You are on page 1of 1

I. Ipakita ang pagiging malikhain. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Ang pagiging malikhain ay ________________________________________.


A. may kakayahang bumuo ng mga bagay na hindi pa naisip ng iba. B. nakatutulong sa pagtuklas ng bagong solusyon sa mga suliranin.
C. nagbibigay sa atin ng sigla upang mabuo ang isang bagay na mahirap gawin sa simula. D. lahat ng nabanggit ay tama.

2. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang taong malikhain, MALIBAN sa isa.
A. orihinal B. mayaman sa ideya C. gaya-gaya sa gawa ng iba D. sensitibo sa mga kakulangan sa kapaligiran

3. Aling gawain ang nakatutulong na malinang ang pagkamalikhain ng isang tao?


A. Madalas na nagpupuyat B. Madalas na paglalaro ng mga computer games. C. Hindi pinag-aaralan at hindi sinasagutan ang mga
modyul. D. Pakikipagpalitan ng opinyon sa mga kasing-edad at nakatatanda sa kanya.

4. Pinagagawa kayo ng isang proyekto sa Edukasyon sa Pagpapakatao tungkol sa paggawa ng mga kapaki-pakinabang na bagay mula sa
recycled material. Ang nakita mo sa inyong bahay ay mga bote na plastik. Paano mo maipakikita ang pagiging malikhain?
A. Gagawing alkansiya para may ipunan ng pera. B. Lagyan ng dekorasyon para maging flower vase.
C. Gagawing paso ng halaman ang mga bote na plastik. D. Lahat ng nabanggit ay tama.

5. Natanggal sa pagkakadikit ang tapakan ng rubber shoes mo . Wala kang magagamit para sa klase mo sa P. E. Paano maipakikita ang
pagkamalikhain mo?
A. Magpapabili agad sa magulang ng bagong sapatos. B . Manghihiram sa kaklase para may magamit sa klase.
C. Gagamitin ang sapatos ng kapatid nang hindi nagpapaalam. D. Gagawan ng paraan para maidikit ang tapakan ng rubber shoes ko.

II. Isulat ang T kung Tama ang isinasaad ng pangungusap at M. kung Mali.

_____6. Ang pamahalaan ay dapat magbigay ng pagkakataon sa mga may kakayahan na gamitin ito nang malaya upang makatulong sa
kalagayang pangkabuhayan ng bansa.

_____7. Sa murang gulang pa lamang dapat hikayatin ang mga kabataan upang maging malikhain.

_____8. Ipakita ang iyong pagiging malikhain sa paggawa ng proyekto upang magsilbing inspirasyon tungo sa pagsulong at pag-unlad ng
bansa.

_____9. Ang taong malikhain ay walang kalayaang magpamalas ng kaniyang paninindigan.

_____10. Ang anumang gawain na ginagamitan ng pagkamalikhain ay nagpapayaman ng sarling kakayahan

_____11. Pinulot ni Diane ang nakakalat na plastik sa daan at itinapon sa tamang basurahan.

_____12. Pinagpapalo ni Aling Nena ang isang ligaw na aso.

_____13. Tumulong si Cardo na putulin ang mga puno sa gubat.

_____14. Isinarang mabuti ni Tanya ang gripo bago umalis ng bahay.

_____15. Tuwing umaga nagsisiga si Dato ng kanyang mga basura.

_____16. Matapos magpiknik ang pamilya Santos ay iniwan na lamang ang pinagkainan.

_____17. Hinayaan na lamang ni Mang Jose ang alagang aso na pakalat-kalat sa daan.

_____18. Ibinaon sa lupa ni Mang Juan ang pinagbalatang prutas upang gawing pataba.

_____19. Gumagamit ng baso si Pedro sa tuwing siya ay nagsisipilyo.

_____20. Pinapatay at tinatanggal sa saksakan ng telebisyon kung ito ay di ginagamit.

You might also like