You are on page 1of 11

SUMMARY

Type and No. of Chickens


- 45 days. 500 chickens in one coop. A total of three coops, small (For chicks), medium (can load
up to 500 chickesn), big (can load up to 1500).
Pagkain / Type ng Pagkain
- May anim na containers
- Isang kilo ng pagkain kada container – 0 - 2 weeks palang yung manok (For a total of 14 kilos sa
dalawang lingo)
- 1 kilos mula umaga 8 am - 12pm - 5pm - 10pm (sobrang kilos) 2 kl - 1 kilos sobra. (4 CYLES)
(Ginawan ko ng interpretation dito)
- 1.5 kilos ng pagkain kada container for 3 weeks - depende sa weeks (For a total of 10.5 kilos for
third week – until release na)
- 1.5 kilos umaga 8 am - 12pm - 5pm - 10pm (sobrang kilos)3 kl - 1 kilos sobra. (4 CYCLES)
- linkuma (not sure of the supplier’s name) - starter broiler feeds (PARA SA SISIW), finishing
(PARA SA MGA MALALAKI NA)
Tubig
- 2.5L. tubig - 1 tablespoon vitricin (araw araw) (Pero ang paglalagay ng vitamins ay manual
dapat)
- Ang cycle ng tubig ay every two hours start ng 8 AM, after 10 pm wala ng rounds. (For a total of
6 CYCLE)

Time of Feeding

- Umaabot sa 15 minutes ang pagpapakain nila sa mga manok. (For a total of 1 hour + depending
on other things everyday)

Power Source / Manpower


- Solar power energy ang gamit nila. Dati merong tauhan 2 or 1 pero nung nagkapandemic, silang
apat na pamilya nalang, specifically yung mga magulang ang madalas magalaga.
Ideal Weight ng Manok Nila
- Edad (28 days ng dec 21) - kilo of about 1.5kl. Kumbaga every 28 days sila nagrerelease sa
market.
- 2.2 kl yung best weight target ng manok nila (lugi kapag sobra (2.3 pataas) or mababa (2.0
pababa) na kilos) every two weeks yung pagdistribute sa bayan or catering.
OTHERS (TENTATIVE YUNG PAMASAHE)
- Siksikan ang mga manok kapag kakaain, lugi dahil di pare pareho ang laki. Kapag maingay sensitive
ang manok, dina sila kakain. (480 barko - 1000 balikan - batangas - manila -500. 2100 pamasahe
balikan.)
Name: Joshua Atienza

Number: 09568092049

Name of farm: Atienza Poultry

Location: Roxas Oriental Mindoro

How many chickens: 3 poultry (1 poultry para sa mga sisiw, 2 poultry big - a total of 2000+)

How big is the farm?

- 1 small poultry size 1m width and 3.5 m length (infant chicken broiler (chicks))

- 1 medium poultry size 2m width and 8m length (500pcs can load of chicken)

- 1 big poultry size 5m width and 8 widths (1500pcs can load chicken)

Are you willing to be our client? - Yes, I'm willing to be your client of automated feeding machine.

Joshua: Bigyan ko kayo ng idea sa bagong pinapagawa ko ngayon. May haba syang 7 meters,2 meters
ang lapad. So gagawa pala kayo ng feed mill?

Stan: Opo kumbaga iaautomate po namin yung pagpapakain. Yung magagawa po kasi naming device is
maliit lang po na sasakto lang din po sa magiging itsura ng...

Joshua: Bigyan niyo rin ako ng estimate (price), para alam ko rin yung price na ibibigay ninyo sa akin.
Kasi kung aabot yan ng 10-15k parang malaki na masyado yon.
Joshua: Willing akong magtry duon sa inyong feeding machine.

Stan: What problems do you encounter on your poultry farm regarding it's feeding system?

Joshua: Sa pagpapakain naman, lagi silang siksikan sa isang lagayan laging kumpol kumpol. Kasi
minsan nagawa lang din ako ng D.I.Y. Kumabaga lugi yung ibang manok, kaya minsan yung iba
matataba.

Stan: Kumbaga hindi po proportional yung paglaki nila?

Joshua: Oo, hindi sila pare pareho gawa nang pagdating ng 28 days. Kilohan na iyon, so meron silang
2.2 Kg, merong 1.5kg, merong 1.3 Kg -- yung 1.3 Kg yun yung pinaka bansot sa manok namin.

Stan: Anong uri ng manok ang inyong inaalagaan?

