You are on page 1of 70

KAGAMITANG PAMPAGTUTURO SA

PANITIKANG FILIPINO
GEED 10133

Hermeline Aguilar
Irene Joyce Biscocho
Perla Carpio
Ricardo Carpio
Jhonley Cubacub
Mel Matthew Doctor
Argie B. Hifarva
Sheila May Intoy
Marvin M. Lobos
Jenilyn C. Manzon
Mclougin D. Mislan
Carmelo T. Osorio Jr.
Jeffrix S. Parajas
Leomar P. Requejo
Federico B. Rivera Jr.
Lara Joy Sawa-an
Diana Grace Taala
Alyssa M. Teodoro
Walang bahagi ng publikasyong ito ang maaaring kopyahin sa paraang elektroniko/ mekanikal
ng walang nakasulat na pahintulot mula sa nagsagawa ng publikasyon o nagtipon sa
pamamagitan ng dianagracetaala@gmail.com, carpio_perladelossantos@yahoo.com.ph,
rdcarpio@pup.edu.ph, hermelineaguilar1971@gmail.com, manaloly@gmail.com,
marvinisslayer@gmail.com, panitikfilipino@gmail.com, cjhonley@yahoo.com,
carmelo.osorio30@gmail.com, larsizzleme@gmail.com, Jeffrixxparajas29@gmail.com,
federicorvrjrpup@gmail.com, melmatthewdcotor@gmail.com, sheilamaeintoy@gmail.com,
manzonjenilyn@gmail.com, irenebiscocho@gmail.com, argiehifarva120780@gmail.com,
Mclouhghin@yahoo.com, . Ang pangalan ng/ ng mga dalubguro na makikita sa pabalat ng
kagamitang panturo ay tanging nagtipon lamang ng materyales mula sa iba’t ibang awtor.
Tinitiyak ng mga naghanda ng kagamitang panturo / nagsagawa ng publikasyon na tanging
layuning akademiko ang ginawang pagsipi at hindi gagamitin bilang rekurso.

2
TALAAN NG NILALAMAN

Deskripsyon ng kurso
Inaasahang kalalabasan 5
Awtlann ng kurso
Plano ng Kurso 6
Paraan ng pagmamarka
Mga materyales na gagamitin 8

KABANATA 1
Samu’t Saring Kabatirang Sa Panitikan 11
Kahulugan ng Panitikan 12
Uri ng Panitikan 15
Anyo ng Panitikan 17
Dispensasyon ng Panitikan Pilipino 20
Impluwensiya ng Panitikan 24
Kahalagahan ng pag-aaral ng sariling Panitikan 25

KABANATA 2
Pagpapahalaga sa Akdang Pampanitikan sa Tula at Awitin
Tula 30
Katuturan ng Tula 32
Katangian ng Tula 33
Mungkahing Gabay sa Pagsulat ng Tula 36
Pangtatanghal ng Akda 38
Awitin
Mga Katutubong Awitin 40
Panahon ng Kastila
Panahon ng Amerikano 41
Panahon ng Hapon 42
Musika bilang Instrumento ng Paglaya 43

3
KABANATA 3
Kasaysayan ng Maikling Kuwento sa Pilipinas 52
Mga samahang Pampanitikan
Panahon ng Pananakop ng Hapon 54
Paglaya sa Hapon
Panahon ng Batas Militar 55
Maikling Kuwento sa Panahong Kasalukuyan 56

KABANATA 4
Pagpapahalagang Pampanitikan sa Sanaysay
Ang Sanaysay: Introduksiyon ni Bienvenido Lumbera 63
May Boses sang Sanaysay
May Tono ang Sanaysay 67
May Ugnay ang Sanaysay
May Kurokuro sa Sanaysay 68

4
GABAY SA KURSO

Deskripsyon ng kurso:
Ang Panitikang Filipino bilang isang kursong Filipino sa Kolehiyo ay nakatuon sa pag-
aaral ng mga akdang Pampanitikang sumasalamin sa pamumuhay, kultura, lipunan,
pamahalaan at maging ng kasaysayan ng sambayanan/liping Pilipino.
Gamit ang Wikang Filipino bilang wika ng pagkatuto; nakatuon ang kurso sa pag-aaral
ng pasalita at pasulat na tradisyon ng ating panitikan. Babagtasin nito ang mga yugto ng
panitikan sa iba’t ibang panahon na may espesyal na tuon sa pag-aaral ng mga akdang
pampanitikang nakalapat at nakaugnay sa mga kasanayan ng iba’t ibang larang at disiplina.
Tangan ng kursong ito ang mga sumusunod, una; pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at
pagkilatis ng iba’t ibang akda ng mga Pilipinong manunulat sa wikang Filipino, banyagang wika
at Bernakular na magiging salalayan sa pagsusulong ng kaisipang Filipinolohiya. Pangalawa;
ang pagbasa sa mga kontemporaryong mga akdang pampanitikan na tangan ang malaya at
progresibong kaisipan; pangatlo; ang pag-aaral ng Panitikang Filipino bilang lente sa ating
kasaysayan na may maka-Pilipinong pananaw. At pang-apat; ang pagkakaroon ng produksyon
at presentasyon ng mga artikulong hinggil sa mga panunuri ng mga akdang pampanitikan.

Inaasahang kalalabasan:
1. Makapagtamo ng kaalaman sa mga umiiral na panitikan sa Pilipinas ayon sa historikal
na pag-unlad nito;
2. Nakapagtatalakay ng mga akdang Pampanitikan na sumasalamin sa iba’t ibang aspekto
ng pamumuhay, kultura, lipunan, pamahalaan at kasaysayan ng sambayanang Pilipino.
3. Nakapagpapahayag ng may kabisaan ukol sa pasalita at pasulat na tradisyon ng
panitikang Pilipino.
4. Nagiging kasangkapan sa pagpapalaganap ng pambansang wika;
5. Nakapag-uugnay ng mga kasanayan mula sa iba’t ibang larang at disiplina tungo sa
pagsusuri at pag-unawa sa iba’t ibang akdang pampanitikan.
6. Nakapagsusuri at analisa ng mga akdang pampanitikang likha ng mga manunulat na
Pilipino mula sa iba’t ibang wika – Filipino, Banyaga at Bernakular tungo sa kaisipang
Filipinolohiya.
7. Nakababasa at nakauunawa ng mga kontemporaryong akdang pampanitikan tangan
ang Malaya at progresibong kaisipan.

5
8. Kritikal na nakapagsusuri ng mga akdang pampanitikan gamit ang lente ng maka-
Pilipinong pananaw.
9. Nakabubuo ng papel/artikulo hinggil sa panunuri ng mga akdang pampanitikan.
10. Responsableng nakagagamit ng iba’t ibang platform para sa pagtatanyag sa iba’t ibang
panitikang Pilipino.
11. Naisasabuhay ang mga aral sa akda para sa mabuting paglilingkod.
12. Nagsisilbing kasangkapan sa pagpapalaganap ng Panitikang Filipino sa lokal at globa
na aspeto.

Awtlayn ng kurso:

Kabanata 1: Samu’t Saring kabatiran sa Panitikan


Kabanata 2: Pagpapahalagang Pampanitikan sa Tula at Awitin
Kabanata 3: Pagpapahalagang Pampanitikan sa Maikling Kuwento
Kabanata 4: Pagpapahalagang Pampanitikan sa Sanaysay

Plano ng kurso
WEEK KABANATA/PAKSA GAWAIN
1-4 Oryentasyon sa VMGO (Vision, Talakayan at pagsagot sa mga
Mission, Goals at Objective) ng inihandang aktibidades na makikita sa
Unibersidad. kabanata 1
Pagbibigay ng mga kahingian sa
kurso, pagtatalakay sa kasaklawan
ng mga paksain sa klase at
sistema ng paggagrado (grading
system).
Kabanata 1:
Samu’t Saring Kabatirang sa
Panitikang Filipino
5-8 Kabanata 2: Pagpapahalagang Talakayan
Pampanitikan sa Tula at Awitin Bugtongan Challenge
Pagsulat ng maikling tula batay sa
piniling apat na larawan na may
dalawang saknong at may

6
sinusundaang tugmaan.
Panghuling pagtatasa tungkol sa
binasang tula.
Pagsagot sa mga katanungan tungkol
sa kantang Un Potok na likha ni Fr.
Oliver Castor.
9 PANGGITNANG PAGSUSULIT
10 - 13 Kabanata 3: Pagpapahalagang Talakayan
Pampanitikan sa Maikling Kuwento Pagbasa sa maikling kuwentong
“Kapayaan sa madaling araw” ni
Rogelio Ordoñez at pagsagot sa mga
kaakibat na katanungan.
14-17 Kabanata 4: Pagpapahalagang Talakayan
Pampanitikan sa Sanaysay Pagbasa ng babasahing “Tungkol kay
Angel Locsin” p. 101-107, at
“Pangmomolestiya sa Pabrika” p.
113-116 mula sa Peryodismo sa
Bingit: Mga Naratibong Ulat sa
Panahon ng Digmaan at Krisis ni
Kennenth Roland A. Guda.

Paggawa ng sanaysay batay sa


sariling danas tungkol sa mga
sumusunod:
1. Kalagayan ng pamilya sa
ilalim ng ECQ.
2. Obserbasyon sa Freedom of
Expression sa panahon ng
pandemya.
3. Kalagayan ng mga mag-aaral
sa pagkakaroon ng Online
Class.
18 HULING PAGSUSULIT O PAGPAPASA NG KAHINGIANG PAPEL

7
Paraan ng pagmamarka

Class Standing 70
Attendance
Recitation
Pagsusulit
Proyekto/ Ulat/ Takdang Aralin
Midterm/Finals 30%

Kabuuan 100%

Mga materyales na gagamitin:

Kabanata 1: Samu’t Saring kabatiran sa Panitikan


Kabanata 2: Pagpapahalagang Pampanitikan sa Tula at Awitin
A. Tula
Andang Juan. (2013, January 13). Ano’ng Tula?. Nakuha mula sa
https://arspolitika.wordpress.com/2013/01/10/anong-tula/

Añonuevo, R.[Roberto]. (2009, June 5). Kahulugan ng Talinghaga. Retrieved from


Alimbukad: https://dakilapinoy.com/2009/06/05/kahulugan-ng-talinghaga/

Anonuevo, R. [Rebecca]. (2014). Language Poetry: Saan ang Mambabasa? In R.


Anonuevo, Talab: Mga Sanaysay sa Panitikan, Wika at Pagtuturo (pp. 122-128).
Naga: Ateneo De Naga University Press.

Gappi, R. R. (2013, February 19). Hinggil sa Malikhaing Pagsulat sa Filipino. Nakuha


sa https://arspolitika.wordpress.com/2013/02/19/hinggil-sa-malikhaing-pagsulat-
ng-tula-sa-filipino/

Guillermo, G. (2013, March 5). Ano ang silbi ng Makata?. Nakuha mula sa
https://arspolitika.wordpress.com/2013/03/05/ano-ang-silbi-ng-mga-makata/

Macaraig, M. B. (2004). Sulyap sa Panulaang Filipino. Lungsod ng Maynila: Rex


Bookstore.

8
Montalban, P. (2018). KM64 Patikim Workshop: 24/7 na Karinderya ang Tula
[Powerpoint slides]. Nakuha mula sa http://facebook.com/km64

Montalban, P. (2020). Karapatang Sumulat, Sumulat Para sa Karapatan [Powerpoint


slides]. Nakuha mula sa http://facebook.com/km64

B. Awit

Maceda T. Pagkatha ng Tunay at Totoo sa mga Lipunang Silensyo


(July-December 2015) Social Science Diliman

Navarro, R. (2001) Ang Musika sa Pilipinas: Pagbuo ng Kolonyal Polisi,


1898-1935. Humanities Diliman

Navarro, R. (2017) Apat ba Taong Pagsikat ng Nakapapasong Araw: Musika sa


Filipinas sa Panahon ng Hapon, 1942-1945. Plaridel

Navarro R. (January-December 2008) Ang Bagong Lipunan, 1972-1986: Isang


Panimulang Pag-aaral sa Musika at Lipunan. Humanities Diliman.
Salamat, M. (2018, December 14). In the Philippines, A Dam Struggle Spans
Generations, Inspires Songs of Unity For the Environment. Bulatlat News, Mula
sa https://www.bulatlat.com/2018/12/14/in-the-philippines-a-dam-struggle-spans-
generations-inspires-songs-of-unity-for-the-environment/

Kabanata 3: Pagpapahalagang Pampanitikan sa Maikling Kuwento Nobela

MaIkling Kuwento

Ordonez, Rogelio L. "Kapayapaan sa Madaling Araw", Pluma at Papel


https://plumaatpapel.wordpress.com/2009/07/09/kapayapaan-sa-
madaling-araw/

Samar, Edgar Calabia "Pagsulat ng Maikling Kuwento" Mula sa:


https://www.facebook.com/watch/live/?v=273232570527367&ref=watch_

9
permalink

Kabanata 4: Pagpapahalagang Pampanitikan sa Sanaysay

Sanaysay
Lumbera, B. Ang Sanaysay: Introduksyon. Sa B. Lumbera. R. Villanueva,
R. Tolentino, & J. Barrios (Eds.) Paano Magbasa ng Panitikang Filipino
(pp. 3-9). Lungsod Quezon: University of the Philippines Press.

Guda, Kenneth Roland A. Peryodismo sa Bingit: Mga naratibong ulat sa


panahon ng digmaan at krisis. Lungsod Quezon: University of the
Philippines Press, 2016, 95-129. Print.

Santiago. Lilia Quindoza (ed.). Mga idea at estilo: Komposisyong pangkolehiyo


sa wikang Filipino. Lungsod Quezon: UP Press at DFPP-UP Diliman,
1995. Print.

10
KABANATA 1

SAMU’T SARING KABATIRAN SA PANITIKANG FILIPINO

Layunin:
1. Makapagtamo ng kaalaman sa mga umiiral na panitikan sa Pilipinas ayon sa historikal
na pag-unlad nito;
2. Nakapagtatalakay ng mga akdang Pampanitikan na sumasalamin sa iba’t ibang aspekto
ng pamumuhay, kultura, lipunan, pamahalaan at kasaysayan ng sambayanang Pilipino.
3. Nakapagpapahayag ng may kabisaan ukol sa pasalita at pasulat na tradisyon ng
panitikang Pilipino.
4. Nagiging kasangkapan sa pagpapalaganap ng pambansang wika.
5. Naisasabuhay ang mga aral sa akda para sa mabuting paglilingkod.
6. Nagsisilbing kasangkapan sa pagpapalaganap ng Panitikang Filipino sa lokal at globa
na aspeto.

I. PAGTALAKAY:
Marami-rami na rin siguro ang mga narinig mo nang kuwento mula sa magulang, lolo,
lola, tiyo, tiya, pinsan, kamag-anak, kaibigan, guro, kaaway at iba pang tao. Hindi na rin siguro
mabilang ang iyong mga nabasa mula sa facebook, twitter, blog, o iba’t ibang social media,
maging sa mga libro, magasin, komiks, patalastas, peryodikit, brosyur at iba pa. Kung oo ang
iyong sagot, nagpapatunay lamang ito na hindi ka makakatakas sa daigdig ng panitikan. Halos
lahat ng galaw mo sa buhay ay nasa impluwensiya ng panitikan.
Sinasabing ang Panitikan ay kabuuan ng mga akda, o ang disiplina ng pag-aaral nito.
Ngunit bago pa man naging isang disiplina, ang panitikan bilang isang natatanging kabuuan o
body of works ay umiiral na. Ito ay sa kadahilanang likas sa tao ang magpahayag at lumikha.
Naging bunga ang panitikan ng pagnanasa ng taong makapagpahayag at maging malikhain.
Mula nang mapagtanto ng tao ang kahalagahan ng panitikan sa kanyang pagkatao,
nagsimula itong maging disiplina ng pag-aaral. Mula noon, ang dating behikulo lamang ng
ekspresyon at manipestasyon ng pagkamalikhain, ito ay naging isang karunungang kailangan
ng tao at ng kanyang sibilisasyon.
Sa kasalukuyan, ang pag-aaral ng panitikan ay isang pangangailangang pang-
edukasyon sa halos lahat ng antas ng pag-aaral. Ang pag-aaral nito ay gumanap/gumaganap
ng iba’t ibang tungkulin at iba-iba sa bawat panahon, sa bawat lugar, sa bawat antas.

11
Sa ating kasalukuyang kaayusang pang-edukasyon, partikular sa antas-kolehiyo, ang
pag-aaral ng panitikan ay nakabatay sa dalawang pangunahing pemis: kognitibo at kultural,
bukod sa iba pa. Lunsaran ang panitikan ng pagpapaunlad ng mga kasanayang kognitibo o
pangkaisipan ng mga mag-aaral. Bukod dito, kasangkapan din ito, partikular ang pag-aaral ng
ating sariling panitikan, sa pagpapatibay ng sariling kabansaan at pagkakakilanlan.
Hindi kaiba sa ibang disiplina, ang pag-aaral ng panitikan ay isang prosesong
debelopmental.

Kahulugan ng Panitikan
Sinasabing ang Panitikang Pilipino ay pahayag na pasalita o pasulat ng mga
damdaming Pilipino tungkol sa pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang
pampulitika at pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino.
Bakas na bakas sa kultura ng mga Pilipino ang pasalitang pagpapahayag ng damdamin.
Hindi natin maitatatwa na ang ating mga ninuno o marahil mga lolo at lola ninyo ay nakaranas
pa ng mga umpukan noong sila ay mga bata at nagbibidahan ng kani-kaniyang pasiklab gaya
ng bugtungan. palaisipan paligsahan ng tula, o kaya nama’y pagkukuwento ng mga alamat,
kuwentong bayan. Ang mga ito ay maihahanay natin sa mga panitikang pasalita. Sa
kasalukuyan, marami pa rin ang gumagamit at sumisikat sa ganitong uri ng panitikang pasalita
gaya ng spoken poetry at paligsahan sa pamamagitan ng flip top.
Hindi rin matatawaran ang bugso nang hindi mabilang na naisulat na panitikang Pilipino
na umiiral sa ating bansa na naging bahagi na ng ating kasaysayan at karamihan pa nga ay
naging malaking ambag sa pagbibihis at pagbabago ng lipunang Pilipino.
Ayon kina Lalic, E.D. at Matic, Avelina J (2004) Ang panitikan ng isang lahi ay ulat na
nagpapakilala ng pagkukuro at mga damdamin ng lahi nito. Sa panitikan ng isang bansa
mababakas ang mga kaisipan at mga bagay na nilulunggati, kinahuhumalingan o
kinasusuklaman ng lahi nito. Ang pagbabago ng kabuhayan ng isang bansa ay
nakaiimpluwensya sa panitikan nito.
Hindi maikakaila na napakalaking bahagi ng mga mamamayan ng Pilipinas ang kabilang
pananampalatayang katolisismo dahil sa impluwensiya ng mga panitikang umiral sa bansa sa
loob ng mahabang panahon, gayonpaman dahil sa pag-usbong iba pang uri at klase ng
panitikang panrelihiyon kung bakit lumaganap at lalo pang dumami ang iba’t ibang sekta sa
Pilipinas. Maging ang pamumuhay ng mga Pilipino ay kinabakasan ng maraming pagbabago
dahil sa impluwensiya ng panitikan.

