You are on page 1of 1

KWENTO NG BUHAY NI MARIZ

Siya ay si Mariz
Ramos, labing pitong
taong gulang,
ipinanganak noong
Marso 09, 2005.
Pangalawa sa
kanilang
magkakapatid.
Nakatira sa Casili,
Mallig, Isa. Nag-
aaral sa Mallig Plains
National High School, kasalukuyang nasa ika-12
baitang sa Senior High School na ang kanyang strand
ay Technical Vocational Livelihood.

Naniniwala sa Kasabihang “knowthyself", para sa kanya, ito ang


pinakamahalaga niyang pilosopiya sa buhay. Ang ibig sabihin nito ay kilalanin
mo ang iyong sarili. Alamin mo ang iyong mga kalakasan maging ang iyong
mga kahinaan. Naniniwala siya na ito ang susi upang makamtan ang tunay na
kaligayahan sa buhay at para magampanan kung anuman ang purpose natin sa
ating buhay. Sa pamamaraang ito, maaari tayong mabuhay ng masaya at
matiwasay na walang nasasaktang ibang tao kung kilala mo ang iyong sarili,
maiiwasan mo ang pagkakaroon ng pagkainggit sa anumang aspeto sa buhay sa
iyong kapwa. Kapag kilala mo ang iyong sarili magiging kuntento ka na sa kung
anong mayroon ka at hindi ka na maghahanggad ng anumang alam mong hindi
mo kayang abutin

Si Mariz ay nakahiligan ang panonood ng movie gaya ng k-drama at


nakahiligan niya rin ang pagba-basa ng love story o wattpad story, dahil
marami ang kanyang natututunan at napupulot na aral dahil lamang sa
pagbabasa ng anumang istorya sa wattpad apps. Kapag siya ay may bakanteng
oras dito siya nakatuon sa pagbabasa.

You might also like