You are on page 1of 11

SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL – SENIOR HIGH SCHOOL

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Inilakip ng mga mananaliksik sa bahaging ito ang mga kaugnay na literatura at pag-

aaral na nagbigay inspirasyon at makabuluhang kaisipan upang maisakatuparan ang buong

pag-aaral.

Sosyo-Demograpikong Katangian ng mga Respondente

Sa pangkalahatan, ang paggamit ng teknolohiya ay maaaring magkaroon ng epekto

sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino ng mga mag-aaral sa Baitang 11 batay sa mga

sumusunod na salik: edad, kasarian, strand, at bilang ng oras na iginugugol sa paggamit ng

teknolohiya.

Edad

Alinsunod sa pananaliksik nila Agustin et al. (2020), ang edad 17 ang pinakamataas

na may bilang na 23 at bahagdan na 46. Sumusunod dito ang edad 16 na may bilang na 19

at bahagdan na 38. Ang edad 18 naman ay may lima at bahagdan na 10 at ang panghuli ay

ang edad 19 na may tatlo at bahagdan na 6.

Kaugnay nito, batay rin sa nakalap na datos ni Cogo (2014), ang edad na 17 ang

may pinakamataas na bilang na 37. Sinundan ito ng edad na 18 na may bilang na 23 at ang

may pinakamababang bilang ay ang edad 22 at 23 na may tig-isang bilang.

Ayon kay Chivers (2021), ang bawat henerasyon ay may iba’t ibang paraan ng

paggamit sa teknolohiya. Sinabi niya na ang mga Baby Boomers, edad 56-76 ay tumaas ng

431 bahagdan ang kanilang paggamit sa mga online service apps. Sa mga Gen X na edad

41-56 naman ay 74 bahagdan ang naging aktibo sa social media, habang 51 bahagdan sa

mga Millennials, edad 26-41 ang gumagamit ng social media.


7
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL – SENIOR HIGH SCHOOL

Dagdag pa rito ang 40 bahagdan ng mga Gen Z, edad 11-26 na nagsasabing ang

WiFi ay mas importante kaysa sa mga banyo. Panghuli, ang 44 bahagdan ng Gen Alpha,

edad 11 at pababa na nagsasabing ang mga mobile devices ay isa sa kanilang mga

paboritong laruan.

Sa taong 2019, ang mga may edad na 10-30 na nakatira sa urban at rural na mga

lugar dito sa Pilipinas ay parehong mahaba ang oras na ginagamit sa iba’t ibang anyo ng

social media at teknolohiya. May bahagdang 69.3 ang gumagamit ng telebisyon at may

bahagdang 63.9 naman ang gumagamit ng internet sa mga urban na lugar araw-araw. May

bahagdan namang 63.5 ang gumagamit ng telebisyon at 41.1 bahagdan ang gumagamit ng

internet sa mga rural na lugar araw-araw (Philippines Statistics Authority, 2020).

Bukod pa riyan, binanggit din sa isang pananaliksik na malaki ang diperensya ng

mga bata kumpara sa mga matatanda pagdating sa mga gumagamit ng internet o mga

nagsasabing may sarili silang gadget. Ang mga may edad na 18-29 na nagsabing

gumagamit sila ng internet o may sarili silang gadget ay 94 bahagdan, habang ang mga

may edad na 30-49 ay 74 bahagdan at ang mga may edad na 50 pataas ay 36 bahagdan

lamang (Schumacher at Kent, 2020).

Kasarian

Ayon sa pag-aaral nina Barlaan at Javier (2020) sa bilang na 60 na mag aaral, 71.7

bahagdan ang kababaihan at 28.3 bahagdan ng kalalakihan ang bumubuo nito. Ayon din sa

pananaliksik na isinagawa ni Cogo (2014) na pinamagatang “Epekto ng Teknolohiya sa

Pag-aaral ng mga Mag-aaral,” ang babae ay 62 bahagdan, habang ang mga lalaki ay 38

bahagdan lamang.

8
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL – SENIOR HIGH SCHOOL

Batay sa resulta ng kanilang mga pag-aaral, makikita na nakalalamang ang bilang

ng mga babae kaysa sa mga lalaki. Indikasyon lamang ito na ang karamihan sa gumagamit

ng teknolohiya ay kababaihan.

Strand

Ayon kina Barlaan at Javier (2020), pinakamarami ang kumuha ng kurso/strand na

Humanities and Social Sciences (HUMSS) na may kabuuang 40 bahagdan ng mga

respondente. Sumusunod dito ay ang strand na Science, Technology, Engineering, and

Mathematics (STEM) na may 23.3 bahagdan, Information and Communications

Technology (ICT) na may 20 bahagdan, at Accountancy, Business and Management (ABM)

na may 16.7 bahagdan.