Joshua: 45 days or kapag sisiw palang broiler ang tawag.

Stan: Ilang manok ang inaalagaan ninyo sa inyong farm?

Joshua: Sa isang kulungan merong (500). Bali may tatlong kulungan kami aabot sila ng (1500). Pero
every two weeks ay release siya (manok). Every two weeks release ako ng mga 300 to 500 pieces
(manok) para meron ako ulit malagay pabalik.

Stan: Anong uri ng pakain ang inyong ginagamit sa mga manok?

Joshua: Starter feeds sa mga sisiw palang, Broiler, Brew, yung brew huli nayon eh, medjo ano nayon eh
Finisher. (Unclear explanation)

Stan: Ano po iyon yung feeds po ba na ginagamit ninyo is panglahatan nayon kahit na maliliit palang
yung mga manok?
Joshua: Hindi. Tatlong type sya.Meron syang starter, merong broiler, meron din finisher, yung finisher
yung brew na, para sa last days na ng manok. Kapag sisiw palang, magstarter kapalang (kasi) maliliit
palang iyan. Pero minsan kasi ginagawa ko nagmimixing ako ng durog na mais pagdating na sa mga
malalaki na.

Stan: Gaano ninyo kadalas pinapakain ang mga manok?

Joshua: Sa umaga, magstart ako ng 8 AM, then papalit ako ng tubig kasi madumi nayon gawa ng kasi
nadudumihan (natataihan) nila (manok) iyon. Bali balik ako ng 12pm, papakain ulit ako nyan, papalit ako
ng tubig nila maglalagay ako ng vitamins nila vitricin. Tapos 5pm papakain ulit ako, tapos papalitan ko
ulit yung tubig. Last na pakain ko is 10pm.

Stan: Ah so kumbaga apat po yung cycle nang pagpapakain ninyo sa mga manok ninyo?

Joshua: Oo apat na cycle.

Stan: Ano po iyon yung feeds and tubig nila?

Joshua: Oo apat na cycle, yung tubig pala kailangan palitan lagi kasi nadudumihan nila.

Stan: Gaano kadami ang tauhan na nagpapakain sa mga manok ninyo?

Joshua: Dati dalawa meron kaso ngayon wala kasi gawa ng pandemic. Kami nalang ng mga magulang
ko. Pero kapag umalis ako yung mga magulang ko, pero kapag nandun ako, ako lang magisa.

Stan: Gaano katagal natatapos ang pagpapakain ninyo ng manual sa mga manok?

Joshua: Sa manual? Siguro meron akong ano.. Siguro mga 15 minutes. Manggagaling pako sa istakan,
tas ihahain. So, kung ilang kilo yung makukuha ko sa istakan, ililista ko yun, yung consumable nila, para
alam ko kung ilang feeds yung magamit nila.8 sacks or magiging 6 sack nalang. Minsan 6 na sacks lang
sa 28 days.

Stan: Since nasabi nyo narin po yan. Gano po kadami para sa pagkain at sa tubig po na binibigay ninyo
sa mga manok araw araw?
Joshua: Sa pagkain naman,ang binibigay ko sa isang lagayan ay isang kilo. Isang kilo nilalagay ko sa
isang lagayan.Meron akong anim na malaking lagayan, so meron akong 6 na kilo sa anim na lagayan. So
bali 2 weeks palang pa sya.

Stan: Ah depende po sa weeks?

Joshua: Oo kasi depende sa weeks, kasi mas lumalakas ang pagkain nila nyan mas malalaki kasi (yung
manok) kaya kailangan magpakain ng ganon. So, hindi naman kasi pwede na kahit na maubusan na sila is
kailangan pakainin ko na ulit sila, hindi iyon pwede kasi maaaring sumuka sila. Mas malaki yung
mapapagastos ko kapag sila'y nagkasakit.

Stan: Gaano ninyo kadalas namomonitor ang mga containers sa pagpapakain at inuman ninyo sa mga
manok?

Joshua: Sa pagkain naman, apat na cycles nga sya, pero kapag yung tubig kailangan ko syang imonitor
every two hours kasi minsan natatapon nila kapag malalaki, kaya kailangan kong palitan ulit. So, every
two hours kong tinitignan.

Stan: Yung sa tubig po pala gaano po kadami yung nilalagay ninyo sa container?

