You are on page 1of 12

Mga Batayang Legal Ng

Karapatang Pantao

Introduksiyon
Ang pagkakaroon ng karapatang panto ay nakabatay sa mga
ginagawang batas sa Pilipinas at sa mga pandaigdigan kasunduan.
Mula sa pagsilang ng isang indibidwal ay may karapatang dapat na
matatamasa na nakasulat sa ating batas upang magsilbing
sandigan natin kung sakaling hindi natatamasa ang ating mga
kaarapatan.

Ang mga pangunahing instrumenting legal ay ang Saligang-Batas


ng Pilipinas at ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang
Panto.
Mga Artikulo Sa Saligang-Batas ng Pilipinas Na Kumilala Sa
Karapatang Pantao

Ang karapatang pantao ng mga Pilipino ay maliwanag na


nakasulat sa Saligang-batas ng 1987. Ang mga karapatang
pantao ay nasa Bill of Rights (Art. III). Pagboto (Art.V).
Deklarasyon ng mga Prinsipyo at Pakaran ng mga Estado (Art.
II). Katarungang Panlipunan at Karapatang Pantao (Art. XII).
Edukasyon, Agham at Teknolohiya, Sining, Kultura at Isport
(Art.XIV).
Ang mga karapatang pantao na nasusulat sa Deklarasyon ng mga Prinsipyo at
patakaran ng Estado (Art. II ay ang mga sumusunod.

a. Pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao at pagpapanatili ng buong respeto sa


karapatang pantao.
b. Pagkilalasa karapatan ng pamilya at pagpapalakas ng pamilya.
c. Pagsulong at pagbibigay proteksyon sa pisikal moral, ispiritwal, intelektwal ay
panlipunang kapakanan ng mga kabataan.
d. Pantay-panty ng karapatan sa harap ng batas ng mga kabababihan at
kalalakihan.
e. Proteksyon sa karapatang pangkalusugan at balance at malinis na kapaligiran
ng tao.
f. Pagsulong ng kalayaan at pag-unlad ng tao. g. Pagkilala at pagsulong ng mga
karapatan ng mga pamayanan kultural.
h. Lahat ng mga Pilipino ay sakop ng batas na ito kayat dapat sundin ang mga
ito.
Ang Karapatang Sibil at Pulitikal Ng Mga Pilipino Ay Nasa Bill Of Rights (Art.II) tulad ng

a. Karapatang mabuhay, maging malaya at magkaroon ng mga ari-arian.


b. Karapatang sa makatarungan proseso at pantay na proteksyo ng batas. c. Karapatan
ng tao sa tamang pamamahal ng katarungan.

Ang katarungang panlipunan at karapatang pantao sa Art. XIII ay nagsusulong ng


karapatang panlipunan at pangkabuhayan ng bawat Pilipno. Obligasyon ng pamahalaang
Pilipinas na magbigay ng mga panlipunang serbisyo tulad ng edukasyon, kalusugan, at
paglilitis ng kaso upang ang mga taong walang pambayad ay matulungan ng libre ng
pamahalaan, Ito ay batay sa prisiyo ng panlipunang katarunga na ang mga taong
mahihirap ay dapat magbigayang proteksyon ng ating pamahalaan.
Ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao
(Universal Declaration of Humam Rights o UDHR)
Ang UDHR ay nabuo at nilagdaan noong 1948. Ang Pilipinas ay nakalagda
sa deklarsyong ito kaya tang instrumenting ito ay dapat ipayupad sa ating
bansa.
Binibigyang din ng Pandaidigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao na
lahat ng tao ay isinilang na malaya at may pantay-pantay na dignidad.
Itinakda nito ang pangunahing prinsipyo ng pagkakapantay-panty at
pagbabawal sa diskriminasyon upang matamasa ang karapatang pantao at
ng ang mga pangunahing kalayaan ng tao.
Ang Mga Sibil Na Probisyon Ng UDHR Ay Ang Mga Sumusunod:

a. Karapatang mabuhay, maging malaya at maging ligtas ng isang tao.


b. Kalayaan sa pagiging alipin at puwersahang pagtatrabaho o
paninilbihan.
c. Kalayaan laban sa pananakit at malupit, di-makatao at nakakababang
uri ng pagtrato at kaparusahan.
d. Pagkilala sa tao sa harap ng batas. Pantay na proteksyon sa harap ng
batas.
e. Epektibong paraan panghukuman laban sa paglabag sa karapatang
panto.
f. Kalayaan sa walang dahilan pag-aaresto, detesyon, at pagpapalayas sa
sariling bansa.
g. Pantay sa paglilitis at pagdinig pampubliko ng isang malaya at walang
kinikilang tribunal.
h. Pagpapalagay na walang kasalanan ang isang tao hanggat hindi
napapatunayang may sala.
i. Hindi dapat bigyan kaparusahan sa isang aksyon na hindi pa krimen
noong ito ay ginawa.
j. Kalayaan sa pakikialam sa pagiging isang pribadong indibidwal, pamilya
bahay at mga sulat.
k. Kalayaan sa pagpili ng lugar na tinitirahan at maging sa pag-alis sa
isang lugar.
l. Mag-asawa at magkaroon ng pamilya.
m. Magkaroon ng ari-arian.
Ang Mga Pulitikal Na Karapatan A:

a. Karapatan sa Asylum. Ito ay paghingi ng karapatang maging


mamamayan ng isang bansa kung sakaling ng isang tao ay napaalis sa
kanyang bansa dahil sa pagtutol sa pamahalaan.
b. Karapatang magkaroon ng nasyonalidad.
c. Kalayaan sa pag-iisip, konsensiya at relihiyon.
d. Kalayaan sa sariling opinyon at pagsasalita.
e. Kalayaan sa tahimik na asembliya at asosasyon.
f. Pagsali sa pamahalaan ng sariling bansa.
g. Pagkakaroon ng pantay na serbisyo publiko sa sariling bansa
Ang Mga Karapatan Sa Pangkabuhayan, Panlipunan At Pangkultura Ay
Ang Mga Sumusunod:

a. Karapatang sa panlipunang seguridad.


b. Karapatang magkaroon ng hanapbuhay at kalayaan sa pagpili ng
empleo.
c. Pantay na bayad sa pantay na paggawa.
d. Karampatang kabayaran sa trabaho ng nagbibigay respeto sa
pamumuhay na may dignidad.
e. Bumuo at sumali sa mga unyong pangkalakal.
f. Karapatang sa paghinga at paglilibang.
g. Maayos na pamumuhay upang maging malusog (kasama dito ng
karapatan sa pagkain, pananamit, pabahay at gamot.
h. Magkaroon ng seguridad sa panahon na walang hanapbuhay,
pagkakasakit, pagkakaroon ng kapansanan, pagkamatay ng asawa,
pagtanda at iba pang pagkakataong na wala sa kontrol ng tao.
i. Bigyan ng proteksyon ang mga ina at anak.
j. Karapatan sa edukasyon, Ang magulang ay may karapatang mamili
ng edukasyon ng kanilang anak.
k. Karapatan sa proteksyon sa moral at material na interes
nagreresulta sa pagiging may akda ng siyentipiko, literare at artitkong
produsyon.
MARAMING
SALAMAT

You might also like