You are on page 1of 6

Ano ang Talumpati?

1. Ang talumpati ay isang sining ng pagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng isang tao tungkol sa isang paksa na
ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado. Mananalumpati ang tawag sa taong gumagawa at
nagtatalumpati sa harap ng publiko o grupo ng mga tao.
2. Layon nitong magbigay ng kaalaman o impormasyon, tumugon, humikayat, mangatwiran, at maglahad ng isang
paniniwala. Isa rin itong uri ng komunikasyong pampubliko kung saan ang isang paksa ay ipinapaliwanag at
binibigkas sa harapan ng mga tagapakinig.
3. Ang talumpati o speech sa Ingles ay isang uri ng komunikasyong pampubliko kung saan nagpapahayag ng
kaisipan o opinyon ng isang tao tungkol sa isang paksa. Ang taong gumagawa at nagtatalumpati sa harap ng
publiko o grupo ng mga tao ay tinatawag na mananalumpati.

4. Ang talumpati ay itinituring na kumunikasyong pampubliko dahil ang mananalumpati ay nagpapaliwanag sa isang
paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
5. Mayroong iba’t ibang klase ang talumpati, pinakapopular ang panandaliang talumpati (extemporaneous speech).
Ito ay ang agarang pagsagot sa paksang ibinibigay sa mananalumpati at malaya siyang magbibigay ng sariling
pananaw.
6. Maaaring may paghahanda o walang paghahanda ang talumpati. Tinatawag naman na impromptu sa wikang
Ingles ang talumpating walang paghahanda kung saan binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok
ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa.

Ano ang layunin ng talumpati?


Humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o maglahad ng isang paniniwala. To persuade,
respond, reason, give information or lay out a belief.

Bahagi Ng Talumpati
Batay sa nabasa ninyo sa itaas tungkol sa kung ano ang kahulugan ng talumpati, narito naman ang mga bahagi ng
talumpati.
Bahagi Kahulugan

Sa parteng ito kinukuha ang atensyon ng mga tagapakinig. Dito rin inilalahad ang
Pamagat
layunin ng talumpati.

Katawan  Sa bahaging ito binabanggit nang husto ang paksa at mga ideya at pananaw.

Ito ang pinakasukdol ng buod ng talumpati. Dagdag pa rito, dito isinasaad ang mga
Katapusan 
pinakamalakas na punto ng talumpati.

Uri Ng Talumpati Ayon Sa Pamamaraan


Ngayon na nalaman na natin kung ano ang kahulugan at bahagi ng talumpati, talakayin naman natin ang mga uri ng
talumpati.

1. Talumpating Pampalibang
Madalas itong binibigkas pagkatapos ng isang salu-salo o kainan. Sa Uring ito, ang mananalumpati ay
nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o maikling kwento.
2. Talumpating Nagpapakilala
Kilala din ito sa tawag na panimulang talumpati. Ito ay karaniwang maikli lalo na kung ang ipinapakilala ay
kilala na o may pangalan na. Pakay nitong ihanda ang mga tao at pukawin ang kanilang atensyon sa
galing ng kanilang magiging tagapagsalita.

3. Talumpating Pangkabatiran
Sa uri ng talumpating ito ay gumagamit ng mga kagamitang makatutulong para lalong maliwanagan at
maunawaan ang paksang tinatalakay. Ginagamit ito sa mga panayam, kumbensyon, at mga pagtitipong
pang-siyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa sa iba’t ibang larangan.

4. Talumpating Nagbibigay-galang
Ito ay magandang talumpati sa pagbibigay galang at pagsalubong sa isang panauhin, pagtanggap sa
kasapi o kaya ay sa kasamahang mawawalay o aalis.

5. Talumpating Nagpaparangal
Sa mga okasyon tulad pagbibigay ng parangal sa isang tao o kaya magbigay ng papuri sa mga
kabutihang nagawa nito ginagamit ang ganitong uri ng talumpati.

Ginagamit rin ito sa iba pang okasyon kagaya ng paggawad ng karangalan sa mga nagsipagwagi sa
patimpalak at paligsahan, paglipat sa katungkulan ng isang kasapi, pamamaalam sa isang yumao at
parangal sa natatanging ambag ng isang tao o grupo.

6. Talumpating Pampasigla
Ang talumpating ito ang siyang pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga tagapakinig kung saan kalimitang
binibigkas ito ng isang Coach sa kanyang pangkat ng mga manlalaro, isang Lider ng samahan sa mga manggagawa
o myembro at isang Pinuno ng tanggapan sa kanyang mga kawani.