Joshua: Ah puno yun, puno yung container nila, pasok yon sa 2.5 liters ng tubig. Sabay iyon ay may
timpla kasi meron syang isang tablespoon ng vetericyn, yung vitamins nila.

Stan: Ah so ayun po yung hinahalo sa tubig?

Joshua: Oo ayun yung hinahalo sa tubig. Pnalaban nila sa mga sakit.

Stan: Ano po iyon araw araw na may vitamins yung tubig nila?

Joshua: Oo araw araw yun may vitamins yung tubig nila, kung sakaling matapos man yon magpapalit
agad ng tubig.

Stan: Paano ninyo nalalaman na wala ng pagkain o tubig ang mga manok?
Joshua: Minsan nagrorounds ako duon sa 2 hours. Pero kung 10 pm na, hindi nako nagrorounds. Patay
ang ilaw nyan, nakakasunog yan, hindi na gumagamit ng electricity. Pinapatay ko na yan kasi jaan
nagcacause yung sunog. Kaya solar na yung mumurahin yung binibili nila para gamitin duon hanggang
umaga na yan (sa bahay ng mga manok).

Stan: Sumagi naba sa inyong isipan na gumamit ng automated feeding machine at bakit?

Joshua: Last time nagsearch akong gumamit ng automated machine pero nagchecheck ako sa mga online
ang mamahal, kaya lalo na yung sa mga factory. Kailangan meron kang ventilations, gawa ng yung dumi
nila don ginawa din nilang automated yung paglinis non. Ganon kasi nakita ko sa youtube sa mga
malalaking farm.

Stan: Ano yung masasabi niyo kapag nagimplementa ng automatic feeding machine sa farm ninyo?

Joshua: Para sakin, kung okay naman yung automated feeding machine. Kung masasakto nung program
na pagpapakain, yung masusunod parin yung pagpapakain nya and kung kakayanin yung 28 days. Sa 28
days, kung kakayanin makapagdispose ako ng umaabot ng range ng 2 kilos or 1.8 kilos, pwedeng pwede
iautomate yan. Pero kung hindi matatalo ako sa pagpapalaki sa 28 days. Sa range ng 1.8 kilos dapat
maabot yan. Kasi kung hindi maabot yan malulugi ako. Yung range nayun meron 1.5 Kilos merong 2.2
Kilos, so igigitna ko lang yan, so yung 1.8 or 1.9 kilos kasi medyo mataas yung iba eh. Yung iba kontin
lang makukuha kapag 1.5 Kilos. Irarange ko nalang ng 1.8 Kilos, ibig sabihin maayos naman yung
pagpapakain. Kung mas mababa sa 1.8 Kilos, mas matatalo ako.

Stan: Ano po yung tinutukoy ninyo pong 1.8 kilos?

Joshua: Yung timbang ng mga manok. Kapag umabot sila ng 28 days, kailangan mareach nila yung
range na 1.8 kilos, yung iba 1.5 yung iba 2.2

Stan: Dagdag ko lang din po, yung nararanasan ninyong pagpapakain is diba po siksikan yung mga
manok? Ano po yun yung ginagawa ninyong pagpapakain ng manual sa mga manok is kumbaga
nahirapan din po kayo, may times na nahirapan din po kayo?

Joshua: Kung makikita mo sa picture, kapag kumain nayan siksikan nayan sila. Ganon din sa tubig kapag
nakita mong may mga nagtumbahan ng mga container. Pag siksikan sila jan tumba talaga yan, kumbaga
kapag gutom na gutom. Kailangan muna nilang maghintay na may matapos kumain bago sila lumipat ng
ibang kainan.
Stan: Yung sa apat po na cycle nang pagpapakain, halimbawa po yung sa 8 am, ano po yun nauubos po
ba yung pagkain nila duon?

Joshua: Ubos yung 8am to 12. So ngayon pagdating ng mga 10 pm hindi ako naglalagay ng mga 1.5
kilos. So sinosobra ko yan ang paglalagay sa pagkain nila. So yung tubig hindi ko alam kung matatapon
yan. So ang ginagawa ko dyan para hindi nila matapon meron tali iyon sa itaas para kung masagi man is
hindi matumba. Para syang (tubigan) lumulutang or nakaangat ng konti para kahit gumalaw ng konti
hindi nila matumba, so ganon yung nagawa ko ngayon.

Stan: Yung sinabi nyo pong 1.5 kilos na pagkain na nilalagay ninyo kada cycle sa araw araw, ano pong
week yung mga manok nayon?

