You are on page 1of 1

'Di Mo Nakikita Kaya 'Di Mo Pinapahalagahan

Hindi nakikita ngunit nararamdaman. Mahalaga ngunit hindi pinapahalagan.

Kinukubkob tayo ng isang elemento na hindi natin sadyang napapansin. Alam natin nariyan siya. Hindi
lang natin pansin sa bawat araw. Tayo'y naniniwala sa kaniyang presensiya sa kaniyang daplos sa ating
mga diwa.

Minsan siya'y mahimbing. Simpleng daan lang ang kaniyang munting agos na parang mahinay na
pagbati.

Minsan siya'y galit. Maririnig mo ang kaniyang matinis na sigaw sa pagkalakas ng kaniyang bugaw.

Ngunit sa lahat ng kaniyang pagpupuna, hindi natin siya pinapansin. Pabor natin na siya ay sirain dahil sa
ating pagka-ignorante. Sa bawat kilos na atin ay inaapektuhan natin ang kaniyang pakiramdam. Hindi
natin namamalayan na ang ating gawain ay nakakasira na.

Nasisira ba ang hangin? Siya ay nalalason. Ang taginas na atmospera ay tuluyang nangingitim sa
polusyon.

Hindi natin nakikita kaya hindi din natin alam ang epekto. Malalaman nalang natin kapag-bumalik ang
ating ginawa ea atin. Bawat pagkasira ay ang sarili nating kabiguan. Ang sakit na kaniyang nakuha ay
ating mararamdaman.

You might also like