12
Iba-iba ang pagpapakahulugan ng mga manunulat at dalubhasa sa panitikan. May mga
nagsasabing ang panitikan ay talaan ng buhay. Ayon kay Arrogante (1983), talaan ng buhay
ang panitikan sapagkat dito naisisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng kanyang
buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig ng kanyang kinabibilangan at pinapangarap.
Ayon naman kina Salazar (1995), ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa
alinmang uri ng lipunan. Maaalalang nagsilbing titis sa mga Amerikanong may kulay ang
pagkakabasa nila sa Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe upang kanilang
ipakipaglaban ang kanilang pantay na karapatan sa mata ng batas at katarungan na humantong
sa kanilang tagumpay sa Digmaang Sibil sa Amerika. Pinukaw naman ni Jean Jacques
Russeau sa kanyang Social Contract ang isipan ng mga Pranses. Sa pamamagitan ng akda ni
Russeau, nabatid nilang sila’y biniyayaan din ng Diyos ng karapatan at katarungan at natutunan
nilang iyo’y kanilang ipakipaglaban. Nang patuloy iyong ipagkait sa mga Pranses, ang
pakikipaglaban nila sa katarungan at karapatan ay humantong sa isang himagsikan sa Pransya,
dito sa Pilipinas man ay makakatukoy ng napakaraming katibayan kung paano pinakilos ng
panitikan ang lipunan. Nagsilbing inspirasyon sa mga katipunero ang mga akda ni Rizal upang
maglunsad ng isang himagsikan laban sa mga Kastila. Ang mapanghimagsik na dulang
itinanghal noong panahon ng mga Amerikano ay ikinapiit ng mga may-akda niyon at lalong
nagpagalit sa maraming Pilipino. Sinikil ng dating Pangulong Marcos ang laya sa
pamamahayag ngunit hindi niya napigilan ang paglaganap ng mga akdang naglalarawan sa
pagmamalabis ng kanyang administrasyon. Iyon ay isa sa maraming dahilan ng pagwawakas
ng kanyang pamumuno noong 1986 sa EDSA.
Ayon naman kay Webster (1947), ang panitikan ay katipunan ng mga akdang nasusulat
na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestetikong anyo, pandaigdigang
kaisipan at kawalang-maliw. Kung ang panitikan ay katipunan ng mga akdang nasusulat,
maituturing bang panitikan ang mga tula, tugaman, kasabihan, awit at iba pang pasalin-salin sa
bibig ng tao lalo na noong panahong bago dumating ang mga Kastila sa ating kapuluan? Ang
sagot ay oo, panitikan din ang mga iyon. Kailangan bigyang-diin na ang kahulugan ni Webster
ay modernong pagpapakahulugan sa panitikan sa panahong ang tao ay marunong nang
sumulat at sa panahong ang panitikang pasalin-dila ay naisalin na sa anyong pasulat. Kung
tutuusin, maging ang palabuan ng salitang panitikan ay nagbibigay-diin sa pasulat na katangian
nito.
Ang salitang panitikan ay nanggagaling sa salitang-ugat na titik, kung gayon, naisatitik o
nasusulat. Ngunit lahat ba ng nasusulat ay maituturing nang panitikan? Ang sagot naman sa
tanong na ito ay hindi. Kung babalikan natin ang kahulugang ibinigay ni Webster, matutukoy

13
natin ang iba pang pangangailangan upang ang isang bagay na nasusulat ay maituturing na
panitikan-malikhaing pagpapahayag, aestetikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang-
maliw.
Ayon kay Bro. Azarian sa kanyang Pilosopiya ng Literatura, ang panitikan ay
pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa
pamumuhay, sa lipunan, at pamahalaan, at kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang Lumikha.
Ayon naman kay Jose Villa Panganiban (1954), ang paraan ng pagpapahayag ay
iniaayos sa iba’t ibang karanasan at lagay ng kalooban at kaluluwa na nababalot ng pag-ibig o
pagkapoot, ligaya o lungkot, pag-asa o pangamba.
Binigyang din nina Luz de la Concha at Lamberto Ma. Gabriel (1978) ng katuturan ang
panitikan bilang salamin ng lahi, kabuuan ng mga karanasan ng isang bansa, kaugalian,
paniniwala, pamahiin, kaisipan, at pangarap ng isang lahi na ipinahahayag gamit ang piling
salita sa isang maganda at masining na paraan, nakasulat man o hindi.
Kung gayon, ano ang tunay na panitikan? Ang tunay na panitikan ay pagpapahayag ng
kaisipan, damdamin, karanasan at panaginip ng sangkatauhan na nasusulat sa masining o
malikhaing paraan, sa pamamagitan ng isang aestetikong anyo at kinapapalooban ng
pandaigdigang kaisipan at dahil nasusulat ang panitikan, natitiyak ang kawalang-maliw nito.

II. PANAPOS NA GAWAIN:


Panuto: May mga pahayag bang pasalita o kaya’y mga naisulat na akda na nagkaroon ng
malaking impluwensiya sa iyong paniniwala, pananampalataya o kaya naman ay kung paano ka
kumikilos o nabubuhay sa ngayon batay sa mga prinsipyong pinaniniwalaan mo na iyong
sinusunod? Isulat ang iyong kuwento.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
________________________________________________________________

14
Uri ng panitikan

I. PAGTALAKAY:

Maaaring mauri ang panitikan bilang Pasalin-dila o kaya’y Pasulat. Ito ay Pasalin-dila
kung naisalin sa ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao o pagkukuwento.
Samatalang naging Pasulat ang paraan ng pagsasalin ng panitikan sa ibang henerasyon
magmula nang matutunan ng tao ang sistema ng pagsulat.
Bago pa man sinakop ng mga dayuhan ang Pilipinas ay may mga komunidad na tayong
umiiral. May sariling Sistema ng pamahalaan, edukasyon at maging yaman ng bayan na
panitikan. Ang mga ito ay karaniwang nasa anyong pasalita. Bagama’t maraming teorya na
may mga akdang naisulat na rin sa mga dahon, kawayan, bato at iba pa, pinaniniwalaang ang
mga ito ay sinira, winasak at sinunog dahil sa pagpapalaganap ng relihiyon, paniniwala at
pananakop ng mga dayuhan. Ngunit dahil hindi nila kayang sunugin at wasakin ang mga dila
ng mga Pilipino ay nakuha pa ring makapagtala at makapanatili ng marami sa ating mga
pasalin-dilang mga panitikan gaya ng: alamat, kuwentong bayan, epiko, mga awiting bayan,
salawikain, karunungang bayan, sawikain, at bugtong.
 Alamat – kuwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay;
 Kuwentong bayan - mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na
kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na
lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kuwentong-bayan ng
isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga
mito
 Epiko - tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao
laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang
makababalaghan at di-kapani-paniwala. Ilan sa mga halimbawa ay ang Bidasari – (Moro);
Biag ni Lam- ang (Iloko); Maragtas (Bisaya) Haraya (Bisaya); Lagda (Bisaya); Kumintang
(Tagalog); at Hari sa Bukid (Bisaya)
 Awiting bayan -ay mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay kinakanta
o inaawit pa rin gaya ng Leron, Leron Sinta, Dalagang Pilipina, Bahay Kubo, Atin Cu Pung
Singsing, at Paruparong Bukid.
 Salawikain - nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga ninuno.
 Sawikain – mga kasabihang walang natatagong kahulugan.

15
 Bugtong – maikling tulang karaniwang naglalarawan ng isang bagay na siyang
pahuhulaan.
Mula sa mga pasalitang panitikang ito natin masasalamin ang yaman ng kulturang
Pilipino. Hindi maisasantabi na ang mga prinsipyo mula sa mga salawikain, pagmamahalan at
pag-iibigan mula sa mga awiting bayan, kasama na rin ang ilang kultura’t umiiral na
kabayanihan ng mga ninuno sa pamamagitan ng mga kuwentong bayan at mga epiko.
Samantala, laganap sa kaalaman nang nakararami na ang pag-usbong ng panitikang
pasulat ay umiral sa Pilipinas nang ang bayan ay nasa kamay ng mga mananakop. Ito marahil
ang dahilan kung bakit karaniwan sa mga akdang pampanitikang pasulat ay nakapagbagong
bihis sa bayan lalo na sa pananampalataya, prinsipiyo at paniniwala. Binago rin ng mga
panitikang ito ang Sistema ng pamumuhay ng mga Pilipino na karaniwang ibinabatay sa mga
nakatalang panitikan.

II. PANAPOS NA GAWAIN:


Panuto: Pagyamanin natin ang Panitikang Pilipino. Mayroon bang kuwento na maaaring
naisalin-salin mula sa iyong mga ninuno, kalahi, kababayan (sa probinsiya) na hindi pa
nailathala na iyong napakinggan? Magtanong-tanong sa mga kamag-anak o kaya’y kakilala.
Ikuwento ito dito bilang bahagi ng Yaman ng Panitikang Pilipino.
__________________________________(pamagat)
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

16
Anyo ng panitikan
Batay sa anyo, ang panitikan ay maaaring mauri bilang Tuluyan/Prosa o Patula.
Tuluyan ang isang panitikan kung ito ay nasusulat sa karaniwang daloy ng pangungusap at sa
patalatang paraan. Samantala, ang panitikang patula naman ay yaong nasusulat sa taludturan
at saknungan. Ang mga taludtod ay maaaring may sukat at tugma o dili kaya’y malayang
taludturan na nangangahulugang walang sukat at tugma.
I. PAGTALAKAY:

Mga Akdang Tuluyan o Prosa

Nobela – isang mahabang salaysayin ng mga kawing-kawing na pangyayari na nagaganap


sa mahabang saklaw ng panahon, kinasasangkutan ng maraming tauhan at nahahati sa mga
kabanata.

Maikling Kwento – isang salaysay ng isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan


ng isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o impresyon.

Dula – isang uri ng panitikan na isinusulat upang itanghal sa entablado o tanghalan.

Alamat – ay mga salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.

Pabula – ay mga salaysaying kinasasangkutan ng mga hayop, halaman at maging ng mga


bagay na walang buhay na kumikilos at nagsasalita na wri ba’y tunay na mga tao.

Parabula – ay mga kwentong hinango sa Banal na Kasulatan.

Anekdota at maikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay-aral sa mga


mambabasa. Maaari ring ito ay kinasasangkutan ng mga hayop o ng mga bata.

Sanaysay – ay isang pagpapahayag ng kuru-kuro o opinion ng isang may-akda hinggil sa


isang suliranin o paksa. Ang mga editorial na inilalathala sa mga pahayagan at iba pang
babasahin ay mga mahuhusay na halimbawa ng sanaysay.

Talambuhay – ay kasaysayan ng buhay ng isang tao.

17
Balita – ay paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, sa
mga lalawigan, sa ibayong dagat, maging sa industriya, kalakalan, agham, edukasyon, palakas
at pinilakang-tabing.

Talumpati – ay isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Ang


talumpati ay nauuri batay sa iba’t ibang layunin. Ang isang talumpati ay maaaring may layuning
humikayat, magbigay impormasyon, magpaliwanag, mangatwiran, maglahad ng opinion o
paniniwala o lumibang.

Mga Akdang Patula

Ang mga akdang patula ay may apat na uri: tulang pasalaysay, tulang pandamdamin o
liriko, tulang padula o dramatiko at tulang patnigan.

Tulang pasalaysay ay kwento ng mga pangyayari at nasusulat nang patula, may sukat at
tugma. Nauuri ito ayon sa paksa, pangyayari at tauhan. Kung gayon, nasa ilalim nito ang epiko,
awit at korido.

Epiko – tulang nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapangan at


pakikipagsapalaran ng isang pangunahing tauhan sa gitna ng mga pangyayaring hindi
kapani-paniwala.
Awit at korido ay mga patulang salaysay na paawit kung babasahin. Pawang sa
ibang bansa ang tagpuan ng mga pangyayari sa mga salaysay nito. Kinapapalooban ito
ng romansa o pag-iibigan, pakikipagsapalaran, kabayanihan at kataksilan at mga
pantakas sa karahasan ng katotohanan.

Tulang pandamdamin o liriko – mga tulang tumatalakay sa marubdob na damdamin na


maaaring ng may-akda o di kaya’y ng ibang tao. Nasa kategoryang ito ang mga tulang awiting-
bayan, soneto, elehiya, dalit, pastoral at oda.

Awiting-bayan ay maiikling tulang binibigkas nang may himig. Karaniwan itong nagpasalin-
salin sa iba’t ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao, bunga nito’y hindi na
matutukoy kung sino ang ay may-akda ng maraming mga kantahing bayan.

18
Soneto ay tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan at
karaniwang naghahatid ng aral sa mambabasa.

Elehiya ay tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang minamahal

Dalit ay isang tulang inaawit bilang pagpuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen.

Pastoral ay mga tulang naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa kabukiran.

Oda ay isang tulang paghanga o pagpuri sa isang bagay.

Tulang padula o dramatiko ay mga tulang isinasadula sa entablado o iba pang tanghalan.
Ang La India Elegante y El Negrito Amante ni Francisco Baltazar ay isang mahusay na
halimbawa nito.

Tulang patnigan ay mga laro o paligsahang patula na noo’y karaniwang isinasagawa sa


bakuran ng mga namatayan.

II. PANAPOS NA GAWAIN:

Panuto: Tunghayan ang pahayag ni Kim Chu sa youtube hinggil sa isyu ng ABS CBN
https://www.youtube.com/watch?v=o3OlCxCmSwc

“Sa classroom, may batas. Bawal lumabas. O, bawal lumabas, pero pag sinabi, pag nag-comply
ka na bawal lumabas. Pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila inayos mo yung law ng
classroom niyo at sinubmit mo uli, ay puwede na pala ikaw lumabas.”
Ipaliwanag kung paanong umabot ang pahayag niyang ito na mula sa anyong tuluyan ay
naging isang awit o anyong patula. Ikuwento ang naging pag-unlad ng simpleng pahayag na ito
at nagkaroon ng sampung milyong views sa youtube. Talakayin.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
______________________________

19
Dispensasyon ng panitikang pilipino

I. PAGTALAKAY:

Dispensasyon ng Panitikang Pilipino

Hindi maitatawa na may malaking aral na makikita sa pagbalangkas ng Panitikan ng


bansa sa bawat panahon. Dahil sa sinasabing ang panitikan ay salamin ng lipunan, maaari
nating masalamin o makita ang kalagayan ng bansa batay sa panahong umiiral ang panitikan.

Dispensasyon ng mga Katutubo


Hindi matatawaran ang kahusayan at kagalingan ng mga katutubong Pilipino sapagkat
hanggang sa kasalukuyan ay umiiral ang kanilang mga angking akdang nagiging mayaman na
hanguan ng kaalaman ng mga mamamayan sa kasalukuyang lipunan.
Bagama’t Karaniwang mga pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko,
salawikain at awiting-bayan na anyong patula; samantalang ang mga kwentong-bayan, alamat
at mito na anyong tuluyan. May mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang
pinakaunang anyo ng dula sa bansa.
Masasabing ang mga panitikan sa dispensasyong ito ay pasalin-dila. May mga panitikan ring
nasulat sa mga piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at makikinis na bato. Ngunit iilan na
lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo (archeologists) sapagkat batay sa kasaysayan,
pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang dumating sila sa bansa sa paniniwalang ang mga
ito ay gawa ng demonyo.
Mababakas sa mga panitikan sa dispensasyong ito ang kalayaang makapag-isip,
makapamuhay, kabayanihan, katapangan, maging karangyaan o kaginhawaan sa buhay ng
mga ninuno. Ang mga ito marahil ang posibleng dahilan kung bakit maraming nahumaling na
mga bayan at pinagsamantalahang sakupin ang Pilipinas.

Dispensasyon ng mga Mananakop na Kastila


Sinasamsam ng mga dayuhang kastila ang yaman ng bayang Pilipinas nang sila’y nakapamuno
sa bansa. Upang magtagal ang pamumuno, pinilit nilang burahin sa kaisipan ng mga Pilipino
ang kanilang pinanggalingan sa pamamagitan ng pagsunog at pagwasak sa mga akdang
panitikan na kanilang pinaniniwalaan at ikintal sa kanilang kaisipan na ang mga ito ay
pumapanig sa diyablo.

20
Nilunod ng mga panitikang may paksang pananampalataya at kabutihang-asal panahong ito.
Samantalang nang huling bahagi naman ay ang pagmulat ng mga Pilipino na naghatid sa
paglalathala ng mga panitikang panrebolusyon.
Ilan sa mga naging instrumento ng mga kastila sa pagpapalaganap ng kanilang pananapalataya
ay ang dulang senakulo, santa cruzan at tibag; mga tulang gaya ng mga pasyong inaawit.
Itinanim sa kaisipan ng mga Pilipino ang konseptong maharlika o dugong bughaw sa
pamamagitan ng mga akdang awit na ang mga pangunahing tauhan ay mga hari, reyna,
prinsipe at prinsesa – na nasa awit na Florante at Laura ni Balagtas at mga
dulang duplo at karagatan.
Lubhang kakaunti lamang ang nakasusulat sa panahong ito sapagkat bukod sa napakamahal
ng pag-iimprenta, tanging wikang Kastila lamang ang gamit sa pagsulat. Kaunti lamang ang
nakasusulat sa Kastila dahil sa pagpipigil, sa nadaramang takot at pagiging madamot ng mga
Kastila. Nalimbag ang pinakaunang aklat sa bansa; ang Doctrina Christiana noong 1553 na
kinapapalooban ng mga gawi at kilos kristiyanismo.
Bukod sa mga pagtuturo ng kristiyanismo, maging ang mga gawi at dapat na ikilos ng mga
Pilipino ay inilarawan din sa Urbana at Felisa. Sinusugan pa ng pagpapatibay ng mga
patakaran sa pamamagitan ng paglalathala ng mga peryodiko ng mga kastila.
Hindi naglaon, maraming Pilipino ang nagising mula sa pagkakaalipin sa mga dayuhan kung
kaya’t lumabas ang mga panitikang panrebolusyon. Karamihan sa mga panitikang nalikha ay
may diwang rebolusyonaryo at nagbukas sa kamalayang Pilipino sa di-makataong pagtrato sa
kanila ng mga Kastila at nag-uudyok na kalabanin ang pamahalaan.
Dahil sa nakasusulasok na kalagayan ng mga Pilipino, Nagsisulat ang mga Propagandista sa
panahong iyon ng mga panitikang nagrerebolusyon. Nalathala sa pahayagang La
Solidaridad noong Pebrero 19, 1889 ang kanilang mga akda na naglalayong“matamo ang
pagbabagong kailangan ng bansang bilang tugon sa kalagayang panlipunan at pang-
ekonomiya, at maisiwalat ang malubhang kalagayan ng bansa sa ilalim ng pamamalakad ng
mga Kastila at upang pairalin ang kalayaan at demokrasya.”
Nauso ang pagkakaroon ng mga sagisag-panulat noong panahong ito bilang pagtatago sa
tunay na pagkatao dahil sa paghihigpit ng pamahalaan at nagbabadya ng kamatayan sa
sinomang mapatutunayang sumulat laban sa pamahalaan. Maraming buhay ang naibuwis nang
dahil sa panitikan noong panahong ito. Isa sa mga naging patunay ay ang eksekusyon ni Dr.
Jose Rizal.