Joshua: Sa 28 days umaabot sila ng mga 2.2 pero hindi ko na sila pianapaabot ng 2.5 kasi malulugi nako.

Stan: Hindi po, yung ibig kong sabihin is diba sabi niyo po merong ibat ibang yung bigat ng pagkain sa
container sa bawat weeks nila?

Joshua: Oo yung sa feeds kasi nila, umaabot ng 1.5 kilos sa 8am, 12pm, 5pm, tapos pagpatak ng 10pm
lalagyan ko nayan ng 3 kilos. Pagdating ko ng 8 ng umaga, may matititra pang konti duon so dadagdagan
ko nalang mga 1 kilo nalang. Pagdating ng 12pm at meron padin so dadagdagan ko nalang ng kilo para
masakto dun sa kailangan nila hanggang maubos nila ng 5pm, tapos balik nako ulit sa 1.5 kilos.

Stan: Anong edad napo ng mga manok iyon?

Joshua: Sa ngayon, sa december 21 mag 28 days nayan. So ano nayan may 1.5 kilos nayan ngayon. So
yung dun sa picture, meron na duong mga 2.2 kilos. Yung iba 1.9 kilos.

Stan: Kumbaga kapag lagpas na sa kilo yung manok duon sa hinahanap ninyong range hindi na pwede
iyon?

Joshua: Oo kasi kapag umabot na sya ng 2.2 range malulugi nako sa pakain non kasi nalakas yung
pakain nila?

Stan: Hindi po ba mas malaki yung kita niyo nun kung mas mabigat yung manok? Or hindi.
Joshua: Hindi kasi lugi kana sa days na dapat kang makapagdispose na every 2 weeks sa isang buwan.
Every two weeks dapat nakapagdispose kana ng dalawang beses. Kaya sabi ko sa magulang ko na dapat
every two weeks nagdidipose kami kasi kung hindi matatalo kami, kasi nagsusupply kami sa bayan, sa
palengke.

Stan: Ah duon niyo po pala dinidistribute?

Joshua: Oo, meron din sa catering. Minsan nagalaga ako ng isang disposal 1500, kaya kumuha samin ng
1500 yung catering.

Stan: Ayun lang naman po yung mga tanong ko, salamat po.

Joshua: Alamin ninyo kung magkano yung magagastos din, para kung pumunta kayo dito sa mindoro
pwedeng pasundo ko kayo sa kapatid ko para makita nyo din yung poultry farm namin. Yunng isa kasi
duon hindi pa nagagamit, pero kung nagamit yun nasa mga 1k na manok, pero hindi pa nagagamit kasi
kulang sa oras nagaasikaso kasi ako ng lisensya ko, paparango ako kasi kailangan kong sumakay ng
barko. Message mo nalang ako. Kapag dating kasi ng january baka makasampa na ulit ako. Sabihan mo
lang ako kasi iba yung oras kapag sa ibang bansa kaya baka late nako makapagreply sa inyo. Sabihan mo
lang ako sa range ng price ng device para makabawi rin kayo sa gastusin. Ilan ba kayo na magkakagrupo
jaan?

Stan: Apat po kami.

Joshua: Malaki magagastos niyo jaan, pamasahe papunta duon kasi masyadong malayo. Yung sa roro
530, pero studyante naman kayo baka 480 yung barko. Palagay nating 3k, palagay mo manila to batangas
asa 200-300 din yun. Pamasahe ninyo papunta sa amin halagang 300-600. So malaki talaga sa isang tao
palang, so mababawi niyo palang duon is sa materyales niyo. Sa pagkain naman walang problema. Kung
sakasakali kasama nyo naman yung pinsan ko diba para pwede kayong magpasama duon sa bahay ng lola
niya. Kasi bagong lipat lang ako sa bahay ng papa ko, maliit lang sya. Mas maganda kung duon kayo
manuluyan kasi mas makabawas sa inyo ng gastos kasi malaki duon, icontact nyo nalang si cess. Kung
pwede makituloy duon.

So yung machine niyo naman is hindi maingay diba? So kasi yung mga manok restless yan kapag
maingay. Kasi kapag maingay hindi na sila makakakain, kapag stress yan hindi na makakakilos yung
manok. Kailangan tahimik yung lugar kasi yun din yung mga problema sa mga manok.
Stan: Opo, sige po thank you.

--------------------END------------------------
Pictures of the Atienza Farm

You might also like