You are on page 1of 16

Araling Panlipunan

Ikaapat na Markahan – Modyul 2:


Ang Unang Digmaang Pandaigdig
(Mga Naging Bunga)
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Ang Unang Digmaang Pandaigdig
( Mga Naging Bunga)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rubilyn S. Legaspi


Editor: Marites A. Abiera
Tagasuri: Gemma F. Depositario EdD
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Mila A. Reyes

Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin CESO V Rosela R. Abiera


Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Carmelita A. Alcala EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental
Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

1
Alamin
Sa araling ito ay malahagang pag-aralan ang tungkol sa mga naging bunga o epekto
ng Unang Digmaang Pandaigdig sa pamamagitan ng pagbabasa sa teksto at pagsagot sa
mga iba’t ibang gawain sa mga sumusunod na pahina ng modyul na ito.

Sa pagtatapos ng modyul, dapat mong malaman:

Most Essential Learning Competency:

Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at bunga ng


Unang Digmaang Pandaigdig (AP8AKD-IVa-1)

Mga Layunin:

1: Naipaliliwanag ang mga naging bunga o epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig;

2: Nasusuri ang mga naging bunga o epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa


pamamagitan ng paggawa o pagsulat ng isang tula.

3: Napapahalagahan ang naging bunga dulot ng Unang Digmaang Pandaigdig;

Subukin
Panuto: Suriin ng mabuti ang mga tanong o pahayag at ibigay ang tamang kasagutan sa
bawat bilang. Piliin lamang ang titik ng iyong sagot at isulat ito sa kwaderno.

1. Saang kontinente naganap ang Unang Digmaang Pandaigdig?


a. Aprika b. Asya c. Europa d. Hilagang Amerika
2. Anong kasunduan ang nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig?
a. Kasunduan sa Versailles c. Kasunduan sa Europe
b. Kasunduan sa Tordesillas d. Kasunduan sa Verdun

3. Sino ang presidenteng lumagda ng Proclamation of Neutrality?


a. Rodrigo Duterte b. Woodrow Wilson c. Adolf Hitler d. Vittorio Orlando

4. Ang mga sumusunod ay naging bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig maliban sa


isa. Alin dito?
a. Maraming tao ang namatay, nagkasakit at naghirap
b. Maraming ari-arian ang nawasak
c. Naantala ang mga gawaing pangkabuhayan
d. Lumakas ang bansang Germany

1
5. Binalangkas ang isang kasunduang pangkapayapaan sa Paris noong 1919-1920
upang matapos ang digmaang pandaigdig. Ano ang naging batayan ng pangunahing
nilalaman ng mga kasunduan?
a. Fourteen Points b. Liga ng mga Bansa c. Big Four d. Konstitusyon
6. Ang pagbalangkas ng kasunduang pangkapayapan upang maiwasan ang digmaan
ay pinangunahan ng mga pinuno na tinatawag na Big Four. Sino sa mga sumusunod
ang hindi kabilang sa Big Four?
a. Woodrow Wilson c. Otto von Bismarck
b. Vittorio Orlando d. George Clemenceau

7. Lingid sa kaalaman ng Great Britain, France at iba pang bansa, ang ibang miyembro
ng alyado ay gumawa ng lihim na kasunduan. Alin sa mga sumusunod ang naganap?
1. Nagdesisyon silang hatiin ang kolonya at teritoryo ng Central Powers
2. Pinangakuan ang Italy ng teritoryong hindi naman nito sakop
3. Ang Turkey ay maaaring paghati-hatian ng ibang maimpluwensiyang bansa
4. Pinagbawalang gumawa ng armas at amyunisyon ang Estados Unidos
a. 123 b. 234 c. 134 d. 124

8. Isa sa napagkasunduan sa kasunduan sa Versailles ay pinagbayad ng malaking


halaga ang Germany sa mga bansang napinsala nito bilang reparasyon. Bakit sila
pinagbayad?
a. Dahil naging malakas at makapangyarihang ito sa pagsiklab ng digmaan
b. Upang lubusang pilayan ang Germany nang hindi na ito muling magtangkang
gambalain ang kapayapaan ng daigdig
c. Mas marami ang napinsalang ari-arian ang Germany
a. Malawak ang lugar na nasakop ng Germany at maraming buhay at ari-arian ang
nawasak at namatay

9. Alin sa mga sumusunod na bansa ang higit na naparusahan ayon sa Kasunduan sa


Versailles?
a. Italy b. Germany c. France d. Great Britain

10. Alin sa mga sumusunod na bansa ang hindi kabilang sa Central Powers?
a. Germany b. China c. Austria-Hungary d. Bulgaria

Balikan
Ngayon, gusto mo bang balikan ang iyong natutunan sa unang modyul? Ito ay maikling
pagsasanay lamang upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin. Isulat ang
sagot sa iyong kwaderno.