21
Dispensasyon ng mga Mananakop na Amerikano
Sukang-suka na ang mga Pilipino sa pamumuno ng mga Kastila at pursigidong mapatalsik ang
mga ito kung kaya’t nagmistulang mga bayani ang mga Amerikano na siyang sumagip sa mga
Pilipino at nagpabagsak sa Espanya noong 1898.
Binigyan ng bagong bihis ang paraan ng pananakop sa panahong ito. ng dati-rating ipinagkakait
na edukasyon ang naging instrumento ng mga Amerikano upang paamuhin ang mga Pilipino at
tuluyang mahulog sa bitag bagong berdugo. Nakaramdam ng pagkalinga ang mga Pilipino at
nagmistulang big brother ang mga mananakop dahil sa pagpapahintulot at pagtuturo sa mga ito
ng mga kaalamang kinasasabikan ng sambayanang Pilipino sa pamamagitan ng mga gurong
Thomasites.
Isinilang sa panahong ito ang mga maraming manunulat na Pilipino na nagsisulat hindi lamang
sa Wikang Tagalog kundi maging sa Wikang Ingles. Ilan sa mga nagsiusbong na manunulat ay
sina Cecilio Apostol, Claro M. Recto, Lope K. Santos, Jose Corazon de Jesus, Jose dela Cruz,
Severino Reyes, Zoilo Galang at marami pang iba.
Sa panahong ito tumingkad ang mga dula. Nang mga panahong nagnanais na ng paglaya ng
mga Pilipino sa mga Amerikano ay nag-usbungan ang mga dulang umuusig sa kalapastangan
ng mga mananakop. Ilan sa mga ito ay ang ‘Tanikalang Ginto’ ni Juan K. Abad, ‘Kahapon,
Ngayon at Bukas’ ni Aurelio Tolentino at ang ‘Hindi Ako Patay’ na hindi nakilala ang mgay
akda.

Dispensasyon ng mga Mananakop na Hapon


Bagama’t napakasama ng dating ng mga Hapon dahil sa naging marahas ang pagbugso ng
kanilang pananakop, hindi maikakaila na itinuturing itong gintong panahon ng Panitikan ng
Pilipinas sapagkat nabigyang laya ang mga Pilipino na gumamit ng sariling wika sa pagsulat at
ipinagbawal ang paggamit ng wikang Ingles sapagkat ayaw ng mga Hapon na mabahiran ng
ideyang makakanluran ang mga akdang nililikha bagkus ay hinikayat ang paggamit ng
katutubong wika at karaniwang naisasanib sa mga akda ang kultura, kaugalian at paniniwalang
Pilipino.
Ilan sa mga babaeng manunulat na natanyag sa panahong ito ay sina Liwayway A. Arceo at
Genoveva Edroza-Matute. Siyempre, nabahiran din ng impluwensiya ng panitikang Hapon
noong panahong ito sa pamamagitan ng mga maiikling tulang ‘Haiku’ na may tatlong taludtod
at 5-7-5 na pantig bawat taludtod; at ‘Tanaga’ na may apat na taludtod at ang bilang ng pantig
ay 7-7-7-7.

22
Dispensasyon ng Republika ng Pilipinas
Unti-unting bumangon ang mga Pilipino sa tulong pa rin ng mga Amerikano. Sa pangalawang
pagkakataon ay naging tagasagip ang mga ito tungo sa hinahangad na kalayaan. Dahil sa
ipinangakong pagsasarili ng Pilipinas, hindi mahahalata ang pagiging kolonya ng bansa sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng mga pinuno at lider ng bansa sa katauhan ng mga Pilipino.
Naging masigla ang panitikan sa panahong ito at dahil higit na madali ang pagsulat at
paglimbag ay dumaloy nang husto ang mga akdang isinulat ng mga Pilipino. Bumuha ng mga
akda at dumami ang mga manunulat. Ilan sa mga unang manunulat sa panahong ito ay sina:
Alejandro Abadilla nan naging tanyag sa kaniyang mga sanaysay, Teodoro Agoncillo sa
kaniyang mga Maikling Kuwentong Tagalog, at pagpapatuloy ng panulat ni Genoveva Edroza-
Matute. Lumaganap rin ang panitikan mula sa iba’t ibang lalawigan.
Pinasigla pang lalo ang panitikan dahil sa pagkakaroon ng mga gawad o parangal sa mga
manunulat sa pamamagitan ng Carlos Palanca Memorial Awards for Litetature.
Dahil na rin sa panunuyot ng mga akdang higit na pumapaksa sa mga isyung panlipunan,
sinikap ng mga premyadong manunulat ang maglathala ng akda sa pamamagitan ng sarili
nilang pera upang dumaloy at sumibol ang de-kalidad na maikling kwento sa Pilipinas sa
pamamagitan ng “Mga Agos sa Disyerto” nina Efren Abueg, Dominador Mirasol, Rogelio
Ordoñez, Edgardo Reyes at Rogelio Sikat.
Nagkulay pula ang mga akdang gawa ng mga Pilipino noong panahon ng Batas Militar. Nag-
usbungan ang mga makabayang manunulat at karaniwang pumapaksa sa karalitaan,
pagsasamantala ng mga nanunungkulan, panggigipit ng mga nasa kapangyarihan at Karapatan
ng bawat mamamayan. Ilan sa mga manunulat noong panahong ito ay sina Wilfredo Virtuoso,
Pedro Dandan, Jun Cruz Reyes, Efren Abueg, Benigno Juan, Ave Perez Jacob, Domingo
Landicho, Edgardo Maranan, Lilia Santiago at marami pang iba.
Lalo pang lumawak ang panitikang Pilipino dahil sa impluwensiya at pag-usbong ng mga radyo
at telebisyon. Lumaganap rin ang mga pelikula at daigdig ng musika. Naging pangunahing
libangan ng mga Pilipino ang sinehan samantalang naging instrumento naman sa pagbabasa at
libangan ng mga Pilipino ang komiks.
Hindi maitatatwa na dumami nang dumami ang mga manunulat at lumawak nang lumawak ang
mga paksa sa pagpasok ng Rebolusyon ng Edsa. Higit na naging malaya at komersiyalisado
ang panitikan. Mayroong mga edukasyonal gaya ng Batibot, Sineskwela, Hiraya Manawari,
Math Tinik, Epol Apple, Wansapanataym at iba pa. Habang nahuhumaling naman sa mga
dulang panradyo ang mga matatanda gaya ng radio-drama ni Tiya Dely, Gabi ng Lagim, Matud
Nila, Kapitan Pinoy, at iba pa.

23
Hindi na mapigilan pa ang tuluyang paglaganap ng panitikan Pilipino sa pagpasok ng Internet.
Lalong naging malaya at lahat ng uri ng talakayin ay madaling naibabahagi. Hindi magpapahuli
ang wattpad, blogging, video clipping at mga audio airing. Tuluyang lumalaganap ang panitikan
habang nagbabago nang nagbabago ang panahon maging ang panlasa ng mga Pilipino sa
pagbasa o pagtangkilik sa mga ito.

II. PANAPOS NA GAWAIN:

Panuto: Mula sa mga tinalakay hinggil sa dispensasyon ng Panitikang Pilipino ay mapapansing


nagbabago ang paksa at anyo ng mga panitikan depende sa pangangailangan ng sambayanan.
Halimbawang ikaw ay nabuhay sa isa sa mga panahong ito (maliban sa kasalukuyan), sumulat
ng isang akda (maaring nasa anyong patula o tuluyan) na aakma sa pangangailangan ng
panahong iyon.

______________________________(pamagat)

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Impluwensya ng panitikan

I. TALAKAYIN:

Ang Impluwensya ng Panitikan

Ang panitikan ay may malaking impluwensya sa daigdig. Sa iba’t ibang panig nito, may
natutukoy na isa o ilang tanging akda na naghatid ng malaking impluwensiya sa kultura,
tradisyon, pamumuhay at kabihasnan ng tao. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

a. Banal na Kasulatan o Bibliya – ang nagging pinakabatayan ng


pananampalatayang Kristiyano sa buong daigdig.
b. Koran mula sa Arabia – ang pinakabibliya ng mag Muslim

24
c. Illiad at Oddysey ni Homer – kinatutuhan ng mga mitolohiya at alamat sa Gresya.
d. Mahabharata – tumatalakay sa kasaysayan ng pananampalataya sa Indiya.
Ipinapalagay itong pinakamahabang epiko sa buong daigdig.
e. Canterburry Tales ni Chaucer – naglalarawan sa pananampalataya at pag-uugali
ng mga Ingles noong unang panahon.
f. Uncle Tom’s Cabin ni Harrit Beecher Stowe – nagbukas sa mga mata ng
Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at nagging simula ng paglaganap ng
demokrasya sa buong daigdig.
g. Divina Comedia ni Dante - nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya at pag-
uugali ng mga Italyano noong panahon.
h. El Cid Compeador – naglalarawan sa katangiang panlapi ng mga Kastila at
kasaysayan ng Espanya.
i. Isang Libo at Isang Gabi – akdang nagmula sa Arabya at Persya. Naglalarawan ito
ng pamahalaan, kabuhayan at lipunan ng mga Arabo at Persyano.
j. Analects ni Confucius – katipunan ng mga kasabihan at ideya na pinagbatayan ng
Confucius sa Tsina.
k. Aklat ng mga Patay – naglalarawan ng mga kulto ni Osiris at tumatalakay sa
mitolohiya at teolohiya ng Ehipto.
l. Awit ni Rolando – kinapapalooban ito ng Doce Pares at Roncesvalles ng Pransya.
Isinasalaysay ditto ang gintong panahon ng Kristiyanisno sa Pransya.

Kahalagahan ng Pag-aaral ng Sariling Panitikan

Napakahalaga ng panitikan sa isang bansa. Ito ang dahilan kung bakit isinama ang pag-
aaral nito sa kurikulum ng lahat ng antas ng pag-aaral. Ilan sa mga kapakinabangang matatamo
sa pag-aaral ng ating sariling panitikan ay ang sumusunod:

a. Lubos nating makilala ang ating sarili bilang Pilipino at matatalos natin ang minana
nating yaman at talinong taglay ng ating pinagmulan;
b. Mababatid natin ang kadakilaan at karangalan ng ating mga sariling tradisyon at kultura,
maging ng mga naging impluwensya sa atin ng ibang bansa na siyang naging sandigan
ng kabihasnang tinatamasa natin sa kasalukuyan;

25
c. Higit nating mapapahalagahan ang kadakilaan ng ating kasaysayan, lalo na ang
pagpapakasakit ng ating mga ninuno upang ating tamasain ang kalayaan at
kapayapaang pinakikinabangan natin sa kasalukuyang panahon;
d. Mababatid natin ang pagkakatulad at pagkakaiba-iba ng katangian ng mga panitikan ng
iba’t ibang rehiyon at matutunan nating ipagmalaki ang ating pagka-Pilipino.
e. Matutukoy natin ang mga kalakasan at kahinaan ng ating lahi nang sa gayo’y mapag-
ibayo pa ang ating mabubuting katangian bilang isang lipi at mapalakas ang ating mga
kahinaan bilang isang bansa at maiwasto ang ating mga pagkakamali bilang isang
indibibwal at bilang isang komunidad;
f. Mapapangalagaan natin ang ating yamang pampanitikan na isa sa ating
pinakamahalagang yamang panlipi;
g. Mahuhubog natin ang magiging anyo, hugis, nilalaman at katangian ng panitikan sa
kasalukuyan na siya naming magiging sanligan ng panitikan sa hinaharap;
h. Malilinang ang ating pagmamalasakit sa ating sariling kultura at maging ang ating
malikhaing pag-iisip na ilang sa mga mahahalagang pangangailangan upang tayo ay
umunlad bilang isang bansa.

II. PANAPOS GAWAIN:

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan.

1. Paano naiimpluwensiyahan ng mga akdang pampanitikan ang bawat tao?


______________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Paano mo mailalarawan ang panitikan bilang instrumento sa pagbabagong bihis ng mga


pamahalaan o pananampalataya? ___________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Magtala ng mga bansang may mga akdang pampanitikan na hindi pinahihintulutan
makapasok o makarating sa kanilang lugar. Ano-ano ang mga kaparusahang
ipinapataw dito? ______________________________
______________________________________________________________________

26
Kung ihahambing mo sa mga kasaysayan ng Korea, China at mga bansa sa Europe ang
preserbasyon ng kanilang kultura at pananampalataya batay sa mga panitikan ng
kanilang bayan, masasabi mo bang mahalagang balikan at halukayin ang ating mga
sinaunang panitikan bilang tunay na pagkakakilanlan ng lahing Pilipino? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Sumulat ng iyong refleksiyong sanaysay hinggil sa kahalagahan ng Preserbasyon ng
Panitikang Pilipino para sa sambayanang Pilipino.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

27
Pangkabanatang Pagsusulit I

Pangalan: __________________________________ Seksyon________


Propesor: ____________________________ Petsa: _______ Iskor: ______

I. Punan ang patlang sa loob ng sumusunod na pahayag ng mga angkop na kataga


upang mabuo ang wastong diwa ng mga ito.

1. Ang anyo ng panitikan na _________________ ay nasusulat sa karaniwang takbo ng


pangungusap at patalatang paraan.
2. Ang panitikang _______________ ay nasusulat sa taludturan at saknungan
3. Ang ____________________ ay paglalahad nf mga pang-araw-araw na pangyayari sa
iba’t ibang aspeto n gating lipunan.
4. Ang parabola ay mga kwentong hinango sa ____________.
5. Ang _____________ ay maiikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay-aral sa
mga mambabasa.
6. Ang editoryal ay isang mahusay na halimbawa ng ______________.
7. Ang _________________ ay isang salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay-
bagay.
8. Ang _______________ ay tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang
minamahal.
9. Ang talambuhay na sinulat ng isang may-akda at tumatalakay sa kanyang sariling buhay
at tinatawag na _____________.
10. Ang ____________ ang pinakabibliya ng mga Muslim.

28
II. Piliin sa hanay B ang mga tinutukoy sa hanay A. Isulat ang titik ng iyong sagot sa
patlang.

Hanay A Hanay B

_____ 11. Nagsasalaysay ng gintong a. Bibliya


panahon ng Kristiyanismo b. Koran
sa Pransya c. Illiad at Oddysey
_____ 12. Batayan ng pananampalatayang d. Mahabharata
Kristiyanismo sa buong daigdig e. Canterburry Tales
_____ 13. Tumatalakay sa mitolohiya f. Uncle Tom’s Cabin
at teolohiya ng Ehipto g. El Cid Compeador
_____ 14. Kinatutuhanan ng mga mitolohiya h. La Divina Comedia
at alamat sa Gresya i. Isang Libo at Isang Gabi
_____ 15. Batayan ng Confucianismo j. Analects
sa Tsina k. Aklat ng mga Patay
_____ 16. Tumatalakay sa kasaysayan ng l. Awit ni Rolando
pananampalataya sa Indiya
_____ 17. Naglalarawan ng pamahalaan,
kabuhayan at lipunan ng Arabo
at Persyano
_____18. Naglalarawan ng pananampalataya,
at pag-uugali ng mga Ingles
_____19. Nagpapahayag ng moralidad,
pananampalataya at pag-uugali ng
mga Italyano
_____ 20. Nagbukas sa mga mata ng
Amerikano sa kapihan ng lahing
itim

29
KABANATA 2:

PAGPAPAHALAGA SA AKDANG PAMPANITIKAN SA TULA AT AWITIN

Layunin:
1. Nagiging kasangkapan sa pagpapalaganap ng pambansang wika.
2. Nakapag-uugnay ng mga kasanayan mula sa iba’t ibang larang at disiplina tungo sa
pagsusuri at pag-unawa sa iba’t ibang akdang pampanitikan.
3. Nakapagsusuri at analisa ng mga akdang pampanitikang likha ng mga manunulat na
Pilipino mula sa iba’t ibang wika – Filipino, Banyaga at Bernakular tungo sa kaisipang
Filipinolohiya.
4. Nakababasa at nakauunawa ng mga kontemporaryong akdang pampanitikan tangan
ang Malaya at progresibong kaisipan.
5. Kritikal na nakapagsusuri ng mga akdang pampanitikan gamit ang lente ng maka-
Pilipinong pananaw.
6. Nakabubuo ng papel/artikulo hinggil sa panunuri ng mga akdang pampanitikan.
7. Responsableng nakagagamit ng iba’t ibang platform para sa pagtatanyag sa iba’t ibang
panitikang Pilipino.
8. Naisasabuhay ang mga aral sa akda para sa mabuting paglilingkod.

Tula

Paksa: Pagsulat ng Tula


Habi ng Salita: Pagsibol ng Tula

Mga Layunin:
Inaasahan ang mga mag-aaral na sa pagtatapos ng modyul na ito ay magagawa
nilang:
1. Matukoy ang katuturan ng tula batay sa mga dalubhasa at makata.
2. Mailatag ang mga katangian ng tula.
3. Makapagbigay ng ilang mga panimulang gabay sa pagsusulat, na maghihikayat pa ng
sigasig sa proseso ng paglikha ng akda.

30
4. MaIpakilala ang halaga ng pagpapahusay ng akda at ang proseso ng panunuring masa
sa panitikan at sining.
5. Maibukas sa mga manunulat ang mas malawak pang pagpipilian ng mga paksa bukod
sa kinasanayang mga paksa.
6. Maituro ang mga mungkahing gabay sa pagtatanghal ng tula o Spoken Word
Performance.