Uri Ng Talumpati Ayon Sa Layunin

Uri ng Talumpati Ayon


Kahulugan
sa Pamamaraan

Batay sa Dagli Ito ay isang uri ng talumpati na hindi pinaghandaan. nabasa


ninyo kung
ano ang
Sa uri ng talumpati na ito, ang mananalumpati ay may panahon para
Maluwag maihanda at magtipon ng datos ang mananalumpati bago ang kanyang
pagsasalita.

Sa uri ng talumpati na ito, maaring isinulat, binabasa o sinasaulo at may


Pinaghandaan
sapat na pag-aaral sa paksa.

kahulugan, bahagi, at uri ng talumpati, narito naman ang mga layunin ng talumpati.

 Humikayat
 Tumugon
 Maglahad ng paniniwala
 Magbigay ng impormasyon
 Mangatwiran

Talumpati Kahulugan – Halimbawa Ng Talumpati

1. Talumpati Tungkol Sa Sarili – “Obra Maestra”


Kinikilala ng buong mundo ang larangan ng sining upang mabisang lunsaran ng pagiging malikhain at kahusayan ng bawat
nilalang. Saklaw nito ang pagguhit, pagsayaw, pag-awit, pagpipinta, iskultura, at maging pag-arte.Ngunit sa lahat ng sining na ito,
isa ang pinakamagandang obra ang kinikilala ng daigdig—ang ating mga sarili…

2. Talumpati Tungkol Sa Pandemya “Mahigpit Na Yakap Sa Ating Mga Bayaning


Frontlinres
Sa gitna ng COVID-19 pandemic sa buong mundo, patuloy din ang ating mga frontliner sa pagharap at paglaban sa mga
hamong dulot nito. Hindi alintana ang anumang pagod o panganib, walang patid ang pagtupad ng ating mga BAGONG
BAYANI sa kanilang sinumpaang tungkulin…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Mahigpit Na Yakap Sa Ating Mga Bayaning Frontliners” sa pamamagitan pagpindot ng lang
button sa ilalim.

3. Talumpati Tungkol Sa Droga “Paraan Upang Maiwasan Ito Ng Mga Kabataan


Para sa ating mga ordinaryong mamamayan hinihikayat ko kayo na makibahagi at gawing ang nararapat bilang isang
responsableng mamamayan.Umpisahan natin ang pagpapalaganap ng disiplina at takot sa ating mga anak sa loob
mismo ng ating bawat tahanan…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Paraan Upang Maiwasan Ito Ng Mga Kabataan” sa pamamagitan
pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ano ang panukalang proyekto?


1. Ang kahulugan ng panukalang proyekto ay isang uri ng dokumuento na kung saan makikita ang mga
plano para kumbinsihin ang isang sponsor or namumuhunan.
2. Ginagamit ang isang panukalang proyekto para ipakita ang isang oportunidad o solusyon sa mga iba’t-
ibang isyu ng isang lugar, negosyo, at iba pa. Mahalaga ang mga panukalang proyekto dahil dito
makikita ang pagpaplano sa mga ideya na minsan ay kailagan ng milyun-milyong salapi.
3. Ang panukalang proyekto ay karaniwang gawain ng mga taong nanunungkulan sa gobyerno o
pribadong kompanya na naghahain ng bagong programa na may layuning magbigay ng dagdag na
kita, trabaho, kaayusan sa komunidad, at iba pa. Nakasalalay sa konteksto ng institusyong
paghahainan ng panukala ang magiging ispesipikong anyo ng isang panukalang proyekto.

Pamagat: PANUKALANG PROYEKTO SA PAGKAKAROON NG BAGONG LIBRARY PARA SA STEM SA SAN PEDRO


HIGH SCHOOL.

II. Proponent ng Proyekto: Peter Dimasalanta, Hector Ramirez

III. Kategorya: Ang proyektong pagbuo ng bagong library para sa STEM sa San Pedro High School (SPHS) ay
isasagawa sa pamamagitan ng pagkuha ng mga libro para sa STEM at pagbuo ng plano upang mahikayat ang mga mag-
aaral na kumuha ng kursong ito.

IV. Petsa ng Bawat Hakbang:

Petsa Mga Gawain Lugar

Enero 19, 2019 Pagpupulong ng student council at faculty kasama ang mga site engineers

Enero 25, 2019 Pagtalaga ng magiging punong abala sa paghihikayat sa mga estudyante na kumuha ng kursong STEM

Pagsagawa ng kampanya para mahikayat ang mga board member na magpatayo ng bagong library
Enero 30, 2019
para sa STEM

Pebrero 15, 2019 Paglulunsad ng trial run sa bagong library sa paaralan

V. Rasyonal: Ang kahalagahan ng proyektong ito ay para maipakita ang paguunlad ng paaralan sa larangan ng STEM at
para makagawa ng bagong pasilidad para sa bagong kaalaman ng mga kabataan.

