
ay hindi tama. Isulat ang iyong sagot sa kwadernong
panggawain.

1. Manalangin muna bago kumain.

2. Kumain kahit anong oras mo gusto


ng makaiwas sa gulo.
3. Pumunta agad sa hapag-
kainan kapag tinawag ng
magulang sa hapag-kainan.
4. Hindi pagbigay ng ulam at
pagiging madamot sa kapatid
5. Kumain ng kanya-kanya upang
mabusog ng husto.

8
Gawain 2: Sundin ang Dapat!

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Piliin at isulat ang titik


ng tamang sagot sa inyong kuwadernong panggawain.

1. Anong magandang gawain ang dapat


ipinapakita ng mag-anak?

A. laging nag-aaway
B. sama-samang nagdarasal
C. nagkanya-kanya sila sa pagdarasal

2. Paano mapahahalagahan ng isang pamilya ang


kanilang pananalig sa Diyos?

A. sabay na nagdarasal ng taimtim


B. nagbabangayantungkolsakanilang
paniniwala sa Diyos.
C. Hindi na kailangang magdasal dahil
mayaman na ang pamilya.

3. Anong mabuting ugali ang dapat ipakita ng mag-


anak?
A. Masipag
B. maka-Diyos
C. mayabang

4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng


pagpapahalaga ng panalangin sa pamilya?

A. sumasabay sa mga gawaing panrelihiyon


B. labag sa loob ang pagsabay sa pagdarasal
C. nagkunwaring maysakit sa oras ng pagdarasal

9
5. Anong magandang maidudulot ng sama-
samang pagdarasal?

A. magkawatak-watak ang pamilya B.


lalong naging magulo ang pamilya
C. Lalong tumitibay ang pagsasama ng buong
pamilya.

Isaisip

Gawain 1:

Panuto: Pag-aralan ang mga pahayag at isulat sa


kwadernong panggawain kung paano mo
maisasagawa ang kasiyahan at pagkakabuklod
sa pamilya sa panahon ng pagkain.

1. Gutom na gutom ka na pero magdarasal pa


muna bago kumain. Ano ang iyong gagawin?

2. Tinawag ka ng iyong nanay upang kumain na


peru naglalaro pa kayo ng iyong kaibigan.
Ano ang magiging tugon mo?

3. May nag-iisang hiwa nalang ng manok sa


hapag-kainan. Nakita mong gutom pa ang
iyong nakakabatang kapatid. Ibibigay mo ba
ito?

10
4. Kumakalam na ang iyong sikmura at gusto
munang kumain. Hindi ka makakuha ng ulam
dahil tinawag pa ang iyong lolo para sabay-
sabay na kayong kumain. Hihintayin mo ba
nag lolo mo sa pagkain?

5. Nakaaway mo ang iyong kuya at kaharap mo


siya sa hapag-kainan. Wala kang ganang
kumain dahil sa kanya. Ano ang gagawin mo?

Gawain 2:

Panuto: Isulat ang Tama kung ang mga sumsunod na


pahayag ay nagpapakita ng pagkakabuklod ng
pamilya sa pamamagitan ng pagdarasal at Mali
naman kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong
kwadernong panggawain.

1. Nagpapasalamat ang pamilya ni Mia sa biyayang


natatanggap nila araw-araw.

2. Kami ay nagsisimba tuwing Linggo upang


magpasalamat sa Panginoon.

3. Nag-aaway ang magkapatid habang nagdarasal.

4. Nagdarasal ang mag-anak bago kuamain ng


agahan.

5. Hindi sumasama si Roy sa kanyang magulang


kung sila ay nagsisimba.

11
Isagawa

Panuto: Iguhit ang ( ) kung ang larawan ay


nagpapakita ng kasiyahan at pagkakabuklod sa
pamilya sa panahon ng pagkain at pagdarasal ( )
kung hindi. Ilagay ang iyong sagot sa kwadernong
panggawain.

1.

2.

3.

12
4.

5.

Tayahin

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong. Piliin at


isulat ang titik ng tamang sagot sa kuwadernong
panggawain.

1.Alin sa mga gawain ang nagpapakita ng kasiyahan


sa mag-anak sa panahon ng pagkain sa hapag-
kainan?
A. Pagpapaubaya sa lahat ng mga gawain.
B. Sama-sama at sabay-sabay kumain sa
hapag-kainan.
C. Pag-aaway sa hapag-kainan.

13
2. Tinawag ka na para kumain, kaya lang hindi pa tapos
ang pinapanood mo sa TV. Ano ang gagawin mo?
A. Magbingi-bingihan sa tawag ng ina para kumain.
B. Mas uunahin ang pinapanood sa T.V.
C. Sasabay sa pamilya sa pagkain.

3. Nais mong kumuha ng kanin pero ito’y malayo


sa iyo. Ano ang sasabihin mo?
A. Hoy! Kanin nga.
B. Kanin! Dalian mo.
C. Pakiabot nga po ng kanin.

4. Alin sa mga sumusunod ang magandang katangian


na dapat taglayin mo?
A. Sumasabay sa mga magulang sa araw ng
pagsisimba
B. Nakipaglaro sa kapatid habang nagdarasal ang
mga magulang.
C. Kumuha na ng pagkain kahit nagdarasal pa.

5. Gusto mong sumama sa paglalaro sa iyong mga


kaibigan ngunit sinabihan ka ng tatay mo na sumali sa
«prayer meeting» sa inyong tahanan, ano ang
gagawin mo?
A. Umiyak dahil ayaw ka nilang payagan.
B. Umalis na lang kahit alam mong magagalit sila.
C. Sumali muna sa «prayer meeting» at sabihan ang
mga kalaro mo na pupunta ka na lang
pagkatapos.

14
Karagdagang Gawain

Panuto: Kung ikaw ang batang nasa Komik strip,


Ano ang tungon mo ukol dito? Isulat ang sagot sa
kwadernong panggawain.

Mga anak hali na


at tayo ay kakain
na.

15
Susi sa Pagwawasto

C .5 5.

A .4 4.
C .3 3.

C .2 2.
.1
B .1
na .po Tayahin
suusnod
Opo,

Mali.5
Karagdagang Gawa
Tama.4

.5 Mali.3
C.5
.4 Tama.2
A.4
.5 Tama.1
B.3 .3
4. Gawain 2
A.2 .2 pagkatapos.
.1 .3
B.1 iyong kuya at kumain
Humingi ng paumanhin sa .5
Gawain 2 Gagwain 1 2. Hintayin si lolo na .dumating .4
Ibigay ang natirang .ulam .3
Pagyamanin .1 kumain na.
Tumigil sa paglalaro at .2
Suriin .pagdadasal
Maghintay na matapos ang .1
A .5 Mali .5 Gawain 1
C .4
Tama .4
B .3 Isaisip
A .2 Tama .3
C .1 Tama .2
Mali .1

Subukin Balikan

Sanggunian
2020. Most Essential Learning Competencies ESP 1.
Teresita M. Anastacio, Gloria M. Cruz, April Ann M. Curugan, Anna
Cristina Nadora, Jennifer Quinto, Rubie Sajise. 2012. Edukasyon
sa Pagpapakatao 1 Tagalog, Kagamitan ng Mag-aaral .
16
—. 2012. Edukasyon sa Pagpapakatao 1 Tagalog, Patnubay ng
Guro.
16
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most
Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng
bawat mag-aaral ng SOCCSKSARGEN Region simula sa taong
panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod
naming hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at
rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education –
SOCCSKSARGEN Learning Resource
Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like