I. Yugto ng Pagkatuto

A. Motibasyon: AutoWriting

Mag-isip ng kahit anong imahe. Pagnilayan sa loob ng sampung (10) segundo. Matapos
pagnilayan, kumuha ng panulat at papel. Magsulat sa loob ng limang (5) minuto na walang
angatan ng panulat. Sumulat lamang nang malaya at tuloy-tuloy habang sinasagot ang
tatlong katanungan:

1. Bakit napili ang imahe?


2. Ano ang pagkakatulad ng imahe sa sarili?
3. Ano ang ‘di pagkakatulad ng imahe sa sarili?
Pagkalipas ng limang (5) minuto, itabi ang naisulat na resulta ng gawain para ipasa sa guro
sa itinakdang araw ng pasahan ng mga akibidades. Mula sa naisulat, sagutin ang mga
sumusunod na gabay na tanong:
1. Ano ang naramdaman bago magsulat, habang nagsusulat, at pagkatapos magsulat?
2. Ano ang positibo sa karanasan? Ano ang negatibo sa karanasan?

Dagdag kaalaman:
• Ang materyal para sa pagsusulat ay nasa paligid lang - kailangan lang itala!
• Ang pagsusulat ay nagsisimula sa pag-upo at pagsusulat ng bagay na nakikita,
nararamdaman, natitikman, naririnig, naamoy sa paligid.
• Malaya lang munang dumanas at magtala ng danas.
• Saka itahi ang materyal – ang danas, sa sisidlang porma ng panitikan: maging ito man
ay sanaysay, maikling kuwento, o tula.
Matapos masagot ang mga tanong, basahin ang mga sumusunod upang maunawaan ang
katuturan ng tula.

31
Katuturan ng tula
May malaking gampanin ang tula sa proseso ng pag-unlad ng panitikan sa Pilipinas. Lalo na
at nagsimula ang panitikan sa tradisyong oral ng mga katutubo. Binigyan ng katuturan ang tula
ng mga makata na inisa-isa sa Sulyap sa Panulaang Filipino batay sa mga sumusunod:
Inilahad ni Arrogante ang ss.:
Larawan ng kasaysayan ng bayan, ng pagtulak ng panahon tungo sa pag-unlad ng
daigdig at ng lahat, matatayog man; karaniwan o kababaan ng nararating ng
kaisipan at naisasaloob sa dibdib ng tao tungkol sa kanyang pananalig sa Diyos,
tungkol sa kanyang pagkakilala sa batas, tungkol sa kanyang pakikipagkapwa-tao,
tungkol sa kanyang sarili at iba pang kaugnayan o sumasaklaw sa kanyang
pagkatao, ang tula. Ang ipinahayag ay hindi katuturan. Ito’y isang tangkang
paglalarawan lamang sapagkat mahirap bigyan ng isang tiyak na katuturan
lamang, ang tula. (sinipi sa Macaraig, 2004,p.141)
Gayundin, ipinakilala nina Sauco, Consolacion P.et.al sa kanilang libro na Panitikan para sa
Kolehiyo at Pamantasan ang tula sa ganitong paraan.
Ayon kay Julian Cruz Balmaceda, “Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng
kagandahan, kariktan, ng kadakilaan; tatlong bagay na kailangan magkatipun-tipon sa isang
kaisipan upang mag-angkin ng karapatang matawag na tula.”
Ayon naman kay Iñigo Ed Regalado, “Ang tula’y kagandahan, diwa, katas, larawan at
kabuuang tanang kariktang makikita sa silong ng alinmang langit.” (sinipi sa Macaraig,
2004,p.141)
Sa kabilang banda, ganito pinakahulugan ng UP Diksyunaryong Filipino ang tula (sinipi
mula sa Andang Juan, 2013, w.p):
1. akdang may mga taludtod, lalo na ang may nalinang na anyong pampanitikan, natatangi
sa masidhing gamit ng salita at ritmo upang ipahayag ang isang malikhaing pagtingin sa isang
paksa;
2. akda na bagaman malayang taludturan ay natatangi sa napakagandang wika at kaisipan.

Mula sa iba’t ibang pananaw ng makata, napag-alaman natin na ang tula ay may iba’t ibang
paraan ng pagkilos at pagproseso ng kahulugan batay sa pananaw ng tumitingin. Upang lubos
na maunawaan at maging tiyak, kung gayon, maaari gamitin na “working definition” sa klase sa
pagtukoy ng kahulugan ng tula ang binigay ng UP Diksyunaryong Filipino.

Matapos ang unang bahagi ng talakayan, isagawa ang sumusunod na gawain.

32
Gawain 1: Bugtungan Challenge
Lumikha ng bugtong gamit ang mga sumusunod na salita. Isulat sa papel at sabay na
ipapasa sa iba pang naatas na gawain.
1. Covid19
2. Ayuda
3. Online classes

Katangian ng tula
Paano makilala na tula ang tula? Ito ay sa pamamagitan ng pagtataglay ng mga
ispesikong katangian nito. Inisa-isa ito ni Gappi (2013) sa kanyang artikulo na “Hinggil sa
Malikhaing Pagsulat sa Filipino”.
 Taludtod – katumbas ito ng “line” o “verse”. Binubuo ito ng mga salita at pantig.
 Saknong – binubuo ito ng apat na mga taludtod. Nangangailang pare-parehas
ang bilang ng taludtod sa bawat saknong 6/upang hindi pabago-bago. Mayroong
dalawang uri batay sa bilang ng taludtod kada saknong:
a. Gansal – (5,7,9,11)
b. Pares – (4,6,8,12,16,24)
 Caesura – masining na pagkakahati/paghihiwalay sa linya. May sukat din ito,
maaari maging:
4/4/4 = 12 6/6/6 = 18
6/6 = 12 8/8/8 = 24
8/8 = 16 6/6/6/6= 24

*Sa pagsusukat ng linya, iwasan ang paggamit ng apostrophe (‘) para sumakto ang sukat.
Tinatawag din itong ‘sungay’. Kung kaya na buuin ang sukat, gawin hangga’t maaari.

 Tugmaan – ito ang pagkakapareho ng huling pantig sa bawat dulo ng taludtod.


Mayroong dalawang uri:
Tugmaang katinig
c. Tugmaang malalakas - binubuo ng “b,” “k,” “d,” “g,” “p,” “s,” at “t.” Kaya
magkakatugma ang mga salitang “talab,” “batak,” “tulad,” “dalag,” “sapsap,” “basbas,” at
“salat.”

33
d. Tugmang mahihina - binubuo ng mga titik na “l,” “m,” “n,” “ng,” “r,” “w,” at “y”.
Kaya magkakatugma, halimbawa, ang mga salitang “dasal,” “alam,” “ulan,” “sayang,”
“sayaw,” at “away.”

Tugmaang patinig – inasaalang-alang dito ang paggamit ng tuldik


a. Malumay
- binibigkas nang mabagal
- walang impit Halimbawa:
- hindi ginagamitan ng tuldik Pa-ta
- maaaring magtapos sa patinig at katinig Bu-ko

b. Malumi
- binibigkas nang mabagal
- may impit Halimbawa:
- ginagamitan ng tuldik na paiwa (\) Ba-tà
(à,è,ì,ò,ù) Ba-hò
- nagtatapos sa patinig

c. Mabilis
- binibigkas nang mabilis
- walang impit Halimbawa:
- ginagamitan ng tuldik na pahilis (/) Gandá
(á,é,í,ó,ú) Akó
- maaaring magtapos sa patinig at
katinig

d. Maragsa
- binibigkas nang mabilis Halimbawa:
- may impit Bahâ
- ginagamitan ng tuldik na pakupya (/\) Tahô
(â,ê,î,ô,û)
- nagtatapos sa patinig

34
Antas ng Tugmaan
-Payak o karaniwan
Ang antas ng tugmaan kung simpleng sinusunod lamang ang natalakay nang
panuntunan sa pagtutugma sa itaas. Maaaring magtugma ang malumay at mabilis, ang malumi
at maragsa.

-Tudlikan
Isinasaalang-alang na ang bigkas ng salita. Tutugma lamang ang malumay sa malumay,
mabilis sa mabilis, malumi sa malumi, at maragsa sa maragsa.

-Pantigan
Bukod sa bigkas, isinasaalang-alang na rin ang pagkakapareho ng huling dalawang titik
ng salita.

-Dalisay
Bukod sa pagkakapareho ng bigkas, isinasaalang-alang ng rin ang pagkakapareho ng
huling tatlong titik ng salita.

 Imahen – katumbas ng “metaphor”. Ito ang imahe o bagay na sentral na iniikutan ng


tula. Sa pamamagitan ng mga salita, katangian at iba pang kaugnay na konotasyon at
denotasyon dito na ikakabit sa sentral na imahen, naipapahiwatig sa ibang
pamamaraan ang gusting iparating na mensahe.

 Persona – ito ang nagsasalita sa tula. Malinaw dapat ang karakterisasyon sa tula nang
matukoy agad ng mambabasa at hindi nagdadala dapat ng kaguluhan sa kabuuan.

 Talinhaga - May ibibigay na pagdidiin sa gampanin ng talinghaga. Mababasa ito sa


artikulo na “Kahulugan ng Talinhaga” na isinulat ni Roberto Añonuevo (2009).
Pinagpakahulugan ito ni Almario na:
Buod ng pagtula. Ito ang utak ng paglikha at disiplinang pumapatnubay sa
haraya at sa pagpili ng salita habang isinasagawa ang tula. Sa gayon,
napaghaharian nito ang pagbukal at pagdaloy ng diwa gayundin ang kislap ng
tayutay at sayusay na isinasangkap sa pagpapahayag. (w.p)

35
Sa madaling salita, ang talinhaga ang nagpapatingkad sa ideya. Ito ang nagsisilbing
tulay para lalong maunawaan at madama ang tula.
Sa akda naman na “Language Poetry: Saan ang Mambabasa” ni Rebecca Añonuevo
(2014), may idinagdag na katangian ng tula. Tinukoy niya dito ang:
 Hawak sa Wika- ito ang paglalaro ng makata sa wika sa paraang lalong
nagpapaganyak sa mambabasa para makapasok sa loob ng imahen ng tula.

Mungkahing gabay sa pagsulat ng tula


Mula sa palihang KM64 Patikim Workshop: 24/7 na Karinderya ang Tula na pinangunahan ng
lecture speaker ni Montalban (2018) ay inilahad ang mga sumusunod na mungkahing gabay:

• Malaya lang muna na dumanas, at magsulat.


• Kilalanin ang paligid, ang lipunang ginagalawan, upang higit pang makasulat ng
makabuluhang mga akda na may pinagsisilbihan.
• Huwag matakot sa mga pagpuna. Lahat ng puna ay tanggapin. Ngunit matutong salain
at alamin ang makatutulong.
• Ang bagong tula ay parang isang bagong putol na kahoy, kahit anong ganda ng
materyales, may proseso pa din ng pagpuputol, pagliliha, pagpapako, pagpipintura o
varnish, bago maging kagamitang mapakikinabangan

Basahin naman ang artikulo na isinulat ni Guillermo (2013) na tumatalakay sa silbi ng


makata.

Ano ang silbi ng mga makata?

Ano ang silbi ng mga makata? Bilang isang panlipunang katanungan, dapat itong
sagutin batay sa pampulitikang pangangailangan ng ating lipunan sa kasalukuyang panahon.
Sa ating lipunang hati ayon sa nagtutunggaliang interes ng mga uring panlipunan, ang
pampulitikang batayang ito ng pagsisilbi ng mga makata, gayundin ng mga kabilang sa iba’t
ibang uri at sektor ng lipunan, ay umaalinsunod sa ganitong malaking hidwaan. Halimbawa, ang
tindig pampulitika ng mga makatang binasbasan ang sarili noon pang 1990 bilang “world-class
poets” at kailan lang ay nag-aleluyang sila na ang nasa tuktok ng panulaan sa Pilipinas sa

36
bagong dantaon ay nakikinabang sa mga palisiya at programa ng malalaking komprador at
panginoong maylupa at burukratang kapitalista tungkol sa imperyalistang globalisasyon at
ibayong pagpapatindi ng kalagayang malakolonyal at malapyudal sa ating bansa. Ang mga
pinuno ng pangkating ito ay may mahabang kasaysayan ng pangangayupapa sa nangakaraan
at kasalukuyang rehimeng pang-estado, ng panlilinlang sa mga bagong makata sa
pamamagitan ng mga oportunistang teoryang pampanulaan (tulang pulitikal na walang
pinapanigan), pusisyon at pabuya, ng paghihiwalay ng mga makata at kanilang likha sa sariling
lipunan batay sa mga latak ng New Criticism na hinimud sa pusali ng Cold War. Sa kabilang
banda, ang tindig pampulitika ng mga makata ng pambansa-demokratikong rebolusyon (34 taon
na nga ang itinatagal, at mangyayaring tumagal pa) ay akma sa pangangailangan ng mga uring
api’t pinagsasamantalahan mga manggagawa’t magbubukid, kabataan, kababaihan at bata,
mababang panggitnang uri, pambansang minorya, atbp. Nasa tula’t kilos nila ang dakilang
pakikibaka at mithi ng sambayanang Pilipino.
Noon lang ikalawang bahagi ng dekada sisenta natutunang itanong ng mga makata sa
sarili sa paraang publiko: Ano ang silbi? Sino ang pagsisilbihan? Paano? Mainam ngayong ulitin
ang tanong.
Matapos ang pangalawang bahagi ng talakayan, gawin ang sumusunod na gawain.

37
Gawain 2: Tula
Sumulat ng maikling tula na may dalawang saknong at may sinusundaang tugmaan.
Pumili ng isa mula sa apat na larawan bilang batayan sa pagsulat. Lagyan ng pamagat. Ipasa
sa itinakdang araw ng pasahan.

Talakayan (Pangatlong Bahagi)


PANUNURI AT PALIHAN
Matapos ang pagsulat, suriin ang sariling tula. Sagutin ang mga ss. na gabay na tanong:
1. Alin sa mga linya ang matingkad? Bakit?
2. Alin sa mga linya ang mahina? Hindi kinakailangan? Pwede na ba alisin? O anong
puwedeng ipalit?
3. Ano ang mensahe ng akda? Para kanino?

Pagtatanghal ng akda
Ilan ang mga sumusunod sa mungkahing gabay sa pagtatanghal ng akda mula sa isinagawang
palihan na “Karapatang Sumulat, Sumulat para sa Karapatan” na pinangunahan ni Montalban
(2020):
1. Hindi ka tutula ng hindi mo pinapaniwalaan. Ang entablado ang pagsasadula ng
realidad. Cause not applause.
2. Magplano ng atake. Alamin saan ang diin, ang pahinga, ang paglakas at paghina ng
boses. Magsanay. Humingi ng opinyon sa iba.
3. Walang problema kung kailangan basahin. Lalo kung hindi inaasahan ang pagtatanghal.
Tiyakin na nabasa na ang itatanghal na tula. Planuhin ang sulyap sa sipi at ang
interaksiyon sa nakikinig.
4. Gamitin ang buong katawan. Gumamit ng bagay labas sa katawan. Ang iba, may
sinasabayan pa na musika. Puwede rin ang may projection ng imahe sa likod ng
nagtatanghal. Depende pa ito sa hinihingi ng akda. Tiyakin na anumang paraan o taktika
sa pagtatanghal ay dapat na magsilbi sa paghahatid ng mensahe ng akda.
5. Tandaan ang mga sumusunod: Eye contact, Projection, Enunciation Facial Expression
at Gesture.
6. Lahat ay hindi sapat kaya dapat lalo pang umunlad (kritik).

38
Pagtatasa:
Bilang sintesis: sasagutin natin ang sumusunod na katanungan:
1. May kakayahan ba ang tula sa pagbabago ng lipunan?

Babasahin: Mga Tula ng Iba’t ibang Makata

39
Awitin

Kabuuang Talakay
Sa mga serye ng pananakop, naging mabisa ang awitin upang indirektang maituro ang
kolonyal na kaisipan. Ang awitin ay panitikang salamin ng buhay ng indibiduwal at kanyang
kinapapamuhayang komunidad. Sa modyul na ito, ibabahagi ang iba’t ibang anyo ng awiting
nabuo simula proto-Pilipino hanggang kasalukuyan, sa dulo inaasahang makapagsuri ang mag-
aaral ng isang awiting alternatib at maisakonteksto ito sa mga kasalukuyang isyung panlipunan.
Layunin
1. Maisa-isa ang bawat uri ng awiting nabuo sa bawat yugto ng kasaysayan sa
Pilipinas.
2. Makita ang bisa ng awitin sa pagbihag at pagpapalaya ng kaisipan.
3. Makapagsuri ng awitin batay sa konteksto at uring panlipunan.

Nilalaman ng Modyul:

Mga Katutubong Awitin


Hitik sa awiting bayan ang imahe ng bansa. Kung babaybayin ang kasaysayan, pasaling-dila
ang pamamaraan nang pag-aambag sa literatura ng ating mga ninuno. Mababakas sa mga
awiting bayan ng mga pangkat etnikong grupo kung gaano kayabong ang ating kultura.

Bugayat- awiting inaawit ng mga Igorot sa panahon ng kanilang pakikidigma.


Tagumpay at kumintang- Ito naman ang bersyon ng mga Tagalog na kanilang inaawit rin sa
panahon ng digmaan.
Sambotani-isa itong awiting bayan na nagpapahayag ng kasiyahan matapos ang pakikidigma.
An-naoy- awiting bayang inaawit ng mga Igorot na patungkol sa pagtatayo ng palayan sa gilid
ng bundok.
Tub-ob- tawag sa awitin ng mga Manobo na inaawit naman tuwing panahon ng tag-ani.
Oyayi- awiting bayang ginagamit sa pagpapatulog ng bata.
Ambahan- inaawit ng mga Bisaya patungkol sa pagdiriwang na pinaghanguan ng mga Mangyan
na Hanunoo ng Mindoro ng sarili nilang ambahan. Ito ay may dalawangtaludturan at ang isa ay
binubuo ng pitong pantig.
Balac- inaawit ng mga Cebuano. Inaawit ito sa proseso ng panliligaw. Nagkakaroon ng sagutan
ang lalaki at babae na sinasaliwan ng instrumentong may bagting tulad ng coriapi at corliong.

40
Kundiman-awiting bayan na tumatalakay sa pag-ibig. Ito ang ginagamit ng mga kalalakihan
upang mahuli ang puso ng mga kababaihan sa pamamagitan ng panghaharana.
Dung-aw- awiting bayan ng mga Ilokano na inaaalay nila sa mga kamag-anak na yumao.

