You are on page 1of 6

Narrator: Magandang hapon po sa inyong lahat!

Kami po ang Grade 6 pupils ang


itatanghal po namin sa aming dula-dulaan ay ang patakarang pangkalusugan noong
Panahon ng mga Amerikano. Bago pa man dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas
ay laganap na ang iba’t ibang sakit sa Pilipinas katulad na lamang ng malarya, kolera,
bulotong, tuberkolosis, at disenteriya. Kaya naman naglunsad ang mga Amerikano ng
mga patakarang pangkalusugan upang magkaroon ang mga Pilipino ng pananaw
patungkol sa kahalagahan ng pagiging malinis sa katawan at pagiging malusog.

SCENE 1 : Sa Isang Maliit na Pagamutan


(may 6 nakahigang pasyente na, isang family member na bantay ng bawat pasyente,
1 nars, 1 Amerikano)

Pasyente: (inuubo) Mamamatay na ata ako (inuubo) Oh Panginoon ko, kahabagan po


ninyo ako.

Kamag-anak : Huwag po kayong magsalita ng ganyan (umiiyak) lumaban po kayo.


May awa po ang Panginoon. Pagagalingin ka po Niya (umiiyak)

Pasyente: (patuloy sa pag-uubo)

(nagpunta ang isang Amerikano sa isang pagamutan upang magmasid)

Amerikano 1 : What's going on here? So many people are sick! Excuse me, nurse!
Can I talk to you for a minute?

Nurse 1 : Oh yes Sir. What can I do for you, Sir?

Amerikano 1 : Why are so many Filipinos getting sick? What are their diseases?

Nurse : Sir, some of them have tuberculosis, some have dysentery, some have
malaria, some have smallpox, and some have cholera.

Amerikano 1 : What?? Goodness! Alright then, you can go back to your work.

Nurse 1 : Okay Sir.


-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
----------------------
SCENE 2 : Tahanan ng Isang Pamilya
Narrator: Sa isang pamilyang Pilipino, masayang nag-uusap ang magkakamag-anak.

Tatay: Hmmm, ang bango naman ng ulam natin ngayon, Mahal.

Nanay: Syempre naman, Mahal.

Tatay: Hulaan ko, ang ulam natin ngayon ay……. pritong pilapia!

Nanay: Ano? Pritong tuyo ang ulam natin. Nangangarap ka na naman ng gising.
Tatay: (nagkamot ulo) Ay… Hehe. O siya, tawagin mo na ang mga anak natin at tayo
ay kakain na.

Nanay : Mga anak! Halina kayo at tayo ay kakain na.

Anak 1 at Anak 2 : (naglalaro) Opo Inay, papunta na po kami.

Narrator : Dahil sa pananabik ay hindi na rin nakapaghugas ng kamay ang mga bata.
Habang sila ay kumakain, nahulog sa sahig ang ulam ng isang bata.

Anak 1 : Nay, nahulog po ang ulam ko. (malungkot)

Nanay : Pulutin mo, Anak. Wala pa naman yang 1 minute.

Anak 1 : (pinulot ang ulam na tuyo) Naku marumi na po, Inay.

Tatay : Naku Anak, ipampag mo lang yan. Ganito lang gawin mo o (pinitik-pitik ang
tuyo)

Anak 1 : (pinitik-pitik ang tuyo) Ganito po?

Tatay : Oo, ganyan nga, Anak.

Anak 2 : E di ibig sabihin po, malinis na po yung nahulog po na tuyo?

Tatay: Oo naman, Anak.

Nanay : O siya, ipagpatuloy na natin ang kumain.

Anak 1 at Anak 2 : Opo, Inay.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
SCENE 3 : Sa Isang Bakuran
Narrator: Sa isang banda naman, nag-uusap ang mga magkakaibigang sina Juan,
Pedro at Jose.

Juan : (iniinda ang sakit sa tiyan)


Pedro : (nagkakamot ng balat)
Jose : (inaamoy ang kili-kili)

Juan : Kanina mo pa inaamoy ang kili-kili mo Jose a, ano ba meron diyan sa kili-kili
mo?

Jose : Ah wala naman. Inaamoy ko kung mabango pa. Hindi kase ako naligo ng
tatlong araw.
Juan : Ano?? Tatlong araw ka na na hindi naliligo? Tapos inaasahan mo kung
mabango pa ang kili-kili mo? Susme!

Pedro : Ha! Ha! Ha!

Jose: Sus, patawa-tawa ka diyan Pedro. E halata din naman na hindi ka rin naliligo e.

Pedro : Paano mo nasabi?

Jose : Sus, kanina ka pa kaya kamot ng kamot diyan.

Pedro : Ang lamig kasi ng tubig e kaya hindi na rin ako nakakapaligo minsan. Teka,
okay ka lang ba, Juan?

Juan : Medyo masakit ang tiyan ko. Kanina pa ako pabalik-balik sa banyo.

Pedro : Bakit ano ang nakain mo?

Juan : Nagkape lang ako kanina at tinapay. Yung binigay ni Aling Marta.

Jose : Ano? Matagal na ‘yun a! Baka may amag na yung tinapay na nakain mo kaya
sumasakit ang tiyan mo.

Juan : Hindi naman siguro. Sayang kasi ang pagkain kapag hindi inubos.

