You are on page 1of 6

3.

Filipino sa Inhenyeriya
Isang pundasyon at malaking patunay ang
ginawang eksperementasyon ni Carlito M. Salazar
(1995) ng DLSU- Maynila sa kakanyahan ng Filipino
bilang wika ng karunungan nang gamitin niya ito
bilang midyum sa pagtuturo ng mga asignatura sa
Inhenyeriya gaya ng Process Design in Chemical
Engineering Heat Transfer, Computer Calculations
at Momentum Transfer.
MGA DAHILAN:
a. Mas buhay at pormal ang talakayan

b. Mas nakiiisa ang mga mag-aaral sa talakayan sa klase

c. Nawawala ang tension sa klase

d. Nawawala ang anumang sagabal sa komunikasyon sa


pagitan ng propesor at mga mag-aaral
e. Hindi na doble ang dapat intindihin ng mga mag-
aaral, mahirap na ang teknikal na asignatura, mahirap
pa ang magsalin nito mula sa ingles

f. Mas madaling iugnay ang mga teoryang pang-


inhenyeriya sa pang-araw-araw na buhay at;

g. Napapatibay ang damdaming nasyonalismo


C. FILIPINO SA HIMANIDADES, AGHAM
PANLIPUNAN AT IBA PANG KAUGNAY
NA LARANGAN
1. Filipino sa Humanidades

- Binigyang-kahulugan ng College of Arts and Sciences


ng University of South Florida(2015). Ang
Humanidades bilang isang disiplinang nakatuon sa
pag-aaral tungkol sa sangkatauhan.
-Layunin nito na suriin ang pundamental na gawain ng
tao gamit ang pitong sining gaya ng pagpipinta,
eskultura, arkitektura, musika, literature, pelikula at
teatro.( Tolentino,2010)

-Ang katotohanang ang bisa ng wikang Filipino ay


kinilala ng 1987 Saligang-Batas ng Pilipinas ay hindi
maitatangging ito ay wika ng karunungan. Bukod pa,
marami nang pagaaral ang nagsasabing mas natututo
ang mga mag-aaral at mas nagsasalita sa klase kung
ang ginagamit na wikang panturo ay wika ng kanyang
lipunan.(Teodoro,2018)

You might also like