You are on page 1of 2

CAS, ALECZIZ T.

12-SALEM
ANG ALAMAT NG BITUIN

Noong isang gabi ay may babaeng umiiyak na nagngangalang


Win, naliligaw at di alam kung san tutungo. Hanggang sa may

nakita siyang isang lalaking tumakbo at nagtago sa dilim. Nung

kanya itong nilapitan ay nagulat na lamang siya na ang kulay

nito ay itim. Nagulat ang lalaki at napasigaw. "WAG MO KO

HAHAWAKAN!" sambit nito. Mahigpit niyang pinagbawalan

ang babae na hawakan siya nito kung kaya't lumayo siya at

nagmakaawa na lang ito upang makahingi siya ng tulong sa

kanya dahil nga hindi niya mawari kung saan siya patutungo.

Pumayag ang lalaki na samahan si Win sa kanyang tatahaking

landas. Matagal ang kanilang lalakbayin at aabot ito ng buwan.

Kung kaya't mas napalapit sila sa isa't isa. Ngunit kahit pa

tumagal ang buwan ay hindi pa din nahahawakan ng babae

ang lalaki. Naging magkasintahan sila, at isang gabi ay

napatanong ang babae kung bakit ang kulay ng lalaki ay itim.

Nakwento ng lalaki na ipinatapon siya mula sa kalawakan dahil

sa kanyang mabigat na kasalanan. Tumakas kasi ito sa

kanilang lugar kung kaya't ang sumpa kapag ito'y humawak ng

kahit sinong tao tiyak mamatay ito.


Hanggang sa dumating ang araw na nakarating na sila sa

hinahanap na lugar ni Win. Nais ni win na yakapin niya ang

lalaki ngunit hindi niya ito magawa. Kaya nagpaalam na

lamang ang lalaki sa babae at nangako itong babalik kay Win

sa tamang panahon. Ngunit... Pagkalingon ng lalaki kay win ay

may aatake sa likod ng babae na para bang gusto siyang

patayin nito kung kaya't hinawakan ng lalaki si win para

makaiwas ito. Nung nakaiwas ito ay dun biglang lumiwanag

ang lalaki at bigla na lamang itong nawala. At napunta sa

langit. Dahil dito nangyari ang sumpa.


Dahil sa pangyayaring iyon nabuo ang alamat ng bituin.

Hinango siya sa pangalan ni Win, at sa totoong pangalan ng

lalaki na si Bit.

Ang aral dito ay magsakripisyo ka kung alam mong kakayanin

mo ang kapalit nito. Magmahal ng totoo, na kahit buhay mo


kaya mong ialay para lamang sa taong mahal mo. Gaya na

lamang ng pagmamahal sa atin ng ating panginoon.

You might also like