Handa ka na ba?

2
Panuto: Sagutin muna ang mga sumusunod na tanong bago magpatuloy sa pagtuklas ng
panibagong kaalaman. Gawing gabay o basehan ang mga larawan sa ibaba. Isulat ang sagot
sa kwaderno.

1. Ano ang ideyang ipinakikita ng mga larawan sa ibaba?


2. Anu-ano ang sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig?
3. Saang kontinente nagsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig?

https://www.google.com/search?q=World
War1=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjam4Sdu6PqAhWs3mEKHTunBd4Q_AUoAXoECBYQAw&biw=1366&bih=657

Tuklasin

Ngayon ay simulan mo nang tuklasin ang bagong kaalaman, tingnan mo ang larawan ng mapa
at ito ay pag-aralan nang maigi, pagkatapos ay sagutin ang mga tanong na nasa ibaba. Isulat
ang sagot sa iyong kwaderno.

http://images.upgoo.gl/i7uJDnZEZEHvWxxn8

3
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang mahihinuha mo sa mapang ito?


2. May pagkakatulad bas a da;awing mapa?
3. Anu-anong mga bansa ang kasapi ng Triple Entente, Central Powers at mga bansang
Neutral sa unang mapa? Sa ikalawang mapa?

Suriin
Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang teksto.
Mga Naging Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig
Matinding pinsala ang naidulot ng Unang Digmaang Pandaigdig sa buhay at ari-arian.
Tinatayang umabot sa 8 500 000 katao ang namatay sa labanan. Nasa 22 000 000 naman
ang tinatayang nasugatan. Samantalang 18 000 000 naman na sibilyan ang namatay sa
gutom, sakit, at paghihirap. Napakaraming ari-arian ang nawasak at naantala ang kalakalan,
pagsasaka, at iba pang gawaing pangkabuhayan. Ang nagastos sa digmaan ay tinatayang
umabot sa 200 bilyong dolyar.
Sadyang nabago ang mapa ng Europe dahil sa digmaan. Nag-iba rin ang kalagayang
pampolitika sa buong daigdig. Ang Austria at Hungary ay nagkahiwalay. Ang mga bansang
Latvia, Estonia, Lithuania, Finland, Czechoslovakia, Yugoslavia, at Albania ay naging
malalayang bansa. Apat na imperyo sa Europe ang nagwakas: Hohenzollern ng Germany,
Hapsburg ng Austria-Hungary, Romanov ng Russia, at Ottoman ng Turkey. Nabigo ang mga
bansa na magkaroon ng pangmatagalang kapayaaan sa daigdig. Ang mga itinalaga ng
kasunduan sa Versailles ay nagtanim ng hinanakit sa Germany. Lubhang marahas ang mga
parusang iginawad sa Germany. Ang pagkapahiya ng Germany ang dahilan ng muli nilang
paghahanda upang muling makipaglaban sa mga bansang alyado.

Mga Kasunduang Pangkapayapaan


Umisip ng paraan ang mga nanalong bansa upang maiwasan ang digmaan na
pinaniniwalaan nilang salot sa kapayapaan. Bumalangkas sila ng kasunduang
pangkapayapaan sa Paris noong 1919-1920. Ang pagpupulong na ito ay pinangungunahan
ng mga pinunong tinatawag na Big Four: Pangulong Woodrow Wilson ng US; Punong Ministro
David Lloyd George ng Great Britain;Vittorio Emmanuel Orlando ng Italy; at Punong Ministro
George Clemenceau ng France. Ang pangunahing nilalaman ng kasunduan ay ibinatay sa
Labing-apat na Puntos (Fourteen Points) ni Pangulong Wilson.