Panahon ng mga Kastila


Noong panahon ng pananakop ng mga kastila Ang bawat gawain, okasyon, at pagtitipon ay
kinapapalooban ng musika na umaalala sa kanilang mga dios kayat ipinagbawal nila ang mga
ito. Sa pangunguna ni Padre Juande Garovillas, noong 1606 ay naitayo ang isang seminaryo
upang sanayin ang 400 na binatilyo sa pag-awit ng maka-kanluraning awitin naglalaman ng
doktrina patungkol sa Kristyanismo na naging simula ng pagkabura ng sariling
pagkakakilanlang Pilipino.
.Habanera- nangangahulugang awit o sayaw ng Havana. Ito ang pinaka-popular na awitin at
sayawin sa Cuba noong ika-19 na siglo.
.Polka- ito ay orihinal na nagmula sa Czech at kilala ito sa buong Europa at Amerika. Galing sa
salitang Czech n pulka na ang ibig sabihin ay mkiliit na hakbang na makikita sa pagsayaw nito.
.Villancico- ito ay matulaing musika na nagmula sa Iberian Peninsula at Latin Amerika at
popular ito noong ika-15 hanggang ika-18 na siglo.
Jota- ito ay uri ng sayaw na kilala sa buong Espanya na nagmula sa luar ng Aragon. Ito ay
inaawit at sinasayaw na may kasamang castanet na popular ring instrument sa Espanya.
Ang mga itinanim na awitin ay siyang ginaya ng ting mga katutubo at naging hulmahan ng mga
bagong kantang naglalaman ng kanluraning mga pananaw. sa pagkakataong ito mas lalong
naging tiim at bulag ang mga Pilipino sa pang-aaping ginagawa sa kanila

Panahon ng mga Amerikano


Sa panahong ito ay naging kagamitan ang musika sa mabilisang pagtanggap ng edukasyon sa
Pilipinas. Gamit ang awiting mula sa Amerika na may pilosopiya at talinong maka-Amerikano,
mas lumabnaw ang damdaming makabayan dahil sa awit.
Noon pa lamang 1900 ay isinama na ang musikang pantinig sa kurikulum na ipinakilala nila
(Report of the Philippine Commission 31-2). Sa panahong ito puspusan ang paghimok,
pagsasanay at pagbibigay ng aensyon sa erya ng musika.
Sandugong Panaginip- Ito ay itinanghal sa Zorilla Theater at kauna-unahang operang nilikha ng
mga Pilipino. Ang teksto ay isinulat ni Pedro Paterno at nilapatan ng musika ni Ladislao Bonus.
Umikot ang kwento sa pagtutulungan ng mga Pilipino at Amerikano. Nagwakas ang kwento sa
pagyakap ng mga Pilipino sa estatwa ng liberty.

41
Itinuro ang mga awiting “A Sleigh Ride,” “Jacky Frost,” “The Apple Tree,” na hindi pamilyar sa
dila at diwa ng ating mga katutubo.
Naging popular rin ang awiting “Oh! Worship the King” upang ipalaganap naman ang relehiyong
prostante sa mga mag-aaral.
Upang mapalakas naman ang maka-amerikanong patriotism ay itinuro ang “The Star-Spangled
Banner,” “The American Hymn,” “Amerika,” Hindi alam ng mga Pilipino na ang mga awiting ito
ang siyang nagpalabnaw sa maka-Pilipinong pamamaraan at paniniwala na mababakas sa
panahon ngayon sa mukha ng unti-unting pagkawala ng kulturang atin.

Panahon ng Hapon
Sa panahong ito ay hinubog sa ideolohiyang Greater East Asia Co- Prosperity Sphere
(GEACPS). Sapagkat naniniwala ang mga hapones na ang bawat asyano ay nalimutan na ang
kulturang kanilang pinagmulan dahil sa pagpapalawak ng mga Kanluraning bansa sa kanilang
nasasakupan.
Awit ng mga Hukbong Hapon sa Filipinas-sa awit na ito inilarawan kung gaano kabilis nasakop
ng mga hapon ang bansang Pilipinas.
No Mama, no Papa, no Uncle Sam-ang awit na ito ay patungkol naman sa pagkawalay ng mga
ama sa kanilang pamilya upang makilahok sa giyera kontra hapon dahil sa lubos na pagka-
Amerikano ng mga Filipino.
The Song of the Japanese Forces in the Philippines-ipinagbunyi naman sa awiting ito ang
pagtatagumpay ng mga Hapon na sakupin ang buong bansa.

42
Narito ang “AIUEO No Uta” o ang “Awit ng AIUEO na itinuro sa mga Filipino upang madaling
maalala ang kana ng mga hapones.
Larawan din ng awiting “Tayo’y Magtanim ni Felipe de Leon ang pagpapanumbalik ng
kaugaliang asyano upang mas mapalakas pang lalong ang pananakop ng mga hapon.

Musika Bilang Instrumento ng Paglaya


Bagaman nagamit ang musika bilang inrtumento ng pagsakop, may malakas itong
kapangyarihang magpaalab ng damdamin at magpakilos. Naging malakas na sandata laban sa
pagsikil ng karapatan ang paglikha ng mga awitin at pagsasalin nito. Ito ang nagsilbing boses
sa lipunang sinilensyo.
Bayan Ko-matapos ang pagpatay kay Benigno Aquino, binigyang buhay ang awit na ito ni
Fredie Aguilar na siyang nagpaalab ng damdamin ng mga Pilipino sa panahon ng batas Militar.
Kasabay rin nito ang mga awiting Araw na Lubhang Mapanglaw at Awit sa Mendiola.
Utol Buto’t Balat Ka Na’y Natutulog Ka Pa- isinulat ni Heber Bartolome na nagsilbing boses ng
masa sa pasistang pamamahala, gutom at kahirapang nararanasan ng mamamayan sa ilalim
ng pamahalaang Marcos.
Annie Batungbakal-ang popular na awiting ito ng Hotdog ay patungkol sa isang sales lady na
nasira ang buhay matapos tanggalin sa trabaho na umuusig sa pera-perang pananaw na
nagpalakas sa eksena ng rock n roll sa bansa.
Huling Balita-Sa awiting ito ni Jess Santiago inilarawan ang walang awang ni walang warrant na
panghuhuli at pagpatay sa panahon ng diktatorya.
Ako’y Pinoy-Inawit ng kilalang mang-aawit na si Kuh Ledesma na nagpalakas sa pagka-Pilipino
noong panahon ng diktatorya. Naging dahilan ito ng pagkakabigkis-bigkis ng paniniwala sa
sariling kakayahan ng bawat mamamayan ng bansa.
Awit Ko-Sa awiting ito naman ni Heber Bartolome makikita ang pagkuwestiyon sa imperyalista
at pagpapalawak ng soberanya ng mga amerikano.
Maraming makabayang awitin ang nagpanumbalik ng diwang makabayan. Nagtangka rin ang
komunidad ng mga makabayang kompositor na tahakin ang kalakarang pop music upang mas
lalong mailapit sa masa ang diwa ng mga awiting mapagbigkis. Isa itong patunay na may
malaking papel ang musika sa paghubog ng kamalayan ng bawat mamamayan. Maari itong
magsilbing boses sa lipunang nais isilensyo ng mga ganid sa kapangyarihan at kaban ng
bayan.

43
I. Gawain
Pakinggan ang awiting Un Potok na likha ni Fr. Oliver Castor. Maaaring puntahan ang link
https://www.youtube.com/watch?v=dajOvBL9ZPQ na ginawan ng rendisyon ng Talahib
People’s Music.

Un Potok
Talasalitaan:
Un potok nayenade naayenade nimakijapat
On Potok- Ang Lupa
Un potok nayenade naayenade nimakijapat Nayenade nimakijabat- Nilikha ni
Un potok nayenade naayenade nimakijapat Makijapat
Makijapat- Maylikha ng mga Dumagat
Sierra Madre- Pinakamahabang
Un potok ng lupa nilikha nimakijapat
Bulubundukin sa Pilipinas. Mula sa
gak mukati Agta Cagayan (Hilaga) hanggang sa Probinsya
para sa mga Dumagat ng Quezon (Timog).
sa pusod ng Sierra Madre tahimik ang aming daigdig
nang dumating ang mga gahaman dala ay ligalig

Un potok nayenade naayenade nimakijapat


Un potok nayenade naayenade nimakijapat
Un potok nayenade naayenade nimakijapat
Un potok ng lupa nilikha nimakijabat
binulabog na ng ingay ng lagareng dimakina
Angg yaman ng kagubata’y kanilang kinukuha
panaghoy ng Sierra Madre aming ina

Un potok nayenade naayenade nimakijapat


Un potok nayenade naayenade nimakijapat
Un potok nayenade naayenade nimakijapat

Un potok ng lupa libingan ng aming ninuno


lalamunin na ng tubig ng dam na itatayo

Un potok nayenade naayenade nimakijapat


eyan yanade para de orat
Un potok nayenade naayenade nimakijapat

44
Un potok nayenade naayenade nimakijapat
Un potok nayenade naayenade nimakijapat
eyan yanade para de orat.

Matapos pakinggan ang awitin, basahin ang susunod na artikulo.

In the Philippines, A Dam Struggle Spans Generations, Inspires Songs of Unity For the
Environment
By Marya Salamat | December, 2018
MANILA — Two proofs stand out today showing how long and how determined the people of
Sierra Madre have defended its rivers from private mega-dam projects. One, over the years,
they have generated what’s shaping up into a soundtrack of the indigenous people’s defense of
the rivers and forested ancestral lands in Rizal and Quezon. Two, they have leaders and
organizers of environmental defenders today who were youth activists or kids going with their
parents in protest actions of the past.
A Dumagat spokesperson of Imaset, Wilma Quierrez, is one of such leaders. As early as when
she was six months old, her mother was organizing the Dumagat seeking to stop the Laiban
dam project then of the Marcos administration.

Wilma grew up watching


her mother, Marilyn
Quierrez, working actively
for the cause. She is
grateful to her mother.
“She raised me mindful of
the plight of the indigenous
people, of our right to self
determination, and
inextricably linked to that,
the need to protect the
environment.” As a child
she had gone to rallies
Dumagat Wilma Quierrez with son at the launch of the Network Opposed to the New
Centennial Water Source Project (NO to NCWS) October 2018 (Photo by M. Salamat /
with her mother.
Bulatlat) With her are other second-

45
generation defenders of the environment, like Lodima Doroteo, who recalls having joined
protests with her grandfather in the 90s. She is now in her early 20s and also active in
continuing the Dumagat elders’ defense of the river and forests.

The children of Nicanor delos Santos are also actively uniting calls to continue defending the
rivers from the renewed drive to dam big parts of it under different names. Nicanor delos Santos
was the Dumagat leading the tribe’s
opposition to Laiban Dam when he was
murdered at the beginning of former President
Gloria Macapagal-Arroyo’s term.
Delos Santos’ murder did not stop the struggle
which eventually succeeded in stopping the
project again.
One of his sons, Arnel, said the government
has repackaged the Laiban dam project,
calling it the New Centennial or
One of the second-generation opponents of the (repackaged) dam project stands
Kaliwa or Kanan dams, before the gates of the stalled Laiban Dam project by the river in Tanay, Rizal.
(Photo by M. Salamat / Bulatlat.com)
“because the Laiban Dam
project has been thoroughly rejected by the people.”
Wilma herself seems to be passing on the tradition to her children. A breastfeeding mom,
wherever she goes her youngest son is in tow. Her son goes with her in forum, mass delegation
and lobbying, street rallies, or conferences. Wilma could be seen carrying her son sometimes
even on stage when she’s addressing the public.
Wilma’s mother passed away 10 years ago at the age of 48. “It’s very hard to no longer have
your mother with you,” the daughter admits. She’s intent on continuing what her mother helped
her realize needs doing. She’s being like her, she said. While active at campaigns for saving the
river and the forest, Wilma’s mother had also worked to bring food to the table. Like her, Wilma
is also a farmer. She works the land with her husband, and that they are both raising their
children consciously avoiding the feudal mindset – they are seeking equality and both strive to
respect and support each other at work, at home and in the struggle against dislocation from
their ancestral land.
The need to protect the forest and its river as well as their right to ancestral domain and self-
determination has prompted both the Dumagat men and women to act. They also seem to have
arrived at a setup they can best work with.

46
The men handle the heavier work or stay longer in the fields; the women who also work at the
field also find the time not just to attend to their homes, children and selling or storing their
produce, but to also attend to building community, unity and spreading the news with other
Dumagat, Remontado and others who would be adversely affected by the dam projects.

This is the flag of Imaset, the Dumagat women’s organization working to save the
environment and the Sierra Madre from destructive projects.

Last August 3 to 4, Wilma and other Dumagat women established Imaset, the Dumagat and
Remontado women’s assembly.

Imaset means the people uniting the “Kadumagetan” or the indigenous peoples of Sierra Madre
uniting against exploitation and oppression. This, to them, is exemplified by “development
aggression” inherent in the dam projects, and what they described as false ‘national greening
program.’

After forming Imaset, the women worked to establish a network of broad supporters to the call to
save the Quezon and Rizal river and the Sierra Madre. In the first week of October, they formed
such a network from a college in Metro Manila.

They also launched their new song, another contribution on top of another Dumagat song
popularized in the Laiban dam struggle since the 80s.

Singing, Dancing In Prayer for People’s Unity to Save the Environment

47
What is remarkable among the Dumagat is their affinity to music and dance. On the day they
formed Imaset, their workshop produced the text to a new song also entitled “Imaset.”
Supportive priest Alex Bercasio composed the music to accompany the text and in playing it
with the Dumagat, the community singing invariably led to the Imaset dance.

In the song, they pour their calls to each other and to the public, in alternate Filipino and
Dumagat, literally telling everyone: “Defend the ancestral land; bolster our ranks, defeat the
projects of the oppressors; we are not afraid, we are united; and defend Sierra Madre.”
The Imaset theme song is
now being introduced to
urban listeners and
supporters as one of the
songs of a group called
Reds Pangkat Sining. The
name is newly coined, but
the priests and other
musicians comprising it
have long been
supportive of the
Dumagat’s struggle.

If the Dumagat have second generation activists joining the elders now, they and their
supporters also have new songs to accompany it. The Imaset theme song is another product of
this generation’s struggle to save anew the Sierra Madre rivers and forest. From the time the
Dumagat were opposing the Laiban dam project, priests such as Fr Oliver Castor had immersed
with the Dumagat and from that composed the song entitled “Un Potok.”

Here is a version of Un Potok on Youtube, as recorded by the Talahib People’s Music. (nasa
itaas ang link)

Here, too, is a version of Un Potok featuring Fr Oliver and the Dumagat women.
https://www.youtube.com/watch?v=SYx5Mz7who4
This is how they usually sing it in communities, accompanied only by one or two ukulele and

48
any available indigenous percussion instruments:

“Un Potok” (The Land) is a song on the indigenous Dumagat praying to their god, Makijapat,
asking why the natural resources and the fertile lands are to be submerged and taken away
from the people just for the profit of a few, and why the lush forest had to be denuded. Written
by Fr Oliver Castor in 1985 and revised up to 1989, it’s been a unifying song whenever the
Dumagat and supporters for the defense of Sierra Madre and the environment were gathered.
Castor said he wrote the song inspired by a folk song of the Dumagat children of Gen. Nakar,
Quezon. In 1985 he wrote that he had a young friend “who was imprisoned and tortured until he
died in the hands of the fascist military.”
For years, only the Dumagat knew the song “Un Potok” was his composition. With the Duterte
government’s drive to revive the dam projects, Un Potok reverberates once more, and Fr Castor
has amped up also the way they sing Un Potok.
Now, add to Un Potok is Imaset, their latest crowd-drawing Dumagat song for unity. It is
encouraging friends and allies to the dance floor, to join the Dumagat and other indigenous
peoples in various gatherings.
The Dumagat especially the women first sang together the Imaset during the solidarity night and
bonfire of the Dumagat women’s assembly. They made a circle and declared their unity through
the song.

Now that song is the Imaset’s way also of capping a day or a program of gathering with
increasing number of supporters. Be they part of the Kadumagetan or allies supporting the calls
to save the soil, water and natural resources of Sierra Madre, they sing and dance it together in
an ever-widening circle of prayerful activists.

49
Mga Tanong.

. A. Sagutin ang hinihiling ng bawat tanong. Maaaring i-send via messenger (personal
message), email o text message. Nakalagay sa bawat numero ang puntos.
B. Sumagot sa wikang pinaka-komportable ka (Filipino man o English, o halo).
1. Mula sa mga serye ng mga pananakop, paano ginamit ang mga awitin upang mahulma
ang kaisipang kolonyal? Ipaliwanag. (10 points)
2. Paano nakatutulong ang awitin sa paglalahad ng danas ng isang tao o kabuuang
komunidad? (10 points)
3. Ibigay ang dalawang gahum ng nagtatalaban sa awitin. Ipaliwanag. (10 points)
4. Ipaliwanag ang kontekstuwal na kahulugan ng linya sa awitin; (10 points)
sa pusod ng Sierra Madre tahimik ang aming daigdig
nang dumating ang mga gahaman dala ay ligalig
5. Ipaliwanag ang kontekstuwal na kahulugan ng linya sa awitin; (10 points)
Un potok ng lupa libingan ng aming ninuno,
lalamunin na ng tubig ng dam na itatayo
6. Sa awiting Un Potok, anong isyu o penomenong panlipunan ang tinatalakay? May
kinalaman ba ang Cultural genocide sa isyu o penomenong tinatalakay sa awitin?
Ipaliwanag. (10 points)
7. May halaga ba ang modernisasyon sa mga katutubo kung banta ito sa kanilang kultural
at ekonomikong seguridad? Ikatuwiran ang iyong sagot. (10 points)
8. Ipaliwanag ang kahalagahan ng lupa sa mga katutubo. Bakit banta ang Dam na
proyekto ng gobyerno kasapakat ng dayuhan at malalaking korporasyon? (10 points)
9. Isipin na ikaw si Makijapat. Gumawa ng sariling tula na ang persona ay si Makijapat at
kinakausap niya si Pangulong Rodrigo Duterte. (10 points)

Isipin na ikaw ang Sierra Madre. Gumawa ng sariling tula na ang persona ay ang Sierra Madre
at kinakausap niya ang mga Malalaking Korporasyon. (10 points)

50
KABANATA 3:

PAGPAPAHALAGANG PAMPANITIKAN SA MAIKLING KUWENTO

Layunin:
1. Naiisa-isa ang katangian ng relasyon ng tao sa lipunang inilahad sa akda.
2. Nauunawaan ang kahulugan ng diskurso batay sa nabasang akda.
3. Nakapagbibigay-katwiran kaugnay ng napapanahong paksa.
4. Natutukoy at nailalarawan ang sektor ng lipunang kinabibilangan ng
pangunahing tauhan.
5. Natutukoy ang mga tugong ginawa ng pangunahing tauhan sa tungalian.
6. Nagbibigay-paliwanag ang mga ideya ng tauhan ayon sa sitwasyong
kinabibilangan.