VI. Deskripsyon ng Proyekto: Ang proyektong ito ay aabutin ng anim na buwan para maisakatuparan o matapos.
Maliban sa pagbuo ng library, gagawa rin ang mga miyembro ng komite ng paraan para hikayatin ang mga estudyante na
kumuha ng STEM.

VII. Badyet: Kahati sa badyet ng paaralan ay mangagaling sa ating sponsors na dating mga estudyante ng
SPHS. Magbibigay din ang ciudad ng pondo para sa paggawa ng mismong library.

Ang akademikong pagsulat

- mga uri ng pagsulat


AKADEMIK
Halos lahat ng pagsulat sa paaralan ay masasabing akademik mula sa antas primary hanggang sa doktorradong pag-
aaral. Ang akademik na pagsulat ay maaaring maging kritikl na sanaysay, lab report, eksperimento, term paper o
pamanahong papel, tisi o disertasyon. Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang
antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan

Paano malilinang ang akademikong pagsulat?


1. PAGBABASA NG MGA TEKSTONG AKADEMIKO
2. PAGSULAT NG MGA PAYAK NA ULAT
3. PAGSASAGAWA NG PANANALIKSIK SA AKLATAN
4. PAGSASANAY SA PAGLUTAS NG MGA SULIRANIN SA MATEMATIKA, AGHAM AT IBA PANG ASIGNATURA

Paano malilinang ang akademikong pagsulat?


5. PAGSASANAY SA PAGGAMIT NG IBA’T IBANG HALIMBAWA SA PAGSULAT NG KOMPOSISYON KATULAD NG …

A) DEPINISYON
B) ENUMERASYON
C) PAGSUSUNOD-SUNOD /ORDER
D) HAMBINGAN AT KOTRAST
E) PROBLEMA AT SOLUSYON
F) SANHI AT BUNGA

Mabisang pagsulat ng akademikong papel


1. PAGLALARAWAN NG PROSESO
2. PAGHIHINUHA AT PAGHULA
3. PAGSUSURI NG SULIRANIN
4. PAGSUSURI NG VALIDITY NG IDEYA
5. PAGKAKLASIPIKA NG MGA DATOS
6. PAGLALAPAT NG IMPORMASYON NG BAGONG KONTESTO
7. PAGBIBIGAY N-KAHULUGAN SA DATOS MULA SA MGA GRAP AT TSART
8. PAG-UULAT AT PAGAPAPALIWANAG NG DATOS
9. PAGLALAHAD AT PAGTATANGGOL NG OPINION
10. PAGBIBIGAY NG DEPINISYON
11. PAGBUO NG BUOD, HAYPOTESIS AT KONGKLUSYON
12. PAGSASALIN

Ano Replektibong sanaysay? 


1. Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang replektibong sanaysay at ang mga halimbawa nito.
2. Ang Replektibong Sanaysay ay isang uri ng sulating pampanitikan na isang uri tuluyan o prosa. Ito ay
nangangailangan ng sariling opinyon o perspektibo tungkol sa isang paksa. Dahil hindi ito pormal na sulatin,
maaaring maging masining ang tagasulat sa kanyang mga pananaw at damdamin.

Ano Ang Posisyong Papel?


1. Ito ay naglalayong maipakita ang katotohanan at katibayan ng isang isyung napapanahon.
2. Bukod rito, ang sulat na ito ay maari ring mag dulot ng magkakaibang pananaw depende sa mga pananaw ng
tao.
3. Ang layunin nito ay maipaglaban kung ano para sa tingin mo ang tama. Ito rin ay naglalayong itakwil ang
kamalian na hindi tanggap ng karamihan sa mga tao.
4. Ang pagsulat nito ay dapat nasa isang pormal na format. Sunod, dapat organisado rin ang pag lagay ng mga
ideya sa iyong papel. Ito rin ay dapat nagbibigay linaw sa panig na pinaboran. Ngunit, dapat ipinapakita rin ang
pagsisiyasat sa kabilang panig.

5. Avoid Pressing These Buttons To Save Money On Fuel

6. Lonely Planet Reveals Southern Europe’s Best Road Trips

7. 3 Easy Meals To Cook During A Heatwave

8. America’s Favourite Ice Cream Flavors Revealed

9. Gen Z Is The Most Materialistic Generation

You might also like