Samantala, base sa pananaliksik nila Ejercito et al. (2017), mula sa kabuuang bilang

na 195 na sampol ng mga mag-aaral, pinakamarami ang nasa kursong STEM na mayroong

49 bahagdan. Pangalawa sa may pinakamataas na bilang ang ABM strand na may 35

bahagdan, habang pinakakaunti naman ang galing sa strand ng HUMSS na mayroon

lamang 16 bahagdan.

Ngunit, ayon naman sa isang pananaliksik, nakakuha ng pinakamataas ang HUMSS

na may 50 bahagdan. Sa kabilang banda, pumapangalawa ang ICT na may 25 bahagdan,

15 bahagdan naman ang nagmula sa Home Economics (HE), habang 10 bahagdan sa strand

na STEM (Balahadia et.al, 2019).

Panghuli, ayon naman sa resulta ng pag-aaral ni Lim (2016) patungkol sa mga salik

na nakaiimpluwensya sa ika-10 na baitang sa pagpili ng academic track, pinakamarami

ang nasa kurso ng STEM na may 80 bahagdan. Sinundan ito ng ABM at HUMSS na

parehong may 10 bahagdan ng kabuuang bilang ng respondente.


9
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL – SENIOR HIGH SCHOOL

Bilang ng Oras na Iginugugol sa Paggamit ng Teknolohiya

Sa gitna ng pandemya, umikot na ang pamumuhay ng tao sa paggamit ng

teknolohiya. Ito ay sa kadahilanang nagbigay daan ang teknolohiya upang maipagpatuloy

ang mga gawaing pang-edukasyon at mga gawaing pang-kabuhayan ng mga tao. Sa gayong

dahilan, nadagdagan ang oras na iginugugol ng tao sa paggamit ng teknolohiya. Ayon sa

nakalap na datos ni Regondolla (2017) sa 50 na mag-aaral, 44 bahagdan ang gumagamit

ng 1-2 oras, 30 bahagdan naman ang 3-4 oras, habang 26 bahagdan naman ang sumagot ng

limang oras pataas. Makikita rito na karamihan sa mga respondente ay 1-2 oras lamang ang

naigugugol sa paggamit ng gadyets at may ilan lang na gumagamit ng 3-4 oras at limang

oras pataas.

Ngunit, sa isinagawang pananaliksik nina Barlaan at Javier (2020) sa 60 na mag-

aaral, 12 ang 1-3 oras ang iginugugol sa paggamit ng teknolohiya. Sa kabilang banda, may

20 namang mag-aaral na 6-10 oras ang iginugugol, habang 28 naman ang 4-5 oras ang

inuubos sa paggamit ng teknolohiya. Sa pag-aaral na ito, lumabas na karamihan ng mga

mag-aaral ay gumugugol ng 4-5 oras sa paggamit ng teknolohiya. Nagsilbing patotoo ang

dalawang pag-aaral na ito na humahaba ang oras na iginugugol ng mga mag-aaral sa

paggamit ng teknolohiya sa paglipas ng panahon.

Positibong Epekto ng Paggamit ng Teknolohiya sa Pagpapaunlad ng Wikang Filipino

Ayon kay Bertillo (2011) na binanggit nila Briones et al. (2017), madalas gamitin

ng mga kabataan ang teknolohiya sa kanilang pag-aaral. Sa pagsasagawa ng isang

pananaliksik gamit ang teknolohiya, mas napalalawig nito ang kanilang kaisipan.

Batay rin kay Coble (2014), ang patuloy na pag-unlad ng teknolohiya ay may

pakinabang sa mga mag-aaral. Malaki ang naidudulot nito na kapakinabangan sa mga


10
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL – SENIOR HIGH SCHOOL

kabataan dahil nagagamit nila ito upang mas mapadali ang paggawa ng mga gawain sa

paaralan at maging isang epektibong mamamayan.

Sa kabilang banda, ang teknolohiya ay isa ring libangan para sa mga kabataan.

Subalit, sinasalungatan ito ng pag-aaral na nagsasabing ang teknolohiya ay hindi lamang

isang libangan, kundi source of knowledge rin ng mga mag-aaral (Kumar, 2007 na

binanggit ni Regondolla, 2017).

Bukod sa tulong ng gadyets at internet na mga ito, masasabi nating kapaki-

pakinabang ang teknolohiya sa ating pamumuhay. Sa tulong din ng teknolohiya, ang

pagpapaunlad ng Wikang Filipino ng mga mag-aaral ay hindi rin imposibleng mangyari.