Introduksyon
Ang Maikling kuwento ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauha. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela
at dula, isa rin itong pagsasalamin ng realidad na esensyal sa pag-unawa sa ating
ginagalawang lipunan.
Ayon kay Edgar Calabia Samar (2020) may tatlong kahalaga at bisa ang maikling kuwento o
ang pagkukuwento sa kabuoan:

Pagbabahagi
Mahalaga ang pagkukuwento dahil isang uri ito ng pagbabahagi at ang pagbabahagi ay may
kakabit na kamalayan na hindi ka nag-iisa, na kung ano man ang iyong makatha o makatha ng
iba ay meron itong patutunguhan-- merong nakikinig. Nakatutulong ito luminang ng sensasyon
na tayo'y kabahagi ng isang malawak pang komunidad. Ang pakiramdam na ikaw ay hiwalay o
mag-isa ay winawasak ng konsepto ng pagkukuwento. Ang pagbabahagi sa pamamagitan ng
pagkukuwento at pagbabasa o pakikinig sa kuwento ay isang oportunidad at rekognisyon na
tayo ay kabilang sa iisang lipunan, sa iisang reyalidad.

Pagbubuo ng Kaayusan

51
Ang pagkukuwento ay oportunidad din sa pagbubuo ng kaayusan, sa dami ng nangyayari sa
mundo na kadalasan ay nagbibigay sa atin ng kalituhan ang paglikha at pagbabasa ng kuwento
ay isang pagninilay upang maunawaan ang nais mong maunawaan sa mundo, at pamamagitan
ng buhay mong diwa’t haraya maaari mong subukang magbigay ng kaayusan sa mga bagay na
ito. Bakit ba may krisis, paano ba dapat tignan ang krisis, ano ba ang dapat kaayusan sa gitna
ng krisis o ano mang tagpo, bagay, panahon o konsepto.
Sandata sa paglimot at manipulasyon
Ang pagkukuwento na naitala o recorded ay isang sandata sa paglimot at manipulasyon.
Napakahalaga ng paggunita dahil sa mga aral at makabuluhang mga napagtatanto sa mga
bagay na ginugunita, at sa kasaysayan ng mundo hindi bago ang pagmamanipula ng mga nasa
kapangyarihan sa katotohanan, pagmamanipula ng kung ano ang dapat matandaan at
makalimutan, kaya ang pagkukuwento na naitala ay isang ebedensya na maaaring gamiting
sandata sa manipuladong katotohanan.

Kasaysayan ng maikling kuwento sa Pilipinas:

Kasaysayan ng maikling kwento panahon ng katutubo


Kuwentong bitbit – dito nag-ugat ang maikling kwento, maiikling salaysay na pumapaksa sa
mga anito, lamanlupa, malikmata, multo at iba pang mga bunga ng guniguning di kapani-
paniwala. Karamihan sa mga Panitikan nila’y pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang bayan,
bugtong, epiko, salawikain, at awiting bayan na anyong patula; mga kwentong bayan, alamat, at
mito na anyong tuluyan at mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang
anyo ng dula sa bansa. May mga panitikan ding nakasulat sa pirasong kawayan matitibay na
kahoy at makikinis na baro ngunit ilan na lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo
sapagkat batay sa kasaysayan pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang dumating sila sa
bansa sa paniniwala na ang mga ito ay gawa ng demonyo.

Panahon ng pananakop ng kastila


Kakana – sumulpot pagdating ng Espanyol, naglalaman ng mga alamat at engkanto, panlibang
sa mga bata. Mga kuwento ay tungkol sa buhay ng mga santo at santa layunin nila ay
mapalaganap ang Kristiyanismo. Parabula- naglalaman ng mga talinghaga at nagtuturo ng aral.
Hal. Ang Mabuting Samaritano & “Makamisa” ni Dr. Jose Rizal. Lalo’t lalong sumigla ang mga
kilusang pampanitikan sa partikular ay sa kwento. Nang lumabas ang Taliba at Liwayway.
“Bunga ng Kasalanan”ni Cirio Panganiban napiling pinakamahusay na kwento sa timpalak-

52
panitik ng Taliba. Ito’y itinuturing na nagsanhi ng unang hakbang sa pagsulat ng mga kwentong
may banghay. Sa gitna ng kasiglahan ng panulat sa loob ng panahon ng “Ilaw at Panitik”
lumitaw ang mga pampanitikang kritiko na kinabibilangan nina Clodualdo del Mundo at
Alejandro Abadilla na naglathala ng mga 25 piling maikling kwento mula 1929- 1935 na
pinamagatang Kwentong Ginto.

Panahon ng pananakop ng amerikano


Sa larangan ng panitikan, isang malaking ambag ng mga Amerikano ang pagkakaroon ngayon
ng Maikling Kwento bilang bahagi ng ating panitikan. Kapansin-pansin ang pagkahilig ng mga
mambabasa sa mga akdang madaling basahin ay naimpluwensyahan ng mabilis na galaw ng
buhay- kosmopolitan. Ang mga kathang ito ay hindi lamang naisulat sa wikang Filipino kundi
pati narin sa wikang Ingles. Ang pagdating ng mga Thomasites ang nagbigay-daan sa
pagkakaroon ng pampublikong Edukasyon na kung saan ipinasok ang kurikulum ng pagtuturo
sa Ingles. Itinatag ang Unibersidad ng Pilipinas noong 1908 at simula noon ay kinilala ito sa
mahusay na pagtuturo ng Ingles. Sa pamantasang ito nahasa ang mga manunulat upang
linangan ang kanilang kakayahan na sumulat ng mga sanaysay,dula, tula, kwento, at ng lumaon
pati na rin ang mga nobela gamit ang wikang ingles. Ang maikling kuwentong Tagalog ay
naisulat noong mga unang sampung taon ng mga Amerikano.
Mga unang anyo nito ay ang dagli at pasingaw. dagli -maikling- maikling salaysay na gayong
nangangaral nang lantaran ay namumuna, nagpapasaring at nanunuligsa.
Hal:“ Sumpain Nawa Ang Mga Ngiping Ginto” ni Cue Malay
Nagsisulat ng dagli sina Valeriano Hernandez Pena, Inigo Ed Regalado, Patricio Mariano,
Pascual Poblete atbp. na inilathala sa pahina ng pahayagang “Muling Pagsilang” noong 1903.
Yumabong ang uring ito ng salaysay sa tulong pa rin ng pahayagang Democracia, Ang Mithi,
Taliba hanggang 1921.
Halimbawa ng dagli ni Salvador R. Barros: "Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa pandinig,
ang lalaki, babae, at reporter ay may malaking ipinagkakaiba. "Ang pumapasok sa isang tainga
ng lalaki ay lumalabas sa kabila. "Ang pumapasok sa dalawang tainga ng babae ay lumalabas
sa bibig. "At ang pumapasok sa dalawang tainga ng reporter ay lumalabas sa pahayagan."
(Sampagita, 8 Nobyembre 1932) pasingaw-patungkol sa mga paralumang hinahangaan,
sinusuyo, nililugawan at kung anu-ano pa.
Sa mga dahon ng pahayagang Kaliwanagan at Ang Kapatid ng Bayan ito kumita ng liwanag.
Madalas na ang mga may-akda nito ay gumagamit o nagtatago sa kanilang mga sagisag
panulat. Napatanyag at namalasak ang pagsulat ng dagli at naging katha at sa bandang huli ay

53
tinawag na maikling katha hanggang 1921. Noong 1910, nagtagumpay ang “Elias” ni Rosauro
Almario sa pahayagang Ang Mithi sa bisa ng 14,478 na boto ng mga mambabasa.

Mga Samahang Pampanitikan

1. Ang “Aklatang Bayan” nagsimula ang maikling katha nang hindi pa ganap ang banghay at
nakakahon pa ang karakterisasyon.
2. Ang “ Ilaw at Panitikan” (popularisasyon) Isinilang ang Liwayway na naging tahanan ng mga
akdang Filipino.
3. Parolang Ginto ni Del Mundo- katipunan ng mga pinakamahusay na kuwento sa bawat
gawain at sa bawat taon. Pumagitna rin sa larangan ng pamumunang pampanitikan si Alejandro
Abadilla sa kanyang Talaang Bughaw.
4. Panitikan- sa panahong ito sinunog ng mga kabataang manunulat ang mga akdang pinalagay
na hindi panitikan.
5. “Ilaw ng Bayan” Sa panahong ito ay nangibabaw ang bisa ng mga kabataang manunulat sa
panitikan sa Wikang Ingles.
Aklat- Katipunan o Antolohiya ng Maikling Kuwento
1.Ang “Kuwentong Ginto” (1925-1935) 20 “ kuwentong ginto.”nina Abadilla at Del Mundo
2. Ang “50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang Kuwentista (1939) ni Pedro Reyes. Katipunan ng
mga pinakamahusay na katha ni Hernando R. Ocampo at ang mga manunulat sa Ingles na sina
NVM Gonzales, Narciso Reyes, Cornelio Reyes at Mariano C. Pascual.
Deogracias A. Rosario Ipinanganak noong 17 Oktubre 1894 sa Tondo, Maynila, Amang
Maiikling Kwentong Tagalog Kapansin-pansin ang pagkagiliw ng mga manunulat sa matamis,
mabulaklak at maindayog na pananalita. Karaniwang paksa’y pag-ibig na inaaglahi,
hinahdlangan o pinapagdurusa, hindi makatotohanan ang mga sitwasyon at pangyayari at
waring nangungunyapit pa rin sa tradisyon ng romantisismo hanggang sa pagdating ng 1930.

Panahon ng pananakop ng hapon


Sa pagpasok ng mga Hapones ay unti-unting nanlamig ang pagsulat ng kahit anong uri ng
akda. Nagkaroon ng kalayaan sa pagsulat ngunit ang lahat na akda ang dadaan muna sa
“Manila Shimbun- sha”. Gintong Panahon ng Maikling Kuwento Pansamantalang napinid ang
mga palimbagan sa panahon ng mga Hapones ngunit pagkaraan ng ilang buwan ay muli itong
nabuksan. Pinahintulutang makapaglathala ang Liwayway kaya’t biglang nakapasok dito ang
mga akda na dati ay hindi tinatanggap ng naturang babasahin. Dahil dito ang mga manunulat
na dating nagsusulat sa Ingles ay nangagtangkang magsulat sa Tagalog. Nagdaos ng timpalak

54
ang Liwayway at pinili ang mga pangunahing kuwento noon na tinipon sa isang aklat. “Ang 25
Pinakamabubuting Maikling Kathang Pilipino ng 1943. Nanguna sa timpalak ang sumusunod na
apat na kuwento.: Pangunahin- “Lupang Tinubuan” Narciso Reyes Pangalawa –“ Uhaw Ang
Tigang na Lupa” Liwayway A. Arceo Pangatlo- “Nayon at Dagat-dagatan” NVM Gonzales Pang-
apat- “Suyuan sa Tubigan” Macario Pineda

Paglaya sa hapon
Ang Gantimpalang Carlos Palanca, isang timpalak pantikan ay nagdulot ng bagong hamon sa
mga manunulat sa Ingles at Pilipino. Nagsimula ang patimpalak sa maikling katha noong 1950.
Naitatag ang Kapisanang KADIPAN (aklat, diwa at panitikan) na itinatag sa pamamahala nina
Ponciano B. Pineda at Tomas Ongoco ng MLQU. Ang Diwa at Panitik (1965) ay nagpalabas ng
magasing Sibol na ang nilalaman ay tuntunin sa panitikan, wika at pagtuturo. Noong Enero
1962, ang magasing Akda ang naging kaakit-akit na babasahing naglalathala ng mga orihinal
na akda at salin saTagalog ng mga manunulat sa Ingles Ang magasing Panitikan ay muling
pinalabas ni Alejandro G. Abadilla noong Oktubre, 1964 at tumagal hanggang 1968 Nagtaguyod
ang Pamantasan ng Ateneo ng Urian Lectures na pinamahalaan ni Bienvenido Lumbera. Ang
Gawad Balagtas ay patimpalak ng pamahalaan noong 1969. nilahukan ng katipunan ng
sampung akda. Nagwagi si Wilfredo Virtusio ng unang gantimpala sa kanyang “ Si Ambo at Iba
Pang Kuwento”. Ang huling taon sa dekada 60 ang panahon ng protesta. Ang mga manunulat
ay pumaksa sa kaawa-awang kalagayan ng iskuwater, sa mga suliranin ng magbubukid at
manggagawa.

Panahon ng batas militar


Sa kadahilanang halos lahat ng kuwentista sa Pilipinas sa panahong Batas Militar ay kasangkot
sa kilusang makabayan, tampok sa kanilang mga akda ang mga suliraning tulad ng
paghihikahos ng marami sa pagpapasasa ng iilan, kabulukan sa pagpapatakbo ng pamahalaan,
kawalan ng katarungan sa mga limot na mamamamayan at pang-aalipin ng negosyanteng
dayuhan at ng sabwatan ng mga burgis. Lantad ang poot sa mga akdang ito. Sagisag- isang
magasing inilathala ng Kagawaran ng Pabatirang Madla upang magkaroon ng
mapaglalathalaan ng mga akdang hindi tinatangkilik ng mga popular na babasahin. Nagtaguyod
din ito ng Gawad Sagisag at nakatuklas ng mga bagong manunulat. Ang iba’t ibang kuwentong
lumabas at naisulat sa panahong ito ay pawing sumasaling sa ugat ng lipunan. Nakilala sa
panahong ito ang mga kuwentistang sina Alfredo Lobo, Mario Libuan, Augosto Sumilang,
Lualhati Bautista, Reynaldo Duque, Benigno Juan, Benjamin Pascual, Domingo Landicho,
Edgardo Maranan, Wilfredo Ma. Virtusio at Pedro S. Dandan. Sa panahong ito, naging palasak

55
ang pagpunta ng mga Pilipino sa bang bansa lalo na sa Estados Unidos, ito ang naging
batayan ni Domingo Landicho upang isulat ang kuwentong ”Huwag mong Tangisan Ang
Kamatayan ng Isang Pilipino sa Dibdib ng Niyebe” na siyang pinagkalooban ng gantimpalang
Palanca noong 1975. Samantala, noong 1979-1980, isang simple subalit pinakamakahulugang
kuwento ang napili ng Palanca upang gawaran ng gantimpalang pinakamahusay para sa taong
iyon ang kuwentong “Kandong “ ni Reynaldo Duque.

Maikling kwento sa panahong kasalukuyan


ANG MAIKLING KWENTO ang dahilan kung bakit noon pa mang unang panahon ay mayroon
na tayong maikling kathang nagsasalaysay tulad ng alamat, kuwentong bayan at kuwentong
akda, kaya hanggang ngayon, buhay na buhay ang maikling kwento bilang mahalagang bahagi
ng panitikang Filipino. Nakilala bilang mahuhusay na manunulat ng maikling kwento sina
Genoveva Edroza Matute, Efren Abueg, Rogelio Sikat, Pelagio Cruz, Benjamin Pascual,
Edgardo Reyes, Benigno Juan at iba pa. Patuloy pa rin sa kasigasigan sa pagsusulat ang ating
mga manunulat sa hangaring higit pang mapaunlad at maitaas ang uri ng maikling kwentong
Filipino. Kabilang din sa mahuhusay nating kwentista sina Domingo G. Landicho, Rogelio
Ordonez, Dominador Mirasol, Ricardo Lee, Wilfredo P. Virtusio, Gloria Villaroza Guzman at iba
pa. Masipag ang panitik at mayaman ang diwa ng ating mga kwentista kaya’t hindi sila
nauubusan ng paksang susulatin. Isa lamang ito sa pagpapatunay ng pagkamalikhain ng mga
Pilipino na unti-unti ng nakilala sa buong mundo.

Babasahin
Basahin at unawain ang maikling kuwentong “Kapayaan sa madaling araw” ni Rogelio Ordoñez.
Mga gabay na tanong para sa pag-unawa sa pagbabasa:
1. Sa anong sector nabibilang pangunahing tauhan o mga pangunahing tauhan.
2. Ano ang mga nagtutulak sa pangunahing tauhan sa kaniyang mga desisyon at aksyon?
3. Anong bahagi ng realidad ng lipunan ang sinasalamin ng akda?
4. Ano ang kahalagahan sa lipunan ng akda?

