You are on page 1of 5

Learner Activity Sheet (LAS)

FILIPINO 11
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Pangalan: _____________________________ Lebel: __________________


Seksiyon: _____________________________ Petsa: __________________

4. Tekstong Naratibo
Pamagat

Panimula (Susing Konsepto)

Manood ng isang balita sa segment ng 24 oras hinggil sa “pandemyang COVID 19”.


Ito ang link ng nasabing balita (https://www.youtube.com/watch?v=Js45Yv4RA6I).
Matapos mo itong panoorin, sagutan ang mga gabay na tanong.

Mga gabay na tanong:


1. Magbigay ng sariling interpretasyon hinggil sa napanood na balita?
2. Paano nakaapekto sa mga mamamayan ang nasabing balita?

Dekada ‘70
Kailan? Paano?

Mga gabay na tanong:


1. Kailan naganap ang nasabing rehimen?
2. Paano nagkaroon ng makasaysayang kaganapan sa nasabing dekada?

A. Paghawan ng sagabal
Hanapin sa Hanay B ang malapit na katuturan ng mga salita sa Hanay A

Hanay A Hanay B

1.PANGONGOLONYA A. Babaeng may lakas sa lipunan


2.PAGKAKAKILANLAN B. Pagpapakita ng palabas sa nais
3. DEMONSTRASYON iparating sa tiwaling gobyerno
4.FEMINISTA C. Pakikibaka sa nais makamit
5.WELGA D. Pananakop ng malakas na bansa sa
mahinang bansa.
E. Salamin ng pagkatao
Ang Tekstong Naratibo/Nareyson(Katangian at Kahulugan)
Teksto Kahulugan Katangian
Isang teksto kung ito ay Sumasagot sa tanong na
1. Nareysyon naglalahad ng mga paano at kailan.
mahahalagang
impormasyon

Naratibo Naglalahad ng Nagkukuwento sa mga


magkakasunod-sunod na pangyayari, gumagamit
pangyayari, o simpleng ng una at ikatlong
nagsasalayasay panauhan.

Pagbabasa sa Buod ng nobelang Dekada ‘70

Ang Dekada '70


Ni: Lualhati Bautista
(Dekada '70: Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon), ay isang nobelang Pilipino na
isinatitik ni Lualhati Bautista. Ito ay isang tekstong nakapaloob sa nareysyon dahil sa
paglalahad ng mga mahahalagang impormasyon noong Dekada ’70 na may kaugnayan sa
mga pangyayari sa buhay ng isang pamilyang nahagip sa kalagitnaan ng mga magulong
dekada ng 1970. Isang konsepto na bumalik sa panongolonya ng mga malalaking bansa
noon subalit ang kaibahan nito ay mismong administrasyon ang naging mapaniil sa mundo
ng mga tauhan Tinatalakay nito ang pagkakakilanlan ng isang mag-anak kung paano
nakibaka na nasa gitna ng antas ng lipunan, at kung paano nila hinarap ang mga pagbabago
na nagbigay ng kapangyarihan upang bumangon laban sa pamahalaang Marcos.
Naganap ang sunod-sunod na mga pangyayari matapos ang pagbomba ng Plasa
Miranda noong 1971, ang pagkitil sa Batas ng Habeas Corpus, ang pagpapatupad ng Batas
Militar at ang walang ano-anong pagdakip sa mga bilanggong pampulitika. Nawalan ng
katiwasayan ang mga mamamayan dahil sa paniniil ng rehimeng Marcos at dahil doon
nagbunsod ng maraming welga at demonstrasyon ang mga kabataan na nag-aaral sa mga
kilalang Pamantasan. Napagmasdan ng babaeng katauhan na si Amanda Bartolome bilang
feminist ang katangiang ito ay nagpakita ng mga pagbabago sa mga kababaihan na
humubog sa dekada. Ina ng limang anak na lalaki si Amanda Bartolome.
Habang nagsisilaki at nagkaroon ng sari-sariling mga paniniwala, pananaw at
buhay ang mga anak na lalaki ni Amanda, itinaguyod naman ni Amanda ang kaniyang
pagkakakilanlan bilang isang mamamayang Pilipino, ina at babae. Ibinungad ng Dekada '70
sa bagong salinlahi ng mga mambabasang Pilipino ang salaysaying ng isang mag-anak na
nasa isang partikular na panahon sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang nakahihikayat na
katangian ng nobela ay nakasalalay sa pagunlad ng mga tauhan nito na kumakatawa sa
bagong henerasyon ng mga Pilipino. Ito ay isang kuwento hinggil sa isang ina at sa
kaniyang mag- anak, at sa lipunang nakapaligid sa kanila. Isa itong salaysayin kung paano
ang damdamin ng isang ina ay napupunit sa pagitan ng panitik ng batas ang kaniyang mga
katungkulan bilang ina. 

Mga katanungan:

a. Anu-ano ang mga problema / suliranin ang dapat lutasin ng mga tauhan?
b. Anong ginawa ng tauhan para malutas ang problema?
c. Kailan naganap ang pangyayaring nakapaloob sa teksto?
d. Paano nangyari ang mga pagsubok na naranasan ng pamilya Bartolome?

Kasanayang Pampagkatuto
 Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang teksto
(F11WG – IIIc – 90)

Panuto

Naunawaan mo ba ang susing konseptong ibinigay ko? Maaari kang magtanong


kung may hindi ka nauunawaan hinggil dito mag-text o mag-personal message ka lang sa
akin at tutulungan kitang maunawaan mo ito.

Bago ang gawaing inihanda ko para sa iyo, panatilihing mong maging malinis ang
iyong mga kagamitan at siguraduhing sinunod ang tamang paghuhugas ng kamay. Nasa
ibaba ang mga gawain at kaukulang panuto.
Pamamaraan

Gawain 1:
Itala ang mahahalagang detalye o impormasyon sa nabasang nobela sa
pamamagitan ng Fact Storming Web.

detalye

detalye Dekada’70 detalye

detalye

Gawain 2:
Ibigay ang kabuluhan o aral na nakuha sa nobelang “Dekada ‘70” bilang isang
tekstong nareysyon.

Mga pahayag Repleksyon sa ating buhay


Ngunit kahit pa sumuong sa matitinding
trahedya ang pamilyang Bartolome,
nananatili pa rin silang buo sa kabila ng
pagkakaiba-iba nila ng prinsipyo.
Kahit hindi nagkakaintindihan sa mga
diskursong pang-intelektuwal, hindi
nawawala ang mahigpit na ugnayang
emosyunal.

Gawain 3:

Isulat ang iyong naging karanasan at mga ginawa noong panahon ng ECQ. Ito ay isusulat
sa isang buong papel (Maaaring maglagay ng sariling pamagat)
Rubrik sa Pagpupuntos

Pamantayan
Kaisahan at kaugnayan 5
Paggamit ng wastong gramatika 5
Pagsunod sa pormat 5
Kabuuan 15 puntos

Pangwakas

Ngayon ay lubos mo nang naunawaan ang kahulugan ng naratibo at layunin nito.


Upang lubos na malaman kung iyo ngang natutuhan ang tekstong persuweysib,
narito ang isang gawain na susukat sa iyong mga natutuhan.
Batay sa ginawang pagkukuwento sa karanasan noong ECQ, i-type ito sa MS Word at
i-send sa gmail ng guro na may pormat na: Arial, Font size 12, 1.5 spacing

Inihanda:

Ryan Christian Espinosa


Pangalan ng May Akda

TANDAAN: Magsanay ng mga Personal na Protocol sa Kalinisan sa Lahat ng Oras.

You might also like