You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ANTIPOLO
DALIG ELEMENTARY SCHOOL
BARANGAY DALIG, ANTIPOLO CITY

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA ESP 3


IKAAPAT NA MARKAHAN
T.P 2022-2023

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON

Bilang Madali Katamtaman Mahirap Kinala-


ng (60%) (30%) (10%) lagyan
Araw Pag-alala, Pag-aanalisa, Paglalapat,
Kasanayan Pag-eebalweyt
Pag-unawa Paglikha

Nakapagpapakita ng pananalig sa Diyos 1-25


5 15 7 3

Kabuuan 5 15 7 3 25

Address : Orchid St., Sitio Dalig I, Brgy. Dalig, Antipolo City


School FB Page : DepEd Tayo Dalig ES – Antipolo City
Email Address : 109324@deped.gov.ph
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA ESP 3
IKAAPAT NA MARKAHAN
T.P 2022-2023

Pangalan: _________________________________________________ Iskor: __________


Baitang at Pangkat: ________________________________________ Petsa: _________

Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat ang TAMA kung nagpapakita ito ng
pananalig sa Diyos at MALI naman kung hindi.

________1. Nasira ng bagyo ang pananim ninyo kaya’t nawalan na kayo ng


pag-asang makabangon pang muli.
________2. Sama-samang nagsisimba ang iyong pamilya.
________3. Anomang pagsubok ang dumating sa iyong buhay naniniwala kang
hindi ka pababayaan ng Diyos.
________4. Sabay sabay na nagdarasal ang inyong pamilya bago matulog o
kumain.
________5. Naniniwala lamang sa sariling kakayahan, paniniwala at hindi
kailanman kinikilala ang tulong ng Diyos.
________6. Ang pananalig sa Diyos ay isang mabuting pag-uugali.
________7. Madalas na nananalig si Berto na manalo sa isang patimpalak sa
pagbigkas. Sa halip na siya ay mag-ensayo kasama ang kaniyang
guro ay lumiliban siya upang maglaro ng mga computer games.
________8. Magkakaroon ng katuparan ang ating mga ipinapanalangin sa
Diyos kahit wala tayong gawin upang ito ay mangyari.
________9. Ang pananalig sa Diyos ay maipakikita sa ating pagdarasal.
________10. Dapat na mapalakas natin ang ating pananalig sa Diyos kahit
minsan ay di nagkakaroon ng katuparan ang ating mga hinihiling sa
Kaniya.
________11. Patuloy na makipagkuwentuhan habang nagmimisa ang pari sa
loob ng simbahan.
________12. Kapag nakita ang isang matandang naglalakad nang paluhod ay
huwag pagtatawanan.
________13. Kumbinsihin ang kaklaseng Muslim na kumain ng dinuguan kasi
masarap ito.
________14. Sumama palagi sa prusisyon.
________15. Kapag niyaya ka ng isang Iglesia ni Cristo sa kanilang simbahan,
tumahimik lang at igalang ang kanilang paniniwala.

Panuto: Basahin ang mga salita sa loob ng kahon. Lagyan ng (/) kung ito ay nagpapakita ng
pananalig sa Diyos at (x) kung hindi.

______16. Manalangin ______19. Magtiwala

Mawalan ng pag- Lakasan ang loob


asa
______17. ______20.

______18. Mangamba ______21. Magtakot

_______22. Magpasalamat

Panuto: Bigyan ng karugtong ang nasabing pangyayari upang maipakita ang pagkakaroon ng
pag-asa.

23. Nagkaroon kayo ng pagsusulit sa inyong klase at mababa ang iyong nakuhang marka. Upang
di na bumaba pa ito ang gagawin ko ay
____________________________________________________________________________.

24.Nahihirapang magbasa ang iyong katabi. Tuwing uwian makikita mo siya palagi sa
___________________________________________________________________.

25. Natalo ka sa paligsahan sa pag-awit. Tinukso ka ng iyong mga kamag-aral, kaya ang ginawa
mo ay ____________________________________________________.

_________________________________________________
Lagda ng magulang o tagapag-alaga sa ibabaw ng pangalan

You might also like