Ang Labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson


Binalangkas ni Pangulong Wilson noong Enero 1918 ang labing-apat na puntos na
naglalaman ng mga layunin ng Estados Unidos sa pakikipagdigma. Naglalaman din ito ng
kanyang mga ideya tungkol sa isang “kapayapaang walang talunan” para sa kapakinabangan
ng lahat ng bansa. Anim sa mga puntos na napagkasunduan ang sumusunod: 1. katapusan
ng lihim na kasunduan; 2. kalayaan sa karagatan; 3. pagbabago ng mga hangganan ng mga
bansa at paglutas sa suliranin ng mga kolonya ayon sa sariling kagustuhan ng mga

4
mamamayan; 4. pagbabawas ng armas; 5. pagbabawas ng taripa; at 6. pagbuo ng Liga ng
mga Bansa.

Ang Liga ng mga Bansa


Ang pagkakaroon ng isang pandaigdigang samahan ng mga bansa ay matagal nang
pangarap ni Pangulong Wilson. Sa Wakas, nagtagumpay siya sa panghihikayat sa mga
pinuno ng mga bansang alyado na itatag at sumapi sa Liga ng mga Bansa. Ang konstitusyon
nito ay napaloob sa kasunduan sa Versailles na may sumusunod na mga layunin:
1. maiwasan ang digmaan;
2. maprotektahan ang mga kasaping bansa sa pananalakay ng iba;
3. lumutas sa mga usapin at hindi pagkakaunawaan ng mga kasapi;
4. mapalaganap ang pandaigdigang pagtutulungan; at
5. mapalaganap ang mga kasunduang pangkapayapaan.
Ilan sa mga nagawa ng Liga ng mga Bansa ang sumusunod:
1. Napigil nito ang ilang maliliit na digmaan sa pagitan ng Finland at Sweden noong 1920,
Bulgaria at Greece noong 1925, at Columbia at Peru noong 1934.
2. Pinangasiwaan nito ang iba’t ibang mandato.
3. Pinamahalaan nito ang rehabilitasyon ng mga sundalo pagkatapos ng digmaan.

Mga Lihim na Kasunduan Lingid sa Kaalaman ni Pangulong Woodrow Wilson


Lingid sa kaalaman ng Great Britain, France at iba pang bansa, ang ibang miyembro
ng Alyado ay gumawa ng lihim na kasunduan. Nagdesisyon silang hatiin ang kolonya at
teritoryo ng Central Powers. Halimbawa, pinangakuan ang Italy ng teritoryong hindi naman
nito sakop. Ang Turkey naman ay maaring paghati-hatian ng ibang maimpluwensiyang bansa.
Pormal itong naganap nang mabuo ang kasunduan sa Versailles, naisagawa ang
sumusunod na pangyayari:
1. Nawalang lahat ang mga kolonya ng Germany. Ibinigay ang mga teritoryong Posen,
Kanlurang Prussia, at ang Silesia sa bagong Republika ng Poland. Ang Danzig ay
naging malayang lungsod sa pangangasiwa ng mga Alyado bilang mandato.
2. Ang Alsace-Lorraine ay naibalik sa France. Ang Saar Basen ay napasailalim sa
pamamahala ng Liga ng mga Bansa sa loob ng labinlimang taon.
3. Ang Hilagang Schleswig ay ibinigay sa Denmark.
4. Lubhang pinahina ang hukbong sandatahan ng Germany sa lupa at sa dagat.
Ipinagbawal ang kanilang partisipasyon sa anumang digmaan.
5. Ang Kanal Kiel at ang lahat ng mga pinaglakbayang ilog ay ginawang pang-
internasyonal.
6. Pinagbawalang gumawa ng mga armas at amyunisyon ang Germany.
7. Ang Germany ay pinabayad ng malaking halaga sa mga bansang napinsala nito bilang
reparasyon. Ang layunin ng mga gumawa ng kasunduang ito ay upang lubusang

5
pilayin ang Germany nang hindi na ito muling magtangkang gambalain ang
kapayapaan ng daigdig.