56
Kapayapaan Sa Madaling-Araw
ni Rogelio L. Ordonez

(Maikling Kuwento — sinulat noong 1961 at ayaw ilathala ng komersiyal na mga magasin dahil
brutal daw at hindi makatao ngunit malimit nang nangyayari ngayon.)
KANGINA, nang nakaupo pa si Andong sa harap ng simbahan ng Quiapo at nakalahad ang
kanyang mga kamay sa naglisaw na mga taong waring nangalilito at hindi malaman ang
patutunguhan, hindi niya naisip, kahit saglit, na lubhang nakahahabag ang kanyang kalagayan.
Hindi dumalaw sa kanyang pang-unawa na sisimulan niya ang kinabukasan at marahil ang
maraming-marami pang kinabukasang darating sa pagpapalimos sa pook ding iyon mulang
umaga hanggang hapon.
Ngunit ngayong sibsib na at nagsisimula nang pumikit-dumilat ang neon lights sa mga gusali, at
ang mga taong dati-rati’y huminto-lumakad sa mga bangketa, pumasok-lumabas sa mga
restawran, sa mga tindahan, sa mga sinehan, ay nagmamadali nang umaagos patungo sa
abangan ng mga sasakyan, saka iglap na lumatay sa diwa ni Andong ang katotohanang iyon; at
bigla ang nadama niyang pagnanasa na ang gabi ay manatiling gabi magpakailanman at, kung
maaari, ang kinabukasan ay huwag nang isilang.
Iniahon ni Andong sa kanang bulsa ng kanyang halos gula-gulanit nang pantalong maong ang
mga baryang matagal din bago naipon doon; at wala siyang nadamang kasiyahan nang bilangin
niya iyon, di tulad noon, di gaya kahapon, na kapag sumapit na ang gayong oras, ang kalansing
ng mga baryang iyon ay nagdudulot sa kanya ng lakas at ng pananabik na makita agad ang
magpipitong taong gulang na si Totong sa barungbarong na nakikipagsiksikan sa kapwa mga
barungbarong na nangakalibing sa makalabas ng lungsod sa gilid ng kalawangin at malamig at
mahabang-mahabang daangbakal na iyon.
Hindi niya malaman ngayon kung ano ang gagawin sa kanyang napagpalimusan. Dati-rati,
inilalaan niya ang apat na piso sa kanilang hapunan at almusalan ni Totong kung hindi siya
makahingi ng tira-tirahang pagkain ng mga nagpapakabundat sa mga restawran. Ibinibili niya
ng pansit ang dalawang piso sa maliit na restawran ng Intsik na malapit sa palengke ng Quiapo
at pandesal naman ang piso sa panaderyang nasa gilid ng tulay. Naitatago pa niya ang
natitirang piso kung nahahabag ang konduktor ng bus na sinasasakyan niya na siya’y singilin
pa. At ang labis sa kanyang napagpalimusan ay isasama niya sa mataas-taas na ring salansan
ng mga barya sa loob ng munting baul na nasa pinakasulok ng kanyang barungbarong. Kung
malaki-laki na ang halaga ng laman ng baul na iyon, nagtutungo siya sa Central Market at

57
bumibili ng pinakamurang damit na itinitinda roon — para kay Totong, para kay Aling Petra na
kalapit-barungbarong niya na tagapag-alaga ni Totong kung siya’y wala.
Tinungo niya ang kaliwang sulok ng simbahan; at umupo roon, at isinandal ang butuhan na
niyang katawan sa makapal, marusing at malamig na pader nito. Naisip niya, laging madilim
ang gabi sa daangbakal; halos anag-ag na lamang ang sinag ng pag-asa. Tinatanglawan
lamang iyon ng nag-indak-indak na ningas ng mga gasera sa pusod ng mga barungbarong.
Parang nais niyang sa bakuran na ng simbahan magpahatinggabi, panoorin ang unti-unting
paglugmok ng gabi — ang pagkikindatan ng mga neon lights sa mukha ng mga gusali, ang
pagnipis ng magulong prusisyon ng mga sasakyan sa kahabaan ng Quezon Boulevard, at ang
pagdalang ng mga nilikhang lamunin-iluwa ng mga bunganga ng underpass. Mabuti pang doon
na siya hamigin ng gabi, doon na siya bayaang matulog at makalimot at, kung maaari nga
lamang, ang iluluwal na umaga ay huwag na niyang makita magpakailanman.
Lumalamig ang gabi, at sa kalangitan ang maiitim na ulap ay naghahabulan. Alam niyang
maaaring biglang umulan, at alam din niyang masama siyang maulanan at malamigan. Mula
noong sumuka siya ng dugo nang pasan-pasan niya sa palengke ng Paco ang isang malaking
tablang kahon na puno ng patatas, malimit na siyang dalahitin ng ubo na naging dahilan ng
pagkumpis ng dati’y bilugan at malaman niyang dibdib, ng paghumpak ng kanyang pisngi, at
pagiging buto’t balat ng kanyang mga braso, at siya’y hindi na nakapagkargador. At marahil,
dahil napaggugutom na si Tasya at hirap na hirap na sa paglalabada, at malimit pa silang mag -
away, nilayasan siya nito isang gabi, iniwan ang noon ay mag-aanim na taong gulang lamang
na si Totong. At magdadalawang buwan na, nabalitaan niya, mula sa isang kakilala, na ang
kinakasama ngayon ni Tasya ay isang tsuper ng bus na nagyayao’t dito sa Maynila at Laguna.
MATAGAL na namalagi si Andong sa sulok na iyon ng simbahan, hanggang sa mapansin
niyang ang sementadong bakuran nito ay inulila na ng mga paang kangina ay langkay-langkay
na nagsalasalabat at nangagmamadali. Sinalat-salat niya ang mga baryang nasa bulsa ng
kanyang pantalon. Malamig na malamig ang mga baryang iyon. Kasinglamig ng malapit nang
pumanaw na gabi, kasinglamig ng pangungulila niya kay Tasya, at kasinglamig din ng
pagdaralitang matagal nang nakayakap sa kanya. At naramdaman niyang nagiginaw ang
kanyang kaluluwa, naghahanap ng timbulan, ng saglit na kaligayahan, at saglit na kapayapaan.
Humihiwa sa kanyang kamalayan ang katotohanan na mga ilang oras pa at madaling-araw na
at, hindi niya maunawaan, tumitindi ang kanyang pagnanasang huwag nang makita ang umaga,
at ang mga baryang nasa kanyang bulsa ay huwag nang sikatan ng araw na nasa bulsa pa rin
niya. Ibig niya ngayong galugarin ang lungsod, lumakad nang lumakad, at mapadpad siya kahit
saan. Ibig niyang matagpuan ang kapayapaan, kahit sa dilim ng naghihingalong gabi, kahit sa

58
tabi ng umaalingasaw na mga basurahan, kahit sa madidilim at makikipot at mababahong mga
eskinita, o kahit sa nagbabanta nang mga patak ng ulan.
Madilim na madilim na sa kalangitan, at walang maaninaw si Andong ni isa mang bituin.
Lumabas siya sa bakuran ng simbahan. Parang wala sa sariling tinumbok niya ang kalye
Evangelista. Saglit siyang huminto sa panulukan, at inaninaw niya ang mga mukha ng
dalawang batang lalaking magkasiping sa loob ng munting kariton. At naalaala niya si Totong.
Kangina pa naghihintay si Totong… natutulog na marahil si Totong.
Ginaygay niya ang bangketa, at sa suluk-sulok, hindi iilang pagal na katawan ng mga bata at
matanda ang inilugmok ng gabi sa pira-pirasong karton at pinagtagni-tagning diyaryo. Lalong
humihiwa sa kanyang kamalayan ang kahabag-habag niyang kalagayan. At, naisip niya, hindi
na marahil magtatagal, igugupo siya ng kanyang karamdaman.
Bakit kinakailangan pa niyang mangarap nang mangarap? Masarap mangarap, ngunit mapait
kung alam mong hindi na matutupad. Paano si Totong kung wala na siya?
At nang lumiko siya sa isang panulukan, isang binatilyo ang sumulpot sa dilim, lumapit sa
kanya, at may inianas. At bigla ang pagbabangon ng damdaming sumuno sa kumpis nang
dibdib ni Andong.
Bakit wala si Tasya?
At hindi niya maunawaan kung bakit sa kalagayan niyang iyon, nakuha pang sumuno ang
damdaming iyon. Marahil, sapagkat siya’y may puso, may utak, may laman at buto at dugo.
Huminto siya at inaninaw niya sa manipis na karimlan ang mukha ng binatilyo. Sinalat-salat niya
ang mga baryang nasa kanyang bulsa at nang maisip niyang pinagpalimusan niya iyon, iglap na
lumusob sa kanya ang di mawaring paghihimagsik.
“Magkano?”
Ngumisi ang binatilyo at itinaas ang kanang palad na nakatikom ang hinlalaki at nakaunat ang
apat na daliri.
Iniahong lahat ni Andong sa bulsa ng kanyang pantalon ang mga baryang naroroon, dalawang
ulit niyang dinaklot at iniabot sa binatilyo. Nagkislap-kislap ang mga baryang iyon nang bilangin
ng binatilyo sa tama ng liwanag ng bombilya ng posteng malapit sa panulukan.
“Sobra ho ito,” sabi ng binatilyo.
“Iyo na.” Paos ang tinig ni Andong.
Magkasunod na nilamon ng madilim at makipot na eskinita na nasa pagitan ng dalawang
lumang aksesorya ang yayat na kabuuan ni Andong at ng binatilyo. Tinalunton nila ang
nagpuputik na eskinitang iyon hanggang sa sumapit sila sa kalagitnaan. Huminto ang binatilyo,
at huminto rin si Andong.

59
Sa manipis na karimlan, nabanaagan niya ang ilang babaing magkakatabing nakaupo sa
bungad ng isang pinto ng aksesorya. Pumako ang tingin ng mga iyon sa kanya at
naghagikhikan.
Bakit wala si Tasya? Ibig niyang makita, himasin ang mukha ni Tasya. Ibig niyang madama ang
init ng katawan ni Tasya.
Itinuro niya ang babaing nasa gilid ng pinto. Tumayo ang babaing iyon. Payat iyon, mataas,
manipis ang labi, singkit, pango. Sumunod siya nang pumasok ang babae sa aksesorya at, sa
ulunan ng radyo-ponograpong hindi tumutugtog, nakapako sa dinding ang karatulang tisa na
may pulang mga titik na GOD BLESS OUR HOME.
At dinalahit ng ubo si Andong nang lumabas siya sa silid na iyong marusing at marumi at may
kakaibang alingasaw at nakakalatan ng lukut-lukot na tissue paper ang mahina nang suwelong
tabla. At sumanib sa sunud-sunod na pag-ubo ni Andong ang matinis na halakhak ng mga
babaing nasa bungad ng pinto ng aksesorya.
MALAMIG at madilim at malungkot ang daangbakal at, sa langit, ang bunton ng makakapal at
maiitim na ulap ay bibitin-bitin na lamang sa kalawakan. Ang madaling-araw ay nailuwal na ng
gabing nagdaan, ngunit madilim na madilim pa at waring hindi na daratal pa ang umaga.
Kumislot si Totong nang pumasok si Andong sa barungbarong. Ibig pa niyang lumakad nang
lumakad hanggang sumisigid sa kanyang kaluluwa ang lamig ng pagdaralitang hindi niya
matakasan, at isasama niya si Totong upang hanapin nila ang kapayapaan, kahit sa malalaki at
masinsing patak ng ulan na ngayon ay naglagi-lagitik sa kalawanging bubong ng mga
barungbarong.
“Totong,” paos ang tinig ni Andong.
Dumilat si Totong, kinusut-kusot ang mga mata, tumingin sa malamlam at waring namamaalam
na ningas ng gasera.
“Totong,” lumuhod si Andong sa tabi ng anak at hinimas ang payat na kabuuan ni Totong.
Bumangon si Totong.
“Me uwi kang pansit, ‘Tay?” Iginala ni Totong ang tingin sa kabuuan ng nagiginaw na
barungbarong, lumungkot ang mukha nito nang mapansing walang nakapatong na supot sa
mesitang yari sa pinagputul-putol na tabla.
Nangilid ang luha ni Andong.
“Ba’t ‘ala kang uwing pansit ngayon, ‘Tay? Kahapon, saka noon pa, lagi kang me uwi. Ba’t ‘ala
kang uwi ngayon, ha, ‘Tay?
“Bibili tayo.”
“Senga, ha, ‘Tay?” Namilog ang mga mata ni Totong.

60
Tumango si Andong.
“Kelan?” Nangulimlim ang mukha ni Totong.
“Ngayon.”
Napalundag si Totong.
“Saka pandesal, ha, ‘Tay! Saka ‘yong tulad nang uwi mo noong ‘sang gabi, ‘yon bang masarap,
‘yong me lamang keso!”
Hinawakan ni Andong ang kamay ni Totong. Inakay niya ito palabas ng barungbarong. Sa
labas, ang ulan ay patuloy sa malakas na pagbuhos. Ang mga barungbarong ay nagiginaw,
nagsisiksikan, at waring hindi kayang bigyang-init ng nag-indak-indak na ningas ng mga gasera.
Sa diwa ni Andong, nagtutumining ang isang kapasiyahan.
Masarap mangarap, ngunit mapait kung alam mong hindi na matutupad.
“Umuulan, ‘Tay. Maliligo tayo sa ulan, ‘Tay? Tuwang-tuwa si Totong.
Dinalahit ng ubo si Andong paglabas nila ng barungbarong, sunud-sunod, mahahaba. Humigpit
ang pagkakahawak niya sa kamay ni Totong. Nagsayaw-sayaw sa kanyang katawan ang
malamig na malamig na patak ng ulan. Waring nananangis ang mga bubungang yero ng mga
barungbarong, tumututol sa sunud-sunod, nagmamadaling mga patak ng hindi masawatang
ulan.
Uubu-ubo, pahapay-hapay na inakay ni Andong si Totong. Sumampa sila sa daangbakal.
Lumuksu-lukso pa si Totong, nilalaru-laro ang masinsing mga patak ng ulan,. Tinalunton nila
ang riles na iyong hindi alam ni Andong ang puno at dulo.
“Malayo pa, ‘Tay? Sa’n me tindang pansit, ha?” mayamaya’y tanong ni Totong.
“Ma…malapit na, Totong.” Pamuling dinalahit ng ubo si Andong, at lalong humihiwa sa kanyang
kamalayan ang kahabag-habag niyang kalagayan.
Nagpatuloy sila sa paglakad. Lalong lumalakas ang ulan. Lalong tumitindi ang pagnanasa ni
Andong na huwag nang makita ang umaga, at ang maraming-marami pang umagang darating.
Darating na ang kapaypaan… darating na iyon.
“Malayo pa ba, ha, ‘Tay?” pamuling tanong ni Totong. “Gutom na ‘ko, ‘Tay. Pansit, ha, saka
‘yong me palamang keso.”
Hindi sumagot si Andong. Naramdaman niya na waring hinahalukay ang kanyang dibdib,
nagsisikip. Nangangati ang kanyang lalamunan. Muli siyang inubo, tuyot, sunud-sunod,
mahahaba, at waring hindi na niya kayang magpatuloy sa paglakad. Napaupo siya sa riles,
hawak-hawak pa rin niya ang kamay ni Totong at, kahit nanlalabo ang kanyang paningin,
nababanaagan niya ang malungkot nang mukha ni Totong; nagtatanong ang mga mata nito,
kukurap-kurap.

61
Yumayanig na ang riles, naramdaman ni Andong, at humigpit ang pagkakahawak niya sa
kamay ni Totong. Tumingin siya sa pinagmumulan ng dagundong ngunit madilim pa, kahit mag-
uumaga na. Ang kalawakan ay lalong pinadidilim ng masinsin at malalaking patak ng ulan na
waring galak na galak sa pagbuhos.
Sa malayo, ang dagundong ng tren ay papalapit, papalakas. Yumupyop na si Totong sa tabi ni
Andong.
‘Tay, uwi na tayo! ‘Yoko na sa ulan. ‘Yoko na ng pansit,” parang maiiyak si Totong.
Rikitik…rikitik…rikitik…wooo… wooo!
Papalapit iyon, papalakas, papabilis.
Dumapa si Andong sa riles ng tren. Patuloy siyang dinadalahit ng ubo. Naramdaman niyang
nagwawala si Totong sa kanyang pagkakahawak.
Rikitik…rikitik…rikitik…rikitik…woooo…woooo!
“‘Tay!”
Nilamon lamang ng malakas na malakas nang dagundong ng tren ang sigaw ni Totong.
Nagdudumilat sa harapan ang dalawang ilaw ng rumaragasang tren.

62
KABANATA 4:

PAGPAPAHALAGANG PAMPANITIKAN SA SANAYSAY

PANIMULA
Sa modyul na ito, tatalakayin ang kalahagahan ng isa pang akdang pampanitkan—ang
Sanaysay. Mula sa sanaysay ng pagpapakilala sa sarili noong elementerya, sanaysay na
pagbibigay ng reaksyon sa mga napanood na pelikula o nabasang teksto noong sekondarya,
hanggang sa sanaysay ng pagbibigay ng obserbasyon o kritiko ngayong kolehiyo, marahil
pamilyar ka na sa kung ano nga ang sanaysay.
Layunin ng modyul na ito na mas mapalalim ang pag-unawa ng mag-aaral sa kung ano ba ang
sanaysay at bakit ito mahalaga lalo na ngayon sa mga panahon na tulad nitong pandemya.

MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO:


Matapos ang modyul na ito, inaasahan na ang mag-aaral ay:
1. Maipaliwanag kung ano ang kahalagahan ng Sanaysay noon at ngayon;
2. Makapagsuri ng mga sanaysay at maipahayag kung ano ang impak nito sa
mambabasa; at
3. Makabuo at makagawa ng sariling sanaysay.

a. Ang Sanaysay: Introduksiyon ni Bienvenido Lumbera


Araw-araw ginagamit ang wika para sa komunikasyon, at sa paggamit ng wika na iyan ay
nakabubuo ang indibiduwal ng sanaysay na hindi niya namamalayan. Nagpaliwanag ang
maybahay sa katulong kung bakit dapat pakaingatan ang paggamit ng cholorox sa paglalaba.
Nakipagtalo ang estudyante sa kaklase tungkol sa mga katangiang dapat isaalang-alang sa
pagpili ng kandidatong iluluklok sa Student Council. Nagkita ang magkaibigang matagal nang
nagkahiwalay, at ang isa sa kanila ay nalulong sa paggunita sa mga araw nang palagi pa
silang magkasama. Ang tatlong okasyon ay nagbunga ng sanaysay bagamat hindi sinadya ng
tatlong taong gumamit ng wika. Kung ang mga salitang binigkas sa tatlong okasyon ay
nailimbag, madaling naunawaan ng tatlong tao na ang bawat isa sa kanila ay nakaakda ng
sanaysay. Marahil kakailanganing kinisin ang kaayusan ng mga talata o kaya ay patingkarin
ang bias ng pagkakasabi sa pamamagitan ng maiangat na pamimili ng lalong epektibong mga
salita, nang sa gayin ay lalong maging karapat-dapat sa tawag na “sanaysay” ang tatlong

