You are on page 1of 5

lOMoARcPSD|16871281

DLP ESP Demo 2 - Detailed Lesson plan in ESP

Bachelors of Science in Elementary Education (Limay Polytechnic College)

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by De Leon Brandon Sai B. (brandonsai204@gmail.com)
lOMoARcPSD|16871281

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10

March 19, 2020

I. LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin 100% ng mga mag-aaral ay inaasahang makakatamo ng 75% ng mga
kasanayan na:
A. nakikilala ang mga yugto ng konsensya sa pagsusuri o pagninilay sa isang pagpapasiyang
ginawa
B. pagsulat ng mga paraan o hakbang ng pagkilos ng konsensiya sa pamamagitan ng tula
C. nabibigyan ng halaga ang bawat yugto ng konsensya sa pagbuo ng pasya

II. NILALAMAN
A. Paksa: Aralin 3 – Paghubog ng Konsensiya Batay sa Likas na Batas Moral
Konsepto ng Aralin: Apat na Yugto ng Konsensya

B. Kagamitang Panturo
 activity cards
 Chalk and Board
 Cartolina
C. Sanggunian
 Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Pahina 42 – 62
D. Pagpapahalaga
 Mahalagang tandaan na may obligasyon tayong alamin kung ano ang tama at
mabuti. Nawawala ang dangal ng konsensiya kapag “ipinagwawalang-bahala ng
tao ang katotohanan at kabutihan.

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati sa klase
3. Pag-aayos ng silid-aralan
4. Pagtatala ng liban
5. Pagpapaalala sa ginawang Group
activity.

B. Balik-aral – Pagbabalik aral tungkol sa


konsensya at dalawang uri nito
Konsensya- ang praktikal na paghuhusga ng
isipan na magpapasiya na gawin ang mabuti at
iwasan ang masama.

Ang mga uri ng kamangmangan at kahulugan


nito.
a. Kamangmangang madaraig (Vincible
Ignorance)
b. Kamangmangang di madaraig (Invincible
C. Pagganyak Ignorance)

Downloaded by De Leon Brandon Sai B. (brandonsai204@gmail.com)


lOMoARcPSD|16871281

Ang klase ay nahahati sa apat na grupo.


Ang group 1 ay sa bahay
Ang group 2 ay sa daan
Ang group 3 ay sa paaralan
Ang group 4 ay sa sarili

Magbigay ng isang desisyong ginagawa mo sa


nakaatas na lugar.
Nahirapan ka ba sa’yong pagpili?
Anong isinaalang – alang mo upang makabuo
ka ng isang desisyon?

D. Pagtalakay sa Aralin
Pangkatang Gawain:
Sa inyong sagutang papel ay may mapapansin
kayong kulay: asul, berde, dilaw at pula. Ang
bawat magkakakulay ay ang siyang
magkakagrupo.

Asul: Alamin at naisin ang mabuti.


Berde: Ang pagkilatis sa partikular na kabutihan
sa isang sitwasyon
Dilaw: Paghatol para sa mabuting pasiya at
Mayroon lamang limang (5) minuto ang kilos
bawat grupo upang makabuo ng isang Pula: Pagsusuri ng Sarili/ Pagninilay
Acronym upang masagot ang bawat
katanungan.

Kraytirya para sa Presentasyon:


Konsepto – 35%
Pagkamalikhain – 20%
Pagtutulungan – 20%
Paraan ng pagpresenta – 25%
Kabuuan 100%

Malayang talakayan

4 na yugto ng konsensiya
Ang tao ay nalikha na may likas na Unang Yugto: Alamin at naisin ang mabuti.
pagnanais sa mabuti at totoo dahil
binibigyan siya ng kakayahang malaman
ang mabuti at totoo. Sa kabila nito marami
parin ang gumagawa ng masama. Una,
kahit alam ng ilang tao ang mabuti ay
pinipili parin gumawa ng masama.
Pangalawa, maaaring kulang ang kaalaman
ng isang tao sa totoong mabuti upang
tuluyan niyang naisip ito.