Pagyamanin

Gawain A: “Kapayapaan, Hangad Ko”


Alam ko nang batid mo na ang lahat na kaalaman tungkol sa aralin na iyong pinag-
aralan. Ngayon, gamiting gabay ang binasang teksto upang makabuo ng ideya na
nagpapakita ng pagsisikap ng mga pinuno ng mga bansa na wakasan ang Unang Digmaang
Pandaigdig. Bigyang –pansin ang mga hakbang na kanilang ginawa upang wakasan ang
digmaan. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno

Pangulong Woodrow Wilson ( USA) Lloyd George ( England)

Vittorio Orlando ( Italy ) George Clemenceau ( France )

6
Gawain B: Magpaliwanag Tayo

Panuto: Sa loob ng 2-3 pangungusap ipaliwanag ang naging bunga o epekto ng Unang
Digmaang Pandaigdign . Iugnay ito sa nabasang tekto.

Bunga o epekto ng Unang


Digmaang Pandaigdig

2. 1. 3.

Isaisip
Panuto: Punan ng wastong sagot ang mga patlang na nasa cloud callout upang mabuo ang
pahayag tungkol mga naging bunga o epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig. Isulat ang
inyong sagot sa inyong kwaderno.

Ang Unang Digmaan Pandaigdig ay isang digmaan na nagkaroon ng matinding


epekto. Ilan sa mga bunga o epekto nito ay _______________________, ______________,
____________, ______________ at _________________. Ang kontinente ng
__________________ ang nagging entablado ng digmaan. Pinangunahan ng Big Four na
sina ______________, ________________, at _______________ ang usaping
pangkapayapaan upang matigil na ang digmaan. Ang kasunduang pangkapayapaan na ito ay
tinatawag na Kasunduan sa _________________. Ang pangunahing nilalaman ng mga
kasunduan ay ibinatay sa ___________________ ni Pangulong Wilson.

7
Isagawa

Panuto: Gawain C: Itula Mo!

Panuto: Gumawa ng tula ayon sa iyong pagkakaunawa ang bunga o epekto ng Unang
Digmaang Pandaigdig. Gamiting batayan sa paggawa ang rubric sa ibaba. Gawin ito
iyong kwaderno.

Rubrik sa Pagmamarka

Pamantayan Deskripsiyon Puntos


Presentasyon Malinaw at organisado ang
tula 5
Nilalaman Nakabatay ang tula sa mga
bunga o epekto ng Unang 5
Digmaang Pandaigdig
Pagkamalikhain Malinis at malikhain ang tula
5
Kabuuang puntos
15

Katumbas na Interpretasyon
Magaling -------------------------------5
Lubhang kasiya-siya -----------------4
Kasiya-siya -----------------------------3
Hindi gaanong kasiya-siya-----------2

Tayahin
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa bawat aytem. Piliin lamang ang titik ng
iyong sagot at isulat ito sa inyong kwaderno.

1. Saang kontinente naganap ang Unang Digmaang Pandaigdig?


a. Aprika b. Asya c. Europa d. Hilagang Amerika
2. Anong kasunduan ang nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig?
a. Kasunduan sa Versailles c. Kasunduan sa Europe
b. Kasunduan sa Tordesillas d. Kasunduan sa Verdun

3 Sino ang presidenteng lumagda ng Proclamation of Neutrality ?


a. Rodrigo Duterte b. Woodrow Wilson c. Adolf Hitler d. Vittorio Orlando

8
4. Ang mga sumusunod ay naging bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig maliban sa
isa. Alin dito?
a Maraming tao ang namatay, nagkasakit at naghirap
b. Maraming ari-arian ang nawasak
c. Naantala ang mga gawaing pangkabuhayan
d. Lumakas ang bansang Germany

5. Binalangkas ang isang kaunduang pangkapayapaan sa Paris noong 1919-1920


upang matapos ang digmaang pandaigdig. Ano ang naging batayan ng pangunahing
nilalaman ng mga kasunduan?
a. Fourteen Points b. Liga ng mga Bansa c. Big Four d. Konstitusyon
6. Ang pagbalangkas ng kasunduang pangkapayapan upang maiwasan ang digmaan ay
pinangunahan ng mga pinuno na tinatawag na Big Four. Sino sa mga sumusunod ang
hindi kabilang sa Big Four?
a. Woodrow Wilson c. Otto von Bismarck
b. Vittorio Orlando d. George Clemenceau