63
paggamit sa wika. Sa pagkikinis na iyan, dumadako na tayo sa usapin ng sining sa pagsulat
ng sanaysay.
Kung kikilalanin ang tatlong paggamit sa wika bilang sanaysay, masasabing mula pa nang
unang siglo ng pananakop ng mga Espanyol, mayroon ng ilang halimbawa ng sanaysay sa
wikang katutubo. Kaya nga lamang, mga prayleng Espanyol ang autor ng mga halimbawang
iyon. Nagpaliwanag si Padre Francisco Blancas de San Jose tungkol sa doktrina sa Memorial
de la vida christiana (1605). Gayundin ang ginawa ni Padre Alonso de Santa Ana sa
Explicacion de la doctrina cristiana (1628). Pinukaw ni Padre Pedro de Herrera ang
konsensiya ng mga Kristiyano sa kanyang Meditaciones, cun manga mahal na pagninilay na
sadia sa Santong Pageexercicios (1645). Ang pagpapaliwanag, pagsusuri, at paglalahad ng
nasabing mga autor ay mga halimbawa ng sanaysay sa wikang Tagalog na inakda ng mga
dayuhan. Ang mga orden relihiyoso ang siyang nagmamay-ari ng mga naunang imprenta,
kaya't sa mga dayuhang pari matutunton ang mga unang akda sa kasaysayan ng sanaysay
sa wikang katutubo.
Ang maitatanong natin ngayon ay kung bakit hanggang sa kasalukuyan wala pa tayong
komprehensibong koleksiyon ng mga sanaysay na isinulat ng mga katutubong Tagalog?
Ang kasagutan sa tanong mahahanap ay mahahanap sa introduksiyon sa kinikilalang kauna-
unahang koleksiyon ng mga sanaysay, ang Mga Piling Sanaysay (1950) na pinamatnugutan
ni Alejandro G. Abadilla. Ayon kay Abadilla, noon lamang 1938 lumitaw sa bokabularyong
Tagalog ang sanaysay, galing sa mga salitang “sanay” at “salaysay” na pinagsanib ni Abadilla
upang magamit sa pagtukoy sa anyong pampanitikan ng tinatawag sa Ingles na “essay”. Ang
mga pangalang kinilala ni Abadilla bilang autor ng mga sanaysay sa Kanluran ay
kinabibilangan nina Montaigne, Bacon, Addison, Macaulay, Emerson, Mencken, at Spingarn.
Batay sa mga pangalang nabanggit, agad nating mahihinuha kung saan hinango ang mga
pamantayang ginamit ni Abadilla sa pagtiyak kung aling akda sa wikang Tagalog ang ibibilang
niya sa mga sanaysay na pinili niya para sa kaniyang antolohiya.
Sa introduksiyon ng nasabing antolohiya, inugat ni Abadilla ang kasaysayan ng sanaysay sa
isinulat nina Marcelo H. del Pilar, Emilio Jacinto, at Andres Bonifacio noong panahon ng
Rebolusyong 1896. Tinunton niya ang pagkaunlad ng anyo matapos ang Siglo 19 sa mga
simulat ng mga peryodistang sina Pascual H. Poblete, Lope K. Santos, Carlos Ronquillo,
Julian Cruz Balmaseda, Iñigo Ed Regalado, atpb. Pero nagkasya na lamang ang patnugot sa
pagbanggit ng mga pangalan ng itinuturing niyang naunang mga autor ng sanaysay. Wala
siyang sanaysay na isinali mula sa dalawang panahong nabanggit. Ang kaniyang koleksiyon
ay naglaman ng dalawa lamang na akda mula sa panahong bago sumiklab ang Digmaang

64
Pasipiko; ang malaking bilang ng mga akdang naisama ay “nasulat at nalathala sa pagitan ng
1945 at 1950. Ang idinahilan ni Abadilla ay ang pagkawasak ng mga aklat at publikasyong
mapagkukunan ng mga sanaysay ng panahon bago dumating ang Digmaang Pasipiko.
Bagamat mainam na antolohista si Abadilla, gaya ng pinatutunayan ng iba pang mga
antolohiyang pampanitikan na kaniyang pinamatnugutan, wala sa kaniya ang kakayahan at
kasanayan ng masinop na mananaliksik sa kasaysayan ng panitikan. Na may iba pang
aklatang katatagpuan ng mga publikasyong mapaghahanguan ng mga akda ng mga autor na
binanggit niya ay hindi sumagi sa isipan ng makata, palibhasa’y hindi likas sa kaniya ang
pagiging iskolar. Sa ganitong dahilan nagkasya ang pagtnugot ng Mga Piling Sanaysay sa
pagtitipon ng mga sanaysay ng kaniyang panahon.
Bukod sa limitasyon ni Abadilla bilang iskolar, may isa pang dahilan kung bakit naging makitid
ang saklaw ng kaniyang antolohiya. Malinaw ang pagkiling niya sa anyo ng sanaysay na
pinaunlad ng manunulat na Pranses na si Michel de Montaigne. Ito ang sanaysay na may
nilalamang mga obserbasyon at kuro-kuro, pati na ang estilo, ay tigmak sa personalidad ng
may-akda. Batay sa ganiyang pagkiling sa personal na sanaysay, naglatag si Abadilla ng mga
pamantayang tinanggap bilang di-mababaling batas sa pagtatampok ng mahusay na
sanaysay.

Sabi ni Abadilla:

“Kung may masasabing pangangailangan sa isang naghahangad maging mananaysay ay tila


wastong hinggin sa kanya ang daloy na halos walang gatol na pagpapahayag ng kaniyang
sarili. Hinihingi sa kanya ng maayos na pagdadala sa sarili at ng kung tawagi'y mabuting
tuluyan ang bisa ng pagsasadamdamin at pagsasakaisipan ng mga karanasang ibig niyang
pakinabangan ng iba.”

Pansinin na ang diin ay nasa“pagdadala ng sarili.” Maalala na sa pagtula man ay ganiyan din
ang iginigiit ni Abadilla, isang kahingian na mahirap tugunin kung ang gagamiting sukatan ay
ang mga akda na makata mismo. Sabi pa ng patnugot ng Mga Piling Sanaysay: “Ang
sanaysay ay kahawig ng isang taong walang pagkukunwari ni pagpapanggap at sa pagharap
sa kaniyang Bathala, kung araw ng Linggong pinagkagawian, ay di man lamang maganyak
ang kaloobang magbihis ng bago at magarang damit gaya ng pinagkagawian na rin ng
kaniyang mga kapanahon.”

65
Hindi layunin dito na puwingin ang depinisyon ni Abadilla sa anyong sanaysay at ang
kaniyang paggigiit ng pansariling pamantayang pansining sa pag-akda ng sanaysay. Hangad
lamang nating unawain kung bakit nakapag-iwan ng negatibong epekto ang kaniyang makitid
na pagtingin sa sanaysay at sa pagsukat sa kahusayan ng sanaysay. Kapansin-pansing
nauna ang depenisyon at ang paglalatag ng pamantayan sa pagtitipon ng mga halimbawang
akda. Ang resulta ay ang pagkaiwan sa labas ng kategoryang sanaysay ng napakarami at iba-
ibang halimbawa ng mga akda na dapat napabilang sa mga maituturing na sanaysay.
Ngayon nakapagpapalawak sa kategoryang sanaysay ang pagbabalik ng mga mananaliksik
sa mga tekstong pampanitikan na makakalap sa mga aklat at iba pang publikasyon mula sa
nakaraan. Noon ang tanggap lamang bilang sanaysay ay iyong katulad ng mga sanaysay na
nasa antolohiyang Mga Piling Sanaysay at ang mga pormal na sulatin gaya ng panunuring
pampanitikan, panayam, at pag-aaral bunga ng pananaliksik. Ngayon, maaari na nating
ipasok sa nasabing kategorya ang mga sermon ng mga paring katutubong tulad ni Padre
Modesto de Castro, ang alinmang klase ng talumpati, ang mga editoryal at kolum sa mga
diyaryo at magasin, ang mga lathaing tinatawag na feature article, ang mga liham at
talaarawan, napalathala man o hindi.
Tungkol sa pamantayang pansining, hindi naiiba ang sukatan ng mahusay na sanaysay sa
sukatan para sa iba pang anyo. Unang-una ang matatag at matinong paghawak sa wika, na
hinihinging maging mabisa sa pagpapaabot sa mambabasa ng layon nitong sabihin. Ang
bisang iyan ay karaniwang natatamo kapag ang mga kaisipan/damdamin/obserbasyon ay
maingat na naisaayos ayon sa layunin ng sanaysay. Gayundin, ang mga salita ay pinili upang
maipalaman sa mga ito nang hustong-husto ang nais sabihin tungkol sa paksain. Hindi
hinihingi na lagging maging seryoso ang nilalaman ng akda; ang hinihingi ay maging
makabuluhan ito sa pagtalakay sa paksain bilang pagkilala na nakikisingit lamang ito sa
panahon at kamalayan ng mambabasa.
Ang kasalukuyang pagbasa sa sanaysay ay umiba na sa pagbasa ni Abadilla. Hindi na ang
tatak ng personalidad ng autor ang pangunahin nating hinahanap kundi ang kabuluhang nais
ibahagi ng akda sa mambabasa.
Upang maging kapaki-pakinabang ang pagbasa ng sanaysay, mahalagang hawanin muna
ang sapot ng pagkailang sa isipan ng estudyante tuwing mahaharap siya sa isang sanaysay.
Naiilang siya, kung hindi man nababagot na kaagad, dahil tinitingnan niya ang sanaysay
bilang mga salita lamang na nangingitim sa pahina, na kailangang himay-himayin upang
maintindihan ang sinasabi. Sa maikling sabi, akdang walang pintig ng buhay ang sanaysay.
Paano nalikha ang ganitong sapot sa isipan ng kabataang mambabasa?

66
May panahon na itinanghal ang isang partikular na anyo ng sanaysay bilang pinakamainam
na halimbawa ng matimbang na babasahin. Ang nasabing anyo ay ang sanaysay na ang
layunin ay magpaliwanag ng matatayog na isipan, ang sanaysay na namimilosopo. Diumano
ang ganitong sanaysay ang sanaysay na nakasapit na sa rurok ng pagkaunlad. At
maiintindihan natin kung bakit nakaiilang ang pakikiharap sa ganiyang babasahin. Mahirap
naman talagang arukin ang malalim na kaisipan. Subalit hindi dapat panatilihin ang sagot na
lumagom sa isipang naging biktima ng lisyang paghahalimbawa.

MAY BOSES ANG SANAYSAY.


Paano ba ang tamang pakikiharap sa sanaysay? Mahalagang magsimula sa pagkilala na
may boses ng taong kumakausap sa atin sa likod ng mga salitang nakalimbag sa pahina.
Kadalasan, ang autor mismo ang kumakausap sa atin. Maaaring may isinisiwalat sa atin na
mga diwa at damdaming personal na inantig ng isang pangyayari o tanawin. Maaari namang
ang autor ay tagapamagitan, may mga bagay na gusto niyang ipaunawa dahil ipinapalagay
niyang mahalaga ang idudulot sa atin ng pagkaunawa. May pagkakataon naman na sabik ang
kumakausap sa atin na ibahagi ang isang karanasang ayaw niyang siya lamang ang
dumanas. At kung minsan, may mga karanasang nakabagabag sa autor na kailangan niyang
ikumpisal sa atin.

MAY TONO ANG SANAYSAY.


Kapag natutuhan na nating makinig sa boses ng sanaysay, masisimulan na nating kilalanin
ang tono ng nagsasalita. Iba-iba ang tono ng sanaysay. Kung minsan ang boses ay nag-
uutos, kung minsan ay sumasamo. May sanaysay na ang nagsasalita ay tila walang pakialam,
mayroon din namang pinapahanga o pinapaibig ang mambabasa. Ang pamimili ng mga salita,
ang pamamaraan ng pag-uugnay-ugnay ng mga salita, ang paghahanay-hanay ng mga
parirala at sugnay, ang pagtuhog ng mga pangungusap - iba-ibang pamamaraan ito para
linawin ang tono ng nagsasalita sa sanaysay. Kadalasan nakasalalay sa kahusayan ng
mambabasa sa pagtukoy ng tono ang wastong pagsapol sa sinasabi ng sanaysay.
Samakatuwid, napakalahalaga na maging sensitibo ang mambabasa sa mga kulay at
pahiwatig na nilikha ng pagkakaayos ng mga salita at pangungusap upang lubos ang
kaniyang pagkaunawa sa pakay ng kumakausap sakaniya.

67
MAY UGNAY ANG SANAYSAY.
Ang pagkilala sa boses ay pag-alam sa nilalaman. Ang pagkilala sa tono ay pag-alam sa
estilo ng sanaysay. Kapwa kailangan ang mga ito upang mapahalagahan nang husto ang
sanaysay. Subalit hindi dapat magtapos ang pag-aaral ng sanaysay sa pag-alam sa boses at
tono lamang. Kailangang matutuhan din ng mambabasa na ang sanaysay ay anyong
pampanitikang laging umuugnay sa mga tao sa lipunan at sa mga usaping panlipunan. Lalong
nagiging kasiya-siya ang pagbasa ng sanaysay kung ito ay nagiging tulayan ito patungo sa
mga kaugnay na isyu.

MAY KURO-KURO SA SANAYSAY.


Upang maging ganap ang kasiyahang dulot ng mahusay na sanaysay, kailangang paraanin
ito sa palitang-kuro na sasalihan ng iba pang nakabasa ng akda. Mahalagang alalahanin na
ang talakayan ay hindi lagging itutuon sa mga idea ng autor. May mga sanaysay na walang
bago o masalimuot na idea ang ibinabahagi. Iba-iba ang anyo at layunin ng sanaysay.
Samakatwid, ang palitang-kuro ay maaaring isentro sa paksain at ang mga implikasyon ng
sinabi tungkol sa paksain. Maaaring ang implikasyon ay sa mga usaping kaugnay ng tinalakay
ng manunulat, maaari din namang sa personal na buhay ng mambabasa o ng iba pang kasali
sa palitang-kuro. Maaari din namang ituon ang palitang-kuro sa paglilinaw ng iba-ibang
aspekto ng pamamaraan ng pagkakasulat upang matutuhan kung paano mapapakinabangan
ng mambabasa ang estilo ng autor. Walang iisang tunguhin sa pagtalakay ng nilalaman at
estilo ng sanaysay. Maituturing na ang akda ay isang bintanang bumubukas, nagsasaboy ng
liwanag, at nag-aanyaya sa mambabasa na magmasid sa kaniyang paligid at kilalanin kahit
bahagya ang buhay at karanasan ng ibang tao, sa pag-asang ang pira-pirasong dilim sa
danas ng tao ay mahahalinhan ng kamunting tanglaw na maglalapit sa atin sa ating kapwa.

Aktuwal na teksto mula sa:


Lumbera, B. Ang Sanaysay: Introduksyon. Sa B. Lumbera. R. Villanueva, R. Tolentino,
& J. Barrios (Eds.) Paano Magbasa ng Panitikang Filipino (pp. 3-9). Lungsod Quezon:
University of the Philippines Press.

68
GAWAIN 1
Batay sa tekstong Ang Sanaysay: Introduksiyon ni Bienvenido Lumbera,
1. Ano ang kasaysayan sa pagakaroon ng sanaysay sa Pilipinas?
2. Paano masasabing mahusay ang isang sanaysay?
3. Paano magiging kapaki-pakinabang pang pagbasa ng sanaysay?
4. Ano ang mga katangian at kahalagahan ng Sanaysay?

PAGTALAKAY
Sa teksto ni Bienvenido Lumbera, malinaw na tinalakay kung ano ang Sanaysay mula noon
hanggang ngayon.
 Sa ikalawang talata, malinaw na naipaliwanag ni B.Lumbera na umpisa pa lamang ng
pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, masasbing mayroon nang umiiral na sanaysay
ang ating mga katutubo. Naipahayag din dito kung ano ang naging papel ng sanaysay
sa panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas. Ito ay ang pagpapahayag ng
damdamin ng mga Prayle upang mapalaganap ang ideya ng kristiyanismo.
 Nabasa rin sa teksto, ikalabing-apat na talata, kung paano nadebelop ang depinisyon ng
sanaysay mula kay Bayani Abadilla hanggang sa kasalukuyan. Mula sa pagbilang
lamang sa mga pormal na sulatin bilang mga sanaysay, hanggang sa kasalukuyang
pagtanggap sa mga sermon ng pari, talumpati, editorial, magasin, feature article, liham
at talaarawan bilang bahagi sa kategorya ng sanaysay.
 Malinaw rin na nailatag sa teksto ang ga katangiang dapat taglayin ng sanaysay. May
boses ang sanaysay, may tono ang sanaysay, may ugnay ang sanaysay, at may kuro-
kuro sa sanaysay.

GAWAIN 2
Basahin ang “Tungkol kay Angel Locsin” p. 101-107, at “Pangmomolestiya sa Pabrika” p.
113-116 mula sa Peryodismo sa Bingit: Mga Naratibong Ulat sa Panahon ng Digmaan at
Krisis ni Kennenth Roland A. Guda, at sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Suriin ang mga tekstong binasa sa pamamagitan ng mga katangian nito. (Boses,
Tono, Ugnay, at Kuro-kuro)
2. Ano ang impak ng mga teksto sa iyo bilang mambabasa?

69
PAGTALAKAY
 Ang mga tekstong Tungkol kay Angel Locsin at Pangmomolestiya sa Pabrika na
parehong isinulat ni Kenneth Roland A. Guda ay nabibilang sa ika-limang bahagi ng
kanyang librong Peryodismo sa Bingit: Mga Naratibong Ulat sa Panahon ng Digmaan at
Krisis na tumatalakay sa kahalagahan, lakas at kapangyarihan ng kababaihan. Nais ng
parehong sanaysay na na tumindig at ipakita na mayroong boses at kayang lumaban ng
kababaihang inaapi. Naipakita rin sa mga sanaysay na mayroong puwang ang
kababaihan sa lipunang kanilang kinabibilangan.

PANGWAKAS:
 Sa simula pa lamang ginagamit na ang sanaysay upang makapagpahayag ng saloobin,
opinion, at obserbasyon. Ayon kay Jamilosa-Silapan (1995), nagsimula ang Sanaysay
kay Michel de Montaigne sa Pransya noong 1571. Naglaman ang kanyang mga
sanaysay ng mga pangyayaring nasaksihan niya sa kanyang paligid. Gaya nang sinabi
ni Lumbera (pp. 3-9) hindi lingid sa ating kalaaman na kung itatala at ilalathala ang ating
araw-araw na pakikipag-usap, ito ay maituturing na sanaysay. Likas sa mga Pilipino ang
pagiging madaldal o pala-kuwento at mayroon tayong kanya-kanyang pamamaraan sa
pagpapahayag ng ating kasipan o damdamin. Samakatuwid, ang sanaysay ang may
malaking bahagi sa ating lipunan. Ito ay nakatutulong para maipahatid sa ating kapwa
ang ating mga danas at obserbasyon. Nais lamang bigyang diin ang sinabi ni Lumbera
(pp.3-9) na may boses ang sanaysay. Lalo na ngayon sa panahon ng pandemya at hindi
natin personal na nakikita ang ating mga kaklase, kaibigan, guro, at araw-araw nating
nababalitaan sa telelibisyon man o sa social media ang paghihirap ng mga
mamamayang Pilipino dahil sa kasalukuyang krisis na dinaranas ng bansa. Malaki ang
gampanin ng sanaysay upang makatulong at makapagpamulat ng ating kapwa.

GAWAIN 3
Gumawa ng sanaysay sa kung ano sariling danas sa mga sumusunod:
1. Kalagayan ng pamilya sa ilalim ng ECQ.
2. Obserbasyon sa Freedom of Expression sa panahon ng pandemya.
3. Kalagayan ng mga mag-aaral sa pagkakaroon ng Online Class.

70

You might also like