You are on page 1of 3

SEMI DETAILED LESSON -FILIPINO GRADE 11

I. LAYUNIN: Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang
uri ng tekstong binasa (F11PT-IIIa-88)

II. PANGNILALAMAN: Tekstong Impormatibo-CYBERBULLYING

III. SANGGUNIAN: PINAGYAMANG PLUMA/pahina 14-20

IV. PAMAMARAAN:

A. PAGGANYAK:

Ano ang pinag-aralan natin noong nakaraang araw?

Ano ang tekstong impormatibo at mga uri nito?

B. PRESENTASYON:

Sa araw na ito pag-aralan nating ang isang halimbawa ng tekstong impormatibo na ang paksa ay
“CYBERBULLYING”

C. PANLINANG NA GAWAIN:

Basahin ang teksto na nasa inyong aklat sa pahina 14-16

Tungkol saan ang binasang teksto?

D. PAGPAPAUNLAD na GAWAIN:

Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong.

(Pinagyamang Pluma PAHINA 19)

1. Ano ang cyberbullying? Paano ito isinasagawa?

2.Paano ito naiiba sa pambu-bully nang harapan?

3.Ano-anong katangian ng tekstong binasa ang magpapatunay na ito nga ay isang tekstong
impormatibo?
E. APLIKASYON:

May mga salita ba n amula sa iyong binasa na bago sa iyong paningin at kinakailangan mong ihanap
ng kasingkahulugan habnag ikaw ay bumabasa?Isulat ang mga ito sa unang hanay.Sa ikalawang hanay
subukin mong ibigay ang angkop na kasingkahulugan nito gamit ang diksyonaryo o tulong ng
konteksto ng pangungusap kung saan ito ginamit.Sa ikatlong hanay ay gamitin ito sa makabuluhang
pangungusap.

F. EBALWASYON:

Tukuyin ang kahulugan at katangian ng mga salitang ginamit sa teksto at nakasulat na may
salungguhit.

1. Ang sumusunod ay mga babasahing di piksyon:talambuhay,balita,artikulo sa magasin.Batay sa mga


halimbawang ito,anong pagpapakahulugan o katangian ang maibibigay mo para sa DI PIKSYON?

2. Ang sumusunod naman ay mga babasahing piksyon:maikling kwento,tula,nobela,.Batay sa mga


halimbawang ito,anong pagpapakahulugan o katangian ang maibibigay mo para sa mga babasahing
PIKSYON?

3. Ang salitang impormatibo ay nagmula sa salitang ingles na inform.Batay sa pinagmulan ng


salita,anong kahulugan ang maibibigay mo para sa TEKSTONG IMPORMATIBO?

G. GAWAING BAHAY:

Isulat sa journal notebook ang sagot sa tanong na ito:

Bakit hindi dapat manahimik lang ang mga biktima ng cyberbullying?Paano higit na lalala ang
problemang ito kapag nanahimik lang ang mga biktima nito?

V. PAGTATALA AT PAGNINILAY:

Inihanda ni: G. FRANCISCO M. DAGOHOY


GURO sa FILIPINO

You might also like