7. Lingid sa kaalaman ng Great Britain, France at iba pang bansa, ang ibang miyembro
ng alyado ay gumawa ng lihim na kasunduan. Alin sa mga sumusunod ang
naganap?
1. Nagdesisyon silang hatiin ang kolonya at teritoryo ng Central Powers
2. Pinangakuan ang Italy ng teritoryong hindi naman nito sakop
3. Ang Turkey ay maaaring paghati-hatian ng ibang maimpluwensiyang bansa
4. Pinagbawalang gumawa ng armas at amyunisyon ang Estados Unidos
a. 123 b. 234 c. 134 d. 124

8. Isa sa napagkasunduan sa kasunduan sa Versailles ay pinagbayad ng malaking


halaga ang Germany sa mga bansang napinsala nito bilang reparasyon.Bakit sila
pinagbayad?
a. Dahil naging malakas at makapangyarihang ito sa pagsiklab ng digmaan
b. Upang lubusang pilayan ang Germany nang hindi na ito muling
magtangkang gambalain ang kapayapaan sa daigdig
c. Mas marami ang napinsalang ari-arian ang Germany
d. Malawak ang lugar na nasakop ng Germany at maraming buhay ang
nawala at ari-arian ang nawasak

9. Alin sa mga sumusunod na bansa ang higit na naparusahan ayon sa Kasunduan sa


Versailles?
a. Italy b. Germany c. France d. Great Britain

10. Alin sa mga sumusunod na bansa ang hindi kabilang sa Central Powers?
a. Germany b. China c. Austria-Hungary d. Bulgaria

9
Karagdagang Gawain

A. Kapayapaan, Iguhit Mo!


Gumawa ng poster na maghihikayat na mapanatili ang kapayapaan sa mundo (World
Peace ) .Gawin ito sa isang bond paper. Gawing batayan ang rubrik sa ibaba.
Rubrik sa Pagmamarka

Pamantayan Deskripsiyon Puntos


Presentasyon Malinaw at organisado ang poster
5
Nilalaman Nakabatay ang poster pagpapanatili ng
kapayapaan sa mundo 5
Pagkamalikhain Malinis at malikhain ang gawain
5
Kabuuang puntos 15

Katumbas na Interpretasyon

Magaling --------------------------------5
Lubhang kasiya-siya -----------------4
Kasiya-siya -----------------------------3
Hindi gaanong kasiya-siya-----------2

B. Dear Idol
Sumulat ng liham pasasalamat sa isa mga naging pangulo ng bansang sangkot sa
Unang Digmaang Pandaigdig na nagsikap upang matigil ang digmaan at magkaroon ng
pandigdigang kapayapaan. (10-15 talata)

10
11
Isaisip
Maraming tao ang namatay,
maraming ari-arinang nawasak,
naantala ang mga gawaing pang-
ekonomiya, nabago ang mapa ng
mundo at naging malaya ang ibang
bansa sa Europe
Woodrow Wilson. Lloyd George ,
Vittorio Orlando, George
Clemenceau
Versailles
Subukin at Tayahin
1. C
2. A
3. B
4. B
5. A
6. C
7. A
8. B
9. B
10. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

A. Aklat
Rosemarie C. Blando, et.al. Kasaysayan ng Daigdig, 5 th Floor Mabini Building, DepEd
Complex, Meralco Avenue, Pasig City, Vibal Group, Inc. pages 456-462

B. Website
http://worldartsme.com/images/clip-art-book-page-clipart-2.jpg
http://images.upgoo.gl/i7uJDnZEZEHvWxxn8

http://images.upgoo.gl/mKHuTERx8EBPufJ6

http://images.upgoo.gl/LEnZbhEmgPpZKM8

https://www.google.com/search?q=imperialism+1&client=ms-android-
oppo&prmd=inv&sxsrf=ALeKk01fUPKIGgP4MQX8A5jSr5ESIo3TgA

https://www.google.com/search?q=worldwar1+1&client=ms-android-
oppo&prmd=vin&sxsrf=ALeKk03ox4DOG7RxIESDVJt48ZpxryGJEA

https://encrypted-tbn0.gs tat ic.com/images?q=tbn%3AANd9GcRPY7bnPrISZZ5QJM-


LVwMUlAlkD7uEYOThiA&usqp=CAU

http://clipart-library.com/homework-pictures.html

12
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like