Tunay ngang ang patuloy na pag-unlad ng teknolohiya ay may kaakibat na magandang

hinaharap.

Negatibong Epekto ng Paggamit ng Teknolohiya sa Pagpapaunlad ng Wikang

Filipino

Bagamat may positibong hatid ang teknolohiya sa pagpapaunlad ng Wikang

Filipino, mayroon pa rin itong dalang negatibong epekto. Sa isang pag-aaral na isinagawa

ni Concepcion (2016), lumabas na mas nagagamit ng mga Pilipino ang Wikang Ingles dahil

sa paniniwalang ito ay isang wika ng prestige, kaalaman o yaman. May bahagdan na 45.32

ang nagsasabing ginagamit nila ang Wikang Ingles dahil sa pagnanais na magmukhang

matalino o mayaman sa kanilang mga kausap.

Bilang karagdagan, isa sa mga nabanggit ng mga respondente ay ang kawalan ng

presensya ng Wikang Filipino sa iba’t ibang mga websayt kung saan sila gumagawa ng

iba’t ibang transaksyon. Karamihan o 73.12 na bahagdan ang naniniwalang kung nilalayon

ng isang indibidwal na makakalap ng maraming impormasyon sa internet, mas


11
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL – SENIOR HIGH SCHOOL

makabubuting gamitin ang Wikang Ingles (Concepcion, 2016). Nagsilbing batayan ang

pag-aaral na ito na dahil sa teknolohiya, nagkaroon ng kawalan ng presensya ang Wikang

Filipino pagdating sa mga transaksyon dahil Wikang Ingles ang kadalasang ginagamit sa

internet.

Dagdag pa rito, ang Wikang Filipino sa makabagong panahon ay patuloy na

nagbabago. Gumagamit na ng iba’t ibang mga paraan upang mapaikli ang mga salita.

Napalitan na rin ang mga arkayk na salita ng mga makabagong salitang inihalili upang

mapadali ang pagbigkas sa mga ito. Panghuli, naging talamak din sa mga kabataan ang

paggamit ng balbal na salita. Kaugnay nito, ayon sa pag-aaral ni Baldon et al. (2014) na

binanggit nila Alarcon et al. (2018), ang teknolohiya ang pangunahing salik na nakaeepekto

sa pagbabago ng Wikang Filipino batay sa 70 bahagdan ng kabuuan ng respondente.

Mga Dahilan ng Paggamit ng Teknolohiya

Alinsunod sa pananaliksik ni Concepcion (2016), ang ilan sa dahilan ng paggamit

ng teknolohiya ng mga tao ay ang pakikipagkomunikasyon, pananaliksik o paghahanap ng

impormasyon, paggamit ng mga Social Networking Site (SNS), paglalaro ng mga e-game

at iba pang mga anyo ng paglilibang. Ngunit, batay sa resulta ng sarbey na kanyang

isinagawa, 58.14 bahagdan ng mga respondente ang gumagamit ng teknolohiya para sa

paghahanap ng impormasyon. Samakatuwid, pinakamatimbang ang pananaliksik bilang

dahilan sa paggamit ng teknolohiya.

Maliban sa nabanggit, ayon kay Ahmadi (2018), ang paggamit ng teknolohiya ay

naging mahalagang bahagi ng proseso ng pagkatuto sa loob at labas ng klase. Ang bawat

klase ng wika ay karaniwang gumagamit ng ilang uri ng teknolohiya. Ang teknolohiya ay

ginamit upang makatulong at mapabuti ang pag-aaral ng wika. Binibigyang-daan ng


12
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL – SENIOR HIGH SCHOOL

teknolohiya ang mga guro na iakma ang mga aktibidad sa silid-aralan, sa gayon ay

pinahuhusay ang proseso ng pag-aaral ng wika. Ang teknolohiya ay patuloy na lumalaki

ang kahalagahan bilang isang kasangkapan upang matulungan ang mga guro na mapadali

ang pag-aaral ng wika para sa kanilang mga mag-aaral.

Epektibong Pamamaraan sa Pagpapaunlad ng Wikang Filipino Gamit ang

Teknolohiya

Ayon sa pananaliksik ni Concepcion (2016), nagagamit nang husto ng mga Pilipino

ang pambansang wika sa pamamagitan ng iba’t ibang anyo ng komunikasyon sa internet,

kagaya ng chat o private message, forum, pagpapaskil ng mensahe at pagkokomento sa

mga SNS. Nagbigay ideya ang pag-aaral na ito ukol sa maaaring epektibong pamamaraan

upang lalong magamit ang Wikang Filipino o mapaunlad ito.