May napapansin ba kayong ganitong


suliranin sa inyong lugar?
Opo
Maaari ba kayong magbigay ng halimbawa
(Maaaring magkaiba – iba ang sagot ng bata)

Downloaded by De Leon Brandon Sai B. (brandonsai204@gmail.com)


lOMoARcPSD|16871281

Ikalawang Yugto: Ang pagkilatis sa partikular na


kabutihan sa isang sitwasyon.
Dito natin nailalapat ang ating nalalaman sa
mga prinsipyo ng moralidad upang kilatisin
ang mabuti sa isang particular na sitwasyon
Ikatlong Yugto: Paghatol para sa mabuting kilos
at pasiya.
Yugto kung saan wari’y sinasabi sa atin,
“Ito ay mabuti, ito ang kinakailangan mong
gawin,” o, “Ito ay masama, hindi mo ito
nararapat na gawin.” Dito nahuhusgahan
ang kabutihan o kasamaan ng isang kilos.
Ang hatol na ibibigay sa atin ang
magsisilbing resolusyon sa “krisis” na
kinakaharap natin. Ika-apat na Yugto: Pagsusuri ng sarili/Pagninilay.

Pagninilayan natin ang paghatol upang


matuto mula sa ating karanasan.

E. Paglalapat
Sa isang kwadradong papel, magtala ng
tatlong nararamdaman mo kapag may
nagagawa kang hindi mabuti sa iyong
kaklase, sa iyong pamilya at sa iyong
komunidad.
(Tatawag ng tatlong ( 3) batang
magbabahagi ng kanilang sagot)

F. Paglalahat
Mayroong apat na yugto ng konsensya,
maaari bang magbigay ka nang isa, ______.
UnangYugto: Alamin at naisin ang mabuti.
Ikalawang Yugto: Ang pagkilatis sa particular na
kabutihan sa isang sitwasyon
IkatlongYugto: Paghatol para sa mabuting pasiya
at kilos
Ikaapat na Yugto: Pagsusuri ng Sarili/ Pagninilay

Maraming salamat, maaari ka nang maupo.


Mayroon ba kayong katanungan? Wala na po!

Kung gayon ay tutungo na tayo sa ating


gawain.

G. Pagpapahalaga
Bilang mga mag-aaral paano ninyo
ipapakita ang kahalagahan ng pagbuo ng
pasya batay sa likas na batas moral?

PAGTATAYA
Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon.
Tukuyin kung ito ba ay nagsasaad ng tamang
desisyon o hindi. Lagyan ng tsek () kung ito ay
tama at ekis (x) naman kung hindi.

Downloaded by De Leon Brandon Sai B. (brandonsai204@gmail.com)


lOMoARcPSD|16871281

1. Pinili ni Allan na layuan ang mga kaibigang


gumagamit ng bawal na gamot dahil alam
niyang masisira ang buhay niya rito.
2. Tinapon ni Rica sa taguling ang balat ng
kending kinain niya dahil nakita niyang dito
rin itinapon ng kaibigan ang hawak nitong
basura.
3. Pinili ni Mikoy na huwag makialam sa mga
batang nag-aaway kahit kaya niya itong
awatin.
4. Sinikap ni Mabel na mag-aral ng mabuti ng
leksyon at hindi mangopya sa pagsusulit
kahit na ginagawa ito ng mga kaibigan nya
dahil alam niyang ito ang dapat gawin.
5. Alam mong mali ang manguha ng hindi mo
pag-aari ngunit pinili mo pa rin itong gawin.
6. Gawin mo ang mabuti, iwasan mo ang
masama.

Pagsunud – sunurin ang apat na yugto ng


konsensya:
_____ Alamin at naisin ang mabuti.
_____Ang pagkilatis sa particular na kabutihan
sa isang sitwasyon
_____Paghatol para sa mabuting pasiya at kilos
_____Pagsusuri ng Sarili/ Pagninilay

TAKDANG ARALIN
Gumawa ng isang slogan na nagpapaalala sa tao
ng piliin ang tama at mabuti at iwasan ang
masama.

I Inihanda ni:

NIÑA SARAH A. FERNANDO


Guro

Downloaded by De Leon Brandon Sai B. (brandonsai204@gmail.com)

You might also like