You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education

IKATLONG MARKAHAN
IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 3

PANGALAN: ________________________________________________ MARKA: ___________________


BAITANG& PANGKAT: _______________________________________ GURO: ______________________
Panuto: I. Basahin ang mga sumusunod na mga talata. Isulat ang titik na may angkop na
pangunahing kaisipan.
A. Ang ating ngipin ay mahalaga kaya dapat natin itong ingatan at alagaan.
B. Magiliw sa pagtanggap sa panauhin ang mga Pilipino.
C. Malaki ang naitutulong ng paglalaro sa tao.
D. Ang sampaguita ay paborito kong bulaklak dahil ito ay mabango.
E. Mabuting gawi ang pagiging malinis sa katawan.
F. Mabait at magalang na bata si Carol
______1. Ang mga Pilipino ay kinilala sa kahusayan sa pagtanggap ng panauhin. Magiliw at lagi
silang may masiglang ngiti sa pagsalubong sa mga bagong kakilala.
______2. Ang pagiging malinis sa katawan sa lahat ng oras ay isang mabuting gawi. Ang batang
malinis ay magandang tignan. Ang araw-araw na paliligo at pagpapalit ng malinis na
damit ay nakakatulong ng malaki.
______3. Malaki ang naitutulong ng paglalaro sa tao. Lumalakas ang katawan, sumisigla ang isip,
nahuhubog sa disiplina, nalilinang sa katauhan ang diwa ng kumpetisyon, natuturuan ng
tinatawag na sportsmanship at natututong magtiwala sa sarili.
______4. Ang sampaguita ay mabangong bulaklak. Gustong-gusto ko ang amoy nito. Tuwing
Linggo ay bumibili nito ang nanay ko sa labas ng simbahan. Ang sampaguita ay paborito
kong bulaklak.
______5. Ang ngipin ay dapat mapangalagaan. Maganda itong tignan kung ito ay mapuputi.
Mabango ang hininga kung walang sira ang ngipin. Walang sasakit o walang masisirang
ngipin kung magsisipilyo tatlong beses sa isang araw.
______6. Isang mabait na bata si Carol. Magalang siyang makipag-usap sa mga tao. Sinusunod
niya ang mga payo ng kanyang magulang at guro. Siya ay tumutulong sa mga gawaing
bahay at mga gawin sa paaralan.
II. Tukuyin kung ano ang inilalarawan sa bawat talata. Isulat ang titik ng tamang sagot
______7. Tawag sa mensahe na napapaloob sa larawan o sa isang sanaysay. Sinasabi nito kung
ano ang ibig sabihin ng mga pangungusap o maikling kuwento.
A. Paglalahad B. Paglalarawan
C. Pangunahing Kaisipan D. Pangangatwiran
______8. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag na naglalayong linawin ang isang ideya o
konsepto, bagay, o kaisipan na lubos na mauunawaan ng nakikinig o bumabasa.
A. Paglalahad B. Paglalarawan
C. Pangagatwiran D. Pangunahing Kaisipan
______9. Ang pamamaraang ito ay kadalasang nakabatay sa pandama ng tao sa paningin,
pang-amoy, panlasa, pandama, at pandinig.
A. Paglalahad B. Paglalarawan
C. Pangunahing Kaisipan D. Pangangatwiran
______10. Tumutukoy sa pangunahin o sumusuportang ideya ng isang akda o sulatin, laging
kailangan na may sapat na ebidensiya o katibayan.
A. Paglalahad B. Paglalarawan
C. Pangagatwiran D. Pangunahing Kaisipan
III. Tukuyin ang salitang hinuha sa bawat pangungusap.
______11. Walang kasiguruhan kung kailan mawawala ang covid 19 sa ating bansa.
A. mawawala B. walang kasiguruhan
C. sa ating bansa D. kung kailan mawawala
______12. Namatay ang kanyang lola, marahil hindi na siya makakasama sa bakasyon.
A. marahil B. namatay
C. bakasyon D. lola
______13. Nag-aral ng mabuti si Maria, sigurado ako na siya ang mananalo sa Quiz Bee.
A. sigurado B. nag-aral
C. mananalo D. Si Maria
______14. Dahil natapos niya ang kanyang gawain ng maaga, baka payagan si Lito na maglaro
sa labas.
A. baka B. maglaro
C. dahil D. maaga
______15. Sa palagay ko ang mga lugar na nasa ECG ay mabibigyan ng sapat na ayuda mula sa
ating gobyerno.
A. sa palagay ko B. mabibigyan
C. nasa ECQ D. ating gobyerno
IV. Bilugan ang pang-ukol sa bawat pangungusap.
16. Ang mga sariwang prutas ay para kay Lola Nadya.
17. Ayon sa balita, isang tren ng MRT ang tumirik na naman.
18. Ang pulong na ito ay hinggil sa mga suliranin ng ating barangay.
19. Darating na si Tatay mula sa Hong Kong sa makalawa.
20 . Ang protestang ito ay laban sa pagtaas ng buwis.
V. Punan ng wastong pang-ukol upang mabuo ang pangungusap.
21. ________ Maria ba ang pinag-uusap ninyo. ( A. Tungkol kay B. Labag sa,)
22. ________ ordinansa ng Lungsod ang manigarilyo ( A. Mula sa B. Labag sa )
sa mga lugar na pampubliko.
23. Si Richard ang panganay na anak ________ ( A. para kay B. nina )
Imelda at Rolando.
24. Ang mga bulaklak na ito ay ________Ate Lorna ( A. ayon kay B. paray kay
25. Ang paghihiwalay ng mga basura ay ________ ( A. alinsundo sa B. tungo sa )
patakaran ng paaralan.

Sampaguita Village Elementary School


Address : Pitimini St. Brgy. Sampaguita, City of San Pedro, Laguna
Telephone No. : (02) 8519-3279
Email Address : sampaguitavillagees.108429@deped.gov.ph

Republic of the Philippines


Department of Education

Talaan ng Ispesipikasyon
Ikatlong Lagumang Pagsusulit sa Filipino 3
S. Y. 2020-2021

Bilang ng aytem
Bilang
Bahagdan
Layunin

Average
ng Kinalalagyan

Difficult
%

Total
Easy
araw

1. Makapagbibigay ng mga
sumusuportang kaisipan at
4 40% 9 3 1 10 1-10
pangunahing kaisipan ng
tekstong binasa.
2. Maibibigay ang sariling hinuha
bago, habang, at pagkatapos
mapakinggan ang teksto.
6 60% 9 5 1 15 11-25
Magagamit nang wasto ang
pang-ukol (laban sa, ayon sa,
para sa, ukol sa, at tungkol sa).
TOTAL 10 100% 15 8 2 25
(Ikatlong Markahan)

Prepared by:

RODALYN J. CULIAN
Teacher II

Checked by:
MARY ANN M. SAWALE
Teacher III

Sampaguita Village Elementary School


Address : Pitimini St. Brgy. Sampaguita, City of San Pedro, Laguna
Telephone No. : (02) 8519-3279
Email Address : sampaguitavillagees.108429@deped.gov.ph

KEY TO CORRECTION

1. B
2. E
3. C
4. D
5. A
6. F
7. C
8. A
9. B
10. C
11. B
12. A
13. A
14. A
15. A
16. para kay
17. ayon sa
18. hinggil sa
19. mula sa
20. laban sa
21. A
22. B
23. B
24. B
25. A

You might also like