Bukod pa riyan, batay sa isang pag-aaral, malaki ang naitutulong ng teknolohiya

sapagkat mula sa simpleng bidyo at digital na pamamaraan ay mas nauunawaan ng bawat

mag-aaral ang isang aralin (Willmot et al., 2012 na binanggit nila Alarcon et al., 2018).

Ayon din sa nakalap na impormasyon nila Dongallo et al. (2022), magkakaiba ang

pananaw ng mga respondente tungkol sa mga paraan kung paano nakatutulong ang

teknolohiya sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino. Lumabas din sa kanilang pag-aaral na

60 bahagdan ang nagsasabing higit na nakatutulong ang paggamit ng mga bidyo at digital

na pag-uulat upang mas maunawaan ng mga mag-aaral ang mga aralin, habang 40

bahagdan naman ang naniniwalang napalalalim ang kanilang kaalaman sa Wikang Filipino

dahil sa mga social media apps na may layong paunlarin ang Wikang Filipino. Nagsilbing

patotoo ang kanilang mga pananaliksik na mas epektibo ang paggamit ng mga bidyo at

digital na pag-uulat upang mapaunlad ang Wikang Filipino.


13
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL – SENIOR HIGH SCHOOL

Kahalagahan ng Paggamit ng Teknolohiya sa Pagpapaunlad ng Wikang Filipino

Sa panahon ngayon, laganap na ang mga technological advancements. Lubos ang

kahalagahan ng teknolohiya sa ating lipunan at sa mga tao, kagaya ng internet at

cellphones. Isa sa aspektong naapektuhan ng teknolohiya ay ang pag-aaral. Mas napadadali

ang pangangalap ng mga impormasyon dahil sa pagdating ng internet at maaari din silang

matuto sa pamamagitan ng YouTube at social media. Bukod pa riyan, ang teknolohiya ang

naging masusing instrumento ng mga guro upang kanilang mahusay na maisagawa ang

kanilang online classes. Isa pang aspekto na naapektuhan ng teknolohiya ay ang lipunan sa

pamamagitan ng komunikasyon. Maraming inihatid na pamamaraan ang teknolohiya

upang makipag-ugnayan sa ibang tao na nasa kabilang dulo ng mundo, tulad ng emails,

video calls, at ibang apps, tulad ng FaceTime (Allen, 2019).

Higit pa rito, ayon sa artikulo na galing kay Beaumont (2021), ang pagsusulat ay

isa ring uri ng teknolohiya. Nang unang nagsimula ang ating mga ninuno sa pag-ukit sa

mga dingding ng kuweba, nakaimbento sila ng isang kamangha-manghang bagay na

magtatagal ng libu-libong taon. Mula noon, naipakita na ang pagkasilang ng mga

communication tools ay may malaking impak sa wika. Nakalipas ang libu-libong taon,

nagkaroon din ng printing technologies na may bagong kombensyon para sa spelling,

spacing, line-breaking, at hyphenating. Ang ika-19 na siglo ay nagdala rin ng kanyang

sariling mga inobasyon, tulad ng telegraphs, typewriters, at Word Documents (Beaumont,

2021).

Sarili

Hindi maipagkakaila na ang teknolohiya ay isa nang mahalagang bahagi ng

pamumuhay ng tao. Pinadali nito ang araw-araw na pamumuhay dahil napabilis ang mga
14
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL – SENIOR HIGH SCHOOL

gawain, gaya ng pangangalap ng impormasyon. Sinasang-ayunan ito ng datos na nakalap

ni Regondolla (2017) na 98 bahagdan ng respondente ang sumagot na nakatutulong ang

teknolohiya sapagkat napagagaan nito ang paghahanap ng kanilang takdang-aralin.

Nangangahulugan lamang ito na mas maraming mga mag-aaral ang nakikita ang

teknolohiya bilang nakatutulong kaysa sa pagiging sagabal nito sa kanilang pag-aaral.

Bagamat lumabas sa isang pag-aaral na positibo ang naidudulot nito sa mag-aaral,

ayon naman kina Briones et al. (2017), maraming mag-aaral ang may mabababang marka

hindi dahil sa hindi nila maintindihan ang mga itinuturo sa klase, kundi dahil marami na

silang ibang pinagkakaabalahan bukod sa kanilang pag-aaral. Nagsisilbi itong paalala na

hindi pa rin dapat mawala ang pangamba na ang teknolohiya ay maaaring maging sagabal

sa pag-aaral sa kabila ng paghahatid nito ng tulong sa mga mag-aaral.