Jose : Sa bagay.
_____________________________________________________________________

SCENE 4 : Pagpupulong ng mga Amerikano


Narrator : Sa isang pagpupulong, napag-usapan ng mga Amerikano ang mga
sumusunod.

Amerikano 1 : Good morning, comrades! For our meeting for today, we will talk
about the deteriorating condition of Filipinos when it comes to their health.

Amerikano 2 : What do you mean by that?

Amerikano 1 : Many Filipinos are suffering from malaria, dysentery, cholera,


smallpox and even tuberculosis which is highly contagious!

Amerikano 3 : That means they lack knowledge when it comes to proper self-care.

Amerikano 1 : Yes you’re right.

Amerikano 4 : We need to launch policies regarding self-care and the importance of


cleanliness. Through this, Filipinos will have knowledge on how they can take care of
themselves.
Amerikano 5 : I think that is the best solution. They need to be educated. But, what
are we gonna implement?

Amerikano 2 : To stop the infection, there must be quarantine services. For example,
people with tuberculosis and cholera will be isolated.

Amerikano 3 : I agree with that. Their things or personal belongings also need to be
disinfected.

Amerikano 4 : We will also provide leaflets and other information on how to prevent
the spread of diseases.

Amerikano 5 : We will also build clinics, hospitals and health centers in different
parts of the country.

Amerikano 1 : Good ideas, comrades! If there’s nothing more to discuss, we can end
here. Thank you all for your time.

Narrator : Binigyang-pansin ng mga Amerikano ang kalusugan at sanitasyon ng mga


Pilipino. Itinatag ng mga Amerikano ang Lupon sa Kalusugan ng Bayan o Board of
Public Health noong 1901. Naituro nila ang pagiging malinis sa katawan at pagkain ng
wasto at masusustansiyang pagkain. Itinayo din sa mga bayan ang mga sentrong
pangkalusugan tulad ng klinika at ospital. Pinakamatanyag sa mga ito ang Philippine
General Hospital na itinayo noong 1910. Sa pamamagitan din ng mga makabagong
medisina at paraan ng panggagamot, nasugpo ang pagkalat ng mga nakakahawang
sakit tulad ng kolera, bulutong at tuberkolosis.

(habang binabasa ito ng narrator ay isinasagawa ang SCENE 5 : Nangangaral ang mga
Amerikano sa mga Pilipino patungkol sa kahalagahan ng kalinisan sa katawan at
pagkain ng masusustansiyang pagkain)

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
SCENE 6 : Tahanan ng Isang Pamilya
Narrator : Masayang manananghalian ang pamilya.

Tatay : Hmmmm… ang bango naman ng ulam, Mahal. Mukhang alam ko na ang ulam
natin ngayon ah. At sigurado akong hindi na ako magkakamali ngayon.

Nanay : Talaga lang, Mahal. Sige, ano ang ulam natin ngayon?

Tatay : E di, pritong tuyo!

Nanay : Ha?? Pritong pilapia ang ulam natin ngayon! Ha! Ha! Ha! Namali ka na
naman.
Tatay : Aysus! Kasarap naman ng ulam natin ngayon. Nasaan ang mga bata? Tawagin
mo na sila, Mahal.

Nanay : Mga anak, halina kayo at tayo ay kakain na.

Anak 1 at Anak 2 : Opo, Inay (naglalaro)

Nanay : Mga anak, ano nga ulit ang gagawin bago kumain?

Anak 1 at Anak 2: Ahmmmm, maghugas po ng kamay!

Nanay :Mahusay mga anak!

Anak 2 : Kayo po ba ni Tatay po ay nakapaghugas na po kayo ng kamay?

Tatay : Oo naman, Anak. Iyan ang isang mahalagang itinuro sa atin ng mga
Amerikano - ang laging naghuhugas ng kamay. Kaya sigi na mga anak, maghugas na
kayo ng kamay dahil masarap ang ulam natin ngayon.

Anak 1 at Anak 2 : Opo Itay.

(masayang naghugas ng kamay ang mga bata. Bumalik sila sa hapag-kainan at sila ay
nagsalo-salo)

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
SCENE 7 : Sa Isang Bakuran
Narrator : Muling nagkamustahan ang mga magkakaibigan na sina Juan, Pedro at
Jose.

Juan : Kumusta na kayo mga kaibigan?

Jose : Ito amoy bagong ligo na he he he. Di ba, Pedro?

Pedro : Oo, tama ka diyan Jose. Iba pala sa pakiramdam kapag laging malinis ang
katawan. Bukod sa nakakagaan ito sa katawan ay nailalayo pa tayo sa iba’t ibang uri
ng sakit.

Juan : Tama ka diyan, Pedro. Naging maganda ang mga patakaran ng mga Amerikano
pagdating sa kalusugan. Nagkaroon tayo ng kaalaman patungkol sa maaring maging
epekto ng mga mikrobyo sa ating kalusugan.
Jose at Pedro : Tama ka diyan, kaibigan!

Narrator: Malaki ang naging pagbabago sa kalusugan at pag-uugaling pangkalusugan


ng mga Pilipino. Natuto sila ng wastong pag-uugali sa kalinisan sa sarili at sa wastong
pagkain. Nasugpo din ng makabagong gamot ang pagkalat ng nakakahawang sakit.
At dito na po nagtatapos ang aming munting dula-dulaan. Maraming salamat po sa
inyong panunuod.

You might also like