Maliban sa nabanggit, maituturing ding behikulo ang teknolohiya sa pagpapalawig

ng kaalaman. Alinsunod sa pag-aaral na isinagawa nila Dongallo et al. (2022), 50 bahagdan

ng respondente ang nagsasabing lumalawak ang kanilang kaalaman dala ng kanilang mga

napapanuod online. Pinatunayan ng mga pag-aaral na ito na ang teknolohiya ay parehong

nakapagpapaunlad at maaari ding maging dahilan ng hindi pag-unlad ng isang tao.

Pamilya

Ayon sa United Nations, nasa 1.25 bilyong kabataan sa 124 na mga bansa ang

apektado ng pagsasara ng mga paaralan. Ang mga batang ito ay nasa bahay lamang at pilit

na sumasabay sa mga pagbabagong nagaganap sa kanilang buhay. Wala na ang kanilang

mga kalaro at kaklase at ang kanilang mga magulang ang nagsilbi nilang guro (Pilipino

Mirror, 2020).

15
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL – SENIOR HIGH SCHOOL

Dahil sa pandemya at mga lockdown sa maraming lugar sa buong mundo, apektado

ang buhay ng mga mag-aaral at ang kanilang mga pamilya. Sarado ang mga eskuwelahan

at ang mga mag-aaral ay nananatili sa kanilang mga bahay at nag-aaral na lamang sa

pamamagitan ng internet. Ang tinatawag na “screen time” na bilang ng oras na iginugugol

nila sa harap ng gadget o screen ay tumataas na nang husto (Pilipino Mirror, 2020).

Sa kabilang banda, ang mga magulang ay naliligalig sapagkat kailangan nilang

subaybayan ang pag-aaral ng kanilang mga anak habang nagtatrabaho o nag-aalala tungkol

sa pagkawala ng trabaho, pagkabawas sa kita, mga gawaing bahay, mga kaibigan o kamag-

anak na may sakit, paninigurong ligtas ang pamilya at may malusog na isip at

pangangatawan. Ilan lamang ito sa malalaking alalahanin ng mga magulang sa ngayon

habang kanilang inaasikaso at sinusubaybayan din ang edukasyon ng mga anak (Pilipino

Mirror, 2020).

Ngunit, ayon sa pag-aaral ni Villegas (2013), ang mga tampok ng mga teknolohikal

na aparato ay nagbibigay-daan sa mga indibidwal na pagyamanin ang relasyon sa kanilang

pamilya sa pamamagitan ng paglikha ng walang hanggang kakayahang kumonekta sa iba.

Sinasang-ayunan ito ng nakalap na datos ni Anderson at Jiang (2018) na

nagsasabing 40 bahagdan ng respondente sa kanilang pag-aaral ay sumasang-ayon na

nagkaroon ng positibong epekto ang social media dahil nakatutulong ito upang sila ay

makipag-ugnayan sa iba. Binigyang-diin ng karamihan sa tumugon kung paano pinadali

ng social media ang pakikipag-usap sa pamilya.

Lipunan

Batay sa pananaliksik nila Agustin et al. (2020), nakakuha sila ng 3.45 na mean na

nangangahulugang lubos na sumasang-ayon ang mga mag-aaral sa epekto ng makabagong


16
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL – SENIOR HIGH SCHOOL

teknolohiya sa lipunan. Nakakuha ng pinakamataas na mean na 3.54 ang pahayag na “Ang

makabagong teknolohiya ang nagsisilbing daan para makausap natin ang mga kaibigan o

pamilya natin sa iba’t ibang sulok ng mundo.” Samakatuwid, ang isa sa dahilan kung bakit

mahalaga ang teknolohiya sa lipunan ay dahil sa kakayahan nitong mag-ugnay ng mga tao

kahit nasaan pa man silang panig ng mundo.

Dagdag pa rito, ayon kay Akram at Kumar (2017), ang social media ay may mga

positibong epekto sa lipunan. Pagdating sa edukasyon, pinagagaan nito ang pagkatuto dahil

mabilis kang makakakuha ng kabatiran mula sa mga eksperto at propesyunal sa

pamamagitan ng instrumentong ito. Ang mga mag-aaral at eksperto ay may kakayahang

magbahagi at makipagpalitan ng impormasyon sa mga tao at maaaring humingi ng opinyon

hinggil sa isang partikular na paksa. Bukod pa riyan, napabibilis din nito ang pagkalat ng

mga kaganapan na nangyayari sa iyong paligid. Sa pamamagitan ng behikulong ito, maaari

mo nang malaman agad ang mga pangyayaring kagaganap pa lamang.